Vaughan was right when he said that the place of the event would be crowded. Halos hindi matapos ang fashion show ng maayos dahil pilit na dumidikit ang mga tao sa walkway. Ang iba ay sumasampa pa sa stage platform na hindi naman gano’n kaluwang kaya masyadong nahahassle ang mga models.
“Miss Eureka! Pahingi naman po ng picture!”
Sabay kaming napalingon ni Anika nang may isang fan na nakapasok sa backstage. Nakatingin s’ya diretso sa gawi ni Anika at mabilis na lumapit kaya napatingin ako sa paligid dahil wala kaming kasamang security. Patapos na kasi ang event at kasalukuyang nagwra-wrap up ang ibang models sa labas.
“Ahm… hindi ako si Eureka. Nasa labas pa s’ya. Hintayin mo na lang siguro sa labas?” narinig kong sabi ni Anika sa lalaki na nakakunot ang noo sa kanya. Malamang ay hindi siguro nakuha ang sinabi n’ya dahil mukhang hindi aware na may kakambal si Euri.
“She’s her twin. Pasensya na, pero hindi kasi pwedeng pumasok ang fans dito,” paliwanag ko pero mukhang wala s’yang balak na magpapigil.
“Isang picture lang naman, Miss. Ang hirap kasing pumila sa harapan. Baka mamaya pa ako matapos!” pamimilit n’ya pa. Napatingin ako kay Anika na mukhang hindi rin alam ang gagawin kaya agad na kinuha ko ang phone ko para papasukin si Ryan dito sa backstage at magpatulong na paalisin ang lalake.
“Where are you? Come here at the backstage,” utos ko kay Ryan at saka ibinaba ang phone. Pagtingin ko sa lalaki ay nakita kong pasimple na n’yang kinukuhanan ng pictures si Anika na mukhang nagsisimula ng matakot kaya agad na hinila ko ang braso n’ya at saka itinago sa likuran ko. “I told you, Kuya… You can’t do that here,” sabi ko at agad na tinakpan ang mukha nang itinutok n’ya naman sa akin ang camera.
Nakita kong tumitingin pa rin s’ya kay Anika at pilit na tinatapat ang camera kaya sa inis ko ay hinawi ko ang braso n’ya kaya nahulog ang phone n’ya sa sahig. Napamura s’ya at iritadong pinulot ang phone.
“Ang dami namang arte! Para picture lang eh!” inis na sabi n’ya at saka humakbang na naman palapit sa gawi ni Anika. Haharangan ko na sana s’ya pero may humawi na ng kurtina sa likod n’ya at agad na bumungad sa harapan namin ang kakambal ko.
“Vaughan!” tawag ko pero ang mga mata n’ya ay agad na nakatutok na sa gawi ni Anika na mahigpit ang kapit sa braso ko. Kitang-kita ko ang pagkunot ng noo n’ya at inilang hakbang lang ang distansya namin at mabilis na hinawakan ang braso ni Anika at tinitigan bago umangat ang tingin sa akin.
“What’s happening here?” tanong n’ya na magkasalubong ang mga kilay. Napatingin ako sa lalaking nasa harapan namin na tuloy pa rin ang pagkuha ng picture kay Anika. Ilang sandali lang ay gumalaw si Vaughan at hinablot ang phone ng lalaki. “What the hell are you doing to her?” inis na tanong n’ya at tiningnan ang camera ng lalaki na naka-live pala at puro lalaki ang nanonood! “Son of a bïtch!” malakas na mura n’ya at binagsak ang phone ng lalaki at inapakan habang kinukwelyuhan ito. Sa tangkad ni Vaughan ay halos hindi na nakagalaw ang lalaki dahil sa sindak sa kanya.
Namilog ang mga mata ko nang makita ang galit sa mukha ni Vaughan at umambang sasapakin ang lalaki kaya agad na lumapit ako at pinigilan ang kamay n’ya.
“V-vaughan, calm down! He didn’t touch us. Calm down please!” sabi ko at hinawakan ang kamay n’yang nasa kwelyo ng lalaki. Gigil na kinagat n’ya ang ibabang labi at saka tinulak ng malakas ang lalaki at minura.
“I am going to fvcking take down your channel and I will make sure that you won’t be able to create another. Mark that, rotten bastard!” iritadong bulalas n’ya.
“B-boss! Sorry, Boss! Hindi na mauulit! Pasensya na, Boss–”
Lalapit pa sana ang lalaki sa kanya pero iritadong sinenyasan ni Vaughan na lumabas na.
“Get the hell out of here, bastard!” iritadong utos n’ya kaya nagkukumahog na lumabas ang lalaki at hindi na kinuha ang phone at mabilis ang kilos na lumabas. Agad na napatingin ako kay Vaughan na iritadong hinahawi ang buhok. Napalunok ako at namimilog ang mga mata na naglakad palapit sa kanya.
He’s freaking mad and he won’t stop until he vents out his frustrations!
“Vaughan–”
Napatili ako nang tadyakan n’ya ang monoblock chair sa tabi n’ya.
“Just where the hell is the security of your damn agency?” iritadong tanong n’ya at saka hinarap ako. “Didn’t I tell you to fvcking bring your bodyguards anywhere near you, Nath? Just when the hell are you going to listen? Kapag may masamang nangyari na sa’yo?” iritadong-iritadong sermon n’ya kaya hindi na ako nakapagsalita.
“L-lower your voice. People can hear you outside…” mahinang saway ni Anika kaya napatingin kami sa kanya. Vaughan didn’t talk. He just massaged the bridge of his nose and quietly left us. Nakita kong sumilip pa si Anika sa pinaglabasan ni Vaughan at saka ibinalik ang tingin sa akin. “I’m sorry. I didn’t mean to drive him away. Mukhang nagalit pa yata lalo ah…” she said apologetically. Hindi ko tuloy alam kung matatawa ako sa kainosentihan n’ya. She wasn’t even aware that she was able to calm my twin down!
Nang matapos ang event ay nagyaya pang magdinner si Vaughan kasama sina Euri. Umikot ang mga mata ko nang pasimpleng tingnan n’ya ako kaya tumango na lang ako. Nang makalabas na kami at papunta na kung saan naka-park ang mga sasakyan ay nagulat pa ako nang makita ang blue na SUV nina Euri kaya hindi na ako nagulat nang makita kong lumabas mula doon si Rowan. Nakasuot pa s’ya ng school uniform kaya alam kong dumiretso lang s’ya dito pagkagaling sa school.
“We’ll have dinner. Just follow us…” narinig ko pang bilin ni Vaughan kay Rowan bago kami sumakay sa sasakyan n’ya. Tumango lang si Rowan at nakita ko pang gumawi ang tingin n’ya sa akin kaya inirapan ko. Hindi ko pa rin makalimutan ang ginawa n’yang pagsusuplado sa akin kanina sa school nila kaya bahala s’ya kung anong iisipin n’ya.
“You planned this huh?” nakataas ang kilay na pang-aasar ko kay Vaughan nang makita kong pumasok ang sasakyan n’ya sa parking lot ng isang branch ng exclusive restaurant na ‘yon. Hindi naman pwedeng pumunta doon ng walang reservations kaya alam kong ginamitan na naman n’ya ng connections kaya s’ya nakapagbook dito within the day! Tumawa lang s’ya at saka nag-park na. Natanaw ko rin ang sinasakyan nina Ryan at Archie na nag-park sa tabi at ilang sandali lang ay nakita ko na ang blue SUV nina Euri. Umirap ako at bumaba na sa sasakyan bago sumunod kay Vaughan na sumenyas kay Rowan na sumunod sa amin.
Nang kumakain na ay panay ang usap nina Rowan at Vaughan. Kahit ayaw kong makinig ay hindi ko maiwasang hindi makinig dahil masyado s’yang matalinong magsalita. Kung hindi ko lang alam na hamak na mas bata pa s’ya kina Euri ay iisipin kong s’ya ang Kuya nila dahil bukod sa hindi naman s’ya mukhang mas bata dahil sa taas n’ya at paraan ng pakikipag-usap ay mukha rin talaga s’yang matanda kung kumilos. And it annoys me even more whenever I hear him calling Vaughan ‘Kuya’ while he was talking casually to me! Nakakainis!
At mas lalo akong nainis nang tusukin ni Vaughan ang natitirang lobsters sa side namin. Napatingin tuloy ako sa kabilang side ng table at nakita kong wala pang bawas ang lobsters sa tabi ni Rowan. Napalunok ako at napatingin sa plato n’ya na halos paubos na ang laman. Hinintay kong mabawasan n’ya muna ‘yon bago ako kukuha dahil ang pangit namang tingnan na ako ang unang babawas sa pagkain n’ya! Pero nang kumuha ulit s’ya ay hindi na naman s’ya bumawas sa lobsters na nasa gilid n’ya.
Hindi n’ya ba ‘yon nakikita? Imposible!
Pasimpleng kumuha ako ng ulam sa gitna at sinadyang igitna ang lobsters at itapat sa plato n’ya para siguradong makikita n’ya ‘yon pero paubos na ulit ang nasa plato n’ya ay hindi n’ya pa rin ginagalaw ‘yon! Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nasalubong n’ya ang tingin ko kaya agad na ibinaling ko ang tingin kay Euri na nasa tabi n’ya.
Bumuntonghininga ako at nagpatuloy na lang sa pagkain. Maya-maya ay nakita kong hinawakan n’ya ang lalagyan ng lobsters kaya napatingin ako doon at hinintay s’yang kumuha pero inilapit n’ya lang ‘yon sa harapan ng plato ko kaya nag-angat ako ng tingin sa kanya pero iniiwas na n’ya ang tingin sa akin.
“Rowan is allergic to lobsters,” narinig kong sabi ni Euri na mukhang nakita ang ginawa n’yang pagtulak ng lalagyan ng lobsters sa gawi ko.
“Oh… I see…” iyon lang ang tanging nasambit ko at saka kumuha na sa lobsters n’ya na wala pang kabawas bawas. Nang mag-angat ako ng tingin sa gawi ni Rowan ay nakayuko lang s’ya sa plato n’ya kaya nagkibit balikat ako at saka nakangiting inubos ang laman no’n. I was about to put the last piece of meat in my mouth when I caught Rowan’s gaze. Hindi ko tuloy naituloy ang pagsubo dahil bigla akong nailang sa titig n’ya. Ilang sandali pang tumagal ang titig n’ya bago n’ya muling ibinaling ang tingin sa plato n’ya kaya doon ko lang naituloy ang pagkain. Nang mag-angat ulit ako ng tingin sa kanya ay nahuli ko na naman ang tingin n’ya bago muling ibinaling ang tingin sa sariling pagkain.
Ano bang tinitingin tingin n’ya? Iniisip n’ya bang ang takaw ko dahil inubos ko pati ang lobsters n’ya? Well, I don’t care! I did not even eat properly during lunch because I consumed most of my time going to his school!
Nang matapos kaming kumain ay naunang maglakad palabas sina Vaughan at Euri at nagtatawanan. Nasa unahan ko si Anika na nakikinig sa usapan nila. Nagpatuloy ako sa paglalakad at napatingin sa gilid ko nang mabunggo ng kung sino ang kaliwang kamay ko. Nang mag-angat ako ng tingin ay nasalubong ko ang tingin ni Rowan kaya agad na dumistansya ako sa kanya at saka itinuon ang tingin sa harapan. Napatigil lang ako sa paghakbang nang maramdaman ang paghawak n’ya sa kamay ko kaya namimilog ang mga matang hinarap ko s’ya.
“You have dirt on the side of your lips,” sabi n’ya kaya napasinghap ako at napatingin sa panyo na inilagay n’ya sa kamay ko. Napakurap-kurap ako at agad na pinunasan ang magkabilang gilid ng labi ko. Nagpatuloy s’ya sa paglalakad kaya dahan-dahang sumunod na rin ako.
Napatigil ulit ako sa paglalakad nang muling huminto s’ya at hinarap ulit ako kaya natulala ako sa mukha n’ya at hindi kinaya ang titig n’ya sa akin.
“Ah… your handkerchief. I’ll wash it and… oh–” agad na napatigil ako sa pagsasalita nang maalala ang sinabi n’ya kanina nang sinubukan kong ibalik ang cap n’ya. Napaismid ako. “I guess you also don’t need this anymore so I will just throw it away–”
Napatigil ako sa pagsasalita at nagulat nang bawiin n’ya sa akin ang panyo n’ya. Umawang ang bibig ko at inisip na nadumihan ko na ‘yon kaya bakit n’ya binabawi kaagad?!
“Not this handkerchief,” sabi n’ya at inirapan ako bago tumalikod at nagpatuloy sa paglalakad!
Wala akong nagawa kundi irapan ang likod n’ya at nagpatuloy na sa paglalakad palapit sa kotse ni Vaughan.