Chapter 2:

1609 Words
"Yes! King! King! King!" malakas na sigaw ni Kikay habang nasa peryahan. Tripple king kasi ang lumabas sa hulog ng bola sa ace to king kung saan paborito niyang tayahan. Halos sumayaw-sayaw siya dahil sa king siya tumaya. 'Sayang kung alam ko lang tinodo ko na,' aniya sa sarili. "Hoy, Kikay! Umaariba ka na naman," anang ni Bertong bangkero ng peryahan. "Huwag ka ngang epal d'yan, Berto baka malasin ako sa pagmumukha mo," bara sa lalaking matagal nang nagpaparamdam sa kanya. Suki ba naman kasi siya sa peryahan, halos kilala na siya ng mga naroroon. "Sige na, Kikay gawin mo na akong king at gagawin kitang queen," hirit pa nito. Naiinis na siya kasi pati mga naroong naglalaro ay tinutudyo na sila. "Hmmmp! Makaalis na nga," inis na umalis sabay irap rito. Tuwang-tuwa siya dahil nanalo na naman siya. Ang perang isang daan na baon ay naging limang daan. Naalala niya ang in-apply-an niyang trabaho sa America. Wala pang sagot mula ngayon, magdadalawang buwan na mula nang ipadala ang mga papeles dito. Sabi kasi doon sa nakita niya sa internet ay caregiver daw tapos ang pinakagusto sa lahat ay may lahing Pinoy daw at least hindi siya mahihirapang mag-english. Baka laging duguhin ang utak kapag nagkataon. Pauwi na siya nang makita ang patayaan ng bito-bito sa kanto. Color games, ito ang pinakagusto sa lahat pero mahigpit na pinagbabawal. Napasilip siya, marami ang mataya kaya pilit siyang sumiksik at tumaya. Pinagsapalaran ang dalawang daan. "Isang tayaan lang. Lord sana manalo ako," dasal niya habang nilalagay ang taya sa red. Agad na naghulugan ng tatlong parisukat double red. "Yes!" malakas niyang turan na halos napalingon lahat sa kanya ang mga naroon. Una siyang binigyan ng panalo nang biglang dumating ang mga pulis. "s**t! Parak!" bulalas niya saka mabilis na hinablot ang napanalunang iniaabot sa kanya saka mabilis na pumulas. Hingal na hingal siya nang makarating sa isang tindahan agad na lumingon sa pinanggalingan. "Buwisit, muntik na ako doon ah. Baka imbes na sa Amerika ang punta ko ay sa bilibid," aniya sa sarili. "Anong muntik ka na?!" biglang turan ng nasa likod. "Ay, kabayo!" sabay baling sa bumigla sa kanya. "Ano ka ba naman Segundo? Papatayin mo ba ako sa atake sa ginawa mo," bigwas sa lalaki. "Bakit ba hingal na hingal ka ha, Kikay? Anong kalokohan na naman ang pinasok mo?" rinig niyang tanong na parang nang-uusig. 'Lokong Segundo, asawa ba kita para umasta ka nang ganyan? Gago!' inis na turan sa isip. "Hoy Segundo ha, huwag mo nga akong sabihan ng ganyan? Hindi kita kamag-anak," aniya sabay talikod dito. Mabilis na umuwi para makapagsaing na, alam niyang malapit na naman umuwi ang ina galing sa opisina de madyong nito. Tuwang-tuwa ang ama habang sinasalubong siya nito. "Naku, anak. Alam kong matutuwa ko sa ibibigay ko sa'yo," excited na turan ng ama. "Nanalo na naman kayo Itay, naku ako din nanalo sa peryahan," masayang sagot sa ama. "Hindi 'yan, ito ang ikatutuwa mo," anang ng ama saka nilabas ang isang malaking envelop. Napalunok siya. Agad na tinignan ang laman ng mga iyon. Lahat ng papeles na pinadala niya kasama ang visa niya at plane ticket. Agad na tinignan ang date ng flight niya. Nanlaki ang mata nang makita sa Sabado na. "Bakit ang bilis?" usal niya sa sarili. "May sulat na kalakip basahin mo. Galing yata sa ina ng batang aalagahan mo," tinig ng ama. Agad ding hinagilap ang sulat na tinutukoy ng ama. Saka malakas na binasa iyon upang marinig din ang amang tila excited din sa kaniyang pagtungo sa Amerika. "Dear, Ms. Kathleen Saavedra. Sorry if this may come to you so urgent. My son's caregiver quits, I and my husband have a business trip to Europe a week after you arrive. May God bless your trip heading here. Mrs. Carlson," malakas na basa. Ngiting-ngiti ang ama nang balingan ito. Na tila ba naiintindihan ang binasa at tumango-tango pa. Papasok na siya sa kanilang bahay nang habulin siya nito. "Anong sabi sa sulat, anak?" maang nito. "Akala ko ba naiintindihan niyo? May patango-tango pa po kayo kanina," gagad sa ama. "Ah, iyon ba?" aniya sabay kamot. "Natutuwa lang ako dahil magaling ka magbasa ng english," anito. Doon ay napatawa siya sabay akbay rito. "Kapag po, maayos na ako doon. Dadalhin ko po kayo doon para makita niyo ang Amerika," aniya rito. "Talaga, anak? Naku, dapat pala ay mag simula ba kaming mag-ensayo ng Inay mo na mag-english kung ganoon," masayang wika nito. "Sige ba?" aniya saka pumasok sa kanilang bahay. "Masaya ako, anak at matutupad mo na ang pangarap mo. Sana nga ay palarin ka sa pangingibang bansa mo," dagdag pa nito. Mas lalo tuloy siyang napangiti rito. Tatlong araw na lang ay lilipad na siya papuntang Amerika. Inayos ang lahat na kakailanganin niya. Pumunta rin siya sa bayan at bumili ng ibang bagong gamit na babaunin sa pag-alis. Habang nasa palengke ay hindi niya maiwasang mapadaan sa bangketa ng mga laruang pambata. Naisip niya ang aalagahan kaya bumili siya ng maskara at mga balloons at kung anu-ano pa. Si Segundo ang nasakyan niyang tricycle pauwi. "Totoo bang ang balita na iiwan mo na ako, Kikay?" anito na nagpataas ng kaniyang kilay sa sinabi nito. "Totoo ang balitang aalis ako. 'Yon lang 'yon, Segundo," pagtatama sa sinabi nito. Nakita niyang napakamot ito sa ulo. "Guwapo ka sana, Segundo. Okay na rin sana kahit tricycle driver ka lang pero tumador ka naman. Ayusin mo kaya buhay mo baka sagutin ka ni Sabel," aniya dito. Nang mapadaan sa madyongan ay pinatigil doon. Agad na bumaba at nagbayad. Ayaw nitong tanggapin pero nagpumilit siya. Mahirap magkaroon ng utang na loob. "Wow, Kikay. Why you come on here?" pilit na english ni Manang Goring sa kanya. "You're Mudra, say me you're fly fly to America," dagdag pa nito. Gusto niya sanang tumawa pero naunahan siya ng lungkot dahil matagal-tagal na hindi niya makikita ang matanda. Sabado, araw ng paglipad niya sa Amerika. Lumuluhang napayakap sa ama na umiiyak din pala. "Naku ha, Karyo dadaigin mo pa yata si Piolo Pascual sa pag-iyak mo!" anang ng ina ng makitang naiiyak ang ama. Niyakap ang ina saka hinalikan sa pisngi. Alam niyang kahit ganoon ang ina ay mahal na mahal siya nito. "Sige na at baka maiwan ka pa ng eroplano, basta magpadala ka ng dolyar at tsokolate," paalala ng ina. Ngumiti siya saka tuluyang tumalikod at tuloy-tuloy na pumasok sa loob ng paliparan. Kabado siya dahil unang beses na sasakay ng eroplano. Tinulog na lang niya habang nasa eroplano siya para hindi siya masyadong kabahan. Napangiti na lamang siya paggising nang mag-anunsyo na malapit na sila sa kanilang destinasyon. Napainat pa siya sabat hikab at nakitang nakatingin ang katabi sa kaniya. Agad na tinapat ang palad sa harap at bumuga. Mabago pa naman ang hininga niya. Paglabas ng paliparan ay nakita ang isang ginang na may hawak ng cardboard na may pangalan niya. "Siya ba si Mrs. Carlson," anang sa sarili. Pinay ang nakikita niyang babae nang lumapit ang isang Amerikano rito. Kumaway siya sa mga ito palatandahang siya ang hinahanap ng mga ito. Agad siyang pinuntahan ng mga ito. Niyakap siya ng ginang at nakipagkamay sa asawa nito. "Thank God you're here, I don't know how to leave Zeus in that condition," usal ng ginang matapos siyang yakapin nito. "Sana iha, mahaba ang pisi mo sa anak ko ha, isip-bata kasi. Huwag kang mag-alala dadagdagan namin sahod mo basta tagalan mo lang anak namin," paliwanag pa ng ginang. "Taga-Cavite ka ba?" rinig na tanong nito sa kanya. Tumango siya bilang tugon. "Ako taga-Pampangga lang din, dito kami nag-stay gawa ng sakit ng anak ko," paliwanag nito sa kaniya. Madaling araw na nang lumapag siya. Kaya tahimik pa ang kabahayan at hindi pa nakikita ang batang aalagahan. "Ito ang magiging kuwarto mo. Sa kabila ang kuwarto ng anak ko. Kung may kailangan ka ay huwag kang mahihiyang magsabi ha," anang pa ng ginang saka ngumiti. "Sige na magpahinga na muna at mamaya ay makikilala mo ang anak ko," turan saka tuluyang umalis. Napasinghap si Kikay sa kuwartong pinagdalhan sa kanya. Marangya at maganda. Umupo sa kama dahilan para lumundo. "Ang lambot," nasisiyahang turan hanggang sa tumayo siya at nagtatatalon. "Welcome America," masayang turan. Saka pabagsak na nahiga. Mga alas otso y medya na nang gumising siya. Agad na inayos ang sarili saka lumabas. Nakita ang ginang habang papasok sa kabilang kuwarto. Ang silid ng aalagahan. Sumama siya sa ginang at nakita ang nakatalukbong na nakahiga sa kama. Dala ng ginang ang tray ng pagkain at ilang botelya ng gamot. "Naku, saglit lang iha at may nakalimutan akong kunin," anito saka iniwan siya. Naalala ang dalang maskara, kaya dali-daling kinuha iyon sa kaniyang silid. Kinuha ang nakakatakot na maskara, si Dracula. Napangiti siya habang sinusuot ito at lumapit sa kama ng aalagahan. "Bata ba ito? Malaking bulas," aniya sa sarili. Umupo siya sa parteng ulunan nito para bubulagahin ang alaga. Naalimpungatan si Zeus. Naramdaman ang pagpasok ng ina at kasama nito. Alam na niyang bagong caregiver niya ito dahil hindi nakatiis ang tatlo at sabay-sabay na umalis. Hanggang sa maramdamang may umupo sa tabi niya. Nang bigla ay bulagahin siya ng isang babaeng may suot pang maskara na nakakatakot. Napakunot ang mukha niya at maging ito ay nabigla dahil inakala pa yatang bata siya. Mabilis nitong tinanggal ang maskara at nabulwagan ang napakagandang mukha nito na tila diwata sa kanyang paningin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD