Chapter 20:

2187 Words
Ilang saglit ay tila nahimasmasan si Lumen. "Hindi naman siguro dahil sa may Quezon natin sila nakita hindi sa Pampangga, 'di ba?" untag sa asawa na tila pinaniniwalang hindi si Kikay ang tinutukoy ng alaga ng anak nila. Malakas na tunog ang gumambala sa kanilang mag-asawa habang nangangahoy sa kanilang bayan sa Quezon. Mabilis na hinanap ni Karyo ang pinagmulan ng tunog. Nang masilip nito ang isang owner type jeep ay nakitang nakabangga ito sa malaking puno. Malapit na rin itong malaglag. Lakad takbo silang mag-asawa at nang makalapit sa sasakyan ay nakarinig sila ng iyak ng sanggol. Mas lalo nilang binilisan ang pagtungo sa kinaroroonan ng sasakyan. Mag-anak ang sakay ng sasakyan na iyon. Isang babae na may kalong na sanggol. Lalaking nasa driver at sa tabi ng babae ay ang sanggol na nakahiga basket na nakatali sa upuan. "Anong gagawin natin Karyo?" hintakot na tanong ni Lumen sa asawa. "Kunin nating ang sanggol bago pa ito mapahamak," mabilis na turan nito. "Pero baka—baka—" putol na tutol ni Lumen. Lagitlit ng sasakyan ang narinig. "Bilis na Lumen," mabilis na utos ni Karyo sa asawang si Lumen. Mabilis na tinignan ang basket kung saan nanggagaling ang iyak. Matapos iabot kay Lumen ay tumigil ito. Tumahimik ang buong paligid. Walang ibang ingay ang naririnig. Tila wala nang buhay ang natitira sa sasakyan. "Pumunta na tayo sa bayan at magsumbong sa mga pulis?" natatakot na turan ni Lumen. Napatigil si Karyo at nakita ang batang kandong nito. "Hindi. Hindi tayo pupunta sa pulis. Aalis na tayo rito. Ang batang ito ang katuparan ng matagal na nating pangarap," naiiyak na turan ni Karyo. Tututol pa sana si Lumen pero tama ang asawa. Ang batang iyon ang magiging anak nila. "Lumen, huwag na huwag mong babanggitin iyan. Matagal na iyon at anak natin si Kikay," matiim na turan ni Karyo. "Pero paano kung buhay ang mag-anak. Mawawala sa atin si Kikay. Ang ating Kikay," naiiyak na turan nito. "Mahal tayo ni Kikay. Diyos ko naman Lumen, dalawampu't limang taon na si Kikay. Anuman ang mangyari ay alam kong hindi tayo noon iiwan," kampanteng turan ni Karyo. Hindi mawaglit sa isipan ni Kikay ang babaeng kamukha niya. Pabalik-balik siya sa kaniyang silid at nag-aalangang tawagan ang mga magulang. Gusto niyang tanungin kung may kakambal ba siya. Maraming senaryo ang naglalaro sa isipan. Baka, ipinaampon ng mga ito dahil may sakit ito at wala silang pera. O 'di kaya ay ninakaw ito noong sanggol pa lamang ang kakambal niya. Pabalik-balik siya hanggang sa marinig ang pag-pop up ng chat box ng magulang. Mabilis na tinungo ang iPad. Nanginginig ang kamay na sinagot ang tawag ng ina. "Hello, Inay," malungkot na turan rito. Agad na napansin ang inay niya ang kaniyang pagkabalisa. "Oh, anak, dumating na ba ang boss mo? Nakita mo ba ang mga pasalubong namin sa'yo. Bakit mukhang malungkot ka yata?" pilit pinasigla nito ang tinig. "Nami-miss ko lang po kayo," pagsisinungaling dito pero ang totoo ay talagang nabagabag siya sa nangyari sa kanila ni Zeus. "Naku! Ang batang ito talaga, kami mabuti naman kami ng Tatay mo rito. Kaya huwag ka ng malungkot," saad nito. "Inay, may itatanong lang ako," alanganing sambit. Nakitang tila hindi komportable ang ina nang magsimula siyang magsalita. "Ano ba iyon anak, dalian mo at natatae yata ako," anito na halatang nagdadahilan lamang. "Inay may kakambal po ba ako?" "Ha! Naku, anak 'di kita marinig. Humina ang signal. Ah, sige na anak at natatae na talaga ako. Tatawag ulit ako kapag tapos na. Oh, siya anak. Mahal na mahal ka namin," anito saka nagmamadali patayin ang tawag nito. "Inay?!" habol pa niyang tawag pero tuluyan na nitong pinatay iyon. Alam ni Kikay na umiiwas lang ang ina sa tanong niya. Tila gusto na niyang umuwi sa Pilipinas at personal na tanungin sa kanila ang tungkol sa babaeng nasa larawan. Kailangan niyang malaman kung may kaugnayan ba sila sa isa't-isa. Sa silid naman ni Zeus ay ramdam na ramdam niya ang pagkabalisa ni Kikay nang makita si Althea. Nag-alala tuloy siya rito kaya naisipang puntahan ito sa silid nito. Ngunit bago pa siya nakalabas ng silid ay nakita niyang may mensahe sa kaniyang nakabukas na laptop. Galing iyon kay Xian at malamang ang hinihingi na nga niya iyon. Tinignan iyon at nagpadala nga ito ng larawan ni Pauleen habang kasama ito. Natigilan siya ng makita ang kaibigan. Mukhang napakasaya nito sa larawang iyon, may kasama silang isang dalagita. Sa tantiya niya ay may pagtingin ang kaibigan sa babaeng kamukha ni Kikay. Mabilis na tinungo ang silid ni Kikay. Kinatok iyon at ilang sandali pa ay lumabas naman ang babae. Mukhang okay naman ito. "Yes po, Sir. May kailangan ka po ba?" matamlay na wika. "I told you, call me, Zeus. Okay ka lang ba?" alalang tanong dito. "Sa tingin mo po ba, okay ka lang kapag nalaman mon may kamukha ka na 'di mo kilala," pabalang na sabad dito. Napalunok si Zeus. Alam niyang masama ang timpla ng babaeng nasa harapan. Napansin nitong bitbit nito ang laptop nito. Doon ay naalala ang larawan ni Pauleen, ang babaeng PA ni Xian. "Pwede bang pumasok?" hinging permiso dito. Nagkatitigan sila. Batid niyang may malisya ang tingin na iyon ni Kikay. "May ipapakita lang ako," dagdag niya. "Hindi ba pwedeng dito na lang," saad ni Kikay. Bigla kasi ay nahiya siya. Magulo pa ang silid dahil hindi pa siya nakakapaglinis. "Ayaw kong mabigla ka sa makikita mo," sagot naman agad ni Zeus. Hindi pa ba siya nabigla sa pinakita niya kanina. May pasabog pa bang pasalubong ito sa kaniya. "Alam kong gulong-gulo ka, maging ako ay naguluhan ng makita sila," turan dito. "Sila?" gilalas ni Kikay. Nagpatiuna itong pumasok sa silid. Nilapag ni Zeus ang laptop at nakabukas ang isang larawan. Sumilip si Kikay. Wala namang mali sa larawan. Ito ang babaeng kasama ang kaibigan nito. "Yes sila," anito saka pinagtabi ang larawan nila sa engagement party ni Joe at ang pinadala ni Xian. Napakunot-noo si Kikay. "Bakit iba ang kasama niya? Teka ka lang," anito saka masusing tinignan ang mga babaeng kamukha niya. Nakitang hinawakan pa niya ang screen ng kaniyang laptop.Noong una ay akala niya lamang na hinahawakan ang mukha ni Althea pero napansin din pala nito ang nunal nito. Nang hindi nito matanggal ay bumilis ang daliri nito kaya agad na hinawakan iyon. "She has a mole," awat dito at tumingin sa kaniya. "Si—sino siya?" tukoy kay Pauleen na siyang katulad niya na walang nunal man lang sa mukha. "She's Pauleen Vergara," saad dito. Mataman itong bumalik sa pagkakatitig sa dalawang babaeng kawangis nito. Nakita niyang nanlumo ito. "Hindi ko alam, walang nasabi sina Inay at Itay na may kakambal ako at dalawa pa!" anito na tila iiyak na. Tila sa isang iglap ay nawala ang masayahing si Kikay. Nahabag siya at hinawaka ito. Mas lalong umatungal ito kaya niyakap niya ito at hinayaang umiyak sa balikat niya. "It's okay, malalaman din natin ang totoo. Kung gusto mo ay uuwi tayo sa Pilipinas," alok dito habang haplos ang yumuyugyog nitong balikat. "Talaga! Pero wala akong pera, 'di ba mahal ang plane ticket?" anito na basa ng luha ang mukha nito. Natawa siya dahil naghalo pa ang luha at sipon nito. "Nakakainis ka naman eh, tinatawanan mo pa ako!" buwisit na tulak nito sa kaniya. "Punasan mo muna ang sipon mo. Saka tayo mag-usap. Gusto rin namin ni Xian na malaman ang kaugnayan ninyong dalawa kay Althea. Bakit siya ay maayos ang buhay habang kayo ni Pauleen ay kailangan pang kumayod. Bakit kayo, magkakaiba ng kayuan pero taglay niyo ang iisang wangis ng mukha," seryoso niyang turan. Mabilis niyang pinunasan ang mukha saka tumingin kay Zeus. Kahit papaano ay may kakampi siya upang tuklasin ang kaniyang katauhan. Kailangan niyang umpisahan sa pagtanong sa magulang kaya lang ay iniiwasan siya ng kaniyang ina. "Tinanong ko si Inay kanina kaya lang iniwasan ako eh," aniya. Tumingin si Zeus. Ramdam naman niya noon pang tinanong ito sa airport, batid niyang may nakatagong lihim sa pagkatao ni Kikay. "I planned to go back home as soon as possible," anito. "Huwag kang mag-alala, ako na ang bahala sa lahat." Sa narinig ni Kikay ay nanlaki ang mata niya saka mabilis na yumakap kay Zeus. "Talaga?! Naku, thank you! Thank you talaga," aniya sabay yakap dito. Nabigla na lamang siya nang makitang tumingin si Zeus sa kaniya. Nahihiya tuloy siyang kumalas rito. "Ah-ehhhh! S-sor—ry," hinging paumanhin rito. Napangiti na lamang si Zeus. Sa totoo ay bigla ay nainitan siya. Bigla kasing sumagi sa isipan niya nang gabing makita ang makinis nitong likod, nang hinahalikan ang babaeng nakilala sa bar at ito ang nakikita rito. Kapwa sila nagkatitigan. Sa hindi maipaliwanag na dahilan ay unti-unting bumaba ang labi ni Zeus sa labi ni Kikay. Nakailang lunok si Kikay nang makitang hahalikan siya ni Zeus. Lunok siya nang lunok para mawala ang napapanis niyang laway. 'Diyos ko Lord, bakit ngayon pa,' aniya sa isipan. Maya-maya ay lumapat ang malambot nitong labi. Tila siya naging tuod at hindi nakakilos. Gumalaw ang labi nito at tila inuudyukan siyang buksan iyon. 'Oh, my God,' muling usal sa isipan ni Kikay. Hindi niya kasi alam kung tutugunin ba iyon o hindi. Hindi siya marunong humalik at wala naman siyang puwedeng pag-praktisan. Naramdaman niya ang pagsundot ng labi ni Zeus. 'Diyos ko Lord,' muling usal sa isipan. Nakailang dasal na siya nang ibuka ang bibig at hindi niya alam dahil ilang sandali pa ay gumaganti na siya kay Zeus. Nag-init ang buong katawan sa init ng halik ni Zeus. Lalo pa at nagsisimulang humaplos ang palad nito. 'Oh, my God. Virgin pa ako. No way, high way!' pigil ng utak niya. Naalala kasi ang payo ng kaniyang magulang. Sugarol man ang mga ito ay nabigyan din naman siya ng magandang gabay. Ibibigay lang ang sarili sa lalaking mapapangasawa mo. 'Hindi ko naman siya asawa, boss ko siya,' saway ng isipan. Init na init na si Zeus. Ramdam ang paninikip ng suot ng cargo shorts. Batid niyang binubuhay ni Kikay ang kaniyang libido. Lalo pa at binuka na nito ang nakatikom nitong bibig. Matamis at malambot iyon. Lalo pa nang paglaruan ng dila niya ang labi nito. Naramdaman niya ang pagkaumid nito pero unti-unti ay natugon. Sinimulan na rin niyang pagapangin ang palad sa katawan nito. Sa likod at sa may pwetan nito. Kay Kikay niya lamang naramdaman ang ganoong pagnanasa na umaalipin sa kaniya. Napapaungol si Kikay. Malalim na ang halikan nila nang maramdaman niyang tinulak siya nito. Doon ay bigla siyang nagising. "Sorry," agad na hingi ng paumanhin dito. "Ah-okay lang. Sorry din, hindi kasi pwede. I mean, 'di naman kasi kasintahan o mas lalong 'di kita mapapangasawa. Baka magkamali tayo," aniya ritong nauutal. Napangiti si Zeus. 'Magiging magkasintahan at hopefully ikaw na nga Kikay,' aniya sa isipan. "Okay, pagbalik nila Mama at Papa. Sasabihin ko ang plano natin. Be ready," aniya saka umalis na sa silid ni Kikay bago pa hindi mapigilan ang sarili. Pagkaalis ni Zeus sa silid ay hindi maiwasang mapangiti. Marami mang pasabog itong pasalubong sa kaniya ay pinalasap naman niya ang pinakamasarap nitong halik. Hinawakan pa ang labi niya at nilaro-laro. Kinabukasan ay nakitang maganang kumakain si Kikay. "Good morning," bati rito. "Good morning too," ani na puno ang bibig. Mabilis na tinungo ni Zeus ang fridge. "Si Kelly?" tanong dito at ang pamangkin. "Ah, nagpunta sa airport. Ngayon uwi ng asawa," aniya ng 'di pa rin nalunok ang nasa bibig. Dumulog si Zeus sa mesa at nakitang may adobo sa malaking mangkok. Napansin ni Kikay na nakatanghod lang ang lalaki sa kaniya. "Kain?" alok dito. Agad naman itong kumuha ng plato niya at nagsalin. Kumuha ng adobo sa mangkok. Magana rin itong kumain at nakamaang lamang siya. "Masarap ah, bakit ganito? Mukhang ang liliit ng buto?" maang na tanong nito. Magana pa rin ito sa pagsubo habang siya ay natigilan. "Anong adobo ito?" muling tanong. "Palaka," aniya. Nakita ang pagtigil nito. Halos gusto niyang maglupasay sa pagtawa sa reaksyon ng lalaki. "Masarap, 'di ba? Don't worry, 'di ka mamamatay," niya saka sumubo. Kitang nakatingin lang ito. "Huwag ka nang mag-inarte. Nakain mo na, masarap iyan," aniya na nakangisi. Napailing na lang si Zeus. Gusto sanang isuka ang nakain pero kung nakakain nga ni Kikay siya pa kaya. First time niyang kumain ng exotic food maliban sa bayawak na minsan ay natikman niya sa bahay nina Tatay Rudy niya. Pansin niya ang palihim na paghagikgik ni Kikay. Pinagpatuloy na lamang ang pagkain nang maya-maya ay biglang nasamid si Kikay. Napaubo ito. "Iyan kasi, uminom ka muna ng tubig," aniya sabay haplos sa likod nito. "Sorry," anito. "It's okay, next time. Kung gusto mong tumawa o ngumiti. Huwag nang palihim. Nasamid ka tuloy," concern na saad ni Zeus. "Okay po, dok!" aniya saka ngumiti ng matamis. Natawa na lang din si Zeus. Noon niya lang naalalang doktor nga pala siya. Tagal din kasi niyang kinulong ang sarili sa bahay nila at depresyon dahil ang sa babae.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD