When you visit our website, if you give your consent, we will use cookies to allow us to collect data for aggregated statistics to improve our service and remember your choice for future visits. Cookie Policy & Privacy Policy
Dear Reader, we use the permissions associated with cookies to keep our website running smoothly and to provide you with personalized content that better meets your needs and ensure the best reading experience. At any time, you can change your permissions for the cookie settings below.
If you would like to learn more about our Cookie, you can click on Privacy Policy.
Hindi siya magkandatuto sa pag-aayos sa sarili. Mabilis siyang nag-toothbrush at naghilamos. Nilagay pa ang palad sa harapan saka bumuga upang maamoy kung may bad breath siya. Nangingiti at kinikilig na sinipat ang mukha sa itaas ng lababo kung nasaan siya. Nanlaki ang mata ng makita ang mukha gawa ng sabog-sabog na buhok. 'Messy is sexy,' aniya sa isipan ngunit nang makita ang mukha gawa ng magulong buhok ay napangiwi siya. Baka kasi imbes na isipin ni Zeus na seksi siya ay masabihan pang baluga dahil parang sinabunutan ng sampung amazona ang buhok. Kinikilig na lumabas sa kaniyang banyo. Napuno ang excitement sa dibdib sa alalahaning manliligaw sa kaniya ang boss. Mabilis niyang tinungo ang kaniyang closet at wala siyang kamalay-malay na naroroon pa rin si Althea at pinagmamasdan siya.