Chapter Four
ALYSSA
"KIM TAEHYUNG bakit ba ang gwapo moooo?!"
Kinikilig talaga ako. Anubaaa.
Kasi naman ehh. Kasalukuyan kong pinapanood ang bagong release na album ng BTS. My goodness. Dynamite.
Mahihimatay yata ako sa kapogian ng pitong asawa ko. Nagbukas pa ako ng PATATA kasi gusto ko pa.
Habang nakadapa pa akong aliw na aliw sa pinapanood, nagulat ako nang biglang may isang malaking daga ang pumatong sa laptop ko.
"Ahhhhhhhhhhhhh," tili ko sa takot.
Kinuha ko ang kumot at itinabon sa katawan saka sumiksik sa pader.
"Ahhhhh, mamaaaaaaa!"
Ang lintik na daga, pinanood pa ako kaya lalo akong natakot. Gumagalaw pa ang buntot nito at tila ba nagsasalita. Nakakadiri. Nakakatakot.
Bata pa lamang ako hindi na ako fan ng Tom and Jerry dahil may trauma ako sa mga daga.
Biruin mo, nagka Leptospirosis ako noong grade 3 ako. Kaya mula noon, hindi ko na kailanman nagustuhan ang daga.
Biglang bumukas ang pinto at tumambad ang isang lalaki. Mabuti na lamang at hindi ko pa ito nilock.
"Aly! Ayos ka lang?! Anong nangyari?" May bahid ng pag-aalala sa boses nito.
"Yung... yung... yung daga!"
Tinuro ko ang bwisit na daga na ngayon naman ay kinakain na ang aking Patata.
Bumaling siya dito at hindi na nagulat. Bagkus ay ngumisi ito. Nilapitan niya ang daga at himala namang sumakay ito sa palad niya.
Inabot ko ang unan. Akma kong ihahampas ito, ngunit pinigilan ako ng lalaki. Teka, sino ba ito? Paano nakapasok dito?
Iisipin ko sanang LSI rin ito ngunit pamilyar ang hubog ng katawan nito.
Teka, diba tanod ito? Bakit nakasuot lamang ng sando at manipis na short? My goodness! Bakat na bakat ang batuta mga mare! 'Pashnea ka Arc!'
"Ang tapang mo kanina, takot ka lang pala sa daga?"
"Hindi no! Sadyang nagulat lang ako," pagtatanggi ko.
"Sige nga, hawakan mo," hamon nito.
Matapang kong inangat ang aking palad ngunit nanginginig ito. 'Takte, umayos ka!' sermon ko sa kamay.
"Ahhhhhhh! Letse kang lalaki ka! Ayaw ko na!" tili kong muli.
Bigla niya kasing hinagis sa paanan ko ito kaya naman dahil sa gulat, at dala na rin ng adrenaline rush, hindi ko na namalayang nakasukbit na ako sa kanya.
Ang mga braso ko'y nakapulupot sa leeg nito at ang mga binti ay nakakawit na rin sa hita niya. Daig ko pa si SpiderWoman sa itsura ko ngayon.
Sandaling katahimikan ang naghari. Titig na titig ito sa akin at ganun din ako sa kanya. Ang ganda pala ng mga mata nito.
Sa malayo'y aakalain mong natural na malamig, ngunit sa malapitan ay tila ba nangungulila at may bahid ito ng lungkot.
Dahil nanood ako sa YouTube kanina at naka auto-play ito, tumugtog ang Perfect na kanta ni Ed Sheeran.
I found a girl...for me,
darling just drive right in,
and follow my lead.
I found a girl...
beautiful and sweet.
I never knew you were the someone, waiting for me.
Dahan dahan ko namang tinanggal ang kamay at binti kong nakagapos sa kanya. Hindi ko alam bakit hindi man lang ako nakaramdam ng hiya.
Napatunayan ko na kung gaano katigas ang katawan nito. Para itong pandesal na matigas pero lasap na lasap parin ang sarap.
Ang bango niya rin! Matanong nga kung anong pabango niya. 'hoy, mahiya ka naman! Magpakadalagang Pilipina ka muna!' sabad ng isipan ko.
Natigil ang music na naka play. Paglingon ko sa aking laptop, napatili muli ako dahil bumalik na naman ang malaking daga. Ang taba!
"'wag kang matakot sa kanya. Matagal na yan sa silid na 'to. Ganyan din ang reaksiyon ng mga mag-aaral noon. Naghihiyawan kapag nakikita yan. Pero nasanay na rin sila. Alam mo na, mga bata," paliwanag nito.
Tumango na lamang ako. Bigla akong natahimik dahil hindi mawala sa isip ko ang mga mata nito. Hindi ko na mabasa ito.
Kinuha ko ang aking hand sanitizer at pinahiran ang kamay. Nilapitan ko siya at nilagyan rin ang palad. Mabuti na ito para safe. 'Eh puso mo? Safe pa ba?' hayssss bahala na.
"Aalis na ako," paalam nito. Mahihimigan ang lamig sa kanyang boses at mga titig.
May nagawa ba akong kasalanan? Wala naman, ah. Tingnan mo ang lalaking 'to, kanina lang lakas mang-asar, ngayon naman parang siya pa yata ang may regla sa amin. Malakas rin pala ang mood swings ng isang 'to.
Hindi na ako nakatulog nang maayos kinagabihan. Mabuti naman at wala nang nagpakitang daga. Jusmiyo.
Tumawag si Jeff. 'Wow, ngayon ka lang magpaparamdam, hah?'
"Yes?" bungad ko.
"I'v been waiting for your call," tila ba nagtatampo nitong sabi.
'Wow naman, siya pa ang may ganang magtampo. Napakasinungaling!'
"Hanap ka na muna ng side chic diyan," pabiro kong sabi.
"O baka ako naman ang side chic at may girlfriend ka?" Kunwari ay natatawa kong wika.
"I do not have a girlfriend."
Aww, so, until now, kaMU parin ang turing niya sa akin. Lintik na 'to! May pa 'I love you' pa ngang nalalaman eh.
Sabagay, nasanay na rin ako sa ganito. Just go with flow na lang.
Naaalala ko pa kung paano ako nahulog sa bitag nito. Noong una, lagi niya akong pinapatawag sa kanyang opinsina. Lagi niyang pinupuna ang trabaho ko na dapat 'ganito ganyan'.
Naiintindihan ko naman dahil baguhan lamang ako. Pero sa pagkakaalam ko, benta naman ang beauty ko kaya walang problema sa mga bisita.
Kaya noong napansin kong palagian niya akong pinapatawag at walang mintis, prinangka ko ito kahit pa siya ang boss. 'Nararapat lamang na ipaglaban ko ang aking karapatan para sa buong sambayanan' hihi.
Kung dati ay halos araw araw niya akong pinapagalitan, nagulat ako nang isang umaga ay inalok niya akong magkape sa office niya.
Level up, hah? Paglipas ng ilang buwan, inamin nitong gusto niya raw ako. Syempre, nawindang naman ako dahil masyado itong masungit sa akin noong una. Papansin lang pala.
Dahil sa iisang kumpanya kami nagtatrabaho, madalas kaming hindi nagpapansinan dahil bawal maglandian ang mga empleyado.
Sa tuwing may mga bisita at kailangan kong magpakitang gilas sa pagsasalita, nahuhuli ko na lamang na sumusulyap ito sa akin.
Pero, huwag magpapaloko. Minsan ko ng nahuli na may kahalikan siyang iba. Hindi ko na ito kinausap tungkol doon sa nakita ko dahil wala namang kami.
Oo parang kami dahil nagawa na rin naming maghalikan. Masakit man, wala pa rin akong karapatan para magselos. Kaya mga sis, label muna.
Nagpaligaw na lamang ako sa iba. Kapag hindi ko bet, edi basted. Kung medyo bet, edi go! Pero landian lang.
Natuto na ako. Huwag magseryoso para hindi maloko! Unahan mo na, kaysa sa ikaw ang matalo.
Bumangon ako at bahagyang naramdaman ang lungkot. Mag-isa lamang ako dito sa madilim na silid na 'to.
'Ilang araw pa kaya ang gugugulin ko dito?' malungkot na tanong sa sarili.
Humiga na akong muli at ipinikit na lamang ang mga mata.
Nagising ako dahil sa ingay ng mikropono na nanggagaling sa labas.
Bumangon ako at binuksan ang pinto habang kinukusot pa ang aking mga mata.
