Chapter One

2826 Words
Chapter One ALYSSA KAAWA-AWA naman ang mga empleyadong kasama ko na umaasa lang sa kanilang trabaho para mabuhay. Magsasara raw muna kasi ang aking pinagtatrabahuhang Luxury hotel dito sa Makati. Para sa akin ay sakto lang na kahit nahinto ako sa trabaho ay mayroon pa rin akong mga magulang na kumikita ng sapat para sa aming pamilya. Kaya naman nang tuluyan nang huminto ang aming serbisyo dahil sa pandemya ay nalungkot ako hindi para lang sa akin kundi para sa aking mga kasamahan sa trabaho. "Oh, so thoughtful of you, Mayor. Taray mag care, parang skin care, phcare! Hephep, bad. Para sa kemkem pala yan hihi, yan kasi gamit kong pang wash ng aking perlas. Naku naman Aly, umayos ka nga. Nababaliw ka na naman," Wika ko sa aking sarili habang nakikinig sa interview ni Mayor. Saka naman tumunog ang cellphone ko. Joeffrey: Uuwi ka ba sa inyo? Me: Ah, yes sir. Bakasyon na rin. Jeoffrey: Take care, okay? I will miss you. Me: Thank you po. Take care, too. Jeoffrey: I love you Me: Thanks. Ayaw ko munang patulan ang mga ganyang linya niya. Let me explain first okay? Wag kayong judgemental. Si Jeoffrey ang Manager sa isang LUXURY Hotel na pinapasukan ko. At dahil isa akong receptionist, benta ang beauty ko kay manager. Nag blink blink yung mga mata niya sa akin, so ayun. Ka M.U ko na ngayon. You heard it right. Mutual Understanding. Walang kami. Uso naman yan, Aly. Walang commitments hihi. Wala namang nakakaalam na naglalandian kami so, ayun. Keri lang! So heto na ako, inaayos ang mga gamit kong iuuwi. Halos dalawang linggo kong inasikaso ang mga dokumentong kailangan para makabalik na ako sa probinsiya. Taray, daig ko pa nag apply bilang OFW sa abroad sa 'bilis' ng serbisyo nila. Parang takbo lang ng pagong. Mabuti na lamang ginamit ko ang ganda ko para mauna lang sa pila. Goodness. Iba talaga ang maganda. Isang kindat lang sa mga kalalakihan, bibigay. Hinila ko na ang aking maleta palapit sa bus na aking sasakyan patungo sa bayan kong sinilangan. Lakas maka bayang magiliw, este Lupang Hinirang. May social distancing pa! "Mamimiss kita Manila," nakapikit kong bulong sa sarili habang naka bukaka sa ere ang aking mga kamay at dinadama ang hindi kaaya ayang simoy ng hangin. "Pwe! Pwe! Ang lansa!" Inis kong wika dahil biglang tinangay patungo sa akin ang masangsang na amoy ng hangin mula sa basura. "Please wear your facemask. Dahil ang sakit na ito ay hindi nakikita. Huwag pong matigas ang ulo." Paulit ulit na saad sa microphone ng isang nagrorondang pulis. And take note, diretsong nakatingin pa sa akin. My goodness and my country! 'Bakit ako? Bakit parang kasalanan ko?' Madramang sabi ng isipan ko. Sinuot ko ang facemask ko habang nakipagtitigan sa letseng pulis na iyon, na tila ba ako lamang ang nakikitang hindi nakasuot ng facemask! 'Kung ma atittude ka, mas ma attitude ako.' At inirapan ko na ang pulis na iyon. Syempre, noong hindi nakatingin. Mamaya niyan, damputin ako, tapos ikulong ako, tapos masisira kinabukasan ko, edi kawawa naman ang nakatadhana sa akin at ang pamilya ko. 'So ayun, nababaliw na naman ako. Stop, Aly, hiyang hiya na si Sisa sa kabaliwan mo.' Pang malakasan ang pinili kong suot ngayon dahil pang malakasan din naman ang aking beauty. Syempre, matchy matchy. Sinuot ko ang pula na off-shoulder dress ko na talaga namang hapit na hapit sa aking bilog na pwetan, malaking balakang at maliit na baywang. Pak na pak ang lola niyo! Daig ko pa si Catriona Gray sa ka-seksihan. Ngunit kung palakihan ng dibdib ang labanan, pwes, kayo na lang maglaban! Out na ako diyan. NOONG naupo na ako sa aking nakuhang seat number, kinuha ko sa loob ng aking bag ang aking hand sanitizer at nag spray spray para iwas germs at virus. Health is wealth nga naman. Pagkatapos nito ay inilabas ko ang salamin ng step mother ni snow white. Saka ko hinarap at tinanong ito sa aking isipan, 'salamin salamin, ang ganda ko diba?' sinagot ko naman ito ng, 'Oo, Aly, sobrang ganda mo! Kahit mata lamang ang kita sa iyong mukha'. With matching kindat pa. Mukha na akong asong nauulol sa mga pinaggagawa ko. Normal pa bang makipag biruan sa sarili? My goodness, Aly. Hindi naman halatang excited ako, eh. Slight lang. Weeehhh? Oo na, oo na! Sobra pa sa sobra! Eh, kasi naman! Three years na akong hindi nakakapag bakasyon sa province eh. I'm so excited to see and hug papa and mama. At syemre hindi mawawala ang TAMBAY POGI sa mga gusto kong masulyapan ulit sa Calle Adonis. Hihi. Marami na akong nasulyapang gwapo sa Maynila. 'Weehhh, sulyap lang ba?' pang aasar ng konsensiya ko. Okay, okay, fine. Shut up. Basta para sa akin, Iba talaga ang charisma at ka pogiang dala ng mga taga probinsiya. Three years ako, noong nagbakasyon ako, may nasight akong mga tambay pero pogi at ang ha-hot. Tambay pero macho, hah. Hindi tulad sa Maynila na mukhang adik ang mga tambay. So eewww. Pero minsan noong nagawi ako sa tindahan ni Aling Amy, hindi ko makakalimutan ang matigas na postura ng isang lalaking nakahawak pa ng batuta. Tila ba umulan man o bumagyo, magunaw man ang mundo, nakatayo parin ito. Taray! Kinabog pa yung poste ng bahay! Sa nakaraamg taon, tumira ako sa bahay ng kapatid ng papa ko na si tita Len at doon na rin nanirahan hanggang sa makapag tapos ako ng high school at kolehiyo. Pumayag ang papa kong manirahan ako sa maynila kasama si tita dahil may sakit ito noon at kailangan niya ng kasa-kasama. Si tita Len at Papa lamang ang magkapatid, kaya ayaw mang pumayag ni Mama, wala rin itong nagawa sa huli dahil naaawa rin ito kay tita Len, lalo na at wala pa ring asawa hanggang ngayon. Ngunit kumuha naman ng kasambahay ang tita ko para may tumulong sa gawain at kasama na rin namin sa katamtamang laki ng bahay niya. Naaalala ko pa sa tuwing mag-o-overnight kami para gumawa ng reports at activities na kailangan nang ihabol, sa bahay ni tita ang laging venue. Natutuwa naman ang tita Len ko. Para naman daw magkaroon ng sigla ang bahay niya kahit pa minsan minsan lang. Kung sana lang ay nag-asawa siya, hindi na sana siya nahihirapang mamuhay mag-isa. Ayaw kong matulad sa kanya, noh! Sayang naman ang fresh kong tahong kung hindi mabenta tulad nung kay Carla. Isa nga pala akong fresh graduate at napaka swerte ko dahil agad naman akong natanggap sa malaking companyang pinapangarap kong pasukin noon! Well, if you have the looks, hindi ka talaga mahihirapan. Ako ay 5'6" sa tangkad. Singkit ang kulay brown kong mga mata, tama lamang ang tangos ng aking ilong at kissable lips na kinabog pa yung model ng Ever Bilena. Ang kulay tsokolate kong buhok ay bagsak na bagsak hanggang beywang ko. Mas maganda pa ang buhok ko kaysa kay Rupunzel. Alas kwatro na ng hapon ngunit hindi pa umuusad ang provincial bus na mag uuwi sa amin. Halos isang oras na kaming naghihintay. Kung tutuusin, nakapag shopping na ako sa tagal na naming naghihintay. Nasa dalawampu't lima na ang sakay ng bus. Magkakalayo ang mga pasahero at talaga namang sinusunod ang protocols. Maya't maya pa ay sunod sunod pumasok ang limang katao. At umandar na nga ang sasakyan! Dalawang oras na ang nagugol sa byahe. Alas sais palang ay malamig na. Mayroon pang sampung oras para makarating sa bayan ng San Lorenzo. Nilabas ko ang aking makapal na jacket mula sa aking bag saka ito sinuot. Ang isang tela ay tinabon ko sa aking hita dahil ramdam ko na ang lamig at ang isa naman ay ipinulupot ko sa aking leeg. Feeling OFW hihi. Sinuot ko ang sunglasses kong nakasabit sa damit ko. Perfect. Buti na lamang at nadala ko ang mga ito. At sa paglipas ng oras, nakatulog na ako sa byahe. ARC "MEETING ADJOURNED," mungkahi ni Kap matapos naming pag-usapan ang mga ipapatupad na protocols ng Enhanced Community Quarantine dito sa Calle Adonis at ang mga hakbang na dapat gawin pagdating ng Locally Stranded Individuals sa aming barangay. Katuwang namin ang health workers na siyang laging mag-aasikaso at mag-oobserba sa l**s, upang matingnan kung positibo o negatibo sila sa 'di nakikitang sakit. Kiinuha ko ang mataba at malaki kong batuta para makapagsimula na sa pagroronda. Pinalo palo ko sa aking kamay ang batutang hawak ko habang naglalakad patungo sa pinagparkehan ko ng aking motor. Malaki rin naman ang batuta ko sa baba, pero nalalanta. Natawa na lamang ako sa kapilyuhan ng isipan ko. Ilang sandali pa sumulpot si Kap, "Arc sandali." "Bakit ho, Kap?" "Darating bukas ng alas kwatro o alas singko ang mga l**s ng ating barangay at kasama ang aking anak," saad nito. "Pangunahan mo ang pagbabantay sa mga l**s. Siguraduhin niyong wala sa kanila ang lalabas sa kani-kanilang silid para maiwasan ang pagkalat ng virus," "Para na rin sa seguridad ng anak kong kasama sa i-ka-quarantine," dagdag nito. "Makakaasa kang babantayan ko ang anak mo, Kap," wika ko at nahimasmasan ako sa sinabi. "Ang ibig kong sabihin, makaaasa kayong babantayan namin nang maigi ang mga l**s," Agad kong bawi sa unang sinabi. Sa kwento ni Kap, receptionist daw ang anak nito sa isang sikat na hotel sa Maynila. At narinig ko lamang na Aly ang pangalan nito. Siguro hindi niya tunay na pangalan. Maganda raw ito at mabait. Ano kaya itsura niya? Teka, ba't curious ako masyado. Masama yan pre. Marcus de Jesus ang pangalan ko ngunit mas kilala bilang Arc sa aming barangay. Isa akong tanod na may laging dala-dalang batuta. Syempre dalawa kasi nakatago yung isa HEHE. Inaamin kong nagkaroon ako ng maraming nobya dahil sino ba naman ang tatanggi kung palay na mismo ang lumalapit sa manok? Syempre hindi ako tumangi noon dahil tutuka na lang ako mga pre. O diba? Hanep. Ngunit isa sa mga ito ang tinuka ko at hindi na nawala sa sistema ko. Ang hirap kalimutan, hanggang ngayon, lugmok parin ako sa pag ibig na yun. Kaya naman nagroronda ako dahil nagbabaka sakaling makabingwit ako ng makakapag ahon sa akin mula sa pag ibig na lumunod sa akin. Hindi na ako nakapagtapos ng pag-aaral dahil Elementary palang ako, pumanaw ang nanay ko. Samantala, second year high school naman ako noong namatay ang aking ama dahil sa lungkot. Mahal na mahal niya ang nanay ko kaya naman noong pumanaw ito, araw araw na itong nanghina at tila ba nawalan na ng gana mabuhay. Nakalimutan yata ako ng tatay. Pero naiintindihan ko na siya simula noong niloko at iniwan rin ako ng taong sineryoso ng puso ko. Ako lamang ang nagtaguyod sa aking sariling pag-aaral, hanggang sa first year college lang ang nakayanan ko. Sayang nga lang at hindi ko na nakayanan ang tuition fee sa Unibersidad na pinasukan ko. Ginawa ko ang lahat ng makakaya ko ngunit, ang kursong Medical Technology na sinimulan ko ay masyadong mahal. Ayaw ko namang tanggapin ang mga nag-aalok na tulungan ako sa aking pag-aaral dahil may mga sarili naman silang pamilya. Ayaw ko nang dumagdag pa sa iisipin nila at ayaw ko ring magkaroon ng utang na loob sa iba tungkol sa pag-abot ko ng pangarap ko. Kaya naman ay sinukuan ko na lamang ito. Pumanaw man nang maaga ang aking mga magulang, mayroon naman akong tinuturing na ama. Si Kap Ibañez. Sa tuwing may problema ako, siya ang laging takbuhan ko noon. Mabait kasi ito at tinatrato niya akong pamilya. Dati na akong tanod sa huling pinuno. Ngunit noong manalo si Kap Ibañez sa pwesto bilang ama ng barangay, inalok niya sa akin ang pagiging tanod muli. Naiintindihan ko namang kaya ako laging kinukuha dahil sa kakisigan kong ito. Ka flex flex raw kasi pati na rin ang biceps at mukha ko. Sa laki ng biceps ko, matatakot kang gumawa ng katarantaduhan. Lalo na kapag dala dala ko ang batuta sa pagroronda, isang palo lang sa mga loko loko, tiyak, wasak ang buto ng mga ito. Naaalala ko noong unang nag duty ko bilang tanod, pinagtitinginan ako ng mga kababaihan na inamo'y sa kauna unahang pagkakataon pa lamang sila nakakita ng isang pogi at makisig na tanod na tulad ko. Oo nga naman, ang ibang tanod na mga kasama ko ay may edad na at kasado na. Samantalang ako, bukod sa sa mukhang fresh pa, bentang benta rin ang biceps ko sa masa. May mga kababaihang nagtangkang kunin ang aking cellphone number, ngunit wala sa kanila ang pinansin ko. 'Dahil wasak pa ang puso mo!' bulyaw ng isipan ko. Tama na pre. Masakit. Makakakabingwit rin ako tunay na pag-ibig! Gabi gabi akong nagroronda sa Calle Adonis para masiguro ang katahimikan dito. At kapag tapos na ako sa aking duty, deretso ako sa bahay para maligo. 'Para presko kahit amoy usok' ang tag line ko. Pagkatapos ko maligo, wala pa rin namang pinagbago, gwapo at macho pa rin ako. Sinuot ko ang aking puting sando at itim naman na shorts. Hindi ko na kailangang mag spray ng pabango dahil natural naman akong mabango, ultimo utot ko, amoy cologne. Ngumisi na lamang ako sa lakas ng apog ko. Total gabi naman na kaya ayos lang itong suot ko. maglilibot libot muna ako sa mga tindahan para masigurong walang nagkukumpulang mga residente dito. Kinuha ko ang aking batuta at inipit sa garter ng short ko sa likod. Sa totoo lang, namimiss ko na rin ang tumambay sa tindahan nila pareng Macky kasama ang ibang kaibigan namin. Sa dami na naming pinagdaanan, COVID lang pala ang makapagbibigay distansiya sa amin. 'Hay, buhay.' Nagtungo ako sa tindahan ni Aling Mary. Muntik ko nang makalimutan ang aking facemask. Hindi ako sanay na natatakpan ang gwapo kong mukha. Kawawa naman ang mga chicks na nagkakandarapa sa akin. Tiis tiis lang, matatapos din ito. Nagtungo ako sa bakery, nakita kong nag co-compute yata si pareng Leo. Lakas maka mathematician ang pare kong ito, ah. Mag iisang linggo na kaming hindi nakakatambay sa tindahan nila pareng Macky. "Pre!" Sigaw ko. Nagulat naman ito. Umarte pang parang aatakihin sa puso. Natawa naman ako. "Pre, I miss you!" Pabirong sabi ko ngunit totoo. "I miss you too, pre. Huhuhu," Kunwaring naiiyak na drama nito. Ang gago talaga. "Eeewww, mga bakla!" Nandidiring sabi ni Macky na kararating lamang. Naka facemask ito ng itim. "Selos ka lang! Hmppp, tse." Bulyaw ko habang nagbabakla baklahang niyakap ang sarili. Kasi nga diba? Bawal ang physical contact. Nagtawanan kami at pinagpatuloy ang kagaguhan. "Awww, I miss you mga babes." Maarteng sabi ni Macky. Sinakyan ang kalokohang sinimulan namin ni Leo. "Kadiri kayo!" Sigaw ng isang babaeng naka facemask ng puti. Kapatid ni Kiel na si Kyla. Bibili rin yata. "Oh, Kyla, nasaan si Kiel? Pakisabi miss na namin siya, hah?" "Ano?! ang ga-gwapo niyo pero ang ba-bakla niyo. Oh sige na nga, babusshh!" Paalam nito matapos kunin ang biniling slice bread. Sinong mag aakala na ang TAMBAY POGI sa tindahan ni Aling Amy ay TAMBAY BAHAY POGI na lamang ngayon. Pwera ako dahil TAMBAY POGI KANTO parin ako ngayon mga pre. Nagtawanan na lamang kami. "Grabe. Nakakamiss," wika ni Leo "Bawal na tayong tumambay, stay na lang sa bahay," kako. "Sayang naman tong ka gwapuhan natin kung sa bahay lang," malungkot na drama ni Macky. "O sige na mga, pre, ikot lang ako dito," paalam ko sa dalawa. Nag ikot-ikot ako sa mga kanto, sa mga tindahan at kainan. Sinaway ko ang tatlong ginang na tila ba ginabi sa tsismisan. Nag ikot-ikot pa ako sa mga masisikip na eskinita. Gabi na kaya, tahimik na ang paligid. Hanggang sa napagdesisyunan ko nang umuwi at magpahinga. Nakakapagod. Kinabukasan, alas tres palang ng umaga ay nagising na ako at nagtimpla ng kapeng matapang, yung kaya akong ipaglaban, pre. Naligo ako at sinabayan ko na rin ang pag aahit sa aking balbas na medyo kumapal na dahil hindi ko na naasikasong ahitin noong nakaraang Linggo. Sinuot ko ang t-shirt kong kulay puti at sinunod ang uniporme ko bilang tanod. Kinuha ko ang batuta at flashlight ko saka nagmadaling pinaandar ang aking old model na motor. Alas 3:10 ay nasa boundary checkpoint na ako. Pinarada ko sa gilid ang aking lumang motor. Binati ko ang mga kasamahan kong nagbabantay roon. Ang iba ay tulog na. Mabuti na lamang at may guard house na siyang pwede pagtulugan ng mga ito. "Bagong ahit ka ngayon Arc, ah. Naks naman. May chicks ka ba dun sa mga l**s?" Pabirong tanong ni Mang Edwin, may asawa at dalawang anak. "Wala naman, Mang Edwin," natatawa kong sagot. Nagkwentuhan muna kami saglit at ipinagtimpla pa ako ng kape. "Kape ka muna, Arc," alok naman sa akin ni Mang Reynaldo na medyo may katandaan na rin. Pumatak na ang alas kwatro. Maya't maya ay may narinig kaming busina ng bus. Vroooooot! End of chapter 1
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD