Chapter Six

3067 Words
Chapter Six ALYSSA HINDI ko na alam kung ilang araw na ako dito. Ilang araw na ring hindi nagpaparamdan yung isa diyan. 'Sinong isa? Si Jeff ba o si Arc?' usisa ng isip ko. Nilabas ko ang maliit na speaker sa bag ko. Buti na lang at nadala ko ito, para naman hindi ako lalo maboring. Sinaksak ko ang connector nito sa cellphone ko at pumili ng kanta. Pinatugtog ko ang kanta ng Up Dharma Down, ang Tadhana. Habang nagwawalis naman ako ay may papikit-mata pa akong nalalaman habang sinabayan ang lyrics. 'Sa hindi inaasahang Pagtatapo ng mga mundo May minsan lang na nagdugtong Damang-dama na ang ugong nito' Dinama ko ang tugtog. Gustong-gusto ko talaga 'tong kanta. Binuhat ko isa isa ang mga upuan saka inayos sa malinis na sulok. Pinatong ko rin ang mga gamit ko sa mesang narito. Nagplay ang susunod na kanta. Ito ang dinowload kong kanta sa isang dance challenge. Tahong ni Carla. Binaba ko ang walis at ginawa ang dance step na napanood ko. Goshhh. Magaling naman akong humataw nooo! Basta walang ibang nakakakita. Pinunasan ko ang pawis sa aking noo at pinagpatuloy ang trabaho. Gosh, halos hindi ako pinagtatrabaho ni tita Len noon pero ngayon, ang buhay prinsesa ko ay natigil na. Matapos kong walisan ang sahig, sunod ko namang pinakialaman ang mga kurtina. Tutal may sabong panlaba pa naman ako kaya lalabhan ko na lang. Sa suot kong maluwang na T-shirt at short, sabayan pa ng magulo kong buhok at pawisang katawan, mukha na siguro akong losyang. Mamaya na ako maligo pagkatapos nito. Feel ko naman mabango pa rin ako kasi nagRexona ako hihi. Binalik ko na sa dating posisyon ang foam at mga gamit ko. Mabuti nalang at naglaba pa ako noong isang araw, kung hindi, mauubusan ako ng susuutin. Lalo na't kakaunti lamang ang inuwi ko. Pero sabagay, one call away lang naman ang mama ko. Nilabhan ko na ang mga kurtina. Nagpasya akong lumabas para isampay sa bakal na bakod ng gate ang mga ito. Pasimple kong sinilip kung meron 'siya'. Bahagya naman akong nadismaya. Isang lalaking medyo may katandaan ang nagbabantay rito. Hindi naman ganyan ang bet ko no! Hindi ko nakita ito kahapon kaya naman matamlay ako. 'miss mo na siya,' sabad ng isip ko. Hindi ah! Pero... siguro namiss ko lang may kabangayan. Nasaan kaya siya? Naalala ko na naman noong huli ko itong nakausap at ang mga banat nito... My goodness! "Ikaw naman pala ang matanda sa atin eh, hahaha. Uugod-ugod ka na pero wala ka pa palang asawa. Hahaha baka rumupok ang batuta mo manong," pang-aasar ko. "Huwag mo akong tawanan. Baka sayo ko ito isasagad pagdating ng panahon," banat niya. "Hindi pa ba bulok yan sa panahon na sinasabi mo?" pang-aasar ko dito. "Hindi pa naman siguro kung ngayon na mismo o sa mga susunod na bwan, hindi ba?" Wika niya at kumindat pa. "Ngayon pa lang, humanda ka na. Malaki 'to, baka hindi mo kayanin," paos ang boses nito. Hindi ako nakaimik dahil nawindang naman ako! Seriously?! Ako talaga?! My goodness, Arc! "Ako na ang bibili ng sabong panlaba mo, misis ko," tila mahina at malambing na wika nito. Bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Ngayon lang nagsink in sa akin ang sinabi niya! "Mi..Misis?!" Pag uulit ko. Humagalpak ito sa tawa saka nagtungo sa tindahan para bilhan ako ng sabong panlaba. Mahihimatay yata ako. Hayssss. Ikalawang araw na 'to. Bumalik na ako sa aking silid. Kumain muna ako saka tinapon na trash can ang styrofoam. Kinuha ko ang cellphone at inopen ang gallery. Nakita ko ang larawan namin na kinuhanan ko noong unang araw ko dito. Natawa na lang ako dahil sa itsura nitong nakakunot noo, ang lakas pa rin ng dating. Ang poging Angry bird sheeett. Nahiga na ako dahil ramdam ko ang antok at pagod. Bandang alas tres na nang magising ako. Naramdaman ko ang sakit ng katawan ko. Natulala muna ako ng ilang sandali at nagpasyang maligo. Pakiramdam ko lalong bumigat ang katawan ko. Mainit na rin ang hininga ko. 'dragon ka yata!' pagbibiro ng isip ko. Halos katatapos ko lang maligo pero bumalik ako sa pagkakahiga. Pumikit na lang ako dahil wala na akong lakas pa. ~ Umaga na naman nang magising ako. Nakita ko ang pigura ng isang lalaki na nahiga sa mga pinagdikit-dikit nitong mesa. Teka, bakit nandito ito? Halos dalawang araw siyang 'di nagpakita sa akin, ah. Bumangon ako dahil maayos na ang pakiramdam. 'Teka, baka may COVID ako!' Nag-aalalang sigaw ng isipan ko. Huhu Bumaling ang paningin ko sa lalaking nakatulog sa ibabaw ng mesa. Baka nahawa na ito sa akin! Ano ba kasi ang ginawa niya rito?! Napansin ko rin ang kurtinang nilabhan ko. Siya siguro ang nagpasok. Inabot ko ang unan at binato ito sa kanya. "Arc! Gumising ka na nga diyan!" sigaw ko. Bumalikwas naman ito kaagad. Alerto siya hah. Napansin ko ang magulo nitong buhok. Bakit ang hot niya parin? Shemmmssss sana lahat ganyan ka hot sa umaga. Buti na lang mahigpit ang garter ng panty ko! Ang mga mapupungay nitong mata ay bumaling sa akin. Teka, ano na kasi yung itatanong ko? Aahhh "Bakit ka narito? Paano ka nakapasok? May balak kang masama sa akin no?!" "Hilamos lang ako," paos na saad nito at dumeretso sa lababo. Luhhh, bakit bagay na bagay sa kanya?! Magulong buhok ft. makisig na pangagatawan at husky voice is so hot. Teka, gano'n nalang 'yun? Aba! Magaleng. Hindi ako ang pinaghihintay, ako dapat ang nagpapahintay! Lapastangang lalaki 'to! "So, now, speak!" kunwari ay galit na wika ko. "Una sa lahat, narito ako dahil sa pakiusap ng mga magulang mo. Hindi mo raw sinasagot ang tawag nila, kaya nag-alala sila. Bilang tanod, pinuntahan kita para alamin kung anong lagay mo," tumigil ito saglit at pinunasan ang basang mukha. Chineck ko naman ang cellphone ko at totoo nga! May 70 missed calls ito. "Pangalawa, nakapasok ako dahil kinuha ko ang susi ng silid na ito kay Kapitan dahil sa kanya pinahawak ng mga guro. At pangatlo," tumigil ito saglit at ngumisi, "Wala akong balak sayo. Ikaw ang may balak sa akin," preskong sabi nito. "Sabi mo pa nga kagabi, Arc.. Arc... Nasaan ka na? Miss na miss na kita," aniya habang inipit ang boses para magboses babae. Hutaa hindi niya bagay hahaha. Pero teka, ako? Napanaginipan ko siya? Wehh? "Ang kapal mo!" sigaw ko. Kung totoo man yan, itatanggi at itatanggi ko yan. Letse, nakakahiyaaa. "Basta alam ko na ngayon na pinagnanasahan mo pala ako, Aly." Slight lang naman! "Hindi ah!" "Magaling ka na, sinisigawan mo na naman ako. Sige na, aalis na ako," "Teka!" pigil ko rito at medyo napalakas yata ang boses ko. "Tingnan mo? Miss mo na naman ako," natatawang saad nito. Bahagya siyang lumapit sa akin at nagsalita. "Huwag kang mag-alala, namiss rin kita," aniya sa baritonong boses. Paksheettt, napakasexy! Swabe pero napakahot ng dating. Sa umagang ito, nasulayapan ko rin ang isang batuta nitong nakaumbok pa. Stop, Aly. Tingin lang sa taas! Umalingawngaw ang ingay ng cellphone ko, hudyat na may tumatawag. "Hello?" masigla kong bati sa kabilang linya. "Good morning, Alyssa. Sorry ngayon lang ako tumawag. Are you busy?" "Hindi naman Jeff, why?" "I just miss you again," sabi nito. Namiss ko rin naman siya. "I...I miss you, too." "Ehemm... Ehemm... Aalis na ako," malakas na parinig nito. "Okay, salamat, Arc," nginitian ko siya nang matamis. "Sige," tugon nito. Walang kabuhay-buhay ang kanyang mga mata. Nagseselos ba siya? 'assumerang palaka!' kontra ng isipan ko. Pinatay ko na ang tawag at sinundan ito ng tingin. Nanlamig na naman bigla! My goodness. Lakas ng mood swings. Baka may mens. Bilhan ko kaya ng napkin? Ilang segundo palang ay tumawag si mama. "Anak, kumusta na ang pakiramdam mo?" nag-aalalang tanong nito. "Okay na ako, ma. Pasensiya na kung pinag-alala ko kayo," "Ano ba kasing nangyari anak?" "Naglinis ako sa room ko, ma. At naglaba rin ng mga kurtina. Nabigla lang siguro 'tong katawan ko," paliwanag ko. "Kawawa ka naman anak. Mabuti na lamang kamo dahil narito pa sa bahay ang kuya Arc mo kagabi. Nagboluntaryo itong tingnan ka," Mabait naman pala siya. Minsan nga lang parang hindi ko maintindihan ang ugali nito. Minsan sobrang lakas mang-asar, minsan bongga kung mag-care at minsan naman ay kasing lamig ng yelo ang pakikitungo sa akin. Katulad na lamang kanina. Haysss. "Anak, may boyfriend ka na ba?" biglang tanong ni mama. Hindi kasi ako madalas magkwento sa kanya tungkol sa love life ko. "Hah? Ewan ko Ma," sagot ko at natawa naman ito. "Bakit ewan mo anak? Nako, wag kang papasok sa relasyon kung hindi ka sigurado," paalala niya. "Dapat piliin mo yung taong kaya kang ipaglaban, may pasensiya, may prinsipyo sa buhay, mabait at higit sa lahat ikaw lang ang mahal." Kakaiba talaga magbigay si mama ng Words of Wisdom. Pero bakit si Arc kaagad ang pumasok sa isip ko? Hayyyy ARC "MAGANDANG UMAGA, Arc. Ang aga mo naman," nakangiting bati ng sekretarya ng barangay na si Joan. Nasa tatlompu't apat na taong gulang na ito ngunit tulad ko rin itong wala pang asawa. "Magandang umaga rin, ma'am," Ako naman ngayon ang nakadestino sa mga kukuha ng quarantine pass papuntang bayan. Inayos ko ang mga papel na nasa harap ko. Tinawag ako ni Kap kaya lumapit naman ako dito. "Iwan mo na muna yan dahil darating ngayon ang limampung kaban ng bigas at iba pang groceries items. Magrerepack tayo ngayon para agaran nang maibigay sa mga resisdente," paliwanag nito sa akin. "Sige po Kap," Naghintay pa kami ng isang oras bago dumating ang nasabing magdedeliver. Naghanda na kami para buhatin ang mga bigas. Tinanggal ko ang suot kong uniporme at ang nasa loob nitong t-shirt para hindi na madumihan. Ako lang din naman ang kawawa sa paglalaba. Parang nakikita ko ang imahe ng mga sira ulo kong kaibigan na kasado na at sinasabihan ako ng, "mag-asawa ka na kasi pareng Arc..." at mga kantyawan. Kinuha ko ang damit at unipormeng hinubad ko saka ito nilagay sa mesa. "O, Arc, bakit ka naghubad? May chicks ka ba rito?" natatawang tanong ni Mang Edwin. "Wala po, mainit kasi at baka madumihan ang damit ko," natatawang wika ko. "Bakit kasi hindi ka pa maghanap ng mapapangasawa, Arc? Halos nirekomenda ko na sa'yo lahat ng mga pamangkin ko pero ni isa wala ka man lang nagustuhan," "Wala pa po kasi akong balak, Mang Edwin," "Baka naman type mo yung anak ni Kap, pagbutihin mo," natatawang sabi nito sabay tapik sa aking balikat at lumapit sa jeep na may kargang bigas. Lumapit na rin ako sa mga kasamahan kong nagbubuhat na. Pinatayo ko ang isang sako ng bigas saka mabilis na inangat sa balikat ko. Nakadalampung sako yata ako. Ang mga kasamahan ko ay medyo may katandaan na kaya madalas umupo ang mga 'to para magpahinga. Nasa anim lamang kaming nagbubuhat. Isa na lang ang natira kaya naman ay ako na ang nagbuhat nito. Sunod naman naming binuhat ang mga malalaking karton na pangkusina. Nang matapos, hinugot ko ang panyo sa aking pantalon at pinunasan ang katawan. Lumapit ako sa water dispenser at nakitang wala na itong laman. Tinawagan ko naman ang numero ng TwoBig para magpadeliver. Kaya naman bumili na muna akong mineral water sa malapit na tindahan dahil nauuhaw na ako. Sinimulan na namin ang pagrerepack hanggang sa pumatak ang alas singko ng hapon. Tinanggal ko ang unipormeng suot. Itim na n-shirt na lang ang pang-itaas ko ngayon kaya mas presko. Pinaandar ko ang makina ng motor ko saka pinatakbo. Nanibago pa ako dahil hindi ko dala ang batuta. Iniwan ko kasi ito sa bahay dahil sa barangay hall naman ako nakatoka ngayong araw. Bago ako dumeretso sa bahay, bumili muna ako ng ulam at kanin dahil maglalaba pa ako pagkauwi ko. "Maghanap ka na kasi ng ilolockdown," paulit ulit na sigaw ng isip ko. Dumeretso rin ako sa bakery ni pareng Leo. Nadatnan ko itong buhat-buhat si baby Leo jr. Ang saya ng mokong na 'to. "Mahal, may bibili!" tawag niya sa asawa. "Heto na mahal," malambing na sabi ni Lara. "Ikaw pala kuya Arc. Mukhang busy ka ngayon, ah," "Busy sa paghahanap ng asawa, mahal," natatawang wika ni Leo. "Sira," "Ako na diyan, mahal," saad niya at binigay si Leo jr. sa asawa saka hinalikan sa noo. "Bawal 'yan pareng Leo, social distancing nga diyan," biro ko. "Inggit ka lang, pareng Arc, hahaha," "Mahal, huwag ka ngang ganyan kay kuya," natatawang suway ng asawa. "Bigyan mo nga ako ng bente pesos na hopia pareng Leo," "Huwag ka sa hopia, baka mabokya ka. Dito ka na lang sa pandesal, para ikaw naman ang ikasal, hahahahhaha," patulang wika niya. "Sige nga pareng Leo, bigyan mo ako ng pandesal mo, gusto ko na ring makabuo," patulang tugon ko bilang pagsakay sa trip ng mokong na 'to. Binayaran ko na ang tinapay na binili at nagpaalam na sa sira ulo kong kaibigan. Pagkarating ko sa bahay, ginawa ko na ang mga dapat kong gawin. Natulog na rin ako pagpatak ng alas nwebe. KINAUMAGAHAN, tinuloy namin ang pagrerepack kaso kinulang ang bigas. Kaya naman nagrequest muli si Kap sa LGU para magpadagdag. Dumating naman ito bandang ala una na ng hapon. Alas sais na kami natapos dahil inayos pa namin ang pinagtrabahuhan. Gabi na pero narito parin ako sa bahay ni Kap. Inaya niya akong magmeryenda sa bahay nila kaya sumama na lamang ako dahil hindi naman ako makatanggi. Si Aling Daisy naman ay nagluluto na ng hapunan. Napansin kong nakalagay sa tenga nito ang kanyang telepono at hindi mapakali. May tinatawagan yata. Dinaluhan nito ang asawa. May bahid ng pag-aalala ang mukha nito. "Mahal, ang anak natin, kanina ko pa tinatawagan pero hindi sumasagot," nag-aalalang sabi nito sa asawa. "Baka naman may ginagawa, Mahal." mahinahong tugon naman ni Kap. "Ngayon lang 'to nangyari, Mahal, dati, agad naman niyang sinasagot ang tawag ko," parang maiiyak na ang ginang. "Umupo ka muna, Mahal. Tawagan mo ulit ang anak natin," Tinawagan muli ni Aling Daisy ang anak ngunit wala paring sumasagot. "Masama ang kutob ko, Mahal. Mabuti pa ay tingnan natin kung anong lagay niya," hindi mapakaling sabi nito. Tumayo naman ako at nagsalita. "Ako na po ang titingin kay, Aly," prisinta ko. Mabait ang mga taong ito sa akin kaya naman nararapat lamang na tulungan ko rin sila. Kinuha ko ang susi kay Kap para makasiguro. Mabilis kong minaneho ang motor ko. Pagkarating ko, kumatok muna ako nang ilang beses dahil kinakabahan din ako. Ampuchang babae, ito. Ano na naman kaya ang ginawa niya. Binuksan ko ang kanyang pinto gamit ang susi. Namataan ko itong nakatulog na. Aalis na sana ako nang bigla itong nagsalita. "Mamaa..." Teka, bakit parang paos siya? Nilapitan ko siya para gisingin pero nagulat ako nang maramdaman ang init ng katawan nito. May lagnat ang prinsesa. Sa tigas kasi ng ulo, 'yan na inabot. Tsskk Kinuha ko ang bimpo sa bulsa at binasa ito. Dinampihan ko ang noo, leeg at kamay niya. Nakakapaso ang init ng katawan niya. Mas mabuti sana kung buong katawan nito ang pupunasan ko pero... huwag na, baka hindi magbehave ang junior ko. Magdamag ko siyang binantayan at pinunasan ng basang bimpo. Madaling araw na noong bumaba ang lagnat niya. Ampuchang babaeng. Bukas susungitan na naman ako. Hanep sarap busalan ang bibig at ikulong nalang sa kwarto sa tigas ng ulo. 'ano namang gagawin mo pre?' Wala naman hehe. Pinagdikit-dikit ko ang tatlong maliliit na lamesa at natulog na rin. Ngayon ko lang ito ginawa sa babae. Hanep pre, tanod ako hindi nurse, ampucha naman. KINABUKASAN, nagising ako dahil sa pambubugbog niya. "Arc! Gumising ka na nga diyan!" Bumangon naman ako kaagad dahil naalala kong may trabaho pala ako ngayon. Binalingan ko ito ng tingin. "Bakit ka narito? Paano ka nakapasok? May balak kang masama sa akin no?!" dere-deretsong tanong niya. Grabe, hindi man lang magpasalamat. Tsk, hanep talaga. "Hilamos lang ako," napapaos kong sabi rito. "So, now, speak!" galit na wika niya. Tamad ko siyang binalingan at nagsalita. "Una sa lahat, narito ako dahil sa pakiusap ng mga magulang mo. Hindi mo raw sinasagot ang tawag nila, kaya nag-alala sila. Bilang tanod, pinuntahan kita para alamin kung anong lagay mo," paliwanag ko nang buo para manahimik na. "Pangalawa, nakapasok ako dahil kinuha ko ang susi ng silid na ito kay Kapitan dahil sa kanya pinahawak ng mga guro. At pangatlo," tumigil ako saglit at ngumisi dito. Tutok na tutok kasi. Asarin ko nga, pangbueno mano lang hahaha. "Wala akong balak sayo. Ikaw ang may balak sa akin," patuloy ko. "Sabi mo pa nga kagabi, Arc.. Arc... Nasaan ka na? Miss na miss na kita," walang katotohanang wika ko habang pilit ginaya ang boses niya kahit baritono ang boses ko. 'mukha kang bakla,' kantyaw ng isip ko. "Ang kapal mo!" Sigaw niya. "Basta alam ko na ngayon na pinagnanasahan mo pala ako, Aly," sambit ko at tumaas baba pa ang kilay. "Hindi ah!" Pagtatanggi niya. "Magaling ka na, sinisigawan mo na naman ako. Sige na, aalis na ako," "Teka!" Pigil nito sa akin. "Tingnan mo? Miss mo na naman ako," pang-aasar ko. Nilapitan ko naman ito at nagsalita. "Huwag kang mag-alala, namiss rin kita," wika ko nang hindi ko namamalayan. Biglang umalingawngaw ang cellphone niya at sinagot naman niya ito. "Hello?" Masigla ang boses niya. Sino kaya ang kausap niya? Wala akong pakialam. "Hindi naman, Jeff, why?" Maarte nitong sagot. Jeff pala, ah. Tskk may boyfriend na pala, nakuha pang humarot sa iba. Nakakadismaya. "I...I miss you, too." Narinig kong tugon niya sa kausap. Hindi na ako nakatiis. "Ehemm... Ehemm... Aalis na ako," malakas na parinig ko. "Okay, salamat, Arc," nginitian niya pa ako nang matamis! Hanepp! Hindi ako papayag na mahulog na naman ako pero sa huli naman ay lolokohin rin lang. "Sige," tanging nasabi ko na lang. Ano ba 'tong nararamdaman ko? 'selos yan pre' sagot ng isipan ko. Umalis na ako at dumeretso sa bahay para maligo. Para naman mahimasmasan ako sa kung anong nararamdamn ko sa babaeng halos kakakilala ko pa lang. Kung pagmamahal man ito, iiwas ako dahil nakikita ko na naman ang sariling mahuhumaling at malulugmok lang din pala sa huli. Ayaw ko nang maranasan ulit ang masaktan kaya iiwasan ko na rin ang magmahal. Tama. Iiwas na ako kay Alyssa. End of Chapter 6
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD