Chapter 3
ALYSSA
HUMAGALPAK, sumalampak at pumalakpak pa ako sa tuwa dahil nagawa kong inisin si Mister Macho Ganadong tanod. Akala niya siguro papasindak ako. Utot niya!
Natigil ako sa kabaliwan ko nang tumunog ang aking cellphone, hudyat na may nagtext .
Jeoffrey: Hey, Aly. How are you?
Me: I'm fine. How 'bout you?
Jeoffrey: Fine but I'm kinda missing you.
Me: I miss you, too.
Habang katext si Jeff, kumuha ako ng isang cute na upuan, hinatak ito at iniharap sa bintanang nakabukas pero may kurtina naman. Kaya hinawi ko ito nang kaunti.
Jeoffrey: Hope to see you soon, Aly.
Me: Yeah, soon.
Jeoffrey: Have you eaten your lunch?
Mula sa kinauupuan ko, tanaw ko ang lalaking nambwisit sa akin. Ngunit, nakabawi naman ako.
Hindi na ako nagreply sa text ni Jeff dahil masyado akong nawili kanonood sa napakatigas niyang galaw at pangangatawan na tila ba kaya kang ipaglaban sa anumang bakbakan. 'Type ko 'to.'
Namangha ako sa kakisigan nito. Lalo na't tinanggal nito ang facemask na siyang nagtatago sa kanyang kapogian. Model yata ito, hindi tanod.
Sa hubog ng katawan nito'y aakalain mong nag gy-gymn. Shet, kyaaahhh, pahaplos naman ng iyong biceps!
'Wow naman ghorl, kanina lang inis na inis ka, ngayon, feeling fan ka na,' pambabara ng aking isipan.
Kinuha nito ang bote ng tubig at nilagok. Grabe, ang hot niyaaaa! Tila ba isa itong endorser ng mineral water. 'That's so illegal mister!' sigaw ng isip ko. 'Ako nalang sana yung bote, hihi.'
Sunod niyang binasa ang buhok. Ang sarap nitong pagmasdan! Mas hot pa yata sa init ng araw.
Teka, masyado ko na itong sinasamba, ah? Whatever. Napansin kong tinanggal nito ang damit, nabasa yata.
'Yan kasi! May pa basa basa ka pa ng ulo, eh, nasa trabaho ka! Paano kung magkasakit ka? Sinong kawawa?!' kunwari'y panenermon ng aking isipan na feeling jowa. 'Ay hindi nanay?' sabat ng aking isipan.
Naghubad siya. Oh my goodness! My eyes are sparkling. Pogi na nga, may biceps pa at may bonus ding pa abs!
'Eng sherep nemen, kyeh Penge absdesal, este pandesal.'
Maya maya pa ay may tumigil na sasakyan. Nag-usap sila nung driver.
Nakita kong isinuot nito ang facemask. 'Ay aalis na yata, sayang naman,' nanghihinayang na saad ng isipan ko.
Ngunit, hindi ito sumakay, bagkus, binuksan nito ang gate at saka pumasok naman ang sasakyan.
Naistorbo ang aking panonood nang biglang umalingawngaw ang tunog ng aking cellphone. May tumatawag. Si mama.
"Hello, anak. Nariyan na ba ang pagkain niyo?"
"Oo, ma. Halos kararating lang,"
"O sige anak. Kumain ka na mamaya. Tumulong ako kanina sa pagluto ng mga pagkain niyo. Kainin mo lahat yang nakalagay sa dalawang styro, hah?'
"Okay, ma. Salamat. Bye," tila nagmamadali kong paalam.
I immediately ended the phone. Eh kasi naman, ang ganda ng tanawing nakikita ko. Isang lalaking nakahubad pang itaas.
Ang balat nito'y nagniningning sa tuwing tinatamaan ng araw. Masarap pagmasdan kahit pawisan.
Mahihimatay yata ako dahil may pa flex pa ang kanyang biceps dahil sa bitbit nitong mga pagkaing nakalagay sa dalawang basket. Parang mas masarap yata siya kaysa sa pagkaing dala.
"Yari ka ngayong babae ka,"
Aba'y loko 'to ah. Balak yatang 'di ibigay yung isang pagkain ko.
Bigla kong binuksan ang pinto at halatang nagulat ito.
"Huli ka! Ikaw ngayon ang yari! Iwan mo ang isa pang styro ng pagkain ko!" Kunwaring galit na sabi ko.
But actually, it's not big deal. 'Papansin lang?' Whatever, hmmp.
"Isusumbong kita kay Kapitan, sa inaasal mong 'yan!"
Hindi yata ako kilala nito, eh. Sarap pagtripan.
"Aba! Subukan mo! Nakikita mo ito?" Aniya at pinakita sa akin ang batutang nilabas niya mula sa likod ng pantalon.
Parang mas bet ko yung batutang nakatago ngayon. 'Maharot!' Sigaw ng echusera kong isipan.
"Baka gusto mong gamitin ko sa'yo 'to?" Wika niya habang pinapalo palo sa kamay ang batutang hawak.
"Alam mo, Mister, mas bet ko kung ibang batuta nalang ang gamitin mo sa akin." Saad ko at sinadyang paglakbayin pababa, patungo sa zipper nito ang aking singkit na mata. Shet, umbok pa nga.
"Ano, Mister Macho? Bet mo?"
Natatawa na lamang ako habang inaalala ang pangyayaring iyan kanina.
Ewan ko ba. Tila ako'y sinapian ng baliw at maharot na kaluluwa. 'Pers taym? Dati ka ng baliw at maharot, Aly,' pambabara na naman ng echuserang isipan ko. Whatever.
First day ko palang dito ngunit pakiramdam ko ay marami na ang nangyari.
Ala una na ng hapon, kaya naman ay humiga na ako dahil medyo ramdam ko pa ang pagod sa byahe pati na rin sa pakikipagbangayan kay pogi.
Nagpalit ako ng puting loose T-shirt at shorts. Nakaramdam ako ng antok, saka ko napagdesisyonang matulog.
Buti na lamang at presko dito sa probinsiya. Nasanay man ako sa air-conditioned room, ayos lang dahil may Electric fan naman.
Alas kwatro na ng hapon nang magising ako dahil sa sakit ng puson. Pakiramdam ko pinipiga ito at hinihiwa gamit ang blade.
Alam ko na 'to. Dysmenorrhea. My goodness, ngayon pa na naka quarantine ako! I forgot to bring pads with me.
Pinilit kong bumangon at inabot ang cellphone.
"Letse naman. Ngayon ka pa na lowbat," paninisi ko sa cellphone ko. Inabot ko ang bag ko saka kinuha ang charger.
Mangiyak ngiyak akong tumayo para isaksak ang charger. Sumalampak ako sa tabi ng saksakan habang nakahawak sa puson ko. Naghintay ako ng limang minuto para i-open ito.
Mabilis kong tinawagan si mama.
"Hello, anak? Kumusta? Ayos ka lang ba?"
"Mama..." nanghihina kong saad.
"Bakit anak? Ayos ka lang?! May masakit ba sayo?!" dere-deretsong tanong ni mama. Bakas sa boses niya ang pag-aalala.
"Ang sakit ng puson ko ma," mahinang sagot ko. Sa tuwing may buwanang dalaw ako, lagi kong nararanasan ito.
Buti na lamang at mayroon si Tita Len na nag aasikaso sa akin noon.
"Padadalhan kita ng hot compress. Tiis muna 'nak, hah?"
Hindi na ako nagsalita at pinatay ang tawag. Naiyak na lamang ako sa sakit. Ang sakit rin ng katawan ko.
Pagkatapos ng walong minuto, narinig kong may kumatok.
Ginamit ko ang aking lakas para buksan ang pinto. Bumungad sa akin ang pigura ng isang lalaki.
Sa pangangatawan palang niya, alam kong siya ito. Yung lakaking nakabangayan ko kaninang umaga.
Nagsalita ito, "Sa akin nakisuyo ang mama mo dahil bawal siyang pumasok dito."
Tumango na lamang ako bilang tugon habang nakakapit sa doorknob sa takot na baka mawalan ako ng balanse.
"Hanep, ikaw pala ang anak ni Kap at Aling Daisy," ngumiwi ito at tila ba hindi makapaniwala sa natuklasan.
"Ang babait nila pero ikaw..." Hindi na nito itinuloy ang sasabihin. Marahil napansin nito ang itsura kong mukhang basang sisiw.
Naupo ako sa sahig dahil hindi ko na kaya ang cramps. Yumuko ako at pinisil ang puson na kanina pa sumasakit. Ang hirap maging babae.
Agad niya akong dinaluhan.
"Ayos ka lang?" Mahihimigan ang pag aalala sa boses nito. 'Assume pa.' Sabi ng isipan ko.
"Social distancing, please...," paos kong sabi kahit pakiramdam ko binububog na ang buong katawan ko sa sakit.
Bahagya naman itong natawa.
"Kakaiba ka rin, eh, 'no? Nanghihina ka na nga't lahat lahat, nagagawa mo pang magsungit."
Pinasok niya sa silid ang mga pinadala mama. Dahil nakaramdam ako ng matinding sakit, umiyak na lamang ako.
"Mama...," bigkas ko.
Nagulat ako nang walang sabi sabi'y sinakop ako ng mga bisig niyang matigas saka binaba sa higaan.
Hindi na ako nagprotesta pa dahil hindi sapat ang aking lakas.
Tinungo niya ang lamesa kung saan niya pinatong ang mga pinadala ni mama.
Nilabas niya ang rubber hot compress saka ito sinalinan ng mainit na tubig mula sa Thermos. Pagkatapos ay inabot naman niya sakin ito.
Dahan dahang kong pinatong sa puson ko ang hot compress. Matapos ng sampung minuto, naibsan ang sakit nito.
Nilingon ko siya at namataan ang malalim na titig nito sa akin.
"Kung magpabuntis ka na lang kasi nang 'di ka na mahirapan,"
"Wala pa akong balak..."
"Sabihan mo lang ako kung may balak ka na," aniya sabay kindat sa akin.
Papatulan ko talaga 'to kung 'di lang ako nanghihina.
"Sino nagsabing pumasok ka sa silid ko?" Masungit na tanong ko.
"Wala naman," maikling sagot nito.
"Okay, salamat. Makakaalis ka na," pagtataboy ko.
"Hanep, matapos tapos kitang tulungan, susungitan mo lang ako?"
Hindi ko na ito pinansin. Tumayo ako para pumunta sa cr. Good thing may kanya kanyang cr ang classrooms dito. Bubuksan ko na sana ang pinto ng cr ngunit narinig kong nagsalita ito.
Lumingon ako dito at nagsalita,
"Sandali, anong pangalan mo?"
"Arc," sagot nito.
"Okay, layas na."
Hindi ito gumalaw, "Ano?! Ayaw mo?!" bulyaw ko.
"Kasi....kasi..." hindi nito matapos tapos ang sasabihin.
Inirapan ko ito at nang papasok na sana ako sa cr, nagsalita ito.
"Aly... May... May dugo ka sa pwet..." Tila nahihiyang wika nito. Paano niya nalaman ang pangalan ko? Ah, siguro kay mama.
Napalingon ako sa pwitan ko. My goodness! Nakakahiya. Tumingin ako sa kanya at nakita kong parang nawiwili ito sa itsura ko. Pinandilatan ko ito.
"Huwag mo akong pandilatan. Hindi naman ako ang gumawa niyan. Soon paduduguin ko rin yan sa sarili kong paraan," sabi niya with matching kindat pa! Hindi ko akam kung kikiligin ba ako.
Nakakainis. Bago ko pa siya mabato ng kung ano-ano ay kumaripas na ito ng takbo.
ARC
ALAS kwatro na ng hapon. Tinanggal ko saglit ang unipormeng suot ko at nagpunas ng pawis sa katawan. Tanging white T-shirt na lamang ang nasa pang itaas ko.
Tumunog ang touchscreen Myphone ko na bigay pa ni Kap. Tumanggi ako noong una dahil hindi ko naman ito kailangan, ngunit sabi niya, kakailanganin ko raw ito sa trabaho.
Halimbawa, kunan ng litrato ng mga naaaktuhang nagsusugal para may magamit na ebidensiya at marami pang iba. Tinanggap ko na lamang ito dahil ayaw naman niyang tanggihan ko.
"Arc, anak, pwede bang pumunta ka saglit dito sa bahay? May ipapasuyo lang sana ako dahil hindi naman ako pwedeng pumunta diyan," nagmamadaling sabi ni Aling Daisy.
"Ayos lang naman po. Papunta na po ako," sagot ko at pinatay na nito ang tawag. Ano kayang meron?
Pinaandar ko ang motor kong nakaparke sa tabi at mabilis na pinatakbo. Wala pang apat na minuto, nakarating na ako sa bahay nila. Wala si Kap Ibañez dito dahil marami itong inaasikaso sa barangay hall.
"Pakibigay mo naman kay Alyssa ang mga ito 'nak. Kawawa naman ang anak ko," nag aalala nitong wika sabay abot sa bag na may thermos, hot compress at isang supot na kulay rosas. Pagkain yata. Ay hindi, napkin pala.
"May buwanang dalaw kasi siya kaya sumasakit ang puson at katawan niya."
Mahahalata ang pag aalala sa boses niya.
"Ako na po ang bahala sa kanya Aling Daisy. Ano po bang room number ni Aly?" tanong ko.
"Number 1 raw, 'nak," sagot nito at nagpaalam na ako.
Mabilis akong nakarating sa eskwela. Kinuha ko ang mga pinadala ni Aling Daisy saka hinanap ang room number ni Alyssa.
Nagulat ako dahil silid ni Snow Bright iyon. Siya pala si Alyssa? Tingnan mo nga naman, oh.
Kumatok ako sa pinto. Matagal bago niya ito binuksan. Bumukas ang pinto at bumungad sa akin ang babaeng magulo ang mahaba nitong buhok na tila ba nakipagsabunutan.
Nakasuot na ito ng maluwang na puting T-shirt na hanggang hita. Namamaga ang singkit nitong mata.
"Sa akin nakisuyo ang Mama mo, dahil bawal siyang pumasok dito," bungad ko.
Tumango na lamang ito habang nakahawak sa pinto.
"Hanep, ikaw pala ang anak ni Kap at Aling Daisy," wika ko dahil hindi talaga ako makapaniwala.
"Ang babait nila pero ikaw..." Hindi ko na naituloy ang sasabihin dahil bigla itong umupo ako sa sahig at yumuko habang hawak hawak ang puson.
Agad ko itong dinaluhan. Kaawa-awa naman kasing tignan. Ang dragong ito ay nawalan na ng apoy na ibubuga.
"Ayos ka lang?" Nag-aalala kong tanong. Anak ito ng mga taong tinuturing akong pamilya kaya dapat pakisamahan ko.
"Social distancing, please...," paos niyang wika.
Bahagya naman akong natawa.
"Kakaiba ka rin, eh, 'no? Nanghihina ka na nga't lahat lahat, nagagawa mo pang magsungit,"
Maya-maya pa ay bigla siyang umiyak.
"Mama..."
Binuhat ko na ito dahil halata namang hirap na hirap sa sakit.
Nilagyan ko ng tubig ang hot compress nito. Saka inabot sa kanya. Pinanood ko ito sa ginagawa. Hindi ako umimik.
Kawawa naman pala ang mga babae sa tuwing dinadatnan.
"Kung magpabuntis ka na lang kasi nang di ka na mahirapan," pabirong suhestiyon ko.
"Wala pa akong balak..." Mahina at masungit nitong sabi.
"Sabihan mo lang ako kung may balak ka na," Slsabay kindat ko. Aba, pre! Chance ko nang inisin ito. Nanghihina eh.
"Sino nagsabing pumasok ka sa silid ko?"
"Wala naman,"
"Okay, salamat. Makakaalis ka na," pagtataboy nito sa akin.
"Hanep, matapos tapos kitang tulungan, susungitan mo lang ako?"
Tumayo ito at halatang medyo umayos na ang pakiramdam. Nagtungo ito sa cr.
Lumingon ito sa akin at nagsalita.
"Sandale, anong pangalan mo?"
"Arc"
"Okay, layas na,"
Hindi ako gumalaw dahil nakita kong maraming dugo ang damit niyang puti sa bandang pwet iya. Oo nga naman, may regla ito.
Hindi ko alam kung sasabihan ko ito o hindi. Kaso... sobrang tigas ng ulo ng babaeng ito, baka lumabas na naman nang 'di alam na may tagas pala.
"Ano?! Ayaw mo?!"
"Kasi....kasi..."
Inirapan niya ako at nang papasok na sana sa cr, nagsalita ako,
"Aly... May... May dugo ka sa pwet... May tagas ka,"
Napalingon ito sa pwet nito. Bahagya itong nagulat saka ako pinandilatan. Hanep, ako na nga lang 'tong concern eh.
"Huwag mo akong pandilatan. Hindi naman ako ang gumawa niyan. Balang araw, paduduguin ko rin yan sa paraan ko."
Kumindat ako dito at tinakbuhan dahil parang bubuga ito ng apoy anumang oras.
'Akala mo siguro ikaw lang magaling bumanat sa ating dalawa. Humanda ka sa akin, Alyssa.'
Nag ring na naman ang cellphone ko. Si pareng Macky, tumatawag.
"Pareng Arc, malapit na ang kaarawan ni Lukas. Baka naman pwede mong kausapin si Kap," sabi nito sa kabilang linya.
"Pareng Macky, ayon naman sa napag usapan namin, ayos lang naman basta limitado lang ang bisita at may social distancing pa. Bawal daw ipagsisikan ang sarili," madrama kong saad.
"Drama mo. Maghanap ka na kasi ng ika-quarantine sa bahay mo. Anakan mo na agad kung type mo naman," niro nito sa akin.
"Wala pa sa isip ko ang pag-aasawa, pare."
"Nako, hindi ka pa ba napapagod magsarili pre? Mas exciting pag may katuwang! Hahahaha"
"Hahaha sige pre, kung may mabingwit at type ko naman, baka sa mga susunod na buwan pakakasalan ko na yan," biro ko.
"Sige na pareng Macky, tinatawag na ako ng ASAWA KO," may diin ang pagkakasabi nito, tila ba nang-iinggit.
"Maglabing labing raw kami hahaha mainggit ka pre,"
"Sira ka hahaha, hindi ako naiinggit no,"
"Okay pare, sabi mo eh hahaha. Bye na,"
"I love you, pare,"
"Hahaha sira ulo ka talaga pareng Macky! I love you too!" Wika ko naman at natawa na lang.
Kung minalas man ako sa pag ibig noon, sinwerte naman ako sa mga kaibigan kong sira ulo.
Hindi ko na namalayan ang oras. Nag-aagaw na ang dilim at liwanag, kaya naman nagpasya na akong pumunta sa barangay hall.
May mga kasama akong tanod ang nakatoka dito sa pagbabantay ng mga nakaquarantine na l**s tuwing gabi. Ako naman ay mag-iikot sa kanto.
Alas sais na ng hapon kaya dumeretso na ako sa bahay. Nagpahinga muna ako saglit at naglinis din saglit sa bahay.
Mag-isa na lamang ako kaya naman wala na akong ibang maaasahan sa paglilinis ng bahay kundi ang sarili.
Dapat na yata akong mag-asawa. Sino naman kaya? 'Si Janice ba? Eh, iniwan ka na nga,' supalpal ng aking isipan.
Mahal ko pa siya. Oo, hindi ko yan ikakaila. Ngunit pinipilit ko naman ang sariling kalimutan siya.
Pagkatapos ng malalim na pagmumuni ko, nagpasya akong magluto ng kakainin.
Sariwang isda ang binili ko. Matagal tagal na rin kasi akong hindi nakakain nito. 'anong isda ba ang tinutukoy mo? Isdang lumalangoy? O isdang nilalangoy?' Pag-uusisa ng isip ko. Napakamanyak mo pre.
KINAIN ko ang niluto kong sinigang na isda. Pagkatapos, naligo na ako at nagbihis ng puting sando at manipis na short.
Gabi naman kaya ayos lang ito. Magroronda na naman ako.
Hinanap ko ang aking batuta. Naalala ko na naman ang sinabi ni Aly. Mas gusto niya raw ng batuta kong nasa ibaba.
Nakakainis talaga ang babaeng iyon. Napakatigas ng ulo. Hindi tulad ni Janice, mahinhin at mabait. Magkaiba nga silang dalawa. 'pre, wag kang magkumpara kasi magkaiba talaga silang dalawa.'
Pinaandar ko ang motor ko. Dahan dahan lamang ang takbo nito habang tumitingin tingin kung may mga pasaway.
Una kong pinuntahan ang eskwela, mabuti na lang at walang gaanong pwedeng tambayan dito.
Nakita ko naman si Mang Reynaldo at Mang Junior na nakaupo sa tabi ng gate. Pinarada ko saglit ang motor ko at nakipagkwentuhan sa kanila.
"O, Arc, napaaga ang daan mo dito, ah? Tanong ni Mang Edwin.
"Wala naman akong nakitang mga pasaway sa tabi tabi, kaya naman dumeretso na ho ako dito,"
Maya maya pa ay may narinig kaming sigaw mula sa mga silid.
"Ahhhhhhhhhhhhh,"
"Ano 'yon?"
Nagsitayuan kaming tatlo.
"Ahhhhh, mamaaaaaaa!"
Teka, kilala ko yun, ah.
"Ako nalang po ang titingin doon," paalam ko.
Mabilis akong tumakbo sa silid ni Snow Bright. Este, Aly.
Tinulak ko ang pinto. Hindi pa ito nakalock.
Nadatnan ko itong nakasiksik ang katawan sa sulok ng pader.
"Aly! Ayos ka lang?! Anong nangyari?"
End of Chapter 3