Prologue
Totoo nga pala na sa bawat kilos natin ay may kaakibat na karma.
Dati rati, ako ng nang iiwan, ngayon, ako naman ang iniwan ng babaeng una kong binalingan ng atensyon at pagmamahal ko.
Natatakot ako.
Natatakot na baka hindi na muling makaahon pa mula sa pagkakalunod sa pag ibig na ginawang laruan ng iba, na siyang ginawang laruan ko rin noong una.
Marahil ay karma ko na siya. Ang natatanging babaeng nagparamdam na mahal na mahal ako noong una, ngunit sa huli naman pala'y itatarak sa aking dibdib na napaka walang kwenta ko pala para sa kanya.
Umalis siya.
Hinayaan ko na.
Bahala na... Tama na... Kung ayaw sa akin, wala na akong magagawa. Ubos na ubos na ako sa kaiisip kung ano nga bang mali sa pagkatao ko... Kulang pa ba ako? O sadyang wala sa akin ang pinapangarap ng babaeng minahal ko nang todo todo.
May mga pagkakataong gusto nang makalimot ng isip ko, ngunit nagsusumigaw ang puso ko ng, "ayaw ko!"... Dahil kahit anong gawin ko, malabong mabura siya sa sistema ko. Tila ba isa siyang bisyo na hirap na hirap kong kalimutan at iwasan dahil ito na ang aking nakasanayan.
Dala dala pa nito ang susi ng malungkot at nagungulila kong puso mula sa init ng pagmamahal na minsan niyang pinaramdam.
Si Kupido na ang bahala. Kung may darating man, edi, salamat. Ngunit, ang puso ko ay mananatili parin sa babaeng pinaglaruan ito. Tanga na kung tanga, marupok na kung marupok, mahal ko eh. Patuloy parin akong aasa, kahit na isa lamang ako sa pinagpipilian niya.
Sa ngayon, ipagpapatuloy ko na muna ang pagroronda, baka sakaling may mahuli ako at makahuli muli sa puso kong uhaw na uhaw sa init ng pagmamahal.