Ang mga sinabi ni Rowan na bawal gawin sa exam ay inulit n’ya pa ng inulit bago sinimulang lapitan ako. Hindi ko alam kung dahil bagong ligo s’ya at medyo basa pa ang buhok n’ya kaya kakaiba ang dating n’ya ngayon o sadyang gwapo talaga s’ya at malakas ang dating kaya halos hindi ko maintindihan ang ibang mga sinabi n’ya dahil sa kakatitig sa mukha n'ya. My eyes focused on his face. Medyo namumula din ang dulo ng tenga n’ya dahil kanina n’ya pa hinahawakan habang nagpapaliwanag s’ya sa akin. Hindi ko alam kung kabado rin s’ya o sadyang naiilang lang dahil hindi naman normal ang gagawin naming ito! Bumaba ang tingin ko sa leeg n’ya at bumaba pa sa dibdib n’ya na exposed na exposed sa harapan ko dahil nakatanggal ang shirt na suot n’ya kanina at tanging ang khaki shorts lang ang natitira.