Chapter Five
ALYSSA
SINABUNUTAN ko ang sarili dahil sa inis. Kanina pa ako nagngingitngit dito sa aking silid matapos akong bwisitin ng lalakeng 'yon!
Inalala ko ang pangyayari kanina. Parang gusto ko na lang magpalamon sa lupa. Letsee talagaaa!
Noong matapos kong itali ang buhok ko, nagpasya akong magsimula sa pagtatanggal ng mga tuyong dahon ng Mahogany sa mga halaman.
Hinagis ko naman ito sa harapan ngunit sa kamalas malasan, biglang humangin, kaya ang ending nagmukhang trash can ang maganda at makinis kong face. Pwe! Pwe! Eeewww!
Mula sa di kalayuan, narinig ko ang hagalpak ng isang lalaki. Kilala ko na ito. Si Arc na naman. Bwisit na 'to. 'Perfect ka hah? Perfect?!' sigaw ng isip ko.
Ang masama dito, kinawayan niya ako at nag thumbs up pa. Aba! Walang hiya ang loko! Ang gago! Tuwang tuwa pa sa kapalpakan ko. Isusumbong ko talaga 'to kay papa kapag nakalabas na ako dito.
Nilapitan ko ang isang malaking pot. Pilit ko itong inangat ngunit hindi ko na mabuhat. Muli kong sinubukan ngunit hindi ko talaga kaya.
Naramdaman ko ang pawis na namumuo at nagsisihulog na rin ang ilang hibla ng buhok ko.
Tumuwad na lamang ako at buong lakas na tinulak ang pot. Nang tagumpay ako sa paglipat dito ng pwesto, binuhat ko naman ang maliit na paso.
Hindi ko nakita ang isang nakaharang na pot, kaya naman ay natalisod ako. Nabasag ang paso. Mabilis pa sa alas kwatro akong tumayo at luminga-linga. Baka may nakakita mahirap na. Hinawakan ko ang binti kong nagasgasan. Mahapdi huhu.
"Bakit ba ang tigas ng ulo mo?!"
Nagulat pa ako.
"Oh, bakit ka nagagalit? Ikaw ba ang nasaktan? Hah? Hah?" naiinis na tanong ko.
Naglakbay ang tingin nito sa dumudugo kong gasgas sa binti.
Napatili ako nang bigla niya akong binuhat na parang sako! Bwisit na 'to!
"Ibaba mo ako!"
"Letse ka, Arc! Ibaba mo ako sabi eh!"
Lalo akong nawindang nang pinalo ako nito sa pwet! Letse! Manyak pala ang isang 'to! Huhu.
"Arayyyyyy," sigaw niya.
"Manyak ka, manyak, manyak, ahhh manyak! manyak!"
"Manahimik ka kung ayaw mong gahasain kita."
"Manyak ka! Manyak!" sigaw kong muli dahil hindi pa ako makaget over sa pagpalo nito sa aking pwet!
"Gusto mo talagang gahasain kita, noh?"
Hinawakan nito ang laylayan ng kanyang uniporme na may suot pang puting T-shirt sa loob. Ang linis tingnan, hah.
"Utot mo! Teka, isuot mo nga 'yang face mask mo!"
"Huwag na, tayo lang naman ang narito," makahulugan niyang sambit.
Humakbang ito palapit sa akin habang nakataas ang gilid ng kanyang labi. Huhu, save me from this p*****t, please!
"Stop! Diyan ka lang! Huwag kang lalapit," banta ko.
Lalong lumapit ito. Nakangisi pa ang loko! My goodness! How am I supposed to deal with this monster?! Oo, napaka hot ng dating niya, pero.... 'pero ano?' tanong ng isip ko. Bastaaa!
"Ang init no?" Nangmamanyak na tanong niya saka hinubad ang uniporme. Lumitaw pa lalo ang kanyang kakisigan!
Heto na naman po ang tanod na mas mukhang model pa. Hindi ako makapaniwalang sa simpleng suot nitong plain white T-shirt ay mas lilitaw pa pala ang kakisigan nito. Napakalinis tingnan.
Tumigil ito sa aking harapan. Nakabalandra sa aking mukha ang macho ganado niyang katawan. 'Grabee! Hindi ako marupok at hindi ako basta-bastang magpapahulog sa bitag mo!'
Dahan-dahan nitong nilapit ang mukha sa akin. Pumikit ako dahil hahalikan na niya ako! Goshhh! Wait, bakit ang tagal.
Napadilat ako nang marinig kong umandar ang electric fan na nasa likod ko. My goodness! Nakakahiyaaa!
Namataan ko itong nakangising aso sa akin. Pashnea talaga!
"Binuksan ko lang, mainit kasi," nang-aasar na sabi nito.
"Letse ka talagang lalaki ka!"
Sinugod ko ito at pinagsusuntok ang dibdib niya. Ako pa yata ang nasaktan sa tigas ng kanyang katawan. 'Tsansing ka, Aly!' bulyaw ng aking isipan.
"Akala mo siguro nakalimutan ko na ang ginawa mo sa akin kanina, hah? Letse ka! Isusumbong talaga kita kay papa. Makikita mo!" Mungkahi ko habang pinagsusuntok pa rin ito.
'Disappointed ka lang naman yata, sis, kasi akala mo hahalikan ka niya. Hahahaha,' pang-aasar ng isipan ko.
"Tama na, Aly. Nakarami ka na ng tsansing," tila ba nang-aasar nitong mungkahi. Bumaba naman sa aking binti ang kanyang paningin.
"Linisin na natin 'yang sugat mo," wika nito kaya naman natigil ako.
"Kaya ko na, umalis ka na nga!"
"Binilin ka sa akin ng papa mo kaya naman wala kang magagawa," aniya.
Inabot ko ang bag ko at kinuha ang cotton at alcohol sa loob nito.
"Tanga ka rin pala, eh noh?"
"Manyak ka rin pala, eh noh?" I fired back.
Pinanood ko na lamang itong linisin ang aking sugat.
"Ouch! Dahan dahan naman, pwede?!" Sigaw ko dahil sa hapdi.
"Dahan dahan man o hindi, masasaktan ka talaga," aniya sa baritonong boses. Gooshhh, I like it.
"Sinasadya mo yata, eh," mungkahi ko sabay irap.
Diniinan niya pa lalo. Dahil sa hapdi nito at kanina pa ako nagtitimpi, akma kong suntukin sana sa dibib nito nang bigla nitong binaba at tinabingi ang ulo, tila may hinahanap.
Kaya naman sa kanyang panga tumama ang suntok ko! Nawindang naman ako.
"Arayy! Tinutulungan ka na nga, manununtok ka pa!" Sigaw nito sa akin.
Uminit ang gilid ng aking mga mata. Hinawakan nito ang kaliwang panga na nasuntok ko.
"Puro konsimusyon na lang lagi ang binibigay mo sa akin! Kaya pwede ba?! Umayos-ayos ka naman? Kababae mong tao," tila ba punong puno na ito sa akin sa dami ng kasalanan ko.
Tumulo na ang luhang kanina pa nagbabadyang tumakas.
"Bakit? Sinabi ko bang pakialaman mo ako?! Tanod ka! Hindi nurse! Kaya lumayas ka na dito. Hindi na ako natutuwa sa pagmumukha mo. Hindi rin kita kailangan,"
Tumayo ito at sinuot muli ang kanyang uniporme.
"Aalis na ako. Hindi na kita gagambalahin pa, kaya huwag ka na rin manggambala," malamig nitong wika.
Gumulong-gulong ako sa kama dahil sa inis. 'may pa flashback ka pa kasing nalalaman, gustong-gusto mo rin yata eh.' sigaw ng aking kontrabidang isipan.
Kinuha ko ang aking cellphone at inopen ang camera nito. My goshhh, I look like potato huhu. Kaya naman napagdesisyunan kong maligo na lang.
Habang dumadaloy ang malamig na tubig sa katawan ko, napaisip na naman ako sa nangyari kanina. Oo na, mali na ako. Aminado naman ako doon, eh.
Nagsisisi na nga rin ako. Siya lagi ang savior ko, eh. Sorry, na Arc, huhu.
Nasabi ko lang naman 'yun kasi nabigla lang din ako sa pagsigaw niya. Parang kani-kanina lang ay bumabanat pa ito.
Ngayon naman ay nag-away na naman kami. Ewan ko ba. Minsan parang kumukulo ang dugo ko sa kanya, at minsan naman ay nasosobrahan ko ang pagpuri at pagkamangha sa kanya.
'Girl, baka naman in love ka na?' Sabad ng isip ko. In love? Wala sa bokalaryo ko 'yan.
Binalot ko sa aking katawan ang kulay puti kong tuwalya saka lumabas sa banyo. Sinuot ko kulay Rosas kong spaghetti strap na sando at high-waisted short.
Nilingon ko ang lalagyan ko ng labahin, napakamot na lamang ako sa ulo. Kinuha ko ang cellphone ko saka dinial ang number ni Mama.
"Hello, anak. Kumusta ka riyan?"
"Okay lang, ma. Kaso..."
"Bakit anak? May masakit ba sayo? Ako na mismo ang pupunta diyan kung gusto mo," nag-aalala na nitong tanong. Si mama talaga, oh. NapakaOA minsan.
"Ma, ma, relax," pigil ko rito.
"Tumawag ako para sana ipakuha 'tong mga damit ko. Natambak na, ma. Total may Washing Machine naman tayo, eh, diyan nalang sa bahay hihi."
"Sige, anak. Ipapakuha ko na lang kay kuya Arc mo," wika nito kaya naman bahagya akong natawa.
Kuya Arc ko raw. Mas matanda man ito sa akin, hindi ko pa rin ito tatawaging kuya! My goodness. For me, kuya is another term for 'type kita'. Kaya medyo nawindang naman ako dito kay mama.
"Mama, pwede bang huwag na lang sa kanya? Nakakahiya naman doon sa tao, eh," pakiusap ko sa ina dahil ayaw ko talaga.
"Bakit naman anak? Mabait naman ang kuya Arc mo at napapakiusapan ito. Huwag kang mag-alala. O siya, ihanda mo na ang mga damit na 'yan at tatawagan ko na siya,"
"Ma! Huwag na! Nakakahiya. Sa iba na lang kasi," pamimilit ko. Natatakot at nahihiya akong makita si Arc.
"Ako na lang ang maglalaba, mama," may halong tampo at determinasyon ang boses ko.
"Kaya mo ba anak?"
"Oo naman, ma!" mabilis kong sagot.
'Kaysa naman gambalihin ko pa siya. Nakakahiya naman sa kanya!'
Ginulo ko ang mahaba kong buhok. Oo nga pala! Wala akong sabong panlaba!
Dumungaw ako sa bintana at nakitang nagbabantay si Arc. Sheettt. Paano ako makalalabas nito?!
Sinilip ko rin ang likod nitong classroom. Mababa lamang ang bakod hihi, perfect! Nakaisip naman ako ng magandang ideya. 'ting!'
ARC
"MAY PROBLEMA ka ba, Arc? Bakit mainit yata ulo mo?" tanong ni Mang Edwin.
"Wala naman po, Mang Edwin," pagtatanggi ko.
Ilang sandali pay ay nagsalita akong muli.
"May mga tao pa lang ginagawan mo na nga ng pabor, sila pa ang galit!"
Tumawa naman ito.
"Sino ba 'yan? LSI ba? Nako Arc, ngayon ka lang nagkaganyan."
Ano ang ibig niyang sabihin? Ampuchang babae kasi yan. Nanggagambala na nga, ang sungit sungit pa!
'Gambala nga ba pre? Aliw na aliw ka namang magpagambala,' sabad ng isip ko.
Oo nga at minsan ay nag-eenjoy naman akong pagtripan ito. Tulad na lang kanina noong tinanggal ko ang uniporme sa harap nito.
Mas lalo akong naaliw dahil naniwala yata sa sinabing kong gagasahain ko ito. May papikit-mata pa kasing nalalaman kaya naman lalo ko itong nilapitan.
Nang-aasar at seryoso kong nilapit ang mukha sa kanya saka inabot ang kamay para buksan ang bentilador.
Akala niya siguro ay hahalikan ko siya. Ngumisi ako sa harap nito. Nang-aasar. Pagkatapos ay pinagsusuntok ako nito sa dibdib. Dismayado yata mga pre hahaha.
"Binuksan ko lang, mainit kasi," nang-aasar na sabi ko.
"Letse ka talagang lalaki ka!"
"Akala mo siguro nakalimutan ko na ang ginawa mo sa akin kanina, hah? Letse ka! Isusumbong talaga kita kay papa. Makikita mo!" bulyaw nito sa akin.
Naalala ko na naman ang kapilyuhan ko kanina. Sa tuwing inaaasar ko kasi ito, tila ba tumitiklop. Ang sarap talaga panoorin itong umusok ang ilong niya.
"Tama na, Aly. Nakarami ka na ng tsansing,"
"Linisin na natin 'yang sugat mo," wika kong muli.
"Kaya ko na, umalis ka na nga!"
"Binilin ka sa akin ng papa mo kaya naman wala kang magagawa,"
"Tanga ka rin pala, eh noh?"
"Manyak ka rin pala, eh noh?" Pangsusupalpal niya.
Sinadya kong diinan ang pagdampi ng bulak sa sugat nito para naman matuto. Ang tigas kasi ng ulo.
"Ouch! Dahan dahan naman, pwede?" Sigaw nito.
"Dahan dahan man o hindi, masasaktan ka talaga,"
"Sinasadya mo yata, eh," wika niya kaya diniinan ko pa lalo. Masakit ba? Matuto ka na.
Yumuko ako tinabingi ang ulo. Nagulat ako nang sapul sa aking panga ang suntok nito.
"Arayy! Tinutulungan ka na nga, manununtok ka pa!"
Napahawak ako sa panga ko. Malakas pala manuntok mga pre.
Parang naiiyak na ang itsura nito.
"Puro konsimusyon na lang lagi ang binibigay mo sa akin! Kaya pwede ba?! Umayos-ayos ka naman? Kababae mong tao," wika ko dahil punong puno na ako dito.
Umiyak na ito. Iyakin ka palang bata ka. Tskkk
"Bakit? Sinabi ko bang pakialaman mo ako?! Tanod ka! Hindi nurse! Kaya lumayas ka na dito. Hindi na ako natutuwa sa pagmumukha mo. Hindi rin kita kailangan!"
Oo nga naman. Tama siya. Bakit pa ako narito? Gayong tanod at hindi nurse ang trabaho ko.
Tumayo ako. Bahagyang nakaramdam ng pagkapahiya.
"Aalis na ako. Hindi na kita gagambalahin pa, kaya huwag ka na rin manggambala," malamig kong tugon.
Mabuti na lamang at hindi ako nagkape ngayon, kung hindi, kawawa ito sa batuta ko.
Naglakad-lakad muna ako. Nagpasya akong pumunta sa likod ng eskwelahan para magpalamig ng ulo. Hindi ko maintindihan bakit ramdam ko pa ang pagkapahiya at inis. Ang lakas ng loob niya.
Maya maya pa ay may napansin ako sa pader. Si Aly, may binabalak na naman yata.
Nagtago ako sa pader at hindi ko muna ito sinuway.
Matangkad itong babae at mababa lamang ang pader kaya naman mabilis lang itong nakaakyat.
"At saan ka na naman pupunta, Alyssa Ibañez?"
Para itong naaktuhang gumagawa ng krimen dahil sa gulat.
"Ahhhhhhh,' tili nito sa gulat na siyang dahilan ng pagkahulog niya. Agad ko naman itong nasalo.
Kapag ito nabalian, kawawa ako kay Kap Ibañez. 'totoo ba yan pre?' nang-aasar na tanong ng isipan ko.
Binaba ko ito. Nakasuot man siya ng facemask, sinuway pa rin nito ang patakaran.
Hindi siya makaimik. Hindi rin nanlaban. Himala.
"Kung nagbabalak kang tumakas, huwag mo nang ituloy. Mahuhuli at mahuhuli rin kita," banta ko rito.
"At alam mo bang bawal rin ang ganyan kaiksing damit dito?" Walang katotohanan kong dagdag dahil naiirita ako sa suot nitong napakaseksing damit.
Paano nalang kung mabastos ito? Bihira na lamang ang mga kalalakihang may respeto sa babae.
Namula ito na parang kanina pa nagtitimpi. Saka nagsalita,
"Alam mo Arc na pakielemero," huminto ito saka pinagkrus ang kamay sa harap ng dibdib. -walang lamang dibdib hahaha.
"Wala akong balak tumakas dito kahit gustong-gusto ko nang lumabas," patuloy nito sa masungit na boses.
"Kita mo 'to?" Tinaas niya ang kanyang pitaka.
"Bibili lang po sana ako ng sabon dahil maglalaba po ako," may diin ang boses niya sa 'po'.
"Alam mo Miss, hindi mo na kailangang lumabas at mag-over the bakod pa, para makabili ng sabon. Pwede namang makisuyo ka na lang," mahinahon kong sabi.
"At kanino naman? Sa'yo?" Taas kilay nitong tanong at may halong sarkasmo ang boses nito.
"Oo nga pala. Kasasabi mo lang na huwag na kitang gambalahin pa," aniya na kunwari ay natatawa.
"May sinabi ba akong sa akin ka makisuyo?" supalpal ko sa kasungitan nito.
"Bumalik ka na sa silid mo. O baka gusto mong buhatin pa kita? Total parang gusto mo naman," saad ko.
Lumaki ang singkit na mata nito. Biro ko lang naman. Tskkk
Tumalikod ito sa akin at hinarap ang pader. Kumapit ito sa taas at inangat ang paa. Kitang kita ko ang makinis at maputi nitong balat sa likod. Natampal ko na lamang ang ulo ko.
"Ano na naman bang ginagawa mo?!"
"Obviously, aakyat! Dzuh," maarte nitong sagot.
Naiintindihan ko naman ang pag-iingles nito dahil umabot rin ako sa unang taon sa pagkokolehiyo.
Hindi ako makapaniwalang sa ganda ng babaeng ito, daig pa ang akyat bahay pre! Hanep, anak pa ito ng Kapitan ng barangay pero nangunguna sa listahan ng mga pasaway.
Nang tagumpay itong makabalik sa loob, inabot niya sa akin ang singkwenta pesos. Nasa lebel lamang ng balikat ang pader na pumapagitana sa amin.
"Bilhan mo ako ng sabon. Tide, hah."
Hindi marunong makiusap.
"Tide? Bakit hindi Pride? Mas bagay sayo yun, total mapride ka naman," komento ko.
"Pst, Pogi!" tawag niya mula sa likuran ko kaya naman binalingan ko ito. Tsskk
May pag-aalinlangan itong lumapit dahil napansin ako nito. Dapat lang na masindak ka! Tanod ako.
"Bakit ate?" nagtatakang tanong nito sa babaeng kani-kanina lang ay sinusungitan ako. Ngayon naman ay parang pusa sa harap nitong lalaking tinawag niyang pogi. Tskk
"Pupunta ka ba sa tindahan, Pogi?" tanong niya habang nakangiti pa. Hanep, pati bata pinapatulan!
Makahulugan kong tiningnan ito. Tila nakuha naman niya ang ibig kong sabihin.
"Ah, eh, hindi ate. Sige, mauuna na po ako," tugon nito at nagmamadaling umalis.
"Hayyy, nako naman. Hindi effective ang pagpapacute ko," nakanguso niyang sabi.
"Kasi hindi mo bagay. Mukha ka na ngang nanay nung bata," pangaasar ko.
"Excuse me, sa Manila, mga ganyang edad pa ang nanliligaw sa akin! Hindi naman ganun kalayo ang agwat namin!" bulyaw nito. Pumapatol ngang talaga sa bata. Tskkk.
"Eh, ikaw? May asawa ka na ba?" tanong niya na ikinaseryoso ko naman.
"Wala pa," mahinang sagot ko na ikinahagalpak naman niya.
"Ikaw naman pala ang matanda sa atin eh, hahaha. Uugod-ugod ka na pero wala ka pa palang asawa. Hahaha baka rumupok ang batuta mo Manong," pang-aasar nito.
Mga limang taon siguro ang tanda ko sa kanya, kaya naman ganito nalang ito kalakas mang-asar.
"Huwag mo akong tawanan. Baka sayo ko ito isasagad pagdating ng panahon," banat ko dahil halatang hinahamon niya ako.
Natigil naman ito sandali at nagsalita.
"Hindi pa ba bulok yan sa panahon na sinasabi mo?" Nang-aasar na wika nito at mahahalatang nakangisi ito sa likod ng facemask na suot. Lalong sumingkit ang mga mata niya.
"Hindi pa naman siguro kung ngayon na mismo o sa mga susunod na bwan, hindi ba?"
Hindi ito nagsalita. Kaya nagpatuloy naman ako.
"Ngayon palang, humanda ka na. Malaki 'to, baka hindi mo kayanin," namamaos na saad ko at may halong pang-aasar.
"Ako na ang bibili ng sabong panlaba mo, misis ko," malambing kong wika.
Bahagyang nanlaki ang mga mata niya.
"Mi-Misis?!"
End of chapter 5