Scent

2886 Words
“Bring Ryan and Archie with you, Nath. That place is too crowded,” bilin ni Vaughan isang umaga habang kumakain kami ng breakfast dahil sa event na pupuntahan ko. Glamoure will be holding a mini fashion show in one of the malls in the countryside. Hindi naman ito ang unang beses na nangyari ito kaya tumango ako sa kanya. Noong nakaraan na nagpunta kami sa isang event sa probinsya ay may mga kasama kaming model celebrities kaya dinumog kami doon. And because I thought that the place was secluded, I didn’t expect that people would be eager to come and watch events like that. Kahit ako na hindi naman madalas makita sa TV ay hiningan nila ng autograph dahil inakalang isa ako sa mga artista doon, when in fact, I only went there to be one of the judges. “Why aren’t you answering?” tanong n’ya ulit na mukhang hindi nakita ang ginawa kong pag tango. “Did you forget that you had bruises and scratches in your arms after that event you attended in the province because people climbed up on stage and accidentally hit you?” kunot ang noong sermon n’ya pa. How can I forget that? Napangiwi ako nang maalala ang ginawa n’yang panenermon sa security ng Curved dahil doon. “I will. I’ll bring them, okay?” sabi ko at pinanood s’yang nagpunas ng bibig bago nakataas ang kilay na tumayo. “Call me when there will be any problem,” bilin n’ya pa at napatingin sa suot na relo. “I gotta go,” paalam n’ya. “Is your schedule full today?” tanong ko bago s’ya umalis. Naalala ko kasi ang text ni Euri kanina. Ayaw ko sanang sabihin sa kanya dahil mukha s’yang busy nitong mga nakaraan. “I’m probably out until seven. Why?” kunot noong tanong n’ya. Nagkibit balikat ako at tinitigan s’ya. “Nothing. Euri told me that her twin will come with her and watch the event. Baka sabihin mong hindi ko man lang sinabi sa’yo. But you seemed busy today so–” “7:00 PM is just my assumption, Nath. I can finish everything before 5:00 PM. Until what time is the event again?” mabilis na bawi n’ya sa sinabi kaya tumawa ako sa mabilis na pagbabago ng isip n’ya. Ngumuso s’ya para magpigil ng ngisi kaya lalo akong natawa. I thought I would be upset after I found out about the girl he likes. Pero eto ako at inenjoy na makita ang kakambal kong nababaliw sa isang babae. At hindi lang basta babae, magandang batang babae na sampung taon ang agwat ng edad sa kanya! “Crazy!” natatawang kantyaw ko kaya hindi na n’ya napigilang kumawala ang ngisi. “See you later then?” nakangising paalam n’ya na agad na humalakhak at mabilis na lumayo nang inambaan kong babatuhin ng tinidor. Naiiling na pinagpatuloy ko ang pagkain pero natigil din nang tumunog ang tawag ko para sa isang tawag galing kay Arabella. Agad na sinagot ko ang tawag n’ya at napatingin sa oras. Mamayang after lunch pa kami pupunta sa studio para sabay-sabay na pumunta sa event. “Hello–” “Nath!” mabilis na tawag n’ya sa akin nang sagutin ko ang tawag n’ya. Kumunot ang noo ko nang marinig ang urgency sa boses n’ya. “Can you try calling Sugar? I couldn’t reach her since last night,” sabi n’ya kaya napaayos na ako ng upo. “What happened?” tanong ko. She sighed heavily on the other line. “Hindi maganda ang kutob ko dahil kahapon na magkasama kami sa shoot ay namumugto ang mga mata n’ya. The makeup artist even had a hard time covering up her swollen eyes! I think, she broke up with her boyfriend,” tuloy-tuloy na paliwanag n’ya. Napamaang ako. Hindi naman si Sugar iyong tipo na iiyakan ang break up lalo at alam n’yang maaapektuhan ang trabaho n’ya. “Are you sure she doesn’t have any problem except for boys?” usisa ko. “I don’t think she will cry over a break up,” dagdag ko pa. Sa halos isang taon ay hindi kailanman pinakilala sa amin ni Sugar ang bagong boyfriend n’ya. At base din sa observations namin ni Ara ay on and off sila ng boyfriend n’ya dahil may mga pagkakataong moody si Sugar sa set. “I don’t think so. Kung tungkol sa family, uuwi lang ‘yon at saka magkukwento sa atin pagbalik,” sabi n’ya. Napatango ako dahil gano’n nga ang gawain ni Sugar kapag may problema sa pamilya. Bumuntonghininga ako at sinabihan si Ara na susubukan kong tawagan si Sugar bago ibinaba ang tawag. Mabilis na tinapos ko ang pagkain at habang pabalik sa kwarto ay sinubukan kong i-diall ang number ni Sugar. Ang akala ko ay hindi na s’ya sasagot pero pagkatapos ng limang ring ay sinagot n’ya ang tawag ko. “This is Sugar’s phone number, right?” tanong ko nang hindi makilala ang boses ng babaeng sumagot ng tawag ko. Ilang sandaling natahimik ang kabilang linya bago nagsalita ulit. “Hey, Nath! Is that you?” Kumunot ang noo ko nang masiglang bumati ang nasa kabilang linya pero hindi ko pa rin s’ya nabobosesan kaya hindi ako nakaimik kaagad. “This is Nancy! Magkasama kami ni Sugar. We had an early shoot that’s why I came over to her place to eat breakfast,” paliwanag n’ya kaya gano’n na lang ang relieved na naramdaman ko na malamang nasa bahay naman pala s’ya at maayos ang lagay. Nancy is one of the editors of Curved. Matagal na s’ya doon at isa sa mga nag-aassist sa akin noong bago pa ako at umiwas lang noong nalaman n’yang si Tara ang manager ko. “Oh… I see. Ara and I were worried because she couldn't reach her. Nasa bahay lang pala. I’m sorry, Nancy. Pakisabi na lang kay Sugar magkita na lang kami mamaya sa event. Thank you!” tuloy-tuloy na sabi ko at saka binaba ang tawag nang magpaalam na rin s’ya. Agad na nag-send ako ng message kay Ara at sinabing nasa bahay lang si Sugar kasama si Nancy. Papasok na sana ako sa banyo para makaligo ng maaga nang magbeep ang phone ko para sa isang text message galing kay Euri. Binasa ko muna ‘yon bago nagpatuloy sa pagpunta sa banyo. Eureka: Nath! Instead of going straight to the studio later, please go to Wesley High School. Rowan accidentally picked your dress when I asked him to pick mine. Nasa school pa s’ya at dala n’ya iyong dress. Mind if you can pick it yourself? May shoot pa kasi ako hanggang 1:00 PM. I’m really sorry!!! Umawang ang bibig ko nang mabasa ang message n’ya. What the hell? Okay lang naman sana kung hindi ko mismo sa Rowan na ‘yon kukuhanin kasi baka hindi lang ako makapagpigil at mapatulan ko ang pagiging suplado n’ya pag nagkataon! Umiiwas lang ako sa posibleng maging away namin! Natigil ang pag-iisip ko nang mag-beep ulit ang phone ko para sa isa na namang message galing kay Euri na ibinigay pa ang contact number ng Rowan na ‘yon. Napairap ako at saka nagreply na lang sa kanya. Me: Okay. I’ll just get it. See you later at the event. Ibinaba ko ang phone at napatingin sa oras. Maaga pa naman kaya naisip kong kuhanin na agad iyon sa kanya at mamaya na lang maligo kaya kinuha ko ulit ang phone ko at sinave ang number ni Rowan para mag-iwan ng message sa kanya. Me: This is Nathalie. Your sister told me that you have my dress. I’ll be there to pick it up in a bit. I’ll text you when I arrive at your school. Napatitig ako sa screen at hinintay ang reply n’ya pero mahigit kalahating oras na ang lumipas ay wala pa s’yang reply kaya inis na napairap ako at napatingin sa oras. Malapit ng mag 10:00 AM at dapat ay nasa studio na ako before mag 1:00 PM para sa call time bago pumunta sa event! Tatayo na sana ako para dumiretso na sa banyo para maligo nang biglang mag-beep ang phone ko para sa isang text message galing kay Rowan. Tumaas ang kilay ko at binasa ang reply n’ya. Rowan: I still have class. Don’t come here yet. Ilang beses pa akong napatitig sa phone ko nang mabasa ang reply n’ya at saka naglapat ang mga labi. “So? Kailan mo naman ako balak na papuntahin, aber?” bubulong-bulong na sabi ko habang nakatitig sa screen ng phone ko. Ni hindi man lang n’ya kinumpleto ang text n’ya at naglagay man lang sana ng oras para alam ko kung kailan ako pupunta! Gigil na ibinaba ko ang phone at saka iritadong naglakad papasok sa banyo para makaligo na ng maaga. “Pati ba naman sa pagtetext ay tipid na tipid pa rin!” inis na bulalas ko pa nang sa wakas ay makapasok sa shower room at agad na naligo. Inabot yata ako ng halos isang oras sa paliligo kaya nang makalabas ako sa shower room ay nakita kong umiilaw ang phone ko na tanda na mayroong missed calls at messages doon. Pinulot ko ang phone ko at binasa ang ilang text message galing sa isang co-model ko na nagtatanong kung saan ang exact venue dahil hindi makakasabay sa shuttle service. Mabilis na ni-replayan ko ‘yon at tiningnan ang isa pang message at nakita kong may message galing Rowan. Rowan: You can come now. Umikot ang mga mata ko nang mabasa ang message n’ya. Sinadya kong ‘wag na s’yang replyan at agad na nagbihis na para mapuntahan s’ya. I didn’t bother to dry my hair. Nagsuot lang ako ng isang black short maong shorts, white shirt at white sneakers bago tuluyang lumabas ng kwarto. Wesley High School was located at the back of the university that I attended to at hindi naman ‘yon kalayuan sa bahay kaya wala pang sampung minuto ay nandoon na ako sa tapat ng gate ng school nila. “Just wait for me here, Ryan…” paalam ko sa bodyguard ko bago ako bumaba sa sasakyan. “Sigurado ka, Ma’am? Maraming estudyante–” Hindi na n’ya natapos ang pagsasalita nang tuluyang bumaba na ako at sinenyasan s’yang maghintay doon bago ako lumapit sa guard at sinabing may kukuhanin lang ako sa loob. Ay dahil kilala ako ng guard ay pinapasok na n’ya ako. I stopped at the nearest building. Hindi ko alam kung anong year na s’ya kaya dito na ako naghintay sa building ng fourth year at saka nagsend ng message sa kanya. Me: I’m here at the lower ground of the Art and Science building. Where are you? Nang maibaba ko ang phone ay nagulat pa ako sa biglaang pagtikhim ng kung sino sa likuran ko kaya agad na napalingon ako doon at nakita ko si Rowan na nakasandal sa railings paakyat sa second floor! My eyes immediately went down to check on him. He looked really intimidating with his school uniform! Muntik ko pa s’yang hindi makilala dahil sa bagong hairstyle n’ya. I cleared my throat when I realized I was staring at him! That side swept undercut hairstyle suits him so damn well it’s really hard not to look at his face! “Why aren’t you saying anything? Did you come all the way here just to stare at me?” kunot ang noong sabi n’ya kaya hindi ko mapigilang umawang ang bibig! This boy is not only rude! He’s also arrogant and knows what he’s got! Nakakainis! Alam n’yang gwapo s’ya kaya hindi s’ya nahihiyang ipamukha iyon! “Where’s my dress?” tanong ko imbes na patulan ang sinabi n’ya. Tsaka lang s’ya gumalaw at nagsalita. “It’s in my locker. Do you expect me to roam around the school’s vicinity while carrying your dress?” pasupladong sagot n’ya pa bago tumalikod at sinabihan akong sumunod sa kanya! My lips pressed in too much frustration! Kung makapagsalita ang batang ito ay parang hindi sampung taon ang tanda ko sa kanya! I tried hard to calm down while walking behind him. Kahit ang paraan ng paglalakad n’ya ay halatang may kaarogantehan talagang taglay ang batang ito! I can’t help but glare at his back while we’re walking and passing to the next building. Nang pumasok kami sa building na ‘yon ay napagtanto kong third year pa lang s’ya. Pero kung makapagsalita ay akala mo college student na! Tsk! So arrogant! Sa kakaisip ko sa iritasyon ko sa kanya ay hindi ko na namalayang tumigil s’ya sa paglalakad at gulat na gulat ako nang biglaan s’yang pumihit paharap sa akin. Namilog ang mga mata ko nang humakbang pa s’ya palapit kaya napalunok ako habang tinitingala s’yang kunot ang noo habang nakatingin sa akin. “Why did you stop–” Hindi ko na natapos ang pagtatanong na gagawin ko sana nang maramdaman ang pagkabig n’ya sa katawan ko palapit sa katawan n’ya at ilang sandali lang ay nakasubsob na ang mukha ko sa dibdib n’ya. “Ano bang–” “Do you usually go to public places and barely show your face without thinking that people would recognize you?” tuloy-tuloy na sermon n’ya at naramdaman ko pa ang paglapat ng kaliwang kamay n’ya sa ulo ko at pagkabig pa lalo palapit sa dibdib n’ya. Tsaka ko lang na-realized na may mga grupo ng estudyante na dadaan sa corridor papunta sa locker room at mukhang nakuha ko ang atensyon nila dahil narinig ko ang pangalan ko. “It’s not her. Akala ko si Nathalie Montecarlo!” “May girlfriend na ba si Rowan Yu?” Napasinghap pa ako nang makarinig ng ilang tunog ng flash ng camera bago sila umalis malapit sa amin. Kumalas si Rowan sa pagkakayakap sa akin pero hindi ko na magawang salubungin ang tingin n’ya dahil sa sobrang kahihiyan! Mukhang mai-issue pa yata s’ya ng dahil sa akin! I bit my lower lip and looked up to him to apologize but couldn’t even utter anything because I felt his warm hand on mine! Hindi ko na nagawang magsalita nang hilahin na n’ya ako paakyat sa hagdan kung saan usually nakapwesto ang locker room sa bawat building. I also studied here kaya alam ko ang pasikot sikot dito. Nang nasa taas na kami ay mabilis ang mga hakbang na naglakad s’ya palapit sa pinakadulo ng locker at saka lang binitawan ang kamay ko at walang imik na binuksan ang locker n’ya. Napalunok ako at inisip kung ano ang sasabihin dahil parang bigla yata akong na-blangko sa kauna-unahang pagkakataon! “Uh… I don’t mind getting exposed–” Hindi ko na naman natapos ang sasabihin ko nang mabilis na isinuot n’ya sa akin ang isang kulay puting baseball cap at kasunod ay ang isang itim na mask. Namilog ang mga mata ko at magsasalita na sana pero narinig ko na ang medyo padabog na pagsasara n’ya sa locker n’ya kaya natahimik ako at hinintay ang susunod n’ya gagawin at sasabihin. Bumuntonghininga s’ya kaya nilahad ko ang kamay ko para kuhanin sa kanya ang paper bag kung saan nakalagay ang dress ko pero iniwas n’ya ‘yon at ibot ulit ang kamay ko. “Can you walk a little faster? You are getting too much attention from the students,” pasupladong utos n’ya habang malalaki ang mga hakbang na hinihila ang kamay ko patungo sa hagdan. Sinubukan kong bawiin ang kamay ko sa kanya pero humihigpit lang ang hawak n’ya at lalong bumibilis ang mga hakbang kaya nagpatuloy na lang ako sa pagsunod sa kanya. Come to think of it. I didn't even ask him to protect me. Ano naman kung makilala ako ng mga estudyante dito? Kayang-kaya ko namang pagbigyan kung hihiling sila ng pictures na kasama ako! Napairap ako nang nasa tapat na kami ng gate at kaagad na lumabas ang bodyguard kong si Ryan na mukhang hindi na nagulat na kasama ko si Rowan. Nakita ko pa nga s’yang bahagyang ngumiti kay Rowan kaya lalo akong napairap. Tuloy-tuloy ang ginawa n’yang paghila sa akin at s’ya pa mismo ang nagbukas sa pinto ng van at saka inalalayan pa ako sa pagsakay sa loob. Tinapon n’ya ang paper bag sa tabi ko at saka kunot ang noong sinara ang pinto. Napamaang ako at agad na inalis ang mask na suot at binuksan ang bintana para ibalik ang cap sa kanya. “Your cap–” “You can have that or throw it away if you want. I no longer use what others have used,” pasupladong sabi n’ya lang at nakita kong kumaway pa kay Ryan bago tumakbo pabalik sa school! Napatingin ako sa cap n’ya na hawak ko at inis na itinapon ‘yon sa tabi ng paper bag na pinaglagyan n’ya ng dress ko. Hindi talaga ako makapaniwalang napasunod na naman ako ng batang ‘yon sa kung anong gusto n’ya! “Annoying!” inis na bulong ko at humalukipkip. Narinig kong nagtanong si Ryan kung may sinasabi ako pero umiling lang ako at umirap bago binaling ang tingin sa labas ng bintana. Napasinghot ako at napahawak sa ilong ko dahil parang dumikit na doon ang amoy ng supladong Rowan na ‘yon! I immediately wiped the tip of my nose to lessen his scent on mine!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD