When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Mabilis na bumalik ang ina sa screen at hinarangan ang ama. Aangal pa sana ito pero mukhang naubusan ng English kaya tinikom na lamang ang bibig. "I am happy that you finally meet your family," anito ngunit mababakas naman ang lungkot sa mukha nito. "Inay naman, akala ko ba ay happy ka? Eh, bakit malungkot ka naman?" malungkot na saad rito. Doon ay pinilit nitong ngumiti. "Masaya ako, anak para sa'yo," giit nito. "Inay naman eh," aniya na naiiyak ngunit bago pa man tuluyang maiyak ay naalala ang sinabi ng kaniyang Mama at Papa na gusto nila ang mga itong makilala. "Totoo iyon, anak. Sa totoo ay medyo nalungkot ako pero kalaunan ay naisip namin ng Itay mo na mainam na rin malaman mo ang katotohanan. Matagal din naming kinimkim at itinago ito kaya tila nabunutan ako ng tinik sa dibdib.