“MAY kumakatok!” Umalingawngaw ang boses ng aking amo sa buong bahay. Sa katunayan, mas malakas pa ang tono niya kumpara sa gumamit ng knocker.
“Virtue!” sigaw ulit niya.
“Sandali lang.” Dali-dali akong bumaba galing second floor at patakbong tinungo ang pinto. Napahinto ako nang makita si Sir na nakayuko at sumisilip sa bintana.
Lumingon siya sa’kin at bumulong, “Ang bagal mo.”
I snorted as I looked at the man wearing a scarecrow outfit complete with a frightening mask.
“Virtue.” Inis niyang tinuro ang pinto.
Inayos ko ang aking belo bago ako lumabas. “Anong kailangan nila?” tanong ko sa lalaking nakatayo sa porch.
“Nandito na ang order ni Mr. Turgen.” Garalgal na sagot ng matanda habang napapakamot siya ng ulo. “Pasensya na at natagalan kami. Medyo nakakalito ang address.”
“Order?” Napalunok ako. Hindi ko talaga napapaghandaan minsan ang damdamin lalo na’t kaapelyido ng amo ko ang aking ex.
Sumenyas ang matanda sa driver at bumukas ang wing van. Napatakip ako sa aking bibig nang tumambad ang iba’t-ibang uri ng mga rebultong anghel at gargoyles, ibang disenyo ng krus at mga lapida. Halata rin sa mukha ng matanda ang pagtataka kung ba’t ganito karami ang order ng aking amo.
Tatalikod sana ako ngunit bumakas ang pinto at lumabas si Sir Anthony. Narinig kong napamura ang matanda sa hitsura ng aking amo.
‘I feel you, Manong,’ gusto kong sabihin sa kaniya nang makita siyang medyo namumutla.
Bumaba ng sasakyan ang driver at lumapit sa matanda. Siniko niya ito ngunit hindi pa rin natinag ang matanda kaya lumingon na rin sa kinaroroonan namin ang driver. At napasandal siya sa sasakyan at napa-sign of the cross ng ilang beses.
Sino ba namang ‘di matatakot eh parang Jeepers Creepers ‘tong katabi ko. At dala-dala pa niya ang paborito niyang karit.
“Ah, dumating na pala ang order niyo, Sir.” Pinilit kong pasiglahin ang aking boses.
“Alam ko,” pasupladong sagot niya. “I’ve got eyes, Virtue.”
Sumunod ako sa kaniya nang lapitan niya ang sasakyan. Nakabawi ang dalawang lalaki at pinilit na maging neutral ang pananalita ng mga ito habang kausap ang aking amo.
Binigyan sila ng instructions ni Sir kung saan ilalagay ang mga pinamili. Tahimik na nakikinig ako nang bigla siyang lumingon sa’kin. “May kailangan ka?”
“Sir?”
“Ba’t nakatayo ka pa riyan?” Hinigpitan niya ang hawak ang gumewang na karit. “Ipaghanda mo sila ng merienda.”
Tumango ako at dali-daling pumasok ng bahay. Tiningnan ko muna si Zorina at napangiti nang makitang tulog ito sa crib na nilagay ko sa salas. Dumiretso ako ng kusina at ipinaghanda sila ng makakain. Gusto kong matawa nang maalala ang hitsura ng dalawang lalaki kasi ganito ako noon. Pinakapalan ko lang talaga ang pagmumukha ko sa desperasyon.
Dalawang buwan na akong nagtatraaho rito at nasosorpresa pa rin ako sa pinagagawa ng aking amo. ‘Eccentric’ ang sabi ni Sitara at ‘medyo weird’ naman ang description ni Uncle (pinapatawag niya sa’kin) Cornelio. Pero tila mga flowery words lang ang mga adjectives kung makikitara ka kay Anthony Turgen.
“Napakai-imposible niya.” Umiling ako habang namamangha rin sa mga pinagagawa niya – katulad ngayon.
Last month, iba naman ang trip niya. He was a walking Phantom of the Opera from head to feet when he drove me and Zorina on a coach to see the pedia. Kung nasosorpresa mana ng mga tao’y ‘di sila nagpapahalata. It was as if they were really used to see him being like this – except these two men outside.
At dahil mahilig talaga siya ng magsuot ng costumes kaya ‘di ko pa nakikita ang mukha niya. Hindi rin kami magkasabay kumain kasi feeling ko na feeling niya ay mababa akong uri ng babae. Hindi nga lang niya ako masisante daihl sa ginawa niyang pagpapatulog sa’min ni Zorina sa kamalig. At dahil na rin kay Uncle Cornelio na lagi kaming binibisita at sinisigurado na maganda ang pagtrato ng kaniyang pamangkin sa’min ng anak ko.
Metikuloso si Anthony Turgen – so opposite with Andre kaya minsan napapaisip akong hindi talaga magkadugo ang dalawang ‘to. Slightly slob si Andre at neat freak naman ang amo ko. So, I really made sure na squeaky clean ang bahay mula sa attic hanggang sa labas.
“Virtue!” Buo ang boses niyang umi-echo. “Shoo! Don ka sa labas – shoo!”
Baka sumunod na naman si Bones sa kaniya. Ayokong uulan ng sermon kaya binilisan ko ang paglalagay ng cookies, tinapay, baso at pitcher ng juice sa malaking tray.
“Virtue!” bungad niya nang makapasok sa kusina. “Antagal mo.” Iwinagayway niya ang measuring tape.
“Sorry.” Humakbang ako papalapit sa kaniya nang i-angat niya ang kaniyan palad. “Sir?”
Hinila niya ang measuring tape mula sa lalagyan at dumikit sa harapan ng dala kong tray ang dulo nito. Binasa niya ang numero sa hawak niya at tumango. “Isang metro lang dapat ang layo natin sa isa’t-isa.”
Hindi ko mapigilang umikot ang aking mga mata. Ano na naman ang gustong mangyari ng taong ‘to?
“Did you just roll your eyes on me?” Tila may usok na lumabas sa kaniyang maskara.
Tumikhim ako bago siya nilagpasan. Sumunod siya dahil ramdam na ramdam ko ang dulo ng measuring tape sa aking likod. Mabuti nalang at bukas ang pinto kaya dumiretso na akong ng labas. Halos patakbo siyang lumapit sa gilid ko – siyempre isang metrong layo.
“Bones!” tawag ko sa paparating na aso. Ayaw ni Sir na papasukin sa bahay si Bones dahil allergic daw siya sa mga balahibo ng aso at pusa. Akala ko papalayasin niya ito ngunit nagulat ako isang umaga dahil pinagawan niya ito ng bahay – disenyong mansion. At nakikita ko ring binibilhan niya ito ng supplies at naririnig kong tumawag siya sa isang vet para tanunging kung anong magandang vitamis ang ipapainom dito. Kaya halatang malaki ang improvement ni Bones sa dalawang buwan.
“Kain ho muna kayo,” pahayag ko nang makalapit sa dalawang lalaking nialalagay ang krus sa iba’t-ibang bahagi ng lupa.
“Salamat, Iha,” ani ng matanda habang tila excited itong kunin ang dalawang cookies mula sa tray.
“Okay ka lang ba rito, Iha?” Malumany na tanong ng driver bago siya lumagok ng isang basong tubig.
Tumango ako. “Mabait naman si Sir.”
“Talaga ba?” tanong ng matanda.
At wala sa sariling napalingon kaming tatlo kay Anthony Turgen na lumuhod sa isang malaking rebulto ng anghel at tila kinakausap ito. Nasa tabi nito si Bones at umuungol.
‘What a weird guy!’ biglang naisip ko. Pero sa dalawang buwan kong pananatili rito, hindi ako nakaramdam ng takot mula sa kaniya kahit na anong kapritsuhan niya sa buhay.
“Nasanay na ho ako kay Sir.” Kibit-balikat ko.
“Mabut naman kung ganon,” bulong ng driver. “Alam naming pamangkin siya ni Cornelio at sabi rin naman ng ibang taga-rito na mabait na bata ‘yang si Anthony. Pero nasorpresa pa rin kami.”
“Sabagay, kaniya kaniyang trip lang naman ang tao.” Tumango ang matanda at tiningan ang mga lapidang nagkalat. “Basta ‘di lang makakaapak sa iba.”
“Virtue!”
Ibinigay ko ang tray sa driver at dali-daling lumapit sa aking amo. “Yes, Sir?”
Isinandal niya ang karit sa rebultong anghel at inakbayan ang katabing gargoyle. “Kunan mo kami ng picture. Ipapadala ko sa barkada ko.”
Na-curious tuloy ako kung anong klaseng barkada meron ang aking weirdong amo.
“Wala po akong cellphone,” tikhim ko.
I really felt his eyes rolled beneath his mask as he glanced at his pants. “Then use my cellphone instead. Geez.”
Lumapit ako sa kaniya at kakapain sana ang kaniyang pantalon ng bigla siyang nagsalita, “Isang metro.”
This time, I was the one who rolled my eyes. “Sir, ibigay mo sa’kin phone mo. Geez.”
He snorted, as if I was a dog and he was amused by my antics. He took his phone, typed his password before he gave it to me. “Gandahan mo ng kuha.”
Hindi ko pinapakita na naaaliw akong tingnan siya sa iba’t-ibang uri ng pose. Minsan kasama niya si Bones sa mga kuha ko. Naalala ko tuloy na ganito rin ako non – vain kahit na simplicity ang tinuro ng relihiyon namin. Well...
“Not bad,” he muttered as he swiped the pictures that I took. His mask seemed to stare at me. “Pumasok ka na sa loob baka gutom na si Zorina.”
Tumango ako at biglang uminit ang aking pisngi nang makitang basa ang bandang dibdib ng aking damit. Hindi ako nagpaligoy-ligoy na umalis at pumasok sa bahay. Nagbihis ulit ako bago inasikaso kakagising na Zorina.
Mabilis ang takbo ng oras lalo na’t may ginagawa. Hindi ko na rin nakita si Sir buong maghapon hanggang hapunan. Pumasok na rin ako sa kwarto at hinintay na makatulog ulit si Zorina. Lumabas ako ng kwarto upang i-check kung locked na ba ang lahat ng pinto at kung naka-on pa ba ang mga appliances.
“Ay s**t!” mahina kong sambit nang mabunggo ako sa malapad na pader.
“Anong amoy tae?” sagot ng pader.
Tumingala ako at nadama ng aking mga kamay ang malapad niyang likod. Napaatras ako. “Sorry, po.”
“Isang metro, Virtue.” Tila nag-vibrate ang boses niya.
Mahaba ang nightshirt ni Sir, may mahabang sleeping bonnet at naka-face mask kaya natabunan pa rin ang kaniyang katawan at mukha. Noon, akala ko hindi buff ang kaniyang katawan dahil sa sa tinago-tago niya kaya medyo nagulat ako nang mahawakan ang firm na muscles niya sa likod.
“Ah, by the way, samahan mo nga ako,” sabi niya.
Medyo napaatras ulit ako ng konti dahil sa sinabi niya. Gabi na masyado at kami lang dito sa bahay. Hindi ako one hundred percent kampante lalo na sa naranasan ko noon sa piggery. Lumuwag lang ng konti ang pagbabantay ko nang mapagtantong wala siyang interes sa ‘kin. Pero ngayon?
“Saan po tayo, Sir?” Hindi ako diskumpyado.
Kinuha niya ang measuring tape mula sa bulsa at tila naaaliw na tinignan ito. “I’m always prepared.” He stretched the tape and gestured me to take the tip. “Isang metro pa rin, Virtue.”
Tumango ako at sumunod sa kaniya nang lumabas siya ng bahay. Curious tuloy ako kung ano kaya ang treatment ni Sir sa kaniyang girlfriend. Ganito rin ba? Naka-measuring tape kung naka-holding hands sila?
“Why are you snickering?” tanong niya.
I choked back whatever laughter that was in me when he suddenly asked.
“Hm?”
Umiling ako. “Nakalunok lang po ako ng lamok, Sir.”
He snorted and tapped my shoulder with the measuring tape. “Tingnan mo. Maganda ba?”
Tila plato ang mga mata kong nakatitig sa tila sementeryong paligid. Hindi naman ako matatakutin pero eerie ang ginawa niya at feeling ko gumalaw ang mga rebulto. Nanginig ako at nakalimutan ko ang isang metrong habilin ni Sir at napakapit sa kaniyang braso.
“Virtue,” sabi niya, “maganda ang pagkagawa, ‘diba?”
“Sir, balik na ho tayo sa loob.” Hinawakan ko ang kaniyang mga kamay at pinisil ito.
Tinawag niya ulit ang pangalan ko pero hinila ko na siya pabalik sa loob.
“Sayang at ‘di mo narinig ang sound effects,” mahina niyang sabi.
Nahindik ako sa sinabi niya. May sound effects pa?
“Sir huwag na ho baka kasi magising si Zorina,” sagot ko.
At siya naman ang nahindik sa sinabi ko. Tila mas nakakatakot pa kung magigising si Zorina kesa sa horror themed design na ginawa niya.
Bumalik ako sa kwarto at humiga sa kama. Noon, nababagot ako sa buhay ko dahil somehow masyadong easy. Though hindi ako sang-ayon sa ibang tradisyon ng mga Vornian pero in fairness, hindi ako naghirap. I was able to travel still kahit na maraming kasama at rigid ang requirements para lumabas sa rehiyon. I wanted love, s*x and adventures. At feeling ko matatagpuan ko lang ang mga ito kung lalabas ako sa Ornuv. Kaya siguro thrilled ako nang makilala si Andre. Pero ngayon...
Itinaas ko ang aking kamay at tila ramdam ko pa rin ang init ng balat ng aking amo kahit nakabalot ang kaniyang katawan. Anthony Turgen was different from the men that I’ve met. At doon ko rin napagtantong hindi ko kailangang lumabas ng rehiyon kung gusto ko ng adventures. Living with Anthony was an adventure itself.