CHAPTER 4

2396 Words
***CORINNE’s POV*** “I'm sorry, Miss Rufino, but Sir Salvatore isn't here right now. He won't be coming in. Actually, he cancelled all of his appointments for the entire month,” pagbibigay-alam sa akin ng executive secretary ni Jagr na si Russette Saville raw ang pangalan. I gathered all the air inside my lungs. Isang buwan na hindi papasok ng opisina niya si Jagr Salvatore? Kung gano’n ay paano na ito? Paano ko na siya makukulit na tulungan niya si Daddy? Nang mag-exhale ako'y nangilid ang mga luha ko. “Are you okay?” Na napansin ni Miss Saville. “Hindi, eh,” pag-amin ko. “Kailangang-kailangan ko kasi si Sir Jagr.” “Ganoon ba. Sorry talaga dahil wala talaga siya rito,” pakikisimpatya niya sa akin. “Hindi mo po ba alam kung nasaan siya ngayon? Gusto ko po kasi talaga siyang makausap. Kailangan niyang tulungan ang Daddy ko. Emergency lang po,” sinamantala ko iyon upang magsumamo naman sa kanya. Bumuntong-hininga si Miss Saville. “I’m sorry kasi kapag personal na lakad ni Sir ay wala na akong access doon. Furthermore, Sir Salvatore is a private individual who doesn't share his personal matters.” Malungkot akong ngumiti sa kanya. “Naiintindihan ko po,” tapos ay sabi ko. Nauunawaan ko talaga si Miss Saville dahil kahit si Daddy na may secretary noon ay hindi rin masabi sa akin noon kung nasaan ang Daddy ko. Kahit na ama ko pa ang tinatanong ko. Maingat talaga ang mga sekretary ng mga executive. Parang pumirma sila sa contract noong na-hire sila na kahit na anong mangyari ay hindi sila magdi-disclose ng impormasyon ng mga boss nila. Kahit pa buhay nila ang kapalit. Gayunman, wala akong balak sukuan si Jagr. Kailangang mahanap ko siya. Hindi man ngayon ay bukas o sa susunod na bukas pa o sa mga susunod na bukas pa. Hindi ko siya titigilan hangga’t hindi niya tutulungan si Daddy. Kailangang magkaharap ulit kami. “Uhm… Miss Saville, puwede bang mag-iwan na lang ako ng contact ko sa iyo? Puwede bang tawagan mo ako agad oras na mapadaan dito si Sir Jagr?” Ang naisip kong isang ideya. “Ah… eh…” Nag-alangan ang sekretarya. “Please, Miss Saville?” samo ko. “Kailangan lang kasi ng tulong ang Daddy ko at kahit ano gagawin ko matulungan lang siya. Kahit magpakatanga o magpaalipin ako kay Sir Jagr ay gagawin ko tulungan lang niya ang Daddy ko na minsan ay naging kaibigan din naman niya.” Tinitigan ako ni Miss Saville. “Nakikiusap po ako sa iyo?” Kulang na lang ay lumuhod ako sa harap niya. Napatingin tuloy sa akin ang mga iba pang office staff ng Salvatore Financing. “Huwag.” Pinigilan lamang niya ako. Madaling hinawakan niya ako sa magkabilang balikat. “Sige na. Akin na ang contact number mo. Susubukan ko.” “Talaga po?” I beamed. Ngumiti na ulit siya’t tumango. May kinuha siyang sticky note sa kanyang desk at inilahad sa akin kasama na ang cute at mamahaling ballpen. “Isulat mo rito,” aniya. “Sige po. Sige po.” Nanginginig at nagmamadali na isinulat ko nga ang cellphone number ko doon. “Salamat po, Miss Saville,” saka buong pusong pasasalamat ko sa kanya. “Huwag ka munang magpasalamat dahil hindi pa natin sure kung dadaaan pa rito sa office si Sir Salvatore. I'm afraid that he might indeed be in another country now. Ganoon kasi siya.” Itinabi ni Miss Saville ang sticky note. “Ayos lang po. Hindi bale kahit naman nasa ibang bansa siya ay uuwi pa rin naman siya rito sa Pilipinas. Hindi ko siya tatantanan,” tiwalang-tiwala na sabi ko pa rin. Ginaya ko pa ang boses ni Sir Mike Enriquez. Bahagyang natawa tuloy si Miss Saville. “Uhm, sige po aalis na ako at baka naaabala na po kita,” mayamaya ay paalam ko na. “Ingat ka.” “Ingat din po kayo rito. God bless you po.” Lumakad na ako paalis pagkasabi ko niyon. “Uhm, Miss Rufino?” pero tawag niya sa akin. “Po?” lingon ko naman. “Ang ballpen?” aniya. Noon ko napansin na hawak-hawak ko pa pala ang cute at mamahaling ballpen niya. Huwang kang maang-maangan! Sinadya mo! pambubuking sana sa akin ng aking konsensiya buti na lang at walang nakakarinig sa kanya. “Heto po.” Tatawa-tawang ibinalik ko kay Miss Saville ang ballpen. Sayang ang cute pa naman. Kala ko ballpen ko na. He-he. At itinuloy ko na ang paglisan sa building ng Salvatore Financing Inc. Nasa labas na ako nang tumunog ang aking cellphone at nabaling doon ang aking pansin. I threw an impassive look at the phone screen. Alam ko kasi agad na baka ang isa na naman na nakautangan ni Daddy ang tumatawag. Pimps calling… Na pasalamat ko’t si Xalene lang pala. Nakahinga ako nang maluwag. Ang totoo ay nauubusan na ako ng idadahilan sa mga taong kinauutangan ni Daddy. Minsan nga ay namumura na nila ako dahil hindi ko masagot ang tanong nila kung kailan ko sila mababayaran. Anak daw ako ni Alberto Rufino kaya dapat lang na ako ang magbayad sa atraso ng ama ko. Ang unfair pero, ano? Ang kaso wala naman akong magawa. Humugot ako ng hangin bago ko sinagot ang tawag ni Xalene. Kailangang maging masigla ang boses ko. Ayaw kong mahalata ni Xalene na may pinagdadaanan din ako. May malaking problema si Xalene ayaw ko idagdag pa ang problema ko sa stress niya. “Hello, pimps?” “Nerds, nasaan ka?” “Nandito lang sa tabi-tabi. Bakit?” “Magkita tayo?” “Saan naman? At saka puwede ba ‘yon, eh, bawal ka ngang lumabas at baka may makakita sa 'yo?” Pinagbintangan si Xalene na kumupit ng sampung milyon na donation sa kanilang vlog ni Karylle Kho. Iyon ang dahilan kaya hindi puwedeng pagala-gala ngayon ang kaibigan ko. At iyon ang malaki niyang problema na sinasabi ko. “Wala namang nakakita sa akin at saka wala naman sigurong makakakila sa akin dahil naka-disguise ako,” pagrarason niya. “Sure ka?” “Oo. Actually, nandito na ako sa apartment ko.” Lumaki ang mga mata ko. “Buti pinayagan ka ni Sir Syver?” “Wala siyang magagawa dahil day off ko ngayon. So, pupunta ka rito?” Luminga-linga ako sa paligid. “Kung sabagay malapit naman ako diyan. Isang sakay lang ako ng bus.” “So, pupunta ka? Hihintayin kita?” naging maliksi ang tinig ni Xalene. “Okay, sige,” pagpayag ko na tutal miss ko na rin naman na ang bruha. Pagkababa ko ng aking cellphone ay sumakay na nga ako ng bus. “Anong meron sa ‘yo? Bakit ganyan ang suot mo? Akala ko ba allergic ka sa mga katulad ng damit ko? Paanong mukhang manang ka na rin ngayon?” sunod-sunod na tanong ko sa kanya pagkadating na pagkadating ko sa apartment niya. Tatawa-tawa kong hinawakan ang manggas ng suot niya. Hindi ako sanay na makita siyang ganoon. Nakasuot kasi siya ng red floral printed midi dress. Iyong parang suot lagi ni Marimar na off shoulder. Mas sanay ako sa laging pekpek short o ripped jeans at tank top o tube blouse ang mga get up niya. Gustong-gusto kasi ni Xalene na i-flex ang kanyang ka-sexy-an dahil hindi naman daw ka-flex-flex ang kanyang pagmumukha. Paano’y tadtad ng tigyawat ang kanyang mukha kaya napagkakamalan din siyang pangit. Yeah, kung si Leren ay mataba, at ako’y nerd, si Xalene naman ay pangit. Best friend goal kami na masakit sa mata ng mga kalalakihan. Pare-parehas pangit daw. Pare-parehas binu-bully simula pa high school. Naging immune lang sa amin ang panlalait ng mga tao dahil kahit naman kaming tatlo ay nilalait namin ang isa’t isa. Kapag magkakasama kami ay walang time na hindi kami nagbabardugalan dahil sa kapangitan namin. Dahilan kaya mas naging matibay pa ang friendship namin magpahanggang ngayon. Umikot ang mga mata si Xalene bago matabang na ngumiti. “Wala akong choice kasi kalahi mo ang mga nilalang sa mansyon na bago naming tinitirhan ngayon. Mga descendant ng mga taong kupong-kupong.” Inirapan ko naman siya. See, kinutya na naman ako ng bruha. “Pero in fairness, pimps, bagay sa iyo ang simpleng damit.” Niyuko niya ang sarili niya na nakaupo. “Bagay? Talaga? Hindi mukhang ibuburol?” “Oo nga. Kung sinuman ang nagpasuot niyan sa iyo ay hulog siya ng langit dahil nalaman nating mas bagay pala sa iyo ang ganyang mga damit kaysa doon sa lagi mong suot na kita ang tiyan, legs, at singit mo,” litanya ko. “Hulog ng langit, eh, lagi nga ako ina-award-an,” ngunit titirik-tirik ang mga matang kontra niya. Inubos niya ang kapeng iniinom ko at inilagay sa lababo. “Ganoon talaga ang mga mayordomo o mayordoma. Hayaan mo na.” Syempre alam ko agad na si Butler Joe na mayordomo sa mansyon ng boss niya ang ipinagpuputok ng butse niya. Panay ba naman reklamo niya ukol kay Butler Joe kapag nagtatawagan kami. Nagkibit-balikat siya. “Nga pala wala bang nakakita sa iyo na umuwi ka rito sa apartment mo?” pag-ibaba ko naman na ng topic. Na-gets ko na ayaw niyang pag-usapan si Butler Joe. Kinuha ko ang natira niyang puto at pakurot-kurot na kinain. “Wala naman siguro dahil parang naka-disguise na rin ako sa hitsura kong ito,” malungkot na sagot niya. “Okay.” Napamata tuloy ako sa kanya. Napansin ko na ang kawalang-sigla niya. “May problema ka ba, pimps?” “Wala naman, bakit?” Alam kong nagkakaila siya. “Kasi ang tamlay mo. Hindi ako sanay,” ang sabi ko pa rin. “Puwes masanay ka na dahil nakakapagod pala ang maging yaya ng aso,” pagsisinungaling niya pa rin. “Weh? Iyon ba talaga ang dahilan? Hindi mo naman siguro ako tatawagan na puntahan kita rito kung dahil lang pagod ka sa mga aso, hindi ba?” sinubukan ko siyang tuksuhin upang mag-open up siya. “Wala ako sa mood. Tigilan mo ako, nerds,” subalit aniya at pumangalumbaba sa lamesa. Malawak ang naging ngiti ko. Hindi ko siya pipilitin. Knowing Xalene, kapag hindi ito nakatiis ay magsasabi din naman ng kanyang pinuproblema soon. “Siya, hindi na. Ang kaso ay anong gagawin natin dito kung hindi tayo magchichikahan? Tutunganga?” “Mag-order ka ng pagkain. Kain na lang tayo. Gusto ko ng pizza, fried chicken, shawarma, at milktea,” request niya. “Pera mo?” “Wala akong pera. Ikaw muna,” ungot niya. “Kita mo ‘to.” Gusto kong sabihin sa kanya na wala rin akong pera pero paano? Tiyak na magdududa siya dahil ang alam nila ni Leren ay madami akong pera dahil mayaman ang mga adopted parents ko. Halatang-halata na may problema ako pinansyal kapag sasabihin ko ngayon kay Xalene na hindi ko siya malilibre, na ang pera sa wallet ko ngayon ay sakto na lang para sa isang linggo na gastusin namin ni Mommy, na kapag naubos ay hindi ko na alam kung saan kukuha. “Maawa ka naman sa naghihirap,” biro niya. “Heh!” kunwa’y walang anuman na saway ko naman sa kanya. Kahit ako, pimps, naghihirap na. Mas mahirap pa sa daga, ang hindi niya alam ay sabi ko sa loob-loob ko. Nag-order pa rin ako ng pagkain. Inisip ko na lang na kailangan ko din namang kumain ng masarap. Kahit ngayon lang, kahit sa pagkain lang, ay mawala sa isip ko ang malaking problema ko. Nasa living room na kami at nanonood ng TV nang dumating ang delivery boy. Kung anu-ano na topic ang napag-usapan namin habang enjoy kami sa paglamon. Patapos na kami at halos tapioca pearl na lang ang sinusupsop namin sa mga milk tea na iniinom namin nang mag-ring ang aking cellphone. Sinagot ko iyon pero sinikap kong walang maririnig na kahit ano si Xalene na ikakaduda niya. “Miss Rufino, this is Jonathan Villasera from Armor Auto Buy and Sell. Gusto lang po namin sabihan na handa na ang documents para sa pagbebenta niyo ng kotse niyo sa amin,” pakilala ng tumawag. Natuwa ako sa pagtawag niya syempre pero pinigilan ko ang emosyon ko. “Oo,” maiksing sagot ko. “Maaari po ba kayong magsadya rito sa aming opisina para sa pagpirma ng mg documents at para na rin sa payments?” Nakaramdam naman ako ngayon ng kalungkutan. Ngayon lang nag-sink in sa isip ko na magkakaroon na nga kami ng panggastos ni Mommy pero mawawala nga pala na sa akin si Pinky dahil bibilhan na nila. Kahapon ko dinala si Pinky sa Armor Auto Buy and Sell para ibenta pero dahil wala daw ang may-ari na magde-desisyon ay tatawagan na lang daw ako. At ngayon heto na nga, tinatawagan na nila ako. “Sige,” matipid na sagot ko lang sa nasa kabilang linya. Hindi na lang dahil kasama ko si Xalene, kundi dahil na rin sa kalungkutan ko na tuluyan nang mawawala sa akin ang kotseng mahal na mahal ko. “Pimps, kailangan ko nang umalis. Importante,” sabi ko kay Xalene nang matapos ang tawag. “Sige na. Ayos lang ako dito,” pagbibigay naman niya ng permiso. “Sure ka?” “Oo. Saka mamaya babalik na rin naman na ako sa mansyon. Sinabi ko kay Butler Joe na saglit lang ako. Tsinek ko lang talaga itong apartment ko.” “Sige, sige. Chat chat na lang tayo mamaya.” Tumayo na ako’t nagmamadaling umalis na nga. “Ingat ka, nerds!” ngunit pahabol niya na narinig ko. Kumaway ako’t sumakay na sa taxi. At tumulo na ang luha ko. Buking. Alam ko kasi na sa ngayon ay nagtataka na si Xalene bakit sa taxi ako sumakay at hindi kay Pinky. Tiyak na iniisip na ngayon ni Xalene na may hindi ako sinasabi sa kanya. “Ayos ka lang, Miss?” may pag-aalalang pansin sa akin ng taxi driver. “Ayos lang po,” magalang na sagot ko naman. Pinunas ko ang mga luha ko. Hindi bale, kapag umayos na ang kalagayan ko ay aaminin ko naman ang lahat kina Xalene at Leren ang pinagdadaanan kong ito. Ipinapangako ko rin na babawiin ko rin si Pinky. Bago ako makurot sa singit ng dalawang pangit ay mabibili ko ulit ang kotse ko. Kaya mo ‘to, Corinne! pampalakas-loob ko sa sarili ko.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD