May kaba sa dibdib ni Kikay nang tuluyang pumatak ang alas kuwatro ng hapon. Hudyat na kasi iyon upang magbiyahe sila ng boss papunta ng Pampanga.
Bakas din sa mukha ng magulang ang lungkot hindi lang dahil sa kaniyang pag-alis. Ramdam niyang may pangamba sa mga ito dahil sa napipintong pagkakakilala sa tunay na pinagmulan.
"Mag-iingat kayo sa biyahe, huwag kang magpapagutom," habol pa na bilin ng ina. Halos tumirik ang mata sa narinig na bilin nito. Paano siya hindi magugutom kung halos ipabaon nito ang buong adobong manok at halos lahat ng kakaning ginawa nito.
"Anak, huwag kang makakalimot sumulat," agaw ng ama sa kaniya nang bigla itong batukan ng ina.
"Ikaw na matanda ka, kung anu-anong pinagsasabi mo! Hindi pa naman babalik ang anak natin sa Amerika at kahit bumalik pa siya, hindi na uso ang sulat. May Skype na," turan ng ina sa ama.
Naiiyak na napapangiti si Kikay sa kaniyang magulang. Kahit tila Tom and Jerry ang mga ito pero hindi matatawaran ang pagmamahal ng mga ito sa kaniya. Kaya nga hindi siya makapaniwalang hindi siya anak ng mga ito dahil bukod sa kanila yata namana ang kasutilan ay hindi niya naramdamang iba siya sa mga ito.
"Huwag po kayong mag-alala, Inay. Babalik din naman po ako agad," aniya sa mga ito.
"Mainam kung ganoon, anak? Paano iyan, babalik ka pa ba sa Amerika?" tanong ng ina.
Napangiti siya rito. "Buti po at nasasabi niyo na ang Amerika na hindi nabubulol?" Ngiti sa kaniyang ina. "Babalik pa po, Inay," tugon na nakalingon sa boss.
Nang magtama ang kanilang mga mata ay agad na nabasa na naghihintay rin ito ng kaniyang isasagot sa tanong ng ina. May kontrata siyang pinirmahan kaya mabilis na sinagot ang ina na babalik pa siya.
Bahagyang napangiti si Zeus nang marinig ang tugon ni Kikay sa tanong ng ina nito kung babalik pa ba ito sa Amerika. Mabuti naman at sasama pa rin si Kikay sa kaniya. Sana nga lang ay hindi magbago iyon kapag nakilala niya ang tunay nitong pamilya at malamang mayaman ang mga ito.
Makailang beses nilimi ang sarili kung bakit ganoon ang nararamdaman sa tuwing magkalapat ang balat nila ni Kikay. Nagiging iratiko ang t***k ng puso kapag nasa malapit ito kagaya ngayon.
"Hijo, ikaw na ang bahala sa anak namin," untag ng ama ni Kikay.
"Po?!" bulalas na tugon. Nabigla siya nang bigla siyang balingan nito.
"Bakit hijo, ayaw mo ba?" maang nito.
"Ha-ah! Hindi naman po, huwag po kayong mag-alala. Ako na pong bahala kay Kikay," agad na tugon sa mga ito bago pa magbago ang isip at hindi na payagan si Kikay.
"Inay naman, hindi na po ako bata para ihabilin pa," maktol sa ina.
"Anong hindi na bata? Panty-" putol na turan ng ina nang biglang takpan ni Kikay ang bibig nito.
"Inay naman," aniya.
"Ikaw na bata ka, papatayin mo ba talaga ako?" palatak na wika ng ina matapos makawala sa pagkakatakip ng bibig nito. "Oh, sige na. Lumakad na kayo para kapag abutan man kayo ng dilim ay nasa bus station na kayo o sa bus," ani ng ina.
Mabilis siyang yumakap sa mga ito na tinugon din naman ng mga ito ng mahigpit na yakap. "Basta anak, magsusulat ka," muling hirit ng ama na muli namang batok ng ina rito.
Napapailing na lamang si Kikay. "Itong matanda na ito, hindi nakakaintindi. Hindi na nga uso ang sulat ngayon," giit ng ina. Bago pa man magrambulan ang mga ito dahil lang sa sulat na iyan ay nagpaalam na sila.
"Basta, Itay. Kahit na ganiyan si Inay ay pagpasensiyahan mo na. Huwag din puro manok ang himasin niyo para hindi magselos si Inay," biro sa mga ito upang pagaanin ang atmospera sa kanilang kinaroroonan.
"Masusunod, anak. Ewan ko ba dito sa Inay mo. Daig pa ang naglilihi kung umasta," ani ng ama.
"Tignan mo itong matandang ito. Anong naglilihi ang pinagsasabi mo? Hala, bilisan mo at huliin mo ang lahat ng manok mo?" utos ng ina.
"Para saan naman, darling?"
"Para malitson lahat at wala ka nang hihimasin!" sabad ng ina na kinakamot na lamang ng ulo ng ama.
Nasa bus station na silang dalawa. Napansin na panay ang text ng boss sa cellphone nito. Dahil alas sais pa ang susunod na biyahe ay maghihintay pa sila ng halos isang oras. Bagot na bagot na siya at napapanis na yata ang laway dahil may kasama nga siya pero busy naman sa cellphone nito.
Nilingon ang katabi ay abala rin ito sa cellphone nito. Maging ang katabi rin nitong pasahero. Lahat yata ng nandoon ay tuon ang mata sa hawak na cellphone.
Muling binalik ang tingin sa boss at ganoon pa rin. Abala pa rin ito sa ka-text nito. Minsan ay pasimple pang sinisilip iyon pero mukhang pansin nito kaya bahagya rin nitong nilalayo na kinataas ng kilay niya.
Nang mabuwisit ay nilabas din ang kaniyang iPad. Nagsisimula siyang maglaro nang biglang tumunog iyon, hudyat na may natawag. Maging siya ay nagulat sa malakas na pagtunog ng kaniyang iPad.
"Ay, kalabaw!" bulalas sa kabiglaan.
Halos lahat ay nagtaas ng tingin sa kaniya. Nahihiyang napangiti siya sa mga ito. "Sorry," mahinang sambit sa mga taong nakamaang sa kaniya saka mabilis na hininaan iyon.
Pagkasagot ng tawag ay tumambad ang mukha ng ina at ama.
"Bakit kayo napatawag, Inay?" maang na tanong dito.
"Na-miss ka namin, anak," sagot ng ina. "Ano? Nagkita na ba kayo ng mga kamukha mo?" gagad na tanong nito.
"Inay, wala pa pong isang oras kaming naalis ng bahay at nasa bus station pa lang po kami dahil alas sais pa ang alis ng bus," sabad na tugon dito.
Natawa ang ina. "Sorry, anak. Excited kasi itong Itay mo na alamin kung mas guwapo raw ba siya kaysa-"
"Darling naman, ako talaga ang idadahilan mo? Bakit hindi mo amining gusto mong malaman mas gusto na nito sa bagong pamilya kaysa sa atin?" deretsahang turan ng ama.
Napangiti siya sa mga ito. "Itay, hindi po ba, sinabi kong malaman ko man po ang totoong katauhan ko ay ako pa rin po ang Kikay na anak ninyo," aniya sa mga ito.
"Ito kasing, Inay mo anak," turo naman ng ama sa kaniyang ina.
"Anong ako? Hindi ba ikaw ang nag-suggest na tawagan natin ang anak mo?" balik ng sisi ng ina sa ama.
"Sinabi ko iyon dahil mula nang umalis sila ay wala ka nang ginawa kundi ang magmukmok!" giit ng ama. Batid na natatakot ang mga itong mawala siya sa mga ito.
"Inay, huwag po kayong mag-alala dahil babalik po talaga ako," pangako sa mga ito.
"Eh, ang boss mo anak? Kasama mo ba?" tanong ng ama. Doon ay napabaling siya sa tabi at nakitang nakatingin ito sa kaniya. Marahil ay narinig na hinahanap ito ng ama.
"Hinahanap ka ni Itay," aniya rito.
Sumingit itong sumilip sa screen sabay kaway sa mga magulang.
"Hello po, Tito. Hello din po, Tita," magiliw na wika sa mga ito.
"Hello, hijo. Ikaw na ang bahala sa Kikay namin. Huwag na huwag mo siyang hahayaang masaktan o apihin ng kung sinuman," bilin ng ama rito.
"Makakaasa ka, Tito," tugon nito. Matapos noon ay mabilis na nagpaalam ang mga magulang.
Doon ay mabilis ding tinignan ang boss at ganoon na lamang nang makitang nakatanghod pa rin ito sa screen ng iPad niya. Nanlalaki ang mata nang mapagtantong halos maglapat ang kanilang mga labi sa lapit ng mukha nila.
Ibayong kaba ang umalipin sa kaniyang kaibuturan. Idagdag pa na tila hindi na kayang awatin at pigilan pa ang puso.
Isang maling galaw ay pwede nang maglapat ang labi nila ni Kikay. Kita ang pagkalito sa mga mata ni Kikay ngunit katulad niya ay batid rin ang pananabik dito.
Nakailang lunok siya upang pigilan ang sariling huwag itong halikan. Ngunit nang makita ang mapupulang labi ni Kikay na bahagyang nakauwang ay hindi na niya napigilan pa.
Walang nagawa si Kikay nang maramdaman ang pagsayad ng malambot na labi ni Zeus sa kaniyang bibig. 'Oh, Bossing. In love na yata ako,' aniya sa isipan.
Hindi man siya marunong humalik pero pinilit tugunin ang halik ng boss nang biglang makagat ang labi nito.
"Ouch?!" hindi napigilang bulalas ni Zeus dahilan upang mabilis na pabitaw kay Kikay.
'Shocks! Sorry na, hindi ko alam eh. Sayang, ang sarap pa naman ng labi niya,' pilyang turan ng isipan.
Muli silang nagtitigilan ni Kikay. Tila maging ito ay nabitin sa halikan nila hanggang sa nakitang unti-unti nitong nilalapit ang mukha sa kaniya.
"Oh, nandito na ang bus. Sakay na ang lahat ng may ticket," anunsyo nila matapos pumarada ang bus sa sasakyan nila.
Mabilis siyang tumayo.
Nang mapansin ni Kikay na hindi dumadapo ang kaniyang halik sa boss kaya agad siyang napadilat ng mga mata at nakitang nakatayo na ito na nakangisi sa kaniya.
"Lahat po ng may ticket sakay na po," ulit ng anunsyo buhat sa speaker.
Pagbalik ng tingin sa mukha ni Zeus ay nakangisi pa rin ito. 'Makikita mo,' aniya sabay irap dito na mas lalong kinangisi ni Zeus.
Natutuwa siyang malaman na tila nasasabik din si Kikay sa kaniyang halik.