Inis akong umakyat sa silid ko. Hindi parin siya nagpakita sa akin buong maghapon. Kaya kinabukasan naisipan kong hindi lumabas ng kwarto hangang sumunod na araw. Hangang dumating na naman ang sabado. Hindi pa rin ako lumabas hanggang kinabukasan nakahiga lang ako. Hindi ko na rin kinakausap ang mga katulong. Ng makarinig ako ng katok sa pintuan ko. "Bukas yan." Sabi ko ng pumasok ang kumatok. Hindi ko ito nilingon kasalukuyan akong nakahiga nakatalikod sa pintuan. "Ilagay mo na lang diyan. Balasang mamaya ko na kakainin." Sabi ko na hindi parin lumilingon. Hangang nagtaka ako. Dahil hindi parin nagpapaalam si Balasang. Kaya napa dilat ako at nilingon ko ito. Ng magulat ako sa lalaking naka sandal sa tokador at nakatingin sa akin. "Buti naman at nagpakita ka na. Bakit napapagod ka na ba