***CORINNE’s POV***
Para akong magnanakaw na naghahanap ng madidikwat nang nasa loob na ako ng yate. Ingat na ingat ako na makasalubong o makita ako ni Sir Jagr o kaya naman ng tauhan niyang si Tyson.
I am moving from one hiding place to another. Hanggang sa makapasok ako sa isang magarang kuwarto.
Isinasara ko na ang pinto nang bigla ba namang nag-ring ang aking cellphone. Naka-full volume pa naman. Kabadong-kabado akong isa-silent sana o kaya papatayan ang tumatawag. Ngunit hindi ko nagawa nang makita kong si Xalene pala ang tumatawag.
Naghanap muna ako nang magandang spot bago ko iyon sinagot. At doon sa likod ng kama, talikod ako sa pinto umupo. Niyakap ko ang dalawang tuhod ko at iniyuko ko ang ulo ko.
“Hello, pimps?”
“Nasaan ka, nerds?”
“Dito lang bakit?”
“Pumunta ka naman dito sa Malvaro Hospital, oh?”
“Huh? Anong ginagawa mo d’yan?”
“Nandito kasi si Nanay. Ngayon ang operasyon niya sa puso.”
“Ganoon ba?” hindi makapaniwalang bulalas ko. “Sayang naman at hindi ako makakapunta para i-support si Nanay Sion. May inaasikaso kasi akong importante ngayon at hindi ako basta-basta makakaalis dito,” at buong-pait ang tinig kong dagdag. Nandito lang naman ako sa isang yate na parang isang pirata, pimps. Diyos ko, buti na lang at hindi mo ako nakikita dahil siguradong kita na naman sana ang ngala-ngala mo kakatawa, dagdag ko pa nga pero sa isip-isip ko na lamang.
“Kung sinabi mo naman kasi agad ay di sana nagawan ko ng paraan,” kunwari ay paninisi ko na lang sa kanya.
“Hindi ko rin alam. Nagulat na nga lang ako kahapon na nandoon sila sa Malvaro Hospital. Inasikaso pala ni Sir Syver at Miss Felicity ang agaran niyang operasyon. Ta’s ayon, ayos naman daw ang mga test niya kaya gagawin na agad ngayon.”
“Ay, ang suwerte naman pala ni Nanay Sion sa kanyang manugang-to-be,” biro ko.
“Heh! Anong manugang-to-be na sinasabi mo d’yan?” saway niya sa akin. Ang kaibigan ko mukhang in love na, alam nang magtago ng feelings.
Tumawa ako. “Naisip ko lang na hindi naman gagawin iyon ni Sir Syver kung yaya ka lang ng aso niya ang tingin niya sa ‘yo. Malapit na nga akong magtampo sa ‘yo dahil wala ka pang sinasabi sa akin tungkol sa inyo.”
“Tigilan mo ako, Corinne Rufino, at baka mapatulan kita ngayong puyat ako,” babala niya.
“At bakit ka napuyat, aber? Huwag mong sabihin na dahil kakaisip mo kay Nanay Sion dahil hindi ako maniniwala,” patuloy ko sa pagtukso.
“Ba-bye na nga. Isa ka pang sakit sa ulo, eh,” suplada na niya.
“Gaga!” Na akin namang ikinatawa lalo.
Saglit ay natigilan na kaming dalawa. Ilang sandali na namutawi ang katahimikan sa magkabilang linya.
“Ayos ka lang ba, nerds?” hindi nagtagal ay tanong niya sa akin.
Nagbuga ako ng hangin. Nakangiti ako pero alam ko na kay lungkot ng mukha ko. Ang hirap pala ng ganito, ang hindi mo masabi sa mga kaibigan mo ang pinagdadaanan mo.
“Nasaan si Pinky?” usisa pa niya. Tama ako, nagtaka nga siya nang makita niyang sumakay ako sa taxi noong last na nagpunta ako sa apartment niya.
Nagulat ako. Lumuwa talaga ang mga mata ko. “Si Pinky? Nandoon sa talyer. Sira na naman ang kotseng iyon. Mukhang tama si Babs na ayaw niya ng Pinky niyang pangalan kasi red ang kulay niya,” mabuti na lamang at praktisado ko na ang isasagot kapag may maghahanap kay Pinky.
Awa ng Diyos ay hindi na nangulit pa sa akin si Xalene. Hindi ko alam kung dahil nakahalata siyang dinespatsa ko na sa Pinky o ano. Pero sana ay hindi dahil alam kong pati siya at ni Leren ay masasaktan sa ginawa ko. Madami na rin kasing pinagsamahan din ng dalawang pangit at ng kotse kong iyon. Sigurado talaga akong kukurutin nila ako sa singit at sasabunutan sa bulbol kapag nalaman nila ang totoo.
“Eh, si Babs? Nagparamdamn na sa ‘yo?” Xalene asked, to change the topic.
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ko. “Hindi pa rin. Sa ‘yo?”
Tinanong iyon ni Xalene dahil simula umalis si Leren ay hindi na sa amin nagpakita ang bruhang iyon. Ni hindi namin alam kung nasaan sila ng pamilya niya. Basta ang sabi noon ni Leren nang huling nagkita-kita kami, noong kaarawan ng anak niyang si Baby Eloise, ay magbabakasyon sila sa isang isla at wala raw doon signal. Ilang buwan na rin ang nakakaraan kaya miss na miss na namin siya.
“Hindi rin.”
Wala ulit naging salita si Xalene. Sinamantala ko iyon upang tumingin-tingin sa kinaroroonan kong kuwarto ng yate. Para talaga akong nasa maliit na VIP suite ng isang five-star hotel. The lobby floor was made of oak wood polished to perfection. Draperay ang kurtina. At ang kama ng upholstered bed ay halatang napakalambot ang mattress. Kumpleto rin appliances; components, flat screen tv, computer set, at mini-ref.
“Sorry, Magnum. Bigyan na lang kita ng treat mamaya, okay?” narinig kong sabi ni Xalene sa kabilang linya na nagpabalik ng atensyon ko sa kanya.
“Sinong kausap mo?” tanong ko sa kanya.
“Iyong aso. Bitin sa kinain,” imporma niya.
“Buti pa ang mga asong ‘yan. Pagkain lang ang problema, ano?”
“Mas mayaman pa nga sa atin,” gatong niya naman na ikinatawa namin ulit parehas.
Ayoko pa sanang ibaba dahil nakakawala naman talaga ng stress kapag kausap si Xalene. Ang kulit-kulit kasi ng bruhang iyon. Walang dull moment kapag siya ang kasama.
Ang kaso’y may narinig akong mga yabag. May papasok sa kuwarto.
“Kailangan ko nang ibaba, pimps. Tawagan na lang kita ulit. Pakikumusta mo na lang sa nanay mo at sa mga ate mo, hah? Bye,” nagmamadaling paalam ko na sa kanya. Ni hindi ko na hinintay na makasagot siya. Pinatay ko agad ang tawag niya.
May pagmamadali rin akong naghanap ng matataguan. At dahil wala na akong oras ay pinili ko na sa ilalim ng kama. Maliit lamang ang katawan ko kaya naisiksik ko roon ang sarili ko.
Wala pa akong lakas-loob na harapin pa si Sir Jagr. Kukuha muna ako ng tapang kahit ilang sandali lang. Saka gusto ko nasa laot na kami para kahit paalisin niya ako ay wala siyang magagawa dahil nasa gitna kami ng dagat.
Kailangan namin talagang mag-usap. Bahala na si Batman.
Narinig ko ang langitngit ng pinto. Pumasok na ang demonyong manyak. Dumagundong naman sa kaba ang dibdib ko. God, ano itong ginagawa ko? Hindi kaya ako makulong din kapag nalaman niyang pumuslit ako sa yate niya?
Napanoo ako. May chance pa yatang masamahan ko si Daddy sa kulungan kaysa ang mapalabas ko siya, ah. Huwag naman sana.
Out of curiosity, hinawi ko ang tumatabing na tela at sumilip. At muntik na akong mapatili nang makita ko ang paa niya sa harapan ko, dehuta! Mabuti na lamang at mabilis kong naitakip sa aking bunganga ang mga palad ko. Lagot na sana.
Nang sumilip ako ulit ay naglalakad na papuntang banyo ang demonyong manyak. Nagtatapis siya ng tuwalya sa kanyang balakang habang sumisipol. Maliligo na siya.
Pagkapasok niya sa banyo ay saka ako tyetyempo na aalis sa kuwarto. Maghahanap ako ng ibang lugar ng yate, kahit saan, huwag lang sa kuwarto niya.
“Ay, putek!” Anong gulat ko nga lang nang bigla ba naman siyang humarap kasabay nang pag-alis niya ng tuwalya ulit sa kanyang balakang upang ayusin na naman dahil parang nahuhulog. At dapat tatakpan o iiiwas ko sana ang aking mga mata, pero nakapagtatakang hindi ko ginawa. Kitang-kita ko tuloy ang kabuuan niya.
My lips parted as I shamelessly stared at his maleness. Soft and unaroused, yet ang sarap pa rin sa mata dahil napakatikas pa rin. Mahaba pa rin at mataba. Parang gusto ko tuloy laruin na parang ano ng bata.
Napakagat-labi ako nang lumapit siya sa akin, este sa kama. Sumiklab sa aking isipan na lumabas sa ilalim ng kama at hagurin ang kanyang kahubdan. Na-imagine ko na ipinulupot ko sa kanyang leeg ang aking mga braso. Ibinaon ko sa basa niyang buhok ang aking mga daliri at hinila ang kanyang ulo upang maghinang ang aming mga labi. His lips would be soft but…
Umayos ka, Corinne! sita na sa akin ng aking konsensya dahilan para maputol ang aking pagpapantasya.
Umiling-iling naman ako at napahugot ng hininga. What was that? Shiti, kailangan ko na talagang makalabas sa kuwartong ito. Nakaka-suffocate ang inilalabas na testosterone ng lalaking ito. Kung anu-ano na tuloy ang pumapasok sa aking isip. Ang init na tuloy pati. Myghad!
Mabuti na lang talaga at hindi ako naïve sa mga ganitong eksena. Kapapanood at kababasa ko ng steamy romance ay bukas na ang isipin ko sa ganito, idagdag pa ang lagi kong pagpunta noon sa mga gallery na my theme na ‘nude arts’ dahil sa impluwensya ng kasama ko sa opisina noong nagtatrabaho pa ako bilang office staff sa kompanya ni Daddy. Though, nakakailang at nakakahina ng p********e lalo na’t wala pa akong karanasan ay kayang-kaya ko naman nang i-manage. Hindi na ako tulad ng ibang babae na napapatili o kaya naman OA na nagugulat o nababastusan kapag nakakakita ng mga hubad na lalaki. Para sa akin, isa na ring art ang anatomy ng isang tao.
Lumakad ulit ang mga paa ni Jagr Salvatore. Papasok na siya sa banyo. Animo’y nasa karera naman ako na naghihintay ng signal para tumakbo.
Pagkapasok nga niya sa banyo ay kumaripas na ako ng labas sa kama.
“Boss?” Nga lang ay siyang pagdating naman ni Tyson.
“Yay!” ‘Sing-bilis ng kidlat na napabalik ulit ako sa ilalim ng kama. Nyeta, para na akong shunga, ah!
“Boss?” Si Tyson. Hinahanap ang kanyang amo. Ngani-ngani ay sagutin ko siya na nasa loob ng banyo ang hinahanap niya.
“What?” silip ni Jagr sa pinto. Basa na ang kanyang buhok. Tumutulo ang ilang butil ng tubig sa kanyang noo na naglandas pababa sa matigas niyang panga.
Nanuyo ang lalamunan ko kaya kinailangan kong lumunok nang lumunok. Sinundan kasi ng pasaway kong mata ang tubig. Tila butil ng kristal iyon na dumaosdos hanggang sa kanyang leeg pababa sa matipuno niyang dibdib.
Labi ko naman ang nanuyo kaya kinailangan ko ring basahin ng dila ko. Ano kayang feeling kapag didilaan ko ang tubig sa kanyang matipunong dibdib tapos laruin ng dila ko ang kanyang cute na n****e?
“F*ck!” Nagmura si Jagr at doon naglaho ang pagpapantasya ko sa kanya. “Pati ba naman ‘yan tatanungin mo sa akin. Kahit ano na ang lutuin mo!” pagalit ding anya kay Tyson bago niya pabalibag na isinara ang pinto ng banyo.
Nakita kong napakamot na lang ng ulo ni Tyson. “Kahit ano raw pero kapag hindi naman niya magustuhan ang lulutuin magagalit din,” tapos ay bubulong-bulong na umalis. Pero bumalik pa siya upang pabirong sipain sana ang pinto ng banyo.
Natatawa akong inihatid siya ng tanaw palabas sa kuwarto. Isumbong ko kaya kay Sir Jagr niya?
Naghintay naman ako ng ilang sandali pa bago nagpasiyang umalis sa kama. Mga five minutes para sure na hindi na babalik si Tyson. Siguro naman ay matagal maligo ang isang Jagr Salvatore. Mukhang maarte kasi siya sa katawan. Hula ko’y tulad din siya ng mga babae at ilang mga lalaki na parang ang daming inaalay muna kay Bathala upang lalong gumanda o gumwapo bago matapos maligo.
Subalit napanganga ako nang wala pang five minutes ay lumabas na ang demonyong manyak sa banyo. Mali ang hula ko dahil mas mabilis pa palang siyang maligo sa pusa. Pinupunasan niya ng towel ang basa niyang buhok na tinungo ang built-in cabinet. Kumuha siya roon ng damit at nagbihis.
Darn. Rugged jeans and white muscle tee shirt were definitely made for this man. Kahit siguro ang pinakamanang pa sa balat ng lupa ay hindi mapipigilan ang tukso na pisilan ang namumutok nitong mga biceps.
Naiiyak na naiuntog-untog ko ang noo ko sa sahig. Inuuna ko pa talaga na problemahin ang biceps ng demonyong manyak kaysa kung paaano na ako makakalabas nito?
Ay naku, Corinne! saway ko sa sarili ko.
Sa pagkakapikit ko ay hindi namalayang lumapit sa kama si Sir Jagr at nahulog niya ang deodorant niya. Gamit ang paa niya ay sinubukan niyang pigilan ang deodorant na pumasok sa ilalim ng kama.
“Aaaahhhhhh!” Ngunit ang isang kamay ko ang kanyang naapakan kaya grabe ang naging sigaw ko. Masakit, eh.
“What the—” Bigla ay silip siya sa ilalim ng kama.
“Hello po,” pasimple kong bati sa kanya. Buking!