CHAPTER 7

3085 Words
***CORINNE’s POV*** “Lumabas ka diyan!” Marahas na dinikmat ni Sir Jagr ang kuwelyo ng suot kong blouse. Halos mapunit dahil walang anumang hinila lamang niya ako. Para lang akong maleta at hindi tao. Ang sama talaga! Nasaktan ako pero hindi ko tinangkang maggalit-galitan. Inirapan ko lang siya nang maayos ko ang tayo ko at ng damit ko, pati na rin ang eyeglass ko na tumabingi sa ilong ko. Bumuka ang bibig niya pero sumara rin. Napatiim-bagang kasabay ng pamaywang. “P-pasensiya na pero magpapaliwanag ako,” inunahan ko siya na paghingi ko ng paumanhin. Pero kaysa mapakalma ko siya ay parang naging posporo pa ang aking paghingi ng paumanhin na sumindi sa galit niya kaya nag-apoy na. “Tyson! Tyson!” galit na galit niyang tawag sa kanyang tauhan. “Boss, ba—” Pati man ang malaking tao na tauhan niya ay naging speechless ng ilang sandali nang makita niya ako. Nakangangang itinuro niya ako. “Bakit nandito ang babaeng ito?!” bulyaw rito ni Sir Jagr. “Hindi ko alam sa iyo, Boss. Bakit nga ba? Huwag mong sabihin nagbago na ang taste mo sa babae?” “Gago!” Dinakma ni Sir Jagr ang isang unan at ibinato kay Tyson. “Bakit na naman, Boss?” aanga-angang tanong pa nito. “Natakasan ka ng babaeng ito! Anong ginagawa mo kanina, huh?!” Pumintig ang isang ugat sa noo ni Sir Jagr at tumiim-labi. “Sige, Sir, pagalitan niyo. Hindi ginagawang mabuti ang trabaho niya,” gatong ko naman. “Shut up!” kaso ay bulyaw niya rin sa akin. Nahulog ang aking ulo kapantay sa mga balikat ko habang kikibot-kibot ang mga labi ko. “Sumunod kayong dalawa sa akin sa main deck!” huling sabi ni Sir Jagr sa amin ni Tyson at malalaki ang mga hakbang na nauna na siyang lumabas. Hinintay muna namin siyang as in na makaalis bago namin pinag-normal ni Tyson ang tayo namin at hininga namin. “Paano ka nakapasok dito sa yate kasi? Hindi ba’t pinaalis na kita?” saglit ay interrogation niya sa akin. “Hindi ko na kasalanan kung mahina kang magbantay,” palaban na sabi ko’t humalukipkip. “Nagbabantay ako nang maayos. Saan ka ba dumaan?” Nagkibit-balikat ako. “Bakit ko sasabihin?” “Para alam ko next time.” “Next time galingan mo na lang ang pagbabantay. Huwag lang sa pinto,” pang-asar ko. “Akala mo kung sino kang magaling, ah?” asik niya. “Magaling talaga ako dahil nasalisihan kita.” Uupakan na dapat niya ako. “Nasaan na kayo!” pero dahil umaalingaw na boses ni Sir Jagr ay para kaming nasundot sa puwitan na pagong na biglang bilis ng kilos palabas ng silid na iyon. This time para naman kaming late na estudyante ni Tyson sa flag ceremony. Tuwid na tuwid kaming tumayo na magkahilira. Ang mga kamay namin ay sa likod. Si Sir Jagr ay kalmanteng nakaupo naman sa wall-mounted sofa ng main deck. Naka-cross legs at naka-cross arms. Ang sama-sama nga lang pa rin ng timpla ng kanyang mukha. Hindi ko nakayanan na makipagtitigan sa kanya dahil parang kakainan niya ako ng buhay kapag nahipnotismo niya ako kaya ibinaling ko sa asul na asul na tubig ng dagat ang tingin ko. Ang ganda ng dagat. “Now tell me, paanong naririto ka sa yate ko, Miss Rufino?” narinig kong tanong ni Sir Jagr. Iniwas ko ang tingin ko sa dagat at ibinalik sa kanya. “Po?” “Tinatanong kita, Miss Rufino. Ano ang ginagawa mo rito sa yate ko? Lalo na doon sa ilalim ng kama ko?” Galit siya, sigurado ako, nilangkapan niya lamang ang kanyang hinahon ang boses. “Dahil gusto kitang makausap pa rin po tungkol kay Daddy. Kahit ilang ulit mo pa akong ipagtabuyan ay hindi pa rin kita tatantanan!” Tiniim ko ang mga labi ko matapos kong sabihin iyon. Ipinakita kong determinado ako. “Kahit pa itapon mo ako ng paulit-ulit sa dagat ay lalangoy pa rin ako pabalik dito sa yate mo.” Tumango ang lalaki, pero naroon pa rin ang tigas ng kanyang kalamnan. “Sorry, Boss. Hindi ko talaga alam na naririto ang babaeng ‘yan. Sinalisahan pala ako,” paghingi naman ng despensa ni Tyson. Parehas ko siya na nakatayo na parang naghihintay kung kailan pupugutan ng ulo ng boss niya. Tumingin ako sa kanya at naawa. Gusto kong mag-sorry dahil nadamay siya sa kalokohan ko pero nang tingnan niya ako ay inambaan ba naman ako ng suntok na parang bata. Aba’t! Iningusan ko naman siya. Kahit maliit ako na babae ay lumalaban ako sa higante. Naalala ko noong may bumully sa amin na magkakaibigan na magbabarkadang tambay ta’s malalaki ang katawan, nakaya namin silang patumbain nina Xalene at Leren. Kahit ganito kami ay hindi talaga kami papatalo. Tumikhim si Sir Jagr. Iyon ang pumutol sa masamang tinginan namin ni Tyson. Madaling ibinaling namin kay Sir Jagr ang mga mata namin. “Iwanan mo na kami rito. Magluto ka na pero hindi ka kakain. Iyon ang kaparusahan mo sa pagpapabaya mo sa trabaho mo,” sabi ni Sir Jagr kay Tyson. Tumango man pero halatang masama ang loob ni Tyson na umalis na. Sabagay sa laki niyang tao at hindi kakain, tiyak manghihina siya. Sinundan ko siya ng tingin. Laglag ang balikat niyang bumaba sa hagdanan. “You,” agaw-pansin ni Sir Jagr sa akin. “Kanina ka pa ba sa kuwarto ko?” Kumibot ang mga labi ko. “Medyo, Sir.” “Paanong medyo?” “Kakapasok ko lang po doon noong pumasok kayo kaya nataranta ako. Hindi ko alam kung saan ako magtatago kaya isiniksik ko na lamang ang katawan ko sa kama po.” Nakita ko ang pagpikit niya ng mata at pagsapo niya ng kanyang noo. Parang bigla ay sumakit iyon. “Kung gano’n ay may nakita ka?” “Ano pong nakita?” maang-maangan ko. “Nag-shower ako kanina. Naghubad. So, may nakita ka?” Kunwari pa akong nag-isip. Inilagay ko sa bibig ko ang hintuturo ko. “Ano?!” maiksi ang pasensyang bulyaw niya sa akin. “Nagmamadali? May lakad, Sir?” “Sasagutin mo ako o itatapon kita sa dagat?!” “Wala,” napakabilis ko nang sagot. Mahirap na. Ayokong makipaghabulan sa pating, aba. “Wala po akong nakita. Mamatay man. Now na.” Dumilim lalo ang kanyang mukha. “Oo nga po,” paninindigan ko sa kasinungalingan ko. “’Yung totoo, Miss Rufino. Nakita mo ba ang matigas kong ano?” Hindi ko alam kung anong trip ng mga mata ko’t napadako ang tingin sa harapan ni Sir Jagr na ngayon patiwangwang na nakaupo na. Napansin niya iyon kaya bigla niyang pinagdikit ang mga tuhod niya. Napaismid ako. Muntik ko nang sabihin na wala na siyang maitatago sa akin dahil nakita ko na ang nakatago roon. Naka-save na sa aking memory bank kasama na ang dalawang itlog. “Sumagot ka! Nakita mo ba itong matigas na akin o ipapakain kita sa mga piranha?” “Anong matigas? Ang lambot kaya? Naka-bow pa nga ng ganito,” mabilis kong sagot ulit sabay pakita ko sa hintuturo ko na ginaya ang nakita kong kalambutan ng kanyang kuwan. Mas ayokong pagpyestahan ng mga piranha. “Tortang talong siya.” Kunot-noong sinamaan niya ako ng tingin. “Anong tortang talong?!” Noon ko naman na-realize na ibinuking ko na naman ang sarili ko. “Ah, eh…” Alanganin akong ngumiti na parang batang nahuling pineke ang excuse letter na ipinasa. “Get out of here! Now!” kay lakas nang bulyaw niya tuloy. Naku po, nagalit na talaga ang may tortang talong! “Opo!” Kumaripas na ako ng alis. Umakyat ako at sa ‘sun deck’ na parte ng yate ako napadpad. May isang ‘sunbathing lounger’, doon ako umupo. Patirik na ang araw. Masarap sanang magbabad, ang kaso wala naman akong dalang sunscreen. Pinagmasdan ko na lamang ang tahimik na dagat na nagiging salamin ng langit. Halos walang alon at halos wala ring ulap. Kung hindi siguro ako nakasakay sa isang yate at wala akong kasama na demonyong manyak at malahiganteng tauhan nito ay iisipin ko sanang napadpad ako sa ibang dimensyon ng mundo. Sobrang nakakahanga ang tanawin. Lahat ng problema ko ay parang tinangay ng hangin. Lumapit ako sa pinaka-railings ng sun deck at magaang humawak ako roong ninamnam lalo ang ganda ng dagat. Sana nakikita ito nina Leren at Xalene. Pumikit ako at para akong nakatira ng m*******a na ngumiti. May nalalaman pa akong inhale at exhale. Paulit-ulit. Mayamaya lang ay ginaya ko si Rose ng Titanic. Idinipa ko ang aking mga kamay. At lalo akong nasiyahan, para na kasi akong lumilipad. Ganito pala ang feeling ni Rose. Sayang lang at wala pa akong Jack na kalandian. Sabagay hindi naman ako nagmamadali. Kung darating ang Jack ko, ay di good, kung hindi naman ay di shing. Nang magmulat ako ng mga mata ay napaigik ako dahil si Tyson ang aking nakita sa ibaba. Ang sabi Jack, hindi Goliath. My gawd! Umalis na ako doon pero sa paglingon ko naman ay isang malapad at matigas na dibdib ako napasubsob. “Aray ko!” Hawak ko ang ilong kong na-boneless-an na yata dahil iyon ang unang tumama. “Bakit ka ba humaharang?” “Bakit kasi bigla-bigla kang lingon?” katwiran niya. Susupladahan ko ulit sana siya, pero dahil ipinaalala ng isip ko na Sir Jagr ito, ang taong tanging makakatulong sa Daddy ko ay pinakalma ko ang sarili ko. “Nabali na yata ang ilong ko,” daing ko na lamang. “Huwag kang mag-alala. Matangos pa rin,” sabi niya. Natigilan ako’t napakurap-kurap. Napansin niya ang ilong ko na matangos? Eh? Nag-ehem siya. “We need to talk,” ta’s wika. Iyon na yata ang pinakamagandang narinig ko sa tanan ng buhay ko. Pakiramdam ko ay nagliwanag ang langit, nahati ang dagat, at nakakita ng shooting star sa tanghaling tapat. “Iyon naman ang gusto ko. Ang mag-usap tayo,” sabi ko sa kanya na kita lahat ng ngipin ko ang pagkakangiti. Napalatak siya’t kinampay-kampay ang kanyang isang kamay sa harapan ng kanyang mukha. “Puwede bang bawasan mo ang ngiti mo? Sobrang OA.” Napalabi ako. Diyos ko, pati ngiti ko big deal? Ano ba ‘yan. Umupo siya sa sun lounger. Naka-cross arms at legs ulit. “Tatayo ka lang ba habang nag-uusap?” “Oo, okay na ako rito,” kako. Ginaya ko siya. Nag-cross arms din ako. “So, gusto mo talagang tulungan ko ang Daddy mo?” “Yes, Sir. At bilang kapalit, kahit ano ay gagawin ko po.” Napakurap ang mayamang binata. Pinakatitigan ako. Nailang ako pero hindi ko ininda. Sa halip ay sinalubong ko ang titig niya. “But I learned that they're not your real parents, right? Bakit ka nagsasakripisyo ng ganito?” Nagsalubong ang mga kilay ko. “Paano mo nalaman ang bagay na iyan?” Nagkibit-balikat siya. “Hindi ka naman siguro uutusan ni Alberto kung hindi kami lubos na magkakilala, hindi ba?” Napa-“Ah” ako. Naunawaan ko ang ibig niyang sabihin. Nga naman, kung naging magkaibigan sila ni Daddy ay hindi nakapagtataka na alam nila ang lihim ng bawat isa. Bumuntong-hininga ako. Pinuno ko muna ng hangin ang baga ko bago ko sinagot ang tanong niya. “Ginagawa ko ito, una sa lahat ay dahil mahal ko sila. Itinuring nila akong tunay na anak kaya itinuturing ko na rin silang tunay na magulang. At ang anak na nagmamahal sa kanilang magulang ay hahamakin ang lahat matulungan lang sila.” Bumukol ang dila niya sa loob ng pang-ibabang labi niya habang nakatitig pa rin sa akin. “Handa kong gawin ang lahat para sa kanila, para muli silang magkasama dahil matatanda na sila. Ayokong makulong si Daddy, lalong ayokong mawala sa katinuan sa isip si Mommy dahil sa pangungulila niya kay Daddy. Kung nahihirapan sila ay mas nahihirapan ako. Parang sasabog ang puso ko kapag nakikita ko silang nahihirapan,” patuloy ko. Nangingilid na ang mga luha ko. Nakakatitig pa rin sa akin si Sir Jagr ng ilang saglit, bago niya nagawang tumango-tango. “Mabait ka pala talagang anak?” “Hindi naman. Madami rin akong ginawang kakulitan. Pasaway rin ako at nasasagot ko sila tulad ng ibang mga anak sa mga magulang nila. Iba lang talaga ang sitwasyon namin ngayon kaya pinipili kong magpakatino,” mabilis kong pagtatama. At hindi ko mapigil ang proud na ngiti. Proud ako na sa kabila ng pagiging pasaway ko rin na anak noon ay nagagawa ko ngayon na magsakrispisyo. Na kahit lumaki akong maalwan ang buhay at ini-spoil ni Daddy, pero nagagawa ko ngayong mag-adjust. From rich to rug, yakang-yaka ko pa rin. “So, anong kapalit?” “Anong kapalit?” Napamaang ako. “Napag-usapan na natin iyon noong nagpunta ka sa office ko,” pagpapaalala niya. “Ah, iyong gagawin mo akong alipin kapalit ng pagtulong mo sa Daddy ko. Ibig bang sabihin ay kinu-consider mo na iyon?” “No.” Umiling-iling siya. Napaismid ako. Eh? Ang gulo yata? “Hindi ka lang magiging alipin ko kundi iaalalay mo rin sa akin ang virginity mo oras na gusto na kitang angkinin,” panlilinaw niya. Sa pagkakataong ito, pakiramdam ko ay natamaan ako ng kidlat sa gitna ng tirik na araw ng tanghali. “Seryoso ka? Hindi ba parang sobra naman iyon?” reklamo ko. Nagkibit-balikat siya. “Kung may reklamo ka ay feel free na umalis dito sa yate ko. Ayoko ng taong mareklamo sa paligid ko.” “Pero iyong Tyson, halatang mareklamo siya. Bakit siya ‘andito?” depensa ko. “Tauhan ko siya at madami na kaming pinagsamahang dalawa. Ilang beses na rin niyang iniharang ang sarili niya sa bala hindi lang ako ang matamaan. Kaya mo ba ‘yon? Maarte pa ba iyon?” Napakamot ako sa sintido ko. “Eh, di siya na ang anak ni Rizal.” Tumaas ang isang sulok ng labi niya. Parang sinasabing hindi mo pala kaya, ang yabang-yabang mong sitahin ang tauhan ko. “Kung hindi ako papayag, ihahatid niyo ako pier? Ibabalik niyo ako roon?” matalino kong tanong. Lumapad ang ngiti ni Sir Jagr at umiling. “Bakit pa kami magsasayang ng gas at oras?” “Ano? Eh, paano ako aalis dito kung tatanggi ako sa kapalit na gusto mo?” “Aba’y problema mo na iyon. Nagawa mong sumakay rito na sarili mo lang, eh, di magagawa mo rin naman sigurong umalis dito na sarili mo lang.” “Siraulo ka ba? Hindi mo ba nakikita nasa gitna na tayo ng dagat? Paano ako aalis? Maglalakad sa tubig?” Lumakas na talaga ang boses ko. Tumayo na siya. “Kung ako sa iyo ay umpisahan mo nang lumangoy habang wala pang malalakas na alon. At para makarating ka sa pier bago maggabi.” Umawang ang mga labi ko pero walang namutawi na salita dahil sa hindi ko pagkapaniwala. Himala ang kondisyonis ng gunggong. Hanggang sa nakababa siya sa hagdanan. “Sandali!” habol ko sa kanya nang makuha ko ang sarili ko. Nakapamulsa sa harapan ng pantalon niyang nilingon niya ako. Ngiting-ngiti ang demonyo. Tuwang-tuwa sa pang-iipit niya sa akin. “Bago ang lahat, puwede bang malaman kung kailan mo kukunin ang—ang alam mo na. Ang bataan?” Inalis niya sa bulsa niya ang isang kamay niya at kinamot ang isang kilay. “Hindi naman mamayang gabi o kaya bukas na o kaya next week na siguro, ano?” pangungulit ko. “Depende,” ngunit malabo naman niyang sagot. “Anong depende? Paanong depende?” Tumiim ang bagang niya. “Malalaman mo kapag nakapagdesiyon ka nang talaga.” “Nakapagdesisyon na ako. Sige, gawin mo akong alipin basta pakawalan mo si Daddy sa kulungan,” agap ko. “Pag-isipan mo muna. May isang araw pa tayong maglalayag bago makarating sa isla. So may isang araw ka pa para mag-isip.” “Huh? Anong isla?” Lalo akong naguluhan. “Hindi mo ba alam na papunta ako sa isang isla at doon muna ako ng higit isang buwan o higit pa?” Dahan-dahan ay sabay ang pagbuka ng mga labi ko at ang pagluwa ng mga mata ko. “Ibig mong sabihin ay ito na ang alis mo na sinabi ni Miss Saville na mawawala ka kasi baka mag-a out of the country ka o magbabakasyon ka sa isang lugar na hindi niya alam kasi hindi mo sinasabi sa kanya ang mga personal mong lakad?” “Sinabi sa ‘yo iyon ni Russette?” Tumigas ang kanyang mga mata. “Hindi. Pinilit ko lang siya kasi nga desperada talaga ako na makita at makausap ulit. Huwag mo siyang pagalitan,” pagtatanggol ko kay Miss Saville. Dismayado sa kanyang sekretarya na napailing pa rin siya. Lumingon-lingon naman ako sa paligid. Tinantya ko kung kaya ko bang malayo sa pamilya ko ng isang buwan. Parang ang hirap naman. “Kapag nakapag-isip-isip ka ay sabihin mo sa akin bukas ang pasya mo,” huling sabi ni Sir Jagr bago niya ako ulit tinalikuran. Iningusan ko ang likod niya. As if naman may pagpipilian ako. Bakit? Kaya ko bang languyin ang dagat kapag hindi ako pumayag? Hindi naman, ‘di ba? Baka nga hindi pa ako nakakalangoy ng sampung beses ay sinakmal na ako ng pating. Natampal ko ang noo ko. Diyos ko, Lord, ano itong pinasok ko? Ano man ang piliin ko ay may mamamatay. Kung pipilin ko na magpakaalipin sa demonyong manyak ay mamamatay naman ang aking bataan. Kung pipiliin ko naman na hindi ay ako mismo ang mamamatay. Literal. “Nandito ka pa?” Sumulpot mula sa kung saan si Tyson. “Hindi ako makapag-book ng grab taxi, eh,” pabalang kong sagot. Ngumisi siya at nilampasan na niya ako. Inirapan ko naman ang likod niya. Lumalim ang gatla sa pagitan ng mga mata ko. Anong gagawin ko? Bigla kong naalala na may cellphone nga pala ako. Dinukot ko iyon sa bulsa ko. Nga lang ay lalo lamang akong na-stress nang makita kong wala nang signal. Inangat-angat ko ang cellphone ko. Naghanap ako ng signal pero wala talaga. Nasaang lumapalop na ba kami ng mundo? Nakakaloka. Nayakap ko ang sarili ko na tumanaw sa dagat nang napagod lang ako. Daddy, anong gagawin ko? Naiipit ako rito? Muntik na akong mapaiyak nang maalala ko rin si Mommy. Ngayon pa lang ay nag-aalala na ako sa kanya. Paano kung hindi roon dumating sa bahay ang pinsan kong si Lav? Paano na siya?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD