***JAGR’s POV*** “F*ck!” pagkapasok na pagkapasok ko sa aking cavin ay nasuntok ko ang hangin. Badtrip na badtrip ako sa kaalamang nakita nga ng babaeng iyon ang aking unarousable na batuta. Ang totoo ay parang gusto ko na lang tumalon kanina sa dagat. Damn, tortang talong daw ang aking kuwan. Sana ay nilamon na lang ako ng ipu-ipo kanina. Nakatiim-bagang na naihilamos at naisuklay ko ang aking mga kamay sa aking buhok. Pagkuwa’y frustrated akong napabuntong-hininga. “Bullshit!” At hindi ko na napigilan ang aking sarili. Unang pagkakataon na hindi ko maipagyabang ang aking… ang aking… Malakas kong sinipa ang dingding at pinagsusuntok. s**t! Ang inutil ko! Mayamaya ay nagmamadali kong binuksan ang computer ko. Hindi maaari ito. Hindi ako papayag na ganito na lang ako. Nang mag-ope