CHAPTER 3

2373 Words
***JAGR's POV*** Nag-pause sa ere ang wine glass na aking iniunaman nang naalala ko si Corinne Rufino. I can't explain what my reaction was earlier when she entered my office. Parang mas gusto ko pang mabulag na lamang kaysa ang araw-araw ko siyang makita sa tanan ng aking buhay. Oh, Jesus! Sa panahong ito, sino pang tao ang magsusuot ng turtleneck blouse na pinatungan ng cardigan sweater na tinernuhan ng hanggang sakong ang haba na bulaklaking palda? Nakalimutan niya yata na naririto siya sa Pilipinas na ang init at halos umabot ng 40 degrees. At talagang pinaresan pa niya ng doll shoes na kulay berde para sa kanyang paa. Nakailang ngiwi talaga ako kanina habang pinagmamasdan ko ang kabuuan niya. The lady had a horrible fashion sense. Ang sakit niya sa mata. Sobra. Ano bang ginawa ni Abelardo sa kanyang anak? Bakit hinayaan niyang maging ganoon ang klase ng hitsura at pananamit nito? Tapos… tapos… baduy na nga ay may attitude pa. Napakatapang na babae. Kahit ganoon ang hitsura ay ang maldita. Hindi ko tuloy maiwasan na maging curios sa kanya. Ang mga ngiti nga niya kanina ay inaamin kong sapat na para magsumirko ang aking puso. Sigurado ako, may kakaiba kay Corinne Rufino. Well, I don’t give a damn though. Nakuha man niya ang interes ko’y malayo pa rin siya sa babaeng type ko kahit pa totoong virgin siya. Bago pa lumala ang aking pagpapantasya sa baduy na babae ay napailing ako’t tumungga sa iniinom kong alak. “Hi, handsome,” at pasalamat ko dahil narinig kong papansin sa akin ng kapwa ko costumer sa night club na iyon. Tumabi siya ng upo sa akin sa bar stool at malanding ngumiti. The simple stare she cast on me made me suddenly feel hot. Kinilatis ko siya. At nang nakita kong namumutok sa laki ang mga dibdib niya ay lumawak ang aking pagkakangiti. Ganito ang babeng type ko. Liberated. “Would you like to have fun tonight with me? Iniwan kasi ng hinayupak kong kasama,” nanghahalina na request ng babae. Ang paa niya’y nakisabay sa pagsalat sa paa ko sa ibaba. “Oh yes, baby. My pleasure,” sabi ko na sa kanya at walang anumang ipinatong sa hita niya ang isa kong palad. Nakakaramdam ako ng init kaya naisip ko rin na baka siya na ang babaeng hinahanap ko. “Are you alone?” tanong niya. Napakagat-labi dahil naglalandas na sa sandaling iyon ang malikot kong kamay sa ilalim ng skirt niya. “Oh,” mahinang daing niya. Fuck, she’s very wet and hot. Mukhang may tinira ang babaeng ito na gamot. “Yeah, I’m alone. I’m all yours tonight, baby,” bulong ko sa punong tainga niya. Ngumisi siya’t umalis na sa pagkakaupo. Hawak niya ang necktie ko ay hinila niya ako sa madilim na parte ng night club. Umiigting ang mga muscles ko sa katawan na nagpatianod sa kanya. At agad nagsugpong ang aming mga labi nang makarating doon. I kissed her greedily. My arms curled around her waist ang held her close. Kulang na lang ay masupsop ko ang lahat ng kanyang laway nang isahan sa aking pagkadarang sa kanya. She has lips like an angel’s lips. Napasinghap ang babae nang ipisa ko siya dingding. I nibbled on her shoulder, then over her collarbone before my mouth traces the curve of her breast. “Oh, God,” mahina niyang ungol. Kumukurba ang kanyang katawan. Mas ginalingan ko pa ang pagpapasarap sa kanya habang pinapakiramdaman ko rin ang sarili ko. I am confident in thinking that I am ready to claim her, even right now. At sana virgin pa siya. “Ano ‘yan?” Subalit hindi nagtagal, bigla-bigla ay naitulak niya ako sa dibdib. “Why?” maang ko. “Bakit ang lambot pa rin niyan? So totoo nga na may sakit ka? That you are experiencing erectile dysfunction?” Nabahala ako. Namilog ang mga mata ko. Nagmistula akong estatuwang yelo na nabasag nang pira-piraso gawa ng matinding kahihiyan. “Lumayo ka nga sa akin! Inutil na lalaki!” galit na pagtataboy na sa akin ng babae. Hindi ko napigilan ang sarili ko. Bigla ko siyang nasakal. “Hindi ako inutil! Hindi ko kasalanan kung hindi ka kaakit-akit na babae! b***h!” “B-bitawan mo ako!” asik ng babae. Nanlilisik ang mga mata kong diniinan pa ang pagkakasakal sa kanya. Kung kani-kanina lamang ay ninais ko siyang dalhin sa langit, ngayon ay gusto ko na siyang ipadala sa impyerno. “Boss, bitawan mo siya,” sayang lang dahil sumulpot na ang kanang kamay kong si Tyson. Pinilit niyang kinalas ang kamay ko sa leeg ng babae. Nagkandaubo-ubo ang babae nang mapakawalan ko. “Umalis ka sa harapan kong babae ka!” galit na galit na bulyaw ko sa kanya. Na kung hindi naiharang ni Tyson ang katawan niya ay hinablot ko sana ulit at babaliin ko talaga ang leeg niya nang mamatay na. Who is she to insult me? Damn, woman! “Umalis ka na, Miss,” utos ni Tyson sa babae. Nagkukumahog na nagtatakbo nga ang babae. Takot na takot. Para na akong halimaw sa kanyang paningin malamang. “Bullshit!” Frustrated naman na naisuklay ko ang kamay ko sa buhok ko nang wala na siya. “Relax lang, Boss,” pampakalma ni Tyson sa akin. Humugot naman ako ng buntong-hininga. “Bayaran mo ang babaeng iyon. Siguraduhin niyo na hindi siya maglalabas ng problema sa pangalan ko.” “Areglado, Boss.” Ilang hingal pa ako bago ang malalaking hakbang na nilisan ko na ang lugar na iyon. KINABUKASAN, ang aga-aga pero frantic na naman ako. Ilang beses na napalatak ako sa narinig kong ideya ni Lola Pura sa akin. Hindi kasi maaari. Hindi ako makapapayag sa gusto niyang mangyari. Hindi ko maaaring iwanan ang aking kompanya dahil lamang sa… aaahhh! “No. I can't go to the hospital,” matigas kong paninindigan sa aking abuela. Iyon kasi ang gusto ni Lola Pura na gawin ko unang-una sa lahat nang inamin ko sa kanya ang aking kondisyon; ang magpatingin daw ako sa espesyalista upang maagapan daw kung anuman ang nangyayaring ito sa akin. “At anong gusto mo, Apo? Hahayaan mo na lang na ganyan ‘yan? Paano kung lumala? Sinong mahihirapan?” giit ni Lola. “Pero, Lola, mas ipapahiya ko ang sarili ko kapag ginawa ko iyon,” I stated fiercely. “Mas nakakahiya kung hindi iyan malunasan,” giit din niya. “Aba’y, kailan mo pa ako mabibigyan ng apo sa tuhod kung ganyan ka? Baka mauna pang mamatay ‘yan kaysa sa akin.” Naihilamos ko ang mga palad sa aking mukha at bumuntong-hininga. Hindi ko na alam ang sasabihin ko sa matanda. Hindi ko naman siya masisisi dahil noon pa niya sa akin iniuungot ang sana’y bigyan ko na siya ng cute na apo sa tuhod. “Huwag mong gawing biro ito, Jagr, lalong huwag mo akong gawan ng kuwento. You might have forgotten that I used to be an editor-in-chief before I married your grandfather. Sanay ako sa mga loopholes ng mga kuwento.” Pinanlakihan pa ako ng mga mata ni Lola. “Fine. Susubukan ko, Lola,” sabi ko na lamang nang matapos na ang usapan namin. “Gawin mo, Jagr, huwag mo lang susubukan. Tawagan mo na si Shailla. Magpa-appointment ka na sa Malvaro Hospital.” Napalatak ako. “Sa Malvaro talaga? Baka asarin lang ako ni Shailla, Lola?” “Aba’y mainam nang maipamukha niya sa iyo na ang pagiging babaero ay talaga namang sakit sa ulo!” Lalong lumaki ang mga mata ni Lola Pura. “Karma mo na iyan. Malamang ay dininig na ng Diyos ang mga dasal ng babaeng pinaglaruan mo lamang sa kama. Hindi ka kasi makuntento sa isa. Ilang ulit ko nang sinabi sa iyo na ligawan mo na si Shailla, pero kung sinu-sino pa ang kinakalantaryo mo na babae. ‘Yan ang napala mo.” Si Shailla del Sierro ay ang nag-iisang anak ni Chairman Del Sierro na ngayon ay tumatayong direktor ng sarili nilang ospital—ang Malvaro Hospital. Nakilala ko siya sa pamamagitan nina Zrion at Syver. Naging kaklase ni Zrion sa State at naging MU naman ni Syver. Lagi kong sinasabi kay Lola Pura na si Syver ang gusto ni Shailla pero ang kulit pa rin ng matanda. Ang gusto talaga daw nitong makatuluyan ko ay walang iba kundi si Shailla. Napapakamot na lang ako dahil imposible pa sa pinaka-imposible ang gusto niyang mangyari. Malabo sa tubig at langis na magsama kami ni Shailla dahil kulang na lang ipa-salvage ako ng babaeng iyon kapag nakikita niya ako. Ang init ng ulo sa akin porke tinikman ko raw ang pinsan niyang si Crisel. Hindi ko man lang daw pinalagpas. Kasalanan ko ba kung inakit ako ni Crisel at pinagbigyan ko naman dahil isa lamang akong lalaki na mahina sa tukso? Napangiwi ako nang maalala ko ang hitsura ni Shailla na hinabol ako ng kutsilyo noon. Yay! “Kung nahihiya kay Shailla ay sa kahit na sino nang doktor doon,” giit ni Lola. Ayaw talagang paawat. “Pero hindi ako puwedeng magpakita sa kahit sinong doctor doon sa Malvaro dahil tiyak kong malalaman po ni Shailla. Higit kanino man ay mas hindi puwedeng malaman ni Shailla ang kondisyon ko dahil baka siya pa ang gagawa ng paraan para ma-tsismis ako. Naghahanap pa naman iyon ng butas para makaganti sa akin dahil sa ginawa ko sa pinsan niya,” madiing pagrarason ko na naman. “Ay, hindi. Bukas na bukas din ay sasamahan kita doon. Hindi maaari ang gusto mo. Parehas talaga kayo ng Papa mo na hindi nakikinig sa akin!” “Aisst!” Inis na napasuklay ako sa aking buhok. Bakit ba kasi nangyari ito sa akin. Ang sakit sa ulo. Kung karma ko ito ay mas hindi ko matatanggap. Nagpaligaya na nga ako ng sandamakmak na babae, ako pa ngayon ang makakarma? Ang unfair naman yata. “Sa ngayon ay kumain na tayo. Baka nakahain na sina Huling. Sumunod ka sa akin agad,” laking pasalamat ko’t pag-iiba na ni Lola sa usapan. Walang lingon-lingon na lumabas na siya sa aking kuwarto. Nanlulumong napapikit ako nang napasandal ako sa kinauupoan nang mag-isa na lamang ako. What should I do? Dalawang bagay na mahalaga sa akin ang mawawala oras na malaman ng kahit sino ang nakakahiyang sitwasyon ko ngayon. Una ay ang aking iniingatang pangalan. Pangalawa ay ang aking karisma sa mga babae. Paano na ang aking kaligayahan kapag ganoon? Damn! Wari ba’y pasan ko ang mundo nang dumilat ako. Pero ang simpleng pagdilat sana lamang ng aking mga mata ay lumuwa nang sobra. Isang dambuhalang nilalang kasi ang aking nasilayan na nakatunghay sa mukha ko. “Ano ba, Tyson!” Gulat na gulat akong napaayos ng upo. Inihampas ko sa ulo niya ang throw pillow na aking nadikmat. “Aray ko naman, Boss,” angal niya. “Sabing huwag mo akong ginugulat!” Si Tyson kasi ay kasing tangkad at kasing katawan ni Benjie Paras. Pero malayong mas magandang lalaki ang sikat na komedyanteng artista kaysa rito syempre. “Bakit, Boss? Anong ginawa ko sa iyo at namamalo ka?” “Akala ko ay kapre na ang nakatingin sa akin!” singhal ko sa kanya. “Ang pangit mo!” Napakamot sa ulo si Tyson. “Ay, grabe ka naman, Boss.” “Bakit ba kasi biglang sulpot ka? Hindi ko man lang namalayan na pumasok ka?” angil ko pa rin. Nakakalokong ngiti ang sumilay sa mga labi ni Tyson. “Akala ko kasi’y tulog ka kaya nagdahan-dahan ako, Boss. Alam niyo na dating Scout Ranger. Miyaw!” Ang luko-loko umakto pang pusa. “Ewan ko sa ‘yo!” Muling napapikit at napasandal ako na wari ba’y hapung-hapo. Napakalalim din na buntong-hininga ang aking pinakawalan upang sa ganoon ay hindi ko masakal ang aking parang tanga na tauhan. “Boss, hindi kaya nagkaganyan iyan dahil kinulam ka?” Subalit bumalik ang atensyon ko kay Tyson nang biglang sabihin niya iyon. Nanlalaki ang mga mata kong sinipat ang panget niyang mukha. “Naniniwala ka sa kulam?” “Aba’y oo naman, Boss. Sa lugar namin noon ay ang daming mangkukulam. Sila ang kinatatakutan noong wala pang mga marites?” “Marites?” “Mga tsismosa ba.” Nagtatawa si Tyson. Napangiwi naman ako. “Tingin mo rin ba talaga ay kinulam ka, Boss?” I sighed and shrugged my shoulders in a helpless kind of a way. “I don’t know.” “Dapat alam mo, Boss.” “Uhm!” Isa pang hampas sana ako ng unan sa malaking nilalang pero wala yatang utak, kaso nakaiwas kaya hindi ko natamaan. “Lumapit ka rito!” banta ko. “Boss, naman. Hindi ka na mabiro.” Napakamot-kamot sa batok si Tyson. “Sabing lapit!” “Mahina lang, Boss, ah?” Walang nagawa ang gunggong kundi ang sadyang magpapalo nga ng unan sa ulo. “Seryoso ang usapan natin pero ginagago mo. Paano ko malalaman, aber, na kinulam ako?” kako bago ang ubod-lakas na paghampas ko ng unan sa napapanot na niyang ulo. Wala akong bahala dahil kahit anong lakas naman ng ginawa ko ay alam kong hindi naman masakit ang tama ng unan. “Aray,” angal naman niya na sadyang madrama lang talaga sa buhay sa kabila ng napakalaki niyang katawan. Mabilis ang kamay na hinimas-himas niya ang ulo. For the nth time ay bumuntong-hininga naman ako’t nag-isip ng paraan para hindi ako makasama kay Lola papuntang Malvaro Hospital. “Boss, kung ayaw mong magpatingin sa doktor ay may alam akong paraan paano iyan magagamot,” mayabang na saad ni Tyson. Ngingiti-ngiti habang nakatayo siya sa may gilid ko. Kahit nasa loob kami ng aking kuwarto ay ginagampanan pa rin niya ang pagiging bodyguard s***h personal alalay. “At ano namang paraan aber?” hindi ako nagpakita ng interes na tanong. Pailalim ko siyang tiningnan. Knowing Tyson, wala na itong ginawang tama. “Syempre sa albularyo po. Sa albularyo niyo ipagamot niyan, Boss. Mani lang ‘yan kung talagang kinulam ka,” pagsasabi na nga nito sa naisip na ideya. Halos magsalubong ang mga kilay ko na tumitig sa kanya. Matagal na titig dahil pinag-isipan ko agad ang suhestyon niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD