Pagkaalis ni Rowan ay saka ko lang napagtuunan ng pansin ang mga pictures na kinuha n’ya para gamitin ko sa gagawin kong cryptic post sa mga social media accounts ko. Napapasinghap ako at nag-iinit ang mga pisngi habang iniisa-isa ang mga pinasa n’yang pictures. Kahit na sa pisngi ko lang naman s’ya humalik ay lumabas na parang naghahalikan talaga kami dahil sa anggulo ng camera. Hindi rin kita ang mga mukha namin dahil sa sikat ng papalubog na araw. Napalunok ako at agad na naisip na gano’n pala ang ibig sabihin ng cryptic post para sa sitwasyon ko. Pumili ako ng isang picture at iyon ang pinost ko. I posted it with a caption that says: Remembering the first sunset we shared together. Nag-init ang pisngi ko dahil sa ka-kornihan ng caption na ginawa ko pero hindi naman ‘yon ang mahalaga