Kinabukasan ay tanghali na nagising si Kikay. Nahikab pa siyang lumabas ng silid at tinungo ang kanilang lababo upang nagmumog. Habang ang ina at abala sa paglilinis ng bawang na gagamitin nito sa isasangag nitong kanin. Nagmumumog na siya nang mapadako ang mata sa maliit na bintana nila sa itaas ng lababo nila at nakita sa likod bahay nila sina Zeus at ang kaniyang tatay.
Halos maibuga ang tubig sa bibig nang makita ang ginagawa ng dalawa. Nakitang abala ang amo sa pagsisibak ng panggatong ang ama naman ay minamanduhan ito habang himas-himas nito ang manok nito. Agad na tinapos ang pagmumumog at agad na pinuntahan ang mga ito.
"Itay! Ano bang pinaggagawa mo sa kaniya?" gagad na tanong rito.
Napatawa ang itay niya. "Oh, anak, bumalik ka na muna at magbihis. Masipag pala itong amo mo eh," dagdag pa nito.
Agad siyang napatingin sa sarili at nakitang aninag pala ang katawan. Nanlalaki ang matang bumalik sa loob ng bahay nila. Halos magkandadapa na siya dahil sa hiya sa amo.
"Ano ka ba Kikay? Nakakahiya ka talaga!" sermon sa sarili pero napangiti rin nang maaalala ang reaksyon ni Zeus nang makita siya nito. Napatigil kasi ito at napatulala sa kaniya.
Hindi alam ni Zeus kung ano ang nararamdaman sa sandaling iyon, kung naiinitan ba siya dahil sa sikat ng araw na tumatama sa kaniya o dahil kay Kikay. Kitang-kita kasi niya ang kabuuhan ng katawan nito dahil sa sinag ng araw na tumama rito.
"Oh, hijo, kapag tapos ka na ay pag-igipan mo na ng tubig si Kikay. Tiyak na maliligo na iyon mamaya," utos ni Mang Karyo na nagpabalik sa kaniya.
"Ah, hmmmm! O-okay po," turan na lamang.
"Hoy, Karyo, amo iyan ng anak natin at hindi mo utusan!" malakas na sigaw ng asawa nito. "Pumasok na muna kayo at makapag-almusal. Nasa hapag na si Kikay," dagdag pa nito.
"Narinig mo iyon, hijo? Almusal daw muna tayo. Pasensiya ka na sa asawa ko. Ganyan iyang maglambing, pasigaw!" anito na natatawa. Binitawan nito ang manok na himas at pumasok na. Sumunod naman siya at nakitang naroroon na ang mag-anak.
"Maghugas ka na muna ng kamay, hijo," saad ng ginang sa kaniya. Nakitang nakatingin lang si Kikay sa kaniya at nang mapansin nitong hindi pa siya natungo sa lababo nila ay tumayo ito.
"Pasensiya na po. 'Di pa kasi naabutan ng patubig ni Mayor kaya de tabo pa po tayo," aniya saka ginaya ito sa lababo at sinahuran ng tubig. Nakitang nakangiti pa si Kikay. Mukhang maganda ang gising nito.
"Mukhang maganda ang gising natin ah, dahil ba iyan sa date ninyo ni Segundo, este pagkikita ninyo ni Segundo?" turan dito.
Napalis ang ngiti sa labi ni Kikay sa narinig na biro ng lalaki kaya imbes na ibuhos sa sinabon nitong kamay ang sinahod na tubig ay winisikan na lamang ito sa mukha.
"Hey!" angal nito.
"Sige at ibubuhos ko ito sa'yo. Kapag nagbiro pwede ba iyong hindi ako bagong gising," turan dito.
"Mamayang gabi na lang para bago ka matulog. Baka mapanaginipan mo pa," saad pa nito na nang-aasar pa rin.
"Sige, hirit ka pa at baka pati timba ay isaboy ko sa'yo," inis na turan ni Kikay. Tawa na lang nang tawa si Zeus. Natigil niya lang ng mapansing nanonood pala ang magulang ni Kikay sa kanina.
"Oh, tama na iyan, aba! Pati kami magugutom sa pinagggagawa ninyo," awat ng ina ni Kikay.
Agad silang natigilan at kapwa napatingin sa may mesa. Doon ay nahiya sila.
"Oh, siya, dali na at makapag-igip na itong si Zeus ng panliligo mo, Kikay. May date este mag-uusap pa kayo ni Segundo," sabad naman ng amang sumegundo sa pag-aalaska sa kaniya.
"Itaaaaaayyy!" angal rito. Paglingon kay Zeus ay kuntodo ngisi ito. "Kasalanan mo ito eh," bulong dito. "Hugasan mo kamay mong mag-isa mo!" buwisit na iniwan ito at bumalik sa mesa.
Napapangiti na lamang si Zeus. Masaya mamuhay ng kahit simple lang. Walang hassle at walang problema. Simpleng pamumuhay at simpleng problema lang din gaya ng kung ano ang uulamin sa susunod.
Nang nasa hapag na silang lahat ay nagsimula na silang kumain. Biglang tumahimik ang lahat nang makaranig sila ng may humintong tricycle. Alam na nila kung sino ang may ari noon. "Tao po, Tatay Karyo?" maya-maya ay tinig na nga ni Segundo.
Mabilis na tumayo ang kaniyang itay upang pagbuksan ito ng pintuhan. "Aba! Ang aga mo naman, Segundo. Halika at suluhan mo muna kami sa aming umagahan," yaya pa ng itay niya sa lalaki.
"Naku! Talaga pong inagahan ko Tatay Karyo para naman mabango pa ako bago ako bumiyahe," ang nakangiting turan ng lalaki.
"Ganoon ba eh, sige, halika muna at makapag-almusal na rin," yaya pa rin ng ama rito.
Ilang sandali ay kasama na nga ng itay niya ang lalaki at papalapit na sa kanila. "Magandang umaga po Nanay Lumen. Sa'yo din, Kikay" anito at talagang sinadyang hindi batiin si Zeus.
"Oh, maupo ka na Segundo at ipagsasandok kita. Buti naman ay humupa na ang kalasingan mo kagabi," banat naman ng ina na straight forward talaga ng salita. Napakamot na lamang ito ng ulo.
Nakamata lamang si Zeus sa lalaki at tinitignan ito. Well, mukhang masunurin at mabait naman at mukhang mahal na mahal nito si Kikay. Wala namang lalaking magpupursige kung hindi nito gusto talaga. Nasa kalagitnaan siya nang pag-oobserba kay Segundo nang marinig niyang mag-ring ang cellphone niya.
"Oh, hijo mukhang may natawag sa'yo," turan ng ina ni Kikay at doon ay napansin nga ang pagtunog noon. Agad na kinuha at nakitang si Xian iyon. Himala at maaga itong nagising.
Tumayo siya at napunta sa bandang sala at naiwan ang mag-anak kasama ang bagong dating na lalaki.
"Hello, Bro," bungad agad ni Xian.
"Hello? Tatawagan kita sana mamaya pero since tumawag ka—" outol na turan.
"Yeah, I was calling you last night. Mukhang masyado kang abala diyan? Kasama mo ba siya?" anito tukay kay Kikay.
"Yup, ano tuloy ba tayo mamaya?" tanong naman rito.
"Wala si Panyang ngayon kasi umuwi dahil may problema raw sa ampon niya," anito.
"Ampon?" kunot-noong tanong dito.
"Yup!" nakatawang sabad pa ng kaibigan. "Well, 'di naman talaga inampon. Nakikitira lang sa kaniya," bawi nito.
"Okay," tugon sabay lingon sa kinaroroonan ng mag-anak. Nakitang mukhang masaya ang mga ito at nakitang nakikipagharutan pa ang lalaki sa mag-anak.
"Mukhang masasaya ang mga kasama mo diyan ah," punta ng kaibigan.
"Yeah, mga magulang ni Kikay at nandito ang manliligaw niya," hindi mapigilang mainis sa huling sinabi.
Natawa ang kaibigan. "Are you jealous?" natawang-tawang tanong nito.
Isang saglit ay natigilan siya. Is he jealous?
"Hindi ah, nakakabuwisit lang kasi. Alam mo bang pumunta pa rito kagabi at lasing na lasing. Gusto pa yatang mag-amok ng away," aniya sa mahinang tinig para hindi marinig ng mga ito.
Mas lalong tumawa si Xian dahilan para mairita rin dito. "Bro, I know that feeling," anito.
"What do you mean?" kunot-noong turan dito.
"I mean, you're jealous. Ganyan din ako noon kay Panyang, hindi ko alam na nahuhulog na pala ako sa kaniya. By the way, mauna na kayo sa Pampanga. Pupuntahan ko muna siya sa kanila," ani ng kaibigan saka nagpaalam ito. Wala na ito sa linya pero nakamaang pa rin siya.
"I'm not jelous," bulong sa sarili saka binaba ang cellphone niya.
"No, you're not jealous, Sir. You just need to drink your medicine," bulong naman ng tinig sa kaniyang likuran. Hindi na niya kailangang tignan pa para malaman kung sino iyon.
"Kikay!" gulat kunong turan.
"Yes, it's me, the one and only Kikay. Kaya, inumin mo na ito bago ka mag-ala dragon," aniya rito na ngiting-ngiti.
"May narinig ka pa ba? Kanina ka pa ba diyan?" sunod-sunod na turan rito.
Natawa si Kikay sa hitsura ng amo. Tila kasi nahuli sa aktong nagnanakaw ang hitsura nito.
"Wala po. Ano ba iyon? You're not jealous, kanino ka naman nagseselos?" diga pa nito.
"I think, got to drink my med," anito sabay alis.
"Aba! Walk out king ang peg," aniya saka napangiti ng maluwag. "Nagseselos ka pala ha?" aniya sabay tawa pero pinigil niya.
Pagbalik sa upuan nila ay nakitang wala pa roon si Zeus. Siguro ay pumasok sa silid nito at ininum ng gamot.
"Oh, akala ko ba ay kukuha ka ng tubig. Nasaan ang tubig?" saad ng ina ng bumalik siya.
"Ah, sorry po Inay, nakalimutan ko," aniya sabay kamot sa ulo.
"Bata ka, sige na at bago pa ako mabulunan. Oh, nasaan ang amo mo?" dagdag tanong pa nito.
"Nainom lang ng gamot niya. Kasi kapag hindi iyon nakakainom ng gamot. Nag-aala dragon," ngising saad sa ina.
"Talaga, nabuga ng apoy!" ani naman ng ina.
"'Di lang apoy Inay, impyerno!" aniya.
Maya-maya ay binatukan siya nito. "Aba'y pinaloloko mo na naman akong bata ka. Hala, kuhanan mo na ako ng tubig." Utos ng ina na mabilis niyang kinatalima.
Nang matapos sila sa pagkain ay naging abala si Kikay sa paghuhugas ng pinagkainan nila habang ang ina ay nagsimulang ayusin ang pinagtulugan nila. Hindi niya namalayan ang mga pinaggagawa ng ama sa labas ng bahay nila.
"Kayong dalawa, ako ay lalaki at kayo ay mga lalaki rin kaya alam kong gusto niyong dalawa ang Kikay namin. Ito, lalaki sa lalaki lang. Kung sino ang mananalo sa challenge na ito walang magkakaroon ng sakit ng loob kapag ito ang nagustuhan ni Kikay. Maliwanag ba? Ikaw, Segundo ayaw kong pumunta ka ulit rito at mambulabog!" anito sa lalaking katabi.
"Tatay Karyo mahal ko lang po talaga si Kikay," ang saad ng lalaki.
Ayaw man niyang makisali sa challenge na iyon ng ama ni Kikay ay wala siyang nagawa. Baka sabihin kasi nitong duwag siya.
"Nakikita ang punong ito. Tig-isa kayo. Kung sino ang unang makasibak ang isang buong puno na gawing panggatong ay siyang panalo!"
"Yes," gagad ni Segundo na parang sure na sure nang mananalo.
"Sa unang round," dagdag ng matanda.
"Unang round lang ba iyon? Ibig sabihin Tatay Karyo may second round pa?" gagad nito na tila nalaglag ang balikat.
"Alangan? Kapag may unang round eh, may pangalawa at pangatlo pa," anito.
"Oh, Pareng Karyo, mukhang may mga alipores ka ah," ang saad ng mamang halatang galing sa bukid.
"Oo, titignan ko saan tatagal ang nga ito.." nakangising saad ng matanda.
"Aba, magandang manood yata," ngisi rin ng kumpare nito na binaba ang kawayang nasa balikat nito.
"Malaki at matangkad ang kalaban mo Segundo pero kung eksperyinsyado ang pag-uusapan ay liyamadong-liyamado ka," bawi naman nito.
"May masasabi ka ba, hijo?" untag pa nito nang mapansin na hindi naimik si Zeus.
"Wala po," tipid na tugon.
"Good! Good!" anito at tinapik-tapik ang balikat niya. Hindi niya napigilang mapangiti dahil lumalabas din ang kakulitan ng matanda. Napapa-English pa ito.
"Bibilang ako ng tatlo. Ito na ang mga palakol. Basta ang una ay siyang panalo." Anito. "Isa.....dalawa....tatlo..."
Mabilisan silang nagputol at nagsibak. Bihasa si Segundo ngunit kanina ay naturuan na rin siya ng tatay ni Kikay kung ano ang tamang diskarte. Napangiti siya dahil sa isiping iyon, mukhang hinanda siya ng matanda bago sumabak sa giyera.
Mabilis ang naging galaw. Hanggang sa hindi namamalayan na dumarami na ang kapitbahay na nakikiusyo at lahat ay nag-cheer kay Segundo.
Matapos ng bente minutos ay natapos niya rin. Tagaktak ng pawis niya, tila galing siya sa gym. Tila nanlulumong umupo sa sinisibak nitong kahoy si Segundo. Hindi makapaniwalang natalo niya ito. Masyado kasi itong naging kampante na hindi siya makakasabay.
"Susunod ay igipan at dahil iisa ang poso ay may timer tayo," anito sabay labas sa isang timer na nakasabit sa leeg nito. Mukhang pinaghandaan ng matanda ang paligsahang iyon dahil mabili itong bumunot ng piso sa bulsa.
"Sa akin tao," masiglang saad ni Segundo na tila nabuhayan ulit ng pag-asa na maitatabla ang laro.
"May malaking drum sa banyo. Gusto ko ay punuin ninyo. Maging sa kusina," utos ng matanda.
"Ikaw ang mauuna," utos nito kay Segundo.
Mabilis na naghanda si Segundo. "Sampung minuto, ready get set go!" deretsong turan ng matanda.
Tila kabayong takbo si Segundo at maraming tubig ang nalabas mula sa poso. Puno agad iyon ay mabilis na pinasok sa banyo. Naka limang balde na ito ay puno na agad. Mabilis na pumasok sa tubig at sinalinan ang drum na pinaghuhugas ni Kikay.
"Salamat, Segundo," saad pa ni Kikay. "Oh, bakit hingal ka hingal ka?" saad pa sa lalaki pero hindi ito sumagot at patakbong lumabas.
"Anyare doon?" turan ng ina na may pagtataka.
"Go, Kuya Segundo. Fight! Fight! Fight!" sigaw ng ilang kabataang natutuwa sa napapanood.
Mabilis na pumasok ulit si Segundo bitbit ang balde. Napuno agad ang maliit na drum sa may batalan. Tapos takbo ulit ito.
"Taym it ap!" English pa ni Mang Karyo.
"Taym it ap pala ah!" ani ng tinig ng asawa nito sabay palo sa hawak nitong walis tambo sa matanda. "Ikaw talagang matanda ka, lulunurin mo ba ang bahay natin," anito. Sabay hambas sana ulit sa walis ngunit mabilis na kumaripas ng tumakbo si Mang Karyo.
Tawa nang tawa ang mga kapitbahay nilang nanonood sa mag-asawang naghahabulan. Nabigla si Kikay ng marinig ang sigawan ng tao sa labas jg bahay nila.
"Takbo, Tatay Karyo. Takbo, Mang Karyo!" cheers ng mga ito. Agad siyang lumabas at nakiusyoso at ganoon na lamang ang gulat ng makitang. Naghahabulan ang magulang niya.
"Inay, Itay! Tama na iyan," awat sa magulang. Hindi na talaga nagbago ang mga ito. Walang nagawa ang tatay niya kundi bugbog na naman sa inay niya.