"Ang ganda ng fiance ngayon ni Seniorito no." Sabi ni Balasang. Nagkwekwentuhan sila sa kusina habang naghihimay ng dahon ng Gabi. "Hindi lang maganda mabait pa hindi kagaya n." Hindi na niya na itinuloy ang sasabihin ng sawayin sila ni manang. Kaya nanahimik na lang sila. "Kayo talaga sinabi na nga sa inyo na bawal bigkasin ang pangalan nun dito sa bahay at ungkatin ang nakaraan." Sabi ni manang sa kanila kaya nagsitahimik na lang sila at nagkatinginan. Pagdating ng gabi inakyatan na naman nila ako ng pagkain. Wala parin daw ang Seniorito nila tumawag daw na pakainin na lang daw ako kasi gagabihin siya. Paki sabi na lang daw sa akin. Kaya napa kunot ako ng noo. " Parang close kami ha." Inis na bulong ko. "Salamat ano nga pala ang pangalan mo?" Tanong ko dito.alanganin itong ngumiti