"Bulaga!" malakas na turan ni Kikay sabay tanggal ng kumot ng aalagahan. Nabigla siya sa nabungaran. Hindi bata ang nasa kama kundi isang prinsipe. Isang mala-adonis na lalaki.
Mabilis na hinubad ang suot na maskara at nakitang napakunot ito ng noo. Hintakutang tumayo siya dahil sa marubdob na tingin sa kanya. "s**t, akala ko bata ang aalagahan ko," bulong sa sarili. "Damulag pala!" dagdag pa.
Gising na gising na ang diwa ni Zeus nang maramdaman ang pagpasok ng ina. Napansin niyang may kasama ito base sa tinig na naririnig. 'Hmmmm! Ano bagong papalayasin?' aniya sa isip.
Narinig na nagpaalam ang ina at maya-maya ay naramdaman ang paglapit ng kasama nito. Lalo pa nang umupo ito sa kaniyang ulunan. Nakiramdam lang siya nang biglang bulagahin siya ng isang babaeng nakamaskara pa. Napakunot ang noo niya. 'Isipin pa yatang bata ako nito ah,' inis na anang sa isip.
Nang unti-unting tanggalin ng babae ang maskara nito. Napasinghap siya. The girl is really an inch of beauty. She has the beauty you didn't ignore even she wears a simple cloth, yet she's adorable. Nakita niyang nahintakutan sa kanya.
"Who are you?!" malakas na tanong sa babae para mapagtakpan ang pagkakapahiya sa sarili. Matapos ng ginawa ni Alexis sa kanya ay wala ng puwang ang pag-ibig sa puso. "I said, who are you?" maigting na tanong.
"I'm K-Kathleen Saavedra but you can call me Kikay," nabubulol na turan. 'Syeet na malagkit. Tigre pa yata itong aalagahan ko,' aniya sa sarili.
"I am not asking what do I'm going to call you, get out in my room. I don't need you," malakas na turan nito. "Get out!" malakas na turan sabay turo sa pintuhan.
'Syeet, tigre ka ha, pwes leon ako. Leon!' aniya sa utak at nakapamaywang na lumapit sa lalaki.
"Hoy, ang laki-laki mong tao kung makaatungal ka d'yan parang abot hanggang Pinas. Nandito ako para alagahan ka, kaya sa ayaw sa gusto mo dito lang ako. Dito!" sabay upo sa kama nito. Natitigilan ang lalaki sa inasta niya.
"Hmmm! Hmmm!" tikhim ang punukaw sa nag-iinit na irapan nila. Nalingunan ang ginang sa may pintuhan. Nakangiti ito sa kanya.
"Mama, I don't like her. Hire others, I will be good, not her," sumamo sa ina. 'Aba't mamas boy pan tipaklong ka. Sumbungero!' aniya sa utak habang matalim ang titig sa lalaki.
Tumawa ang ginang. "I think Kathleen can tame your temper, my son. Sorry but I can not fire her," sagot ng ginang. Saka umalis ulit matapos sabihing kumain ang anak at uminom ng gamot.
Napangiti siya sa sinabi nito. Hindi naitago sa lalaki ang ngiting iyon ni Kikay, nalingunan niyang halos patayin na siya sa irap nito. "Kahit anong irap mo pa, hindi ako aalis," bulong niya.
"May sinasabi ka yata, Ms. Saavedra," sarkastikong turan sa kanya. Ngumiti siya kahit lukot na lukot ang mukha nito.
"Wala sabi ko ang pangit mo," aniya saka tumalikod at ngumiti.
Paalis na siya nang marinig ang baritonong tinig nito. "Akala ko ba'y hindi ka aalis?" anang ni Zeus. Napamura siya nang ma-realize ang sinabi. 'Ano ka ba, Zeus? Kagaya lang din 'yan ni Alexis,' anang ng utak. Hindi niya alam kung bakit sa unang tingin sa babae ay parang bumilis ang t***k ng puso.
"Sinong nagsabing aalis ako. Isasara ko lang ang pintuhan," aniya sa nakabukas na pintuhan.
Nalingunan niya ang matamang pag-uuri ng lalaki sa kanya. "Hoy nakakarami ka na ha! Kanina ka pa nakatingin sa akin. Alam kong maganda ako," lakas-loob na sambit sabay ng pagsilay ng ngiti. Nagitla si Zeus sa garapalang pagsasabi ng babaeng maganda ito. Kahit totoo pero masyado naman yatang bilib ito sa sarili.
Nakita ni Kikay na mukhang nagitla ang lalaki sa sinabi. "Joke lang! Huwag ka kasing tumingin ng ganyan. Baka mamatay ako sa talim ng titig mo," pasaring sa lalaki. Agad itong nagbawi ng paningin sa kanya.
"Bumangon ka na at maghilamos at toothbrush baka mapanis itong almusal mo! Kumain ka na," utos sa lalaki. Tumingin ulit ito sa kanya. Nagbabantang tingin din ang sinagot sa tingin nito nang tumalima at pumasok sa banyo.
Sa tuluyang bumangon ang lalaki ay naiwan ang kumot na nakatabing sa katawan nito. Sunod-sunod na lunok ang ginawa ni Kikay sa nasasaksihang katawan ng alaga este amo.
'Syeeeete! Ang laki ng sawa,' 'di mapigilang usal nang tumayo ang lalaki na naka-boxer short lamang.
Napalunok siya dahil kagigising lang ito at mukhang buhay pa ang alaga gawa ng tinatawag na morning arousal. "Kikay, hinahon. Hinahon, it's normal," hamig sa sarili. Maayos na nang bumalik ang lalaki nakabihis na rin ito ng damit pambahay.
Nakatingin lang ito sa kanya habang sinusubo ang pagkain nito. "Huwag kang aangal kundi ipapasak ko 'tong kutsara sa bibig mo," banta nang makitang aangal nang susubuhan niya ito. Para namang batang ibinuka ang bibig upang isubo ang pagkaing binibigay. "Kaya ko naman, ako na lang," rinig na tinig nito pero kinakarer ang pagsubo sa lalaki.
'Ayos ka rin naman pala eh, kailangan pang ala-leon din ako ha,' anang sa isip nang nasunod ang lalaki sa kanya. Hindi niya namalayan ang mabilisang pagsubo sa lalaki. Napaubo ito, hinagod niya ang likod nito.
"Ano ka ba hinay-hinay lang," himutok sa lalaki habang pinapainom ng tubig.
"Ikaw kaya diyan subo nang subo," balik na sagot ng lalaki.
"Eh bakit hindi ka naangal, nganga ka naman nang nganga," maktol niya.
"Sabi mo walang aangal," napapakamot na turan ng lalaki.
Hindi napigilang tumawa ang mga magulang ni Zeus na nakasilip sa may pintuhan.
"I like the girl, she can tame the temper of our son," anang ni Janeth sa asawang si Robert.
"Yeah, I think so," sagot naman ng Amerikano sa asawa habang nakikitang sumusunod ang anak sa sinasabi ng babae.
Hindi alam ni Zeus kung bakit sinusunod niya ang sinasabi at ginagawa ng babae. Hindi naman siya ganoon dati.
"s**t!" hindi napigilang bulalas. Dinig na dinig ni Kikay ang malutong na mura ng lalaki.
"Hoy, Mr. Sungit! Huwag na huwag mo akong mumurahin ah! Caregiver mo lang ako pero, I have rights," aniya sa lalaki.
Nagitla si Zeus sa sinabing iyon ng babae. Hindi napansing napabulalas siya dahil sa inis sa sarili. "Ikaw ba ang sinabihan ko noon?" turan dito.
Bumaling-baling ito ng tinignan kung may kasama.
"Sino pa nga ba eh, tayong dalawa lang naman dito?" sagot sa lalaki na nanlalaki ang mga mata.
Maya-maya ay binulabog sila ng mahihinang katok. "It's open," agad na wika ni Zeus. Nang pumasok mula rito ang isang Amerikana at isang cute na cute na bata.
"Uncle," masayang tinig nito saka tumakbo palapit sa Tito. Lumapit sa kanya ang babaeng Amerikana.
"You're the new caregiver of my brother, right?" nakangiting turan sa kanya.
"Yes Ma'am," magalang na sagot sa babae.
Nakita sa mukha nito ang maluwang na ngiti. Isang palakaibigang ngiti.
"Hi, I'm Kelly and that little boy is my son. I'm Zeus stepsister," imporma nito sabay lahad ang kamay upang makipagkamay. Ngumiti siya at tinanggap ang pakikipagkamay nito. "I just hope you're the one who could tame my brother's tantrums," anito saka pinaikot ang mata.
Umangal si Zeus sa sinabi ng kapatid. "Hey, I just don't want someone because I'm still capable of doing everything. You're just being exaggerated," sagot sa kapatid habang kalong ang pamangkin.
"Uncle, who is she? Is she the same as aunt Alexis?" inosenting tanong ng pamangkin sa kanya. Hindi niya napaghandaan ang tanong nito. Napalunok siya ng walang maapuhap na sasabihin.
"Jacob, she is your uncle's caregiver and forgets about Alexis," malumanay na wika ng kapatid sa anak nito.
Matamang nakatingin lang si Kikay sa mga ito nang biglang lumingon sa kanya ang lalaki. Nakipagtitigan dito, inarok. Mukhang may malungkot na pinagdadaanan ang boss to be niya.
'Sino si Alexis?' maang na tanong sa isipan. 'Hmmp! Girlfriend, asawa or ex na kaya ayaw nang banggitin pa ang pangalan,' dagdag pa sa isip nito.
"But why, I think she's nice. I like her," tinig ng paslit ang umagaw sa kaisipan.
Matuling lumipas ang linggo at hindi niya alam kung papaano niya natagalan ang kasungitan ng among si Zeus. Sabagay, kahit naman gustong mag-back out ay mahihirapan na siya dahil eroplano ang sasakyan niya pauwi.
Gayun pa man ay napagtiya-tiyagaan pa naman niya ito. Kahit panay ang irap nito sa kaniya kapag pinapainom ito ng gamot. Lalo na ngayong paalis ang mag-asawang Carlson patungong Europe kaya silang dalawa lang ang maiiwan sa bahay.
"Sorry, Kathleen but we have to travel. Anyways, Kelly is coming to be with you. So that you have something to talk too if Zeus not in the mood beside his husband is on travel also," mahabang paliwanag ni Ma'am Janeth sa kaniya.
"Call us if there's something wrong, young lady. We know our son, he became cruel this past few months but he wasn't hits anyone. Just be patient," anang naman ng asawa nito. "
"Yes, Sir," aniya bilang tugon.
Hindi nila napansin na nasa likuran pala nila ang lalaki.
"I'm not a kid, Mom, Dad. No need to ask her to take care of me. Look, I'm good," aniya sa magulang na napapangiwi sa sinasabi niya.
"Okay if you say so, but I'm warning you, Zeus. Stop acting like a kid. Alexis is not the only girl, so get a life and bring back the old Zeus I used to know 10 years ago," anang ng ama.
"Hmmm, mukhang masama ang tama ng lalaki sa Alexis na 'yon ah," aniya sa sarili nang makitang natitigilan pa rin ang lalaki 'pag binabanggit ang pangalan nito.
"Granny!" malakas na tinig ng isang paslit ang bumasag sa katahimikang namayani. Agad silang napalingon kay Jacob na papasok sa kabahayan. Yumakap siya sa dalawang matanda bilang pamamaalam. Nakita niya rin ang dala ng mga itong maleta.
"Okay, since Kelly is here already. We're going and please let this man take a rest and take his medicine on time," anang ng ama. "And Kathleen you have all the authorities to do something to tame his temper," dagdag pa ng ama nito. Napangisi siya sa sinabi nito.
'Pag sinusuwerte nga naman. Mukhang magiging boss pa ako nito ngayon ah. Tignan natin,' anang sa isip saka ngumisi. Isang ngisi na hindi nakaligtas sa matatalas na mata ng lalaki na sinagot naman ng mga irap.