Chapter Seven

2909 Words
Chapter Seven ALYSSA BUMUNTONG hininga na lamang ako dahil kanina pa ako nababagot. Lumipas ang tatlong araw na walang paramdam si Arc. Wala naman akong nagawang masama sa kanya. Awwiiittt. Panibagong araw na naman para labanan ang kaboringan at kalungkutan. Hayyyyyssss, ano na naman kaya ang gagawin ko ngayon? Malinis naman na 'tong room ko, bagong kabit din itong kurtina, naglagay na rin ako ng mga halaman sa gilid at nakaayos na rin ang mga gamit dito. Ang sarap pala sa pakiramdam ng ganito. Yung nakikita mo ang bunga ng pinaghirapan mo! Fulfilling hihi. Hindi naman siguro halatang first time ko to 'diba? Binuksan ko ang laptop, wifi pati na rin ang speaker ko. Nagsearch ako ng Zumba videos hihi. Pinatong ko sa table ang lappy saka kinonek ito sa speaker ko. Naghanap pa ako ng sports bra at leggings sa maleta ko at nagpalit sa banyo. Nakabukas na kasi ang bintana at tinali ko rin ang kurtina para fresh lang ang hangin. Odibaa, natututo na ang lola niyo hihi. Lumabas na ako sa banyo at hinanap ang aking ponytail. Mataas kong tinali ang buhok. Tiningnan ko ang sarili sa salamin. Perfect! Pangzumba lady na hahaha. Una kong pinanood ang Girl in the Mirror. Ang galinggg, ang cute nung steps. Pagkatapos kong panoorin, sinabayan ko naman ito. I wake up every day like, "Hello, beautiful." 'Cause this world is so crazy and it can bring you down You're too short, too fat, too skinny Hey, well, excuse me if I think that I'm pretty My goodness! Hahaha, pagpapacute lang yata ang alam ko dito sa dance steps nito. Kinembot-kembot ko naman ang pwet ko kahit hindi na nakakasabay sa step ng pinapanood. Nagsway-sway rin ako at gustong-gusto ko talaga ang part na 'to! hahaha Oh, I'm talking to the girl in the mirror Girl, girl in the mirror Girl in the mirror, girl, girl in the mirror Girl in the mirror, girl, girl in the mirror Binanatan ko naman ang chorus part. Napakaenergetic ng galaw ko. Medyo tumatalbog rin ang dibdib ko dahil may patalon-talon effect pa akong nalalaman. 'wehh? Tataa? flat ka, Aly! Flat ka! 'wag assumera!' pangsusupalpal ng isipan ko. Whatever, hmpppp! Sunod namang nagplay ang kanta ni Camilla Cabello na Havana. Maganda rin ang dance steps nito dahil may pagiling-giling rin. Matigas man ang katawan ko sumayaw, wala akong pakialam. Nag-eenjoy naman ako, eh. Kahit pa mukha akong posteng sumasayaw. Keri lang. Nakalimang kanta yata ako bago naisipang magpahinga. Inamoy ko ang basang kili-kili ko. Fresh pa rin naman ang amoy hihi. Yun nga lang, pawis pa more. Pinunasan ko na lang ang sarili. Pagkatapos ng tatlompung minuto, kinuha ko ang tuwalya ko at saka naligo. Ang sarap sa pakiramdam! Parang nawala ang stress ko hihi. Napakaeffective pala talaga nito. Umupo naman ako at hinarap ang laptop sa mesa. Inopen ko saglit ang f*******: account ko at naglog in. Sabog ang notifications ko. Pati na rin ang chat box. Ilan sa mga mensahe ay galing sa mga katrabaho ko, ilan rin sa mga nakaharutan ko, at galing sa kapwa Receptionist/kaibigan ko na si Precy. Biglang nag pop ang mukha nito sa screen ko. Precy: Sismars! How are you na?! Me: okay lang naman ako, sismars! Precy: kumusta ang quarantine life mo diyan? Me: ayos lang din naman, sismars! Hahaha. Precy: ayos lang din pero mamamatay yata ako sa bagot! Me: hahaha likwise! Pero inaabala ko na lang ang sarili ko bago ko pa maisipang tumakas sa quarantine room na 'to! Hahahahhaha. Nagsend ito ng picture. Mukha nga talagang stress na stress na ang sismars ko! Ang gulo ng buhok nito, well ako rin naman minsan. Ang laki pa ng eyebags niya. Hayss ang hirap talangang maquaratine mag-isa. Tumawag ito sa messenger. Sinagot ko na naman agad. Nakita ko sa screen ang mukha ng kaibigan ko. Excited ko naman itong kinawayan. "Hello sismars! Wow naman! Blooming ka! Parang benta diyan ang beauty mo, hah? Samantalang ako, mukha ng balot dito! Arghh" "Nako sismars! Exercise naman kasi pag may time! Hahaha" "Sana nag-asawa nalang ako bago naglockdown para hindi ako nag-iisa at bored!" natatawa nitong sabi. "Ako rin!" biro ko dito. "Kumusta na ang team #jeffly? Level up na ba? Hahahahaha" "Hahaha shut up sismars!" kunwari'y inis na mungkahi ko. "Baka naman sa kaaabang ko maging #jetly kayo hah? Hahaha" "At bakit naman jetly?" natatawa kong tanong. "Syempre parang sa karate, hahaha, wataaa, wattaaa, haya- hayaan ka na lang pala hahaha! Oops sismars, nadulas," Pareho kaming humagalpak. "Hahahaha sira!" "Paano ba sismars, maliligo na ako para naman magmukha akong fresh!" Natatawang paalam nito. "Bye, mishuuu!" "Bye, bye, mishuuu toooo!" At namatay na ang tawag. Grabe ang babaeng 'to! Napakalukaret at hindi nauubusan. My goodness. 'Lukaret ka rin,' sabad ng isipan ko. Nakita kong online si Jeff. Ilang sandali pa lamang ay tumawag rin ito. "Hey, beautiful!" bungad niya sa akin. "Hello, handsome," pambobola ko rin. Totoo namang gwapo ito pero mas gwapo si ano. Hehe basta si ano, kilala niyo na yun hihi. 'harot mo ghorl!' suway ng isip ko. "So, how's quarantine life?" Panimula niya. Pansin kong lalo itong pumuti. Hiyang-hiya naman tong balat ko. Maputi naman ako pero mas maputi ito sa akin. Mukhang bagong ahit rin ito hihi. Gusto ko lang, ang linis kasi tingnan. Pero, may gusto ko parin tingnan kung si ano... Hihi basta yung may batuta. "Just fine," maikling sagot. Ayaw ko namang ikwento sa kanya ang tungkol kay, Arc. 'Engot! Bakit? Ano bang meron sa inyo ni Arc? Wala naman 'diba? Tangeks ka talaga, Aly!' Pambabara na naman ng isip ko. Huhu "You? How's life there at Manila now?" Tanong ko rin. "Boring, gusto ko na ulit magtrabaho," "Yeah, me too," "Aly, you're so beautiful," biglang saad niya at tila ba nahihiya pa. "Haha yiieee, thank you Jeff," "I love you," mahinang sabi nito. "Ummmm, thank you, Jeff." Hindi muna ako manghaharot ngayon. Hindi naman required na mag 'I love you, too' eh. Wala namang kami. Nagpaalam na ako at kumaway pa dito. Nagwave rin ito ng kamay. Saka ko na pinatay ang tawag. Nagplay ako ng kanta habang nakakonek ang lappy sa speaker, saka nagpasyang diligan ang mga natuyong halaman ko este halaman ni ma'am. Masyado ko na yatang kinareer. Pumasok na ako sa cr at hinintay mapuno ang timba ng tubig. Nang mapuno, pilit ko itong binuhat nang dahan-dahan para hindi mabasa ang sahig. Binuksan ko ang pinto at tumambad ang mukha ni Arc. Ang mga mata nito ay tila ba galit at malamig. Bahagya pa akong nagulat. Magulo ang buhok nito pero mas nagmukha itong hunk actor. Hindi ito nakasuot ng unipormeng pang-Tanod. Tanging white t-shirt ang pang itaas niya. Pansin kong napapadalas ang pagsuot nito ng puti. Magaling. Bumabagay ito sa kanya. Kung ganito lagi ang suot nito sa kanto, baka pagkamalan itong aktor. Binuhat ko na lang ang timba at tinabi sa mga halaman. Tumingin ako dito. Bakit ang lamig niya ngayon? Ano na naman kayang kasalanan ko dito? Hindi ko na lamang pinansin ang mga mata niya at binati na lang. "Hi, Arc, naparito ka?" bungad ko rito. Nginitian ko ito pero sinunungitan parin ako. Keaga-aga may mens na naman. "Heto, prutas. Pinadala ni Aling Daisy. Kainin mo raw lahat yan," walang gana nitong wika. Saka inabot sa akin ang basket. "Awww, salamat, Arc. Ang bait mo naman," malambing na wika ko. "Galing sa .ama mo 'yan, hindi sa akin," masungit na sagot niya. "Ah, basta! Salamat pa rin," nagpapacute kong mungkahi. Kumuha ako ng saging sa loob ng basket at tinnanggal ang balat nito. Natatakam ako! "Saging, gusto mo?" tanong ko rito saka sinubo ang saging at kinagatan ito. "Ang sarappp. Matamis at fresh. Walang halong kemikal!" komento ko. Pinanood niya lamang ako tila ba nahihibang na ako. "Tsskkk, mas masarap pa saging ko diyan," mahina nitong sabi sapat lamang para marinig ko. "Talaga? Patikim nga!" Kako habang ngumunguya. Nanlaki ang mga mata niya. Bahagya rin akong nagulat sa sinabi. Hindi ko namalayan 'yon ah? My goodness! Pahamak na bibig! Saging pa kasi Aly. Nagpapaimpress ako pero kahit kailan talaga 'tong bibig ko! Nakakainis! May sarili yatang mundo! Bigla akong nabilaukan. Ang malaking saging ay bumara sa lalamunan ko! Lintik. Nagulat naman ako kaya bigla niya akong dinaluhan. Mula sa likuran ko, iniyakap niya sa akin ang matitigas niyang braso. Kung ibang pagkakataon ito, sigurado akong maaappreciate ko pa 'to. Pero ngayon, hindi ko magawang damhin ang yakap niya. 'echuserang palaka!' Pr-in-ess nito ang sikmura ko kaya nailabas ko ang malaking saging. Letse, nakakahiya! Nakahinga naman ako nang maluwang. Goshhh, lupa, kainin mo na ako ngayon! "Kung yang saging na 'yan, hindi mo kinaya, saging ko pa kaya, Alyssa?" pang-aasar na tugon nito. Ngumiti naman ako nang maluwang dahil bumalik na ito sa dati. "Bakit hindi mo ako subukang subuan ng Saging mo, Arc?" ARC PINANINDIGAN ko ang pag-iwas kay Snow Bright/ Alyssa. Pero hindi ko yata kaya. Mahirap pala talaga ang masanay sa isang tao. Sa tatlong araw na 'yun, nakiusap ako kay Mang Reynaldo na siya na muna ang magbantay sa quarantine facility. Ako naman ang nagroronda sa mga kanto ng Calle Adonis. Dumalo rin ako sa kaarawan ng anak ni pareng Macky na si Lucas. Siniguro naman naming may social distancing. Masaya ako dahil nagkita kita na naman kaming magkakaibigan kahit na busy rin kami sa kanya-kanyang trabaho at buhay. Masaya naman ako pero parang may kulang parin sa pagkatao ko. Tumatanda na ba ako? Kailangan ko na bang mag-asawa? Pero takot pa rin akong sumugal. Ayaw ko ng ganito. Malalim yung sugat ko noon pre. Ang hirap makarekober. Pakiramdam ko naman ay unti-unti na itong bumubukas sa iba. Pero hindi ko na isusugal ang puso ko. Dahil sa huli, ako at ako lang din ang kawawa. Matagal nang sarado ang puso dahil sa iisang tao. Noong una, akala ko laro-laro lang ang pag-ibig kaya nakipaglaro rin ako. Papalit-palit ako ng nobya. Kung ayaw ko na, iiwan ko na. Pero noong nagkolehiyo ako, biglang nagkaroon ng kahulugan ang buhay pag-ibig ko. Pinatikim sa akin ng babaeng ito ang matamis na lasa ng pagmamahal... Pagkalarga namin sa eskwela, kakain kami ng fishball sa labas at mamamasyal pa. Nagtrabaho ako nang maigi habang tinataguyod ang sariling mag-aaral, para na rin sa kinabukasan namin ng babaeng mahal ko at sa pamilyang bubuuin namin. Binuhos ko sa kanya ang pagmamahal ko. Lahat-lahat. Marahil dahil unang pagkakataon ko palang naranasan ito. Hindi na ako nagtira para sa sarili. Ang gusto ko, maramdaman niyang mahal na mahal ko siya. Lalo kong pinaramdam na mahal na mahal ko ito nang may nangyari sa amin. Hindi isa, dalawa at tatlong beses. Hindi man ako ang nakauna, nirerespeto ko pa rin dahil siya ang babaeng mahal ko. Maayos naman ang pagsasama namin sa dalawang taon, pero nagbago nalang siya nang hindi ko namamalayan. Isa sa nakadurog ng puso ko ang mahuli itong nakikipagtalik sa iba, sa mismong pamamahay ko pa. Masakit, sobrang sakit. Kasi akin lang dapat siya, pero bakit nagpagamit pa sa iba? Dahil marupok naman ako sa kanya, "oo na, sige na, pinapatawad na kita." Pilit kong inalis sa sistema ang nakita at ang pagtataksil niya sa akin. Sabagay, konting sabi palang niya ng, "Mahal, patawarin mo na ako," habang umiiyak pa ay, "Tahan na, mahal, pinapatawad na kita," ang lumalabas sa aking bibig. Hindi ako naghiganti sa kanya. Sa tuwing Linggo ay dinadalaw ko siya sa tahanan nila. Siya ang panganay sa kanilang walong magkakapatid. Ang nanay nito'y labandera at ang tatay naman niya ay construction worker. Akala ko, dahil pinatawad ko na siya sa pagtataksil sa akin noong una ay hindi na mauulit pa. Nakamamatay nga naman talaga ang maling akala. Galing akong trabaho noon at may pasok kinabukasan nang makita ko siya sa labas ng bahay. Hindi mapakali ang itsura niya. Sinalubong naman ako nito ng isang mahigpit na yakap at halik sa labi. Nahihiwagaan ako. Hindi ko na lamang pinansin. Kinabukasan may pasok ako, binilisan ko pa ang galaw dahil susunduin ko pa siya sa bahay nila at nang sabay na kaming pumasok sa eskwela. Bagong pundar ko lamang 'tong motor ko. Magagamit ko ito sa pag-aaral, pagtatrabaho at pagsusundo sa mahal ko. Ang sarap sa pakiramdam iangkas ito habang mahigpit na nakayakap sa likod ko. Nang malapit na ako sa bakuran ng bahay nila, tumigil ang isang kotse. Nakita kong lumapit ito sa pwesto ng drayber at humalik. Sino naman kaya ito? Isa na naman kaya itong panloloko? Sawang-sawa na ako pare. Dahil nakaparke naman ang motor ko sa gilid ng kalsada, sinagot ko ang tawag niya. Umasa ako. Umasa ako na sasabihin niyang sa kaibigang babae ito sumakay kahit wala naman akong kilalang kaibigan niya ang may kotse. May pahalik pa. "Ummmm, hal," aniya sa mababang boses. Parang bumubulong. "Huwag mo na akong sunduin kasi nagtricy na ako. Nauna na ako sayo kasi baka malate ako," patuloy nito. Kalalaki kong tao, umiyak ako. Ang sakit mahuli ito sa aktong nagsisinungaling. Dahil sa sakit na naramdaman, biinilisan ko ang takbo ng motor ko baka sakaling mahabol ko pa ito. Muntik pa akong makabangga dahil sa kamamadali. Mula sa di kalayuan, natanaw ko ang sinakyan nito. Mabagal lamang ang takbo. Sinundan ko lang. Hanggang sa makarating ito sa San Lorenzo University. Bumaba ang babaeng mahal ko, binaba rin ng driver ang salamin ng kotse at nilapit niya ang mukha dito. Naaktuhan ko na namang nakikipaghalikan siya sa iba. Nang hindi ako nakatiis, hinila ko ito sa gilid. Mabuti na lang at maaga pa kaya walang masyadong estudyante. Nagulat ito. "Sino yun?" "Kaibigan," maiksing tugon niya. "Kaibigan?! Seryoso ka Janice?!" "Huwag ngayon, Arc," wika nito at sinubukang kumalas sa pagkakahawak. "Pwede lang din pala akong makipaghalikan sa iba at sabihing kaibigan ko lang siya," kunwari'y natatawa kong sabi. "Wala na akong pakialam sayo, Arc," walang ganang sabi nito. "Mabuti nga si Rogelio eh, nabibigay lahat ng gusto ko, eh ikaw? Ano bang kaya mong ibigay sa akin? Pagmamahal? Mapapakain ba ako na 'yan?" Patuloy niya. Hindi na ako umimik at aalis na sana nang marinig ako itong nagsalita. "Simula ngayon, wala na tayo. Hindi sapat ang pinapakain mo sa aking fishball sa kanto para manatili pa ako. Salamat na lang sa lahat, Marcus de Jesus." Umalis na ako at hindi na tumuloy sa klase. Hindi ko na alam kung ilang araw, buwan at taon akong nalugmok. Basta ang alam ko lang, sarado ito ng mahabang panahon. Ngayon, parang unti-unti na itong nabubuksan ng babaeng halos kakikilala ko palang at lagi kong nakakabangayan. Pakiramdam ko mas tumindi ang pagkamiss ko rito sa pagnanais na iwasan ito. Nagpasya akong pumunta kila Kap para makasagap kung kumusta naman ang anak nila. 'miss na miss mo na nga pre.' "Magandang umaga ho, Kap, Aling Daisy," bati ko. "Magandang umaga rin hijo. Pumasok ka na at magkape muna tayo," aya ni Kap sa'kin. "Magandang umaga naman sayo, hijo," saad nito at nginitian ako. Pagkatapos ng mahabang usapan, nakita ko si Aling Daisy na nilalagay sa basket ang mga prutas na mukhang sariwa pa. "Arc, hijo, pwede bang idaan mo mamaya ito kay Aly?" "Oo naman ho!" mabilis kong sagot. 'wag pahalata pre' sabad naman ng isipan ko. Kinuha ko na ang basket na binilin sa akin. Habang papalapit ako sa silid nito. Bigla kong naalala ang dahilan kung bakit ko nga pala ito iniwasan. Oo nga pala, may boyfriend na nga, nakikipagharutan pa. Ayaw ko nang maging biktima ng pag-ibig muli. Kakatok na sana ako nang biglang bumukas ang pinto nito. Halatang nagulat pa sa presensiya ko. Binuhat niya ang isang timba ng tubig at tinabi sa mga halaman. Magdidilig yata ang prinsesa. "Hi, Arc, naparito ka?" nakangiting bungad niya. "Heto, prutas. Pinadala ni Aling Daisy. Kainin mo raw lahat yan," "Awww, salamat, Arc. Ang bait mo naman," malambing na wika niya. "Galing sa mama mo 'yan, hindi sa akin," masungit kong tugon. "Ah, basta! Salamat pa rin," may papikit mata pa nitong sabi. Tsskkk "Saging, gusto mo?" "Ang sarappp. Matamis at fresh. Walang halong kemikal!" "Tsskkk, mas masarap pa saging ko diyan," sabi ko na bahagyang ikinangiti niya naman. "Talaga? Patikim nga!" Wika niya habang ngumunguya. Nanlaki naman ang mga mata ko. Seryoso ba 'tong babaeng ito?! Ampucha. Bahagya ring nagulat ito. Hanep 'tong babaeng ito. Maya maya pa ay naubo ito nang paulit-ulit. Nabilaukan yata kaya kaagad ko naman siyang dinaluhan. Pumwesto ako sa likuran niya at iniyakap ko ang braso sa kanya at nilagay ang kamay sa tiyan nito. Amoy na amoy ko ang mabango nitong buhok. Ummmmmm nakakapanindig ng batuta, este balahibo. Diniinan ko ang kamay sa tiyan nito at niluwa niya ang medyo malaking saging. "Kung yang saging na 'yan, hindi mo kinaya, saging ko pa kaya, Alyssa?" Pang-aasar ko. Ngumiti pa ito nang maluwag at sinagot ako. "Bakit hindi mo ako subukang subuan ng saging mo, Arc?" Hanep, napakalakas! At talagang hinahamon niya ako hah?! "Dahan-dahan ka sa sinasabi mo, Alyssa. Baka pag pinasok kita sa silid mo, umiyak ka," banta ko. "Welcome na welcome ka sa silid ko, Arc," "Bago mo ako hamunin, siguraduhin mo munang may laman yang dibdib mong daig pa ang pader," tumatawang wika ko at umalis na. Nakita ko pang pinamulaan ito. Nagbalik na naman ang dragon! Takbo, Arc! End of Chapter 7
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD