"Tingnan mo dumugo ang sugat mo dahil sa pagkilos mo.Hindi pa kasi magaling masyado ang mga sugat mo. Dahil malalalim ang mga sugat mo." Sabi nito at sinimulan ng linisin ang sugat ko at pinalitan ng benda. Nanahimik na lang ako habang ginagawa niyang linisan ang mga sugat ko.Tiningnan ko na lang ang ginagawa niya. "O Kumain kana at sa susunod tawagin mo ako pagmay gagawin ka at kailangan mong mag punta sa CR kung gusto mong mabilis ang pag galing mo." Sabi nito sa akin at inilagay ang maliit na lamesa sa harap ko Inajust ang higaan ko para umangat ang higaan. Para makakain ako ng maayos.Tumango na lang ako sa kanya at tiningnan ang pagkain na nakalagay sa tray sa ibabaw ng lamesa may sinangag dito may itlog na sunny side up ang pagkakaluto at may daing na bangus at chocolate na mainit.