Chapter Two
ALYSSA
"NAKAKABANAS naman ang ganito!" stress na stress kong wika habang sinasabunutan ang sarili.
Sa itsura kong ito, kamukha ko na si Sisa. 'Aly plus Sisa is equal to Alyssa.
"Saan mo naman kinuha yung isang 's'?" Pang-eechos ng isipan ko. "Malay ko, basta tugma, tse!"
My goodness. Sa kanya yata talaga ako pinaglihi ni Mama. 'Sure ka? Hindi kay Magdalena?' Pambabara ng isipan kong etchusera.
Lumundag ako sa hindi gaanong malambot na foam na inihanda ng LGU para sa aming l**s.
Kaninang alas kwatro pa ng umaga kami nakarating. Nakita ko ang sabik na sabik kong mga magulang na pinapanood kaming isa isang bumababa sa bus.
Naiyak na lamang ako pati na rin ang aking ina dahil miss na miss na namin ang isa't isa, ngunit wala kaming magawa kundi magtitigan na lamang hanggang sa tumulo ang luha.
Napakahirap naman ng ganito. Ang tatay ko naman ay nag thumbs up na lamang sa akin, na parang pinaparating nito na 'okay lang, makakayanan rin namin ito'.
Nginitian ko sila at kumaway na lamang noong iginiya kami papasok sa quarantine facility.
Pagkatapos kaming pinaalalahanan tungkol sa mga dapat at hindi dapat gawin habang isasailalim kami sa 14-day quarantine, iginiya kami ng mga naka PPEs (Personal Protective Equipment) na health workers sa aming kanya kanyang silid.
Nag ayos muna ako ng gamit at nagtanggal muna ng make-up sa face para 'di tubuan ng maliliit na bilog bilogsss.
Syempre, I need to take care of my face because I am a receptionist. I don't wanna look like Belle's Beast.
After ko maghilamos, Sleeping Beauty na ang eksena ng Alyssang maganda. Hihi.
Nagising ako bandang alas nwebe ng umaga. Hayyyy. Pakiramdam ko, bugbog sarado ang katawan ko sa sakit nito.
Nilibot ko ang paningin sa aking silid. Nakatitiyak akong Elementary School 'to dahil sa mga cute na upuan. Hihi. Parang upuan ng Seven Dwarfs na mga anak ni Snow White, este alipores.
Napakaraming palamuti ang nakasabit sa dingding nito. Taray, parang Christmas tree na ang loob nito. Feel ko classroom ito ng Kinder Garter este Kinder Garden, jokeeee. Alam ko namang Kinder Garten ito, 'no. Judgemental, hmmp.
Parang bet ko tuloy mag A- a- a, E-e-e, I- i- i, O- o- o, U-u- ungol pa. HAHArot nito. Suway ko sa isipan.
Tumayo ako at nilapitan ang napaka kyut na mga little chair ng mga little children. Kanina pa ako aliw na aliw dito.
Naupo ako dito. Kinuha ko ang aking cellphone at nag selfie. 'Ghorl, may muta ka pa!' OMG Alyssa na maganda, nakakahiya ka! Okay, fine! Maghihilamos na. Kaya pala lalo akong sumingkit hihi.
Bumalik ako sa pagkakahiga. Eksakto namang tumawag si Mama.
"Hello, Ma,"
"Anak! Kumusta ka diyan?!" May bahid ng pag aalala ang boses ng aking ina.
"Ayos lang naman ako ma, don't worry. Okay?"
"Mabuti naman anak. Nagpadala ako ng mga prutas diyan," malambing niyang sabi.
"Awww, salamat ma,"
"Kainin mo lahat, hah? Miss na miss na kita, anak. Tawagan mo lang kami ng papa mo kung may problema ka, hah?" Nahihimigan ko ang pangugulila niya.
"Opo, mama. Sasabihan ko naman kayo agad kapag may problema ako, eh. Huwag na sad ma,"
"O sige na anak, mamamalengke pa ako,"
"Ingat, ma,"
"Ikaw rin, anak,"
At pinatay ko na ang tawag. Sa Maynila man ako namalagi ng mahabang panahon, nanatiling close pa rin kami ng aking ina. Hindi man parang Supersurf, iyong Gosakto lang.
Maya't maya ay may narinig akong nagsalita gamit ang mic. Tinatawag yata kami.
Binuksan ko ang pinto. Nakita ko ang mga kasamahan kong nasa bakuna ng kanilang pintuan.
Nakita ko rin ang lamesa sa harap ko na may nakapatong na isang styrofoam at basket na may mga prutas. Ito na siguro ang pinadala ni Mama.
Ang sweet naman ni mama, baka ma fall ako, hah. 'Hihi joke joke lang ma.'
And wait, there's more! May pa Rosas pa. Isang tangkay lamang ito ngunit may kalakip na mensahe.
"O em ohh, I'm so kinikilig na,"
Dahan dahan kong binuksan ang naka tuping sticky note. Para dama, tulad sa mga pelikula. With matching background music pa sana. Hihi. Binuka ko ang ang bibig at binigkas ang nakasulat.
"Ang taong ayaw ngumiti ay mabubungi. P.s. Mahal itong Rosas, bayaran mo na lang kapag nakalabas ka na. -Arc."
What the hell! I'm expecting for a sweet message!
Akala ko ay mababasa ko ang salitang, "Hello, beautiful, smile!", "I love you" and "I miss you" katulad ng mga natatanggap ko mula sa aking mga manliligaw. Napairap na lamang ako.
Kung sino man ang gumawa nito, siguro walang lovelife o 'hindi naman kaya ay iniwan kaya ultimo bulaklak, pinagdidiskityahan.
Maya maya pa ay may nagsalita,
"Nakahanda na po ang inyong pagkain sa lamesa. Inumin ang vitamins pagkatapos kumain,"
"Paalala, kapag hindi kayo abala, siguraduhing mag ehersisyo para stress at sakit ay lumayo!"
"Ang pag aalaga niyo ng inyong mga sarili, ay parang pag aalaga sa nakararami!"
"Tibayin ang loob, laban lang! Makakaya natin ito. We heal as one Filipino!"
Sunod sunod na wika ng isang nakasuot ng PPE na dalawampu't limang metro siguro ang layo mula sa aming mga silid. May kasama rin itong nurse na naka PPE rin.
Umalis na ang mga ito pagkatapos magbigay ng paalala at mensahe. Pinasok ko na sa silid ang dalawang basket. Pati na rin ang isang Rosas na balak pang ipabayad sa akin!
Angry bird na singkit siguro ang makikitang reaction sa mukha ko ngayon.
Sino naman kaya yung Arc na 'yun? Ang gago lang, bwiset.
'Wow, galit na galit gorl? Puso mo, kalma. Mag del monte heart smart ka muna.'
Buti na lamang at masarap ang pagkaing dinala. Matapos kong kainin ang breakfast ko, ininom ko ang isang tableta ng vitamin.
Pagkatapos ng 30 minutes, nakaramdam na naman ako ng gutom. Buti na na lamang at may prutas pang mas fresh pa sa Vfresh. Hihi.
Kaya nilantakan ko na ang mga ito. Inuna ko ang saging. Dahil sa sarap, ako ay napapapikit na rin, ngunit nakakabitin.
Sunod ko namang nilantakan ang pakwan, na tila ba kaya akong dalhin sa buwan. Yummmm. Halos puno pa ang basket ko hihi.
Naligo na ako dahil amoy saging at pakwan na ako. Taray nga eh, fruit salad na Alyssa. 'Expected na masarap yan'! Sigaw ng maharot kong isipan.
Pagkatapos maligo, sinuot ko ang kulay dilaw na spaghetting 'pababa, pababa nang pababang' dress ko. 'Sayaw pa more.'
Nagpasya akong maglibot libot sa labas, kaya kinuha ko ang cellphone ko para makapag selfie selfie na muna. Hihi
Nagtungo ako sa nakahilerang puno ng Mahogany. Kinuhanan ko ng litrato ang naggagandahang paghulog ng mga dahon nito sa damuhan.
Ilang sandali palang ay nagulat ako nang may isang machong lalaki na nakasuot ng itim na facemask, nakaunipormeng pang tanod at may hawak hawak pang batuta, ang sumesenyas na pumasok ako sa loob.
'Senyas senyas ka pa diyan. Ano ako? pipi? Ano ka? Tanod o traffic enforcer?' Nakakainis hah.
Umakto akong 'di napansin ito. Nagselfie na lamang ako kaysa masira niya ang araw ko. 'Wehhhh? Sure ka? Titig na titig ka nga sa katawan eh.'
Nagulat ako nang biglang may nagsalita gamit ang mikropono na tila ba isa akong hostage taker na pinasusuko.
"Miss Snow Bright, mahigpit na pinagbabawal ang paglabas niyo sa inyong silid," baritonong sabi nito.
"Aba't letse 'to ah," inis kong sambit. Labinlimang metro ang layo nito sa akin mula sa entrance ng gate na kinatatayuan niya.
"Anong Snow Bright? Baka Snow White! Gago!" Bulyaw ko dala ng inis.
"Edi, Snow White. Miss Snow White, pumasok ka na sa iyong silid dahil maghigpit na utos ito ni Kapitan," tila ba nagtitimpi ang tono nito.
Natawa na lamang ako. Hindi yata ako kilala ng mokong na ito. 'Sayang ang kakisigan mo boy.'
"Manigas ka diyan!" Bulyaw kong muli. At totoo yatang matigas ang kanyang pangangatawan, 'shet.' Ah, basta. Bwisit siya. Masyadong pabibo.
"Miss Snow Bright! 'wag mo akong ginagalit. Lagot ka sakin!" Naka mic pang sabi nito. My goodness. Pinapahiya talaga ako nito.
"Snow White sabi eh!"
Nakakainis 'tong lalaking ito. Isa si Snow White sa mga paborito kong pinapanood noon. May balak pa yatang binyagan muli si Snow white ng pangalang Snow Bright. My goodness.
Para inisin ito lalo, lumapit ako ng dalawang metro, bali labintatlong metro na ang aming layo sa isa't isa.
Tumalikod naman ako sa direksiyon niya.
"One, two, three, say s*x!" Malakas at nang-aasar kong mungkahi. At nagpicture kasama siya.
May rehas mang nakaharang, ngunit kita ko ang magandang hubog ng kanyang katawan.
Syet, parang matigas na pandesal ngunit lasap na lasap parin ang sarap! 'landi mo ghorl,' suway ng aking nawindang na isipan.
Kita ko rin ang kilay nitong halos magpantay na at ang kunot na kunot nitong noo. 'Ang kyut hihi.' May dadagdag na sa membro ng Angry birds.
"Makalabas ka lang diyan, kawawa ka sa akin, Snow Bright," tila punong puno na sa akin ang boses nito. Sige lang, mainis ka pa.
"Aba! Sinong tinakot mo? Ako? Ha.ha. Subukan mo, para malaman mo kung masisindak ako," matapang kong saad with matching kindat pa.
Aba, Manila girl itong kinakalaban niya, ipapakita ko sa kanya ang bagsik ng isang Alyssa. Aja!
"Sige, Snow Bright."
ARC
NASA barangay hall ako at tumutulong sa pag aayos ng mga pagkaing ibibigay mamaya sa mga nasa quarantine facility.
May mga Rosas ding nilalagyan palang ni Aling Daisy ng sticky note. May mga nakasulat ditong pampalubag loob tulad ng, 'Makakaya mo yan, laban lang!' para sa mga l**s na quarantine. Kumuha ako ng isang sticky note at sinulatan ito.
'Ang taong ayaw ngumiti ay mabubungi. P.s. Mahal itong Rosas, bayaran mo nalang kapag nakalabas ka na. -Arc.' Tinupi ko ito at nangingiting dinikit sa bulaklak.
Sumama ako sa pagdeliver ng pagkain. Pinasabay na rin ni Aling Daisy ang prutas para daw sa kanyang anak.
Hindi ko kilala ang anak nito dahil sa Maynila raw ito nanirahan base sa kwento ni Kap. Maharil maganda rin at mabait tulad ng ginang.
Mga nakasuot ng PPEs ang pumasok para ilagay na sa mga mesang nakahanda na sa labas ng bawat silid upang maiwasan ang hawaan kung sakali mang may magpositibo sa virus sa mga ito.
Kahapon lamang ay may mga nakalusot na balik probinsiya na galing din ng Maynila. Kaya naman ang buong pamilya ng mga ito ay na quarantine sa isa ring pampublikong eskwelahan dito.
Kaya naman mas pinaigting pa ang pagbabantay sa mga daanang maaring malusutan ng kung sino mang mangangahas na pumasok pa sa Calle Adonis.
Bandang alas dyes ng umaga, nakita ko si pareng Kiel na may idedeliver na tubig.
Naks naman 'tong pare ko, mas lumakas pa yata ang negosyo dahil minsan, ito pa mismo ang nagdedeliver.
Plus points ito sa mga chicks na hindi naman niya pinapansin. Katulad ko rin kasi itong may hang over pa sa nakaraan. Ah, basta, wag na nating pag usapan.
Bigla akong napatayo sa aking kinauupuan nang makita ko ang isang mapangahas na dalagita ang lumabas sa kanyang silid.
Mahigpit na pinagbabawal ang paglabas ng kanilang silid lalo na at hindi ito nakasuot ng facemask.
Agaw pansin ang kaputian nitong maihahalintulad sa nyebe. 'Grabe, pre, flawless.'
Parang si Snow Bright lang, isa sa mga paboritong karakter ng mga batang babae.
Pansin din ang mahaba nitong buhok na nakalugay na parang basa pa. 'Ang sariwa pre!' sigaw ng manyak kong isipan.
Medyo nainis ako nang makita ang suot nitong dilaw na seksing damit, na tila ba nakulangan sa tela ang factory na nagtahi rito.
'Inis nga ba pre? Sinungaling ka, naglalaway ka nga, eh,' pang aasar ng isipan ko.
Nagtungo ito sa nakahilerang puno ng Mahogany na tila ba aliw na aliw.
Pinanood ko itong kinukuhanan ng litrato ang sarili. Nang madako sa akin ang kanyang paningin, nakita ko ang mga mata nitong singkit, kaya naman pala makulit daig pa ang bulilit.
Sinenyasan ko ito at tinuro ang kanyang silid bilang pahiwatig na kailangan na nitong pumasok.
Ngunit, napahiya ako nang di ako pinansin. 'Takte namang babae ito! Lagot ka sa akin.' Kinuha ko ang mikropo at nagsalita.
"Miss Snow Bright, mahigpit na pinagbabawal ang paglabas niyo sa inyong silid," anunsiyo ko at nakuha ko ang atensiyon nito. 'Ang tigas ng ulo!'
"Anong Snow Bright? Baka Snow White! Gago!" Bulyaw niya at tila ba naiinis.
Hanep mga pre! Ang tapang! Siya pa may ganang mainis!
"Edi, Snow White. Miss Snow White, pumasok ka na sa iyong silid dahil maghigpit na utos ito ni Kapitan," bakas ang pagtitimpi sa boses ko.
Tumawa lamang ito, tila ba may naisip na ka demonyohan.
"Manigas ka diyan!" Bulyaw nitong muli.
'Papatulan ko na 'to mga pre.' Huwag niyo akong pigilan. 'Pahihirapan ko talaga 'to, gamit ang batuta ko.'
"Miss Snow Bright! 'wag mo akong ginagalit. Namumuro ka na!"
"Snow White sabi eh!"
Ang akala ko ay aalis na ito patungo sa kanyang silid, ngunit akala ko lang pala. Napakasakit nga namang umasa.
Humakbang ito mga dalawang metro palapit sa kinatatayun ko. Tumalikod at tinaas ang kanyang cellphone. Lukot na lukot ang noo ko kanonood sa kabaliwan ng babaeng ito.
Maya't maya pa ay ngumiti ito sa kamera at nilakasan ang pagsasalita. Sapat lamang para marinig ko.
"One, two, three, say s*x!"
"Makalabas ka lang diyan, kawawa ka sa akin Snow Bright," mataman kong sabi.
"Aba! Sinong tinakot mo? Ako? Ha.ha. Subukan mo ako, para malaman mo kung masisindak ako ng batuta mo," hamon nito saka ako kinindatan mga, pre. Hanep!
"Sige, Snow Bright." Ito na lamang ang nasabi ko.
Mas nakakapagod palang makipagbangayan sa taong matigas ang ulo kaysa sa pagroronda sa kanto.
Salamat naman at bumalik na ito sa kanyang silid. Kinuha ko sa ibabaw ng mesa ang mineral water ko, saka dere-deretsong nilagok ito.
Binuhusan ko rin ng tubig ang aking ulo dahil pakiramdam ko, mamamatay ako sa konsimusyong binigay ng babae kanina.
Dahil medyo nabasa ang aking suot na uniporme at damit, hinubad ko ito at sinampay muna sa rehas ng gate.
Hindi ko na namalayan ang oras. Kung hindi pa dumating ang sasakyan ng barangay na may lamang pagkain para sa mga l**s na narito sa loob, hindi ko pa malalamang tanghalian na pala.
"Arc, tayo na raw ang mag distribute nitong mga pagkain dahil abala ang mga nakatoka rito," bungad ni Mang Edwin sa akin, na siya ring nagdrive sa sasakyan ng barangay.
"Ayos lang kayang 'di na tayo magsuot ng PPE?" Tanong ko.
"Oo naman, bawal namang lumabas ang mga na-quarantine sa loob ng kanilang silid kaya safe tayo," sagot nito.
Hindi ko na lamang kinwento na may isang pasaway ang lumabas kanina.
"O bakit hindi ka nakadamit pang itaas?" Tanong nito.
"Nabasa lang kanina, Mang Edwin. Isusuot ko nalang ang facemask ko."
Binuksan ko ang gate at pinasok ni Mang Edwin ang sasakyan. Sumunod naman ako dito. Nilabas namin ang mga pagkain.
Wala ng pa Rosas ngayon, sayang naman. Nangingiti ako at naalala ang napakaganda kong mensahe.
Kumusta naman kaya yung nakakuha? Napangiti kaya o tuluyang nabungi na?
Binitbit ko ang dalawang basket ng mga pagkaing naka styrofoam. Dahil wala akong damit pang itaas, ramdam ko ang init ng araw sa aking balat at ang pawis na namumuo.
Tinungo ko ang pinakaunang silid. Ito ang silid ni Snow Bright. Ang babaeng namumuro na listahan ko, kahit bagong salta pa lamang ito.
Kinuha ko mula sa basket ang pagkaing para dito. Dalawang naka styrofoam ang dapat ibigay sa mga ito, ngunit, bilang ganti sa pagpapakulo ng dugo ko kanina, iisa lang ang pinatong ko sa mesang nakalagay sa labas ng pintuan nito.
"Yari ka ngayong babae ka,"
Medyo mahina kong wika at sinabayan pa ng malademonyong tawa.
Nagulat ako at napahawak pa sa dibdib nang biglang bumukas ang pinto nito.
"Huli ka! Ikaw ngayon ang yari! Iwan mo ang isa pang styro ng pagkain ko!"
Teka, paano niya kaya nalaman? Hindi ko na lamang ito pinansin.
Isusumbong kita kay Kapitan, sa inaasal mong 'yan!" Bulyaw ng dragon.
Apat na metro ang aming layo kaya naman, papatulan ko na 'to.
"Aba! Subukan mo! Nakikita mo ito?" At pinakita sa kanya ang batutang nilabas ko mula sa likod ng aking pantalon. Masindak ka ngayong babae ka.
"Baka gusto mong gamitin ko sa'yo 'to?" Sabi ko habang pinapalo palo sa kamay ang batutang hawak.
"Alam mo, Mister, mas bet ko kung ibang batuta na lang ang gamitin mo sa akin," banat nito habang naglakbay pababa at tumigil sa gitna ng zipper ko ang kanyang mga mata.
'Mas manyak pa yata ito kaysa sa mga kalalakihan! Kakaiba!' tila 'di makapaniwalang wika ng isip ko.
"Ano, Mister Macho? Bet mo?"
End of Chapter 2