Paggising ko kinabukasan ay gutom na gutom na ako at kahit na hindi ko na i-check ang oras ay alam kong tanghali na dahil sa liwanag na tumatagos mula sa blinds. I stretched my arms and got up from bed. Inaantok na lumabas ako sa kwarto at naglakad papunta sa kitchen. Natigil lang ako sa paglapit doon nang makitang may paper bag na nakapatong sa table. Hindi ko na kailangang lapitan pa ‘yon para masigurong galing ang paper bag na ‘yon sa restaurant nina Rowan! He’s here?! Iyon agad ang nasa isip ko habang pumipihit pabalik para pumunta sa study room ni Vaughan para i-check kung nandoon nga si Rowan. Marami akong gustong itanong sa kanya pagkatapos ng naging pag-uusap namin kagabi pero hindi ko alam kung tama ba na itanong sa kanya agad ang tungkol sa bagay na ‘yon kahit napakaaga pa! A