Halos hindi ako nakakain kahit na gutom na gutom ako pagkatapos ng nangyari sa pagitan namin ni Rowan. At natapos na ako at lahat sa pagkain ay hindi pa rin s’ya lumalabas sa kwarto kaya mabilis ang kilos na pumasok na rin ako sa kwarto at saka nagkulong doon. Kabang-kaba pa rin ako at nag-iinit ang mga pisngi sa tuwing maaalala ko ang ginawa namin kanina. Humiga ako sa kama at wala sa sariling napahawak sa mga labi ko. Hanggang ngayon ay nararamdaman ko pa rin ang mga labi n’ya doon kaya agad na napapikit ako dahil nag-iinit ng todo ang mga pisngi ko. Napabangon ako at mabilis ang ginawang paghuhubad ng mga damit at saka tumakbo sa shower room para makaligo. Hindi lang ang mga pisngi ko ang nag-iinit dahil pati ang katawan ko ay nag-iiba ang pakiramdam nang naalala ko ang naging epekto