Kinabukasan maaga pa gising na ako. Naligo ako at nagbihis ng damit bago ako lumabas. Nakita ko na nagkakatuwaan sila sa labas. Napatingin sa akin si Don. "O. Gising kana pala. Halika magalmusal ka muna.Tamang tama hindi parin ako kumakain sabay na tayo." Sabi niya sa akin at Inaya na ako papuntang kusina. Naabutan namin na nagaalmusal si Gabby ang babaeng naging pasyente ko sa ospital. May amnesia siya. Kaya Hindi niya alam kung ano ang nangyari sa kanya ang naalala niya lang ang pangalan niya. Wala ng iba pero inaalam pa ni Veron kung sino siya. Dahil nakasuot siya ng pang military ng makuha siya nila Veron. Kaya nandito lang siya sa Hide out naglalagi siya Ang nagtuturo sa mga babae dito. Dahil magaling siya sa paghawak ng armas at pakikipaglaban lalo na sa mga klase ng bomba. "Hi!"