After that exam, I never heard of anything from Rowan. Hindi s’ya tumatawag at hindi rin nagtetext sa akin pero tuloy-tuloy ang pagpapadala n’ya ng pagkain sa penthouse. Kaya sa tuwing may magdedeliver ng pagkain na panigurado ay staff ng restaurant nila ay natutukso akong magtanong kung araw-araw bang itinatawag ni Rowan ‘yon o isahang utos lang ang ginawa n’ya. At sa mga araw na hindi ko s’ya nakikita at hindi nakakausap man lang kahit sa text ay parang mas lumalala ang pagkainip ko dito sa penthouse. At ngayon nga na huling araw na ng bakasyon ko dito sa penthouse ay parang mas lalong nakakainip. Kung pwede lang na hilahin na ang oras para maging hapon na para masundo na ako dito ni Ryan para mag biyahe papunta sa resort ay ginawa ko na! Dalawang gabi kaming mag-istay sa Coastline Ba