Namataan ko ang mga health workers na nakaPPE pati na rin ang aking ama ko na ngayon ko lang nakita dito, dahil siguro busy. Katabi nito ang isang matipunong lalaki.
Pansin ko rin ang pagkaing nakastyro na nakabalot ng plastic na may kasamang saging at isang tableta ng vitamin. Anong oras na pala.
Kinuha ko ang pagkain at isinara na ang pinto. 'Bahala sila diyan, nagugutom na ako' sabi ko sa sarili.
Narinig ko namang nagsalita si Papa sa mikropono.
"Isa sa mga kasamahan niyo ang nagpositibo sa virus. Siya ay nasa Room number 8. Ayon kay Doc Lazaro, dati na itong may sintomas ng 'di nakikitang sakit bago pa lamang kayo makarating dito.
Kaya naman, huwag niyo ng tangkain pa ang lumabas sa inyong mga silid upang hindi kayo mahawa at manghawa pa ng iba,"
Naalarma naman ako. Hindi man ako nakipagkumpulan sa matataong lugar noong nasa Maynila ako habang laganap na ang pagkalat ng virus, ngunit hindi pa rin mawala ang takot sa akin.
Gusto ko nang makalabas dito. Gusto ko na ring gumala. Sana bumalik na sa normal ang lahat. Kung sana lang hindi matitigas ang ulo ng mga Pinoy, hindi sana aabot sa ganito.
'Isa ka rin naman sa mga matitigas ang ulo, eh,' pangsusupalpal ng isip ko. Hayyyyy.
Dahil pakiramdam ko mabubulok na ako dito, naisipan kong ayusin ang mga halaman sa labas. Bukod sa nalalanta na ang mga ito, nagkalat na rin ang mga dahon ng mahogany na tinangay ng hangin.
Wala akong hilig sa paghahalaman ngunit susubukan ko para maaliw naman ako. Tinali ko ang mahabang buhok at hindi na tinanggal pa ang suot kong pajama. Wala na akong pakialam kung sinong makakita sa akin.
Sinimulan ko na ang pag-aayos ng mga ito.
ARC
NARITO na naman ako sa aking pwesto. Bumaba si Kap sa sasakyan ng barangay at kinausap ako.
"Arc, napansin mo bang may lumabas na LSI sa kanilang silid? Lalo na ang nasa Room number 8?"
"Hindi ko naman po napansin na lumabas ang nasa Room number 8, Kap. Bakit po ba?"
"Kasi yang nasa Room number 8 ay positibo sa virus. Inabisuhan tayo ni Mayor na higpitan pa ang pagbabantay rito sa ating barangay,"
"May isa nga lang pong pasaway, Kap. Yung nasa unang silid po," sinadya kong hindi banggitin ang pangalan ni Aly.
"Naku, ang anak ko ang nasa silid na yan, Arc. Sadyang makulit lang talaga yang batang yan, oo."
Natawa na lamang ako.
"Arc, bantayan mo naman ang galaw ng anak ko, lumaki sa Maynila yan at spoiled yan, marahil naimpluwensiyahan na rin sa mga kabataan doon," pakiusap ni Kap na tila namomroblema.
"Huwag kang mag-alala Kap, ako na po ang bahala sa kanya," makahulugan kong wika.
Pumasok na kami sa loob dahil dumating na ang mga health workers na siyang nagmomonitor sa kalagayan ng bagong nagpositibo.
Kaninang alas syete pa ng umaga naidistribute ang mga pagkain. Ang unang silid lamang ang nanatiling nakasara pa ang pinto. Mahimbing pa yata ang tulog ng prinsesa.
Mag-aalas dyes na.
Nagsalita na ang isang health worker tungkol sa tamang hygiene. Para lalong maiwasan ang pagkalat virus at malabanan ito. Tinuro ang tamang paghuhugas ng kamay, ang pag-inom ng maraming tubig, ang pag-eehersisyo at ang paglinis sa katawan.
Bumukas ang unang silid na siyang kanina ko pa sinusulyapan. Iniluwa nito ang babaeng magulo ang buhok at nakadamit pantulog pa. Halatang kagigising nga dahil kinukusot pa nito ang mata.
Kinuha nito ang mga pagkaing nasa lamesa, pinasok ang mga ito sa silid at isinara ang pinto. Spoiled nga mga pre. Ang pangit ng ugali.
Naalala ko na naman kung paano to tumili dahil lang sa isang daga. Hanep, takot pala ang dragon sa daga.
"Ang tapang mo kanina, takot ka lang pala sa daga?" nang-aasar na wika ko habang nakangisi.
"Hindi no! Sadyang nagulat lang ako," pagtatanggi nito. Sinungaling.
"Sige nga, hawakan mo," hamon ko.
Inangat nito ang kamay at halata namang natatakot dahil nanginginig pa. Ang saya panoorin mga pre.
"Ahhhhhhh! Letse kang lalaki ka! Ayaw ko na!" Tili nitong muli dahil bigla kong hinagis sa paanan niya ang daga. Ang arte ng babaeng ito.
Hindi ako nakagalaw nang bigla siyang sumukbit sa akin nang mahigpit. Ang mga braso nito'y nakagapos sa akin. Ang mga paa rin nito'y nakakawit sa aking hita. Hanep kumusta ang batuta? 'Junior, magbehave ka, sabi nang magbehave ka!'
Walang umimik. Magkalebel ang aming mukha na ilang dangkal lamang ang layo. Nagakatitigan kami. Napansin kong kulay brown ang mata nito. Tila ba naglalambing at nang-aakit.
Napakadetalyado. Ilang sandali lang ay nagsimula nang tumugtog ang musika. Alam ko ang kantang 'to.
"I found a girl...for me," Para sa akin nga ba?
"darling just drive right in, and follow my lead." Sa tigas ng ulo nito, malabo.
"I found a girl..." Siya na nga kaya?
"beautiful and sweet." Oo, maganda nga, pero baliw, masungit at dragon naman.
"I never knew you were the someone, waiting for me." Ayaw ko nang umasa pa. Nakakatakot magmahal.
Bigla akong natigil sa kadramahan nang namatay ang kanta. 'ang bakla mo pre.' mungkahi ng isipan ko.
Hanep na daga na ito, ang talino.
"'wag kang matakot sa kanya. Matagal na yan sa silid na 'to. Ganyan din ang reaksiyon ng mga mag-aaral noon. Naghihiyawan kapag nakikita yan. Pero nasanay na rin sila. Alam mo na, mga bata," paliwanag ko naman.
Tumango na lamang ito. Kinuha nito ang hand sanitizer sa bag at nilagyan ang kamay. Ang arte talaga. Mukha ba akong virus sa paningin niya? Ampucha.
Nilapitan niya ako. Akala ko kung anong gagawin niya, lalagyan lang pala ako ng hand sanitizer. 'wag kang epal pre, 'di ka niyan type.'
Naalala ko na naman ang tila kuryenteng dumaloy sa katawan ko kanina nang nakipagtitigan ako sa mga mata niya.
Pamilyar ito. Minsan na akong nabihag at dinala sa kalugmokan. Ayaw ko na. Hangga't maaga pa, pipigilin ko na ang sarili na mahumaling na naman sa isang babae.
'Ayos lang yan pre, malay mo, siya na nga ang mapapangasawa mo.' sabad ng isip ko. Hindi ko na lamang pinansin.
"Aalis na ako," paalam ko at umalis na.
Panibagong araw na naman para mangsita ng mga pasaway. Nakaupo ako ngayon sa labas ng gate at nagmamasid sa paligid. Napadaan si Baste habang dahan dahang minamaneho ang tricycle nito. Tinigil niya ito saglit.
"O, pareng Baste, saan ang punta mo?" Tanong ko.
"Sa bayan sana, teka, bakit nandito ka?" Natatakang tanong nito.
"Dito ako nakatoka. Binabantayan ko 'tong mga nakaquarantine sa loob," sagot ko.
"Pareng Arc, pili ka na diyan ng ilolockdown sa bahay mo," kumikindat kindat pa nitong sabi.
Natawa na lang ako. Naisip ko bigla si Aly at ngumisi.
"Teka, teka, nakahanap ka na ba? Anong pangalan? Kelan mo ipapakilala sa tropa?" Sunod sunod nitong sabi.
"Sira ulo, wala pa ngaaa!"
"Oooooo," kantyaw nito sakin.
"Maghanap ka na, bago pa magtampo yang batuta mo, ikaw rin," nginuso pa nito ang pantalon ko at humagalpak sa tawa.
"Hahahaha hindi yan mangyayari, sinisiguro ko sayo, pareng Baste,"
"Sige aalis na ako pareng Arc, baka hinihintay na ng misis ko ang mga pinabili niya sa akin," paalam nito.
Pinaandar na nito ang makina ng tricycle saka muling nagsalita.
"Maghanap ka na rin ng asawa, napag-iiwanan na kayo!" sigaw nito at natawa na lamang ako.
Si Kiel, nararamdaman kong muling makukulayan na ang buhay pag-ibig nito. Samantalang ako, narito pa rin. Naghahanap ng mabibihag.
Tumayo ako sa kinauupuan at hinarap ang eskwelahan para sana lumanghap ng sariwamg hangin.
Ngunit isa na naman yatang konsimusyon ang paparating. Isa lang naman ang pasaway sa mga l**s na ito, eh. Walang iba kundi ang anak mismo ng pinuno ng barangay.
Pinanood ko itong tinali ang buhok. Suot pa nito ang pajamang nakita kong suot niya kanina. Hindi pa naligo, kababaeng tao.
'Maganda pa rin naman pre at mukhang sariwa.' pangmamanyak ng isip ko.
Pinulot nito ang mga tuyong dahon ng Mahogany at hinagis sa harap. Biglang humagin at napunta lahat ito sa mukha niya.
Humagalpak ako dahil tanga rin pala ang babaeng ito.
Bumaling siya sa kinaroroonan ko. Napalakas yata ang tawa ko. Kinawayan ko ito at nag thumbs up pa. Pulang pula ang pisngi nito hudyat na napahiya at ngayo'y naiinis na.
Inirapan niya ako at pinagpatuloy ang trabaho. Isa itong himala dahil sa pagkakaalam ko, spoiled brat ito.
Halata namang hindi sanay sa paglilinis dahil palpak naman ang trabaho. Kung ito ang mapapangasawa ko, huwag nalang.
Ayaw ko sa tamad at maarte. Ang gusto ko ay yung maalaga, malambing, mabait at marunong magluto.
'Walang perpekto pre. Baka hindi ka na makanap ng mapapangasawa niyan sa arte mo,' sabad ng isipan ko.
Nakita ko itong lumapit sa isang malaking pot at pilit na binuhat. Natawa ako. Namumula na ang mukha nito at nagsihulog na ang ilang hibla ng kanyang buhok sa gilid ng tenga nito.
Pinunasan nito ang pawis sa noo. 'Mahina, wala pang natatapos, pinagpapawisan na, tskkk.
Tumuwad ito saka pinilit na itulak ang malaking pot. 'junior, behave,' pakiusap ko sa alaga.
Nang tagumpay itong ilipat sa pwesto, binuhat niya ang isang babasaging pot ngunit natalisod ito.
Bigla naman akong tumayo sa kinaroroonan. Lalampa lampa kasi. Kung di naman niya kaya, hindi nalang sana ito nagmagaling sa paghahalaman.
Bigla rin itong tumayo at luminga linga pa kung may nakakita. Aba, magaling. Yumuko ito at hinawakan ang binti. Baka nagasgasan. Hindi na ako nakatiis at nilapitan ito.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?"
Nagulat ito sa presensiya ko.
"Oh, bakit ka nagagalit? Ikaw ba ang nasaktan? Hah? Hah?"
Nakita kong dumugo ang kanyang binti. Uminit lalo ang ulo ko.
Wala akong pakialam sa social distancing na yan. Mabilis ko itong nilapitan at walang kahirap-hirap na binuhat na parang sako. Tumili ito nang tumili at pinagsusuntok pa ang aking balikat.
"Ibaba mo ako!"
"Letse ka, Arc! Ibaba mo ako sabi eh!"
Pinalo ko ito sa pwet para matigil. Ngunit nagkamali ako. Lalong mas nag-ingay ito at kinagat pa ang balikat ko.
"Arayyyyyy,"
"Manyak ka, manyak, manyak, ahhh , manyak manyak!"
"Manahimik ka kung ayaw mong gahasain kita."
End of Chapter 4