NALILITONG tiningnan ko ang isang box na nakapatong sa kitchen counter. Tumingala ako at nakitang tahimik na nakatingin si Sir reaksyon ko. Kinuha niya ang measuring tape at tinapik ang box.
“For me?” tanong ko pero ‘di siya sumagot kaya binuksan ko ang karton. Hindi ako nagpahalata ng sorpresa nang makita ang isang cellphone sa loob. Since naisangla ko ang last gadget ko, ‘di ako nagkainteres na bumili ulit lalo na’t nagtitipid ako para sa pangangailangan ni Zorina.
“Para ‘di mo na mahawakan ulit ang phone ko.” Halos ‘di ko maintindihan ang sinabi niya dahil natabunan ang buong mukha niya ng metal lalo na’t naka knight in full armour ang suot niya ngayong araw. Nahuhumaling na naman si Sir Anthony sa medieval knights nitong mga nakaraang linggo kaya ‘di na ako magtataka kung ganito ang histura niya.
Ah! So ganito pala ‘yon. It’s been three weeks since he instructed me to take photos of him. I actually forgot about it but he still remembered. My lips thinned as I gave thanks.
Tumango lang siya at umalis kasama ang ingay ng kaniyang metal na suot. Napakislot ako kasi pakiramdam ko napaka-uncomfortable ng damit niya. Pero natutuwa siya sa ginagawa niya at ‘di ako pumuputol ng trip ng iba as long as ‘di harmful. Okay naman si Sir makasama kahit na minsan naiinis ako dahil kinukwestyon niya ang trabaho ko gaya ng kung limang beses ko ba talagang hinalo ang black coffee niya o kung dalawang exact size ba ng ham ang nilagay ko sa sandwhich niyang may tatlong slice ng lettuce at half slice ng orange – not red nor green – but orange tomato.
In fairness naman sa kaniya, hindi rin siya nakikialam sa gawain ko as long as malinis lang talaga and as long as hindi ako pumasok sa isang silid katabi ng kuwarto niya. Off limits talaga ‘yon at hindi nalang ako nagtanong kung bakit baka mag-wild ala Beast siya katulad sa cartoons. Ayokong masisante. Hindi rin naman nagrereklamo si Sir Anthony sa kung ano ang inihanda kong pagkain sa kaniya. Wala akong gadget kaya ‘di ako makapag-internet ng putahe. Mabuti na lang at may nakita akong sira-sirang cookbook sa isang aparador sa kusina at nagdasal ako na sana tama ‘yong mga pinagagawa ko.
Minabuti ko ring hindi magtatagpo ang landas nilang dalawa ni Zorina. Hindi ko kasi alam kung ano ang temperament niya kapag may sanggol. I mean, civil lang siya at tila walang emosyon kapag hinahatid niya kami sa pedia. Hindi siya nagkokomento tungkol kay Zorina maliban na lang kung umiiyak ng malakas ang bata at nadidisturbo siya sa kaniyang mga ginagawa. Which got me curious kung ano ba ang trabaho ni Sir. Minsan nakikita ko siyang tila naglalaro ng espadahan sa may sementeryo at kaaway ang mga gargoyles at mga rebultong anghel. Minsan naman nagmumukmok siya sa isang kanto ng bahay at nakatutok sa kaniyang laptop o ‘di naman kaya’y may tinatawagan. Minsan lumalabas siya gamit ang kaniyang sasakyan o 'di naman kaya'y motor o umaarkila siya ng horse coach. Pero most of the time, andon siya sa kaniyang study room at lumalabas lang kapag kakain.
Inilagay ko sa oven ang chocolate chip cookies na paborito niyang papakin. Sumaglit ako sa likod upang tingnan ang sinampay kong mga bedsheets at pillow cases kasama na rin ang mga damit pampatulog ni Sir. Actually, may dryer din naman sa bahay pero narinig ko non sa mga katulong namin na mas gusto pa rin nila ang sun dry. At nasanay na rin ako sa gawaing manual kaya kontento akong gamitin ang washing machine sa paglaba at sampayan sa labas kapag nagpapatuyo ng mga damit – unless na lang talaga na umuulan at kailangan ni Sir ang mga gamit.
Pinagpapawisan akong pumasok sa loob at tila nag-aaway ang nasa loob ng aking sikmura. Iniisip ko kung ano ba ang nakain ko kagabi ba’t kaninang umaga pa tila kumukulog ‘tong tiyan ko. Hindi ko ininda ang nararamdaman at kinuha ang lutong cookies mula sa oven at nilagay ang panibagong batch. The more the chocolate chip cookies, the better.
Pumunta ako sa salas para i-check si Zorina. Kahit nasorpresa nang makita siya, hindi ko na rin pinansin si Sir na nakaupo sa isang bar stool at may tinitipa sa laptop habang nakasuot pa rin ng helmet. Nilagpasan ko siya at dumiretso sa crib na nilagay ko sa may salas. Nagreklamo si Sir noong una sa harapan pa mismo ni Uncle Cornelio pero wala siyang magawa kasi mas pinagalitan siya ng tiyuhin.
“Gising na ang baby,” I cooed at the smiling baby. May humaplos sa dibdib ko nang tingnan ako ng kaniyang mala-pukyutang mga mata. Her eyes were like Andre’s and it made my heart feel sad kasi somehow maaalala ko ang ex ko kapag tumitingin ako kay Zorina. It was not fair.
I showed her the rattle and played it, making her giggle. I heard someone hissed in the background but I shrugged it off. I picked her up to make her stand when I suddenly felt the rumble from my stomach. My mouth ran dry, my hands felt clammy, sweat trailed down on my forehead and the hair on my skin stood.
“s**t, ‘di ko na kaya,” bulong ko habang kinarga ko si Zorina. Pinakapalan ko na talaga mukha ko at lumapit kay Sir Anthony. “Sir, favor naman please.”
Napakislot ako nang marinig ang metal na kumilos ng lingunin niya ako. Inilahad ko si Zorina sa kaniya. “Pakibantayan naman po ang anak ko kahit saglit lang, I really need to go to the comfort room.”
“Ako? Babysit?” Staccato niyang tanong.
Tila signal number four na ang tiyan ko at hindi ko mapigilang umutot. Siguro kung normal na pagkakataon ‘yon baka namula na ako sa hiya pero magiging makapal talaga mukha mo kung LBM na ang kalaban.
“Virtue!” Halos maduwal siya. “Huwag kang tumae rito!” Inilahad niya ang kaniyang kamay upang kunin si Zorina.
“May cookies sa oven!” sigaw ko habang tumakbo ako sa banyo.
“Duda ko nasobrahan ako ng kain ng sesame seeds.” Napasapo ako sa aking pisngi nang mapaganto ang ginawa. “Inututan ko tuloy si Sir.”
Pagkatapos ng matagal na mga minutong business ko sa banyo, uminom ako ng gamot at nagbihis na rin. Knowing Sir Anthony, baka magreklamo na naman ‘yon sa sanitary hazards na ginawa ko. Pumanhik ako sa sala at hindi nakita ang aking anak at ang aking amo. Biglang nakaramdam ako ng kaba dahil iba’t-ibang eksena na ang pumapasok sa utak ko.
“Sir?” Nangangatog na sigaw ko. “Zorina?”
Sinubukan kong tingnan ang ibang kwarto sa first floor at ‘di pa rin sila makita. Nanlalagkit na ang pawis ko sa likod at tila bumabalik ang kalam ng aking sikmura. Lakad-takbo ako papuntang kusina at muntik ng lumipad ang espirito ko nang makita ang dalawang nag-uusap. Nakaupo si Zorina sa pambatang floor seat na ipinatong ni Sir sa bakanteng counter at nakatayo naman ang aking amo habang hawak-hawak ang measuring tape na iwinagayway niya sa hangin.
Sumandal ako sa pader at pinanood ang dalawang seryoso sa kanilang konbersasyon na hindi ko maintindihan.
“So, you see kung bakit kailangang isang metro lang talaga ang layo,” seryosong sabi ni Sir Anthony na nakasuot pa rin ng helmet.
Ngumiti lang si Zorina. Her face was glowed as she drooled her words that cannot be yet deciphered.
“You seem to be a bright kid.” Kumilos si Sir at lumapit ng konti kay Zorina. Tinapik nito ang haba ng measuring tape sa espasyo ng upuan. “Gusto mo bang maging assistant ko?”
Zorina just giggled, listening to the knight’s armour as he moved stiffly.
“Sige, simula sa araw na ‘to, magiging page ka muna ng ilang taon. I’ll promote you to being a squire kung magiging okay ang performance mo. Okay ba?”
She mumbled her words, biting her fist.
“Good, mabuti at nagkakaintindihan tayo.” Tango ng aking amo at lumingon sa direksyon ko. “Unlike your mother.”
Binigyan ko siya ng isang ngiting aso.
He snorted. “Tumatae ka pa rin ba?”
I faked a shiver. “So vulgar.”
“Mas bulgar ang pagbomba mo sa’min kanina,” neutral niyang sagot.
“Salamat po, Sir.” Lumapit ako sa anak ko at naramdaman kong lumayo si Sir habang hawak-hawak ang measuring tape.
“Sunog ang cookies mo,” sabi niya. “At ayokong kumain ng mga handa mo as long as may LBM ka pa.”
Sasagot sana ako nang umalingawngaw ang katok.
“Ako na.” Umalis siya.
Lumingon ako kay Zorina. “Mas na promote ka pa kesa akin, Nak.” Tiningnan kung puno na ba ang kaniyang diapers. Okay pa naman kaya hinalikan ko siya sa pisngi. “Mmmm ambango-bango ng baby.”
Narinig ko ang tila nagsasalpukang metal at alam kong pupunta si Sir sa kusina. Hindi ko lang napaghandaan ang makita siyang may dalang ecobags.
“Lunch natin,” tipid niyang pahayag.
“Salamat, Sir.” Ibinalik ko si Zorina sa kaniyang sariling upuan para tulungan si Sir pero umiling siya.
“Ako na lang.”
Alam kong takot siyang baka mahawa sa LBM ko kaya hinayaan ko na lang na gawin niya ang ginagawa ko simula ng nakapagtrabaho ako rito. Awkward siyang tingnang kumilos lalo na’t naka full armor siya. May mga pagkakataong gusto kong sabihan siya na pwede niyang tanggalin ang helmet pero baka magalit siya at ‘di ko na ma-enjoy na pagsilbihan ng sariling amo.
I sat back on the chair, thinking about the past – antagal na pala talaga since pinagsilbihan ako. Feel ko nga minsan, hindi ako ang taong ‘yon – ibang babae ang naging prinsesa ng pamilyang Diem.
Binuksan niya ang take-out boxes at hinanda sa mesa. Napakagat-labi ako nang masamyo ang bango ng paborito kong sabaw ng baka.
Akma siyang aalis ng kusina nang tanungin ko, “Hindi kayo manananghalian, Sir?”
“Working lunch,” tipid niyang sagot bago umalis.
Napatingin ako kay Zorina na nakatingin sa lalaking nakadamit ng full armor.
Humigop ako ng sabaw at pikit-matang napaungol sa sarap. It’s been ages since I’ve tasted this.
“Ah, napainom ko na rin ng gatas si Zorina.” Biglang sumulpot si Sir at halos maluwa ko ang sabaw sa gulat.
“Po?”
“May naka-stock kang gatas sa ref kaya pinainom ko kasi nagugutom na siya kanina,” sagot niya.
Magtatanong sana ako kung paano niya alam ang gagawin. He just sniffed. “May mga pamangkin din ako, Virtue.” At umalis siya
Ipinagpatuloy ko ang paglilinis sa first floor at napagdesisyunang bukas ay sa library naman itutuon ko ang atensyon. Nag-inventory rin ako ng supplies namin at iniisip na siguro sa bukas-makalawa na ako magpapahatid kay Sir sa bayan upang mag-grocery. Papasok sana ako sa workout room ni Sir pero umatras ako nang makita siyang tumatakbo sa treadmill in his knight costume.
“Nakakahinga pa ba siya?” Kamot-ulong tanong ko sa sarili habang umatras at dumiretso na lang sa kwarto para magpalipas ng oras kasama si Zorina at sa pag-explore sa bagong phone na ibinigay ni Sir.
I was too engrossed with it that it made me jump when I saw an unknown number was calling.
“H-hello?” Feeling ko antagal kong nakahawak ng telepono kaya natatawa akong isiping nababaguhan ako.
“Virtue.”
I sighed. Alam ko kung sino ang nasa kabilang linya sa tono ng pananalita.
“Hello, Sir.”
“Huwag ka ng maghanda ng hapunan. May extrang take-out food sa loob ng fridge. Kumuha ka lang don.”
“Okay po.”
“Nagtatae ka pa ba?”
Uminit ang pisngi ko. “Hindi na po ngayon.”
“Good.” At pinatay niya ang linya.
Alam kong malimit na niya akong tatawagan lalo na’t binigyan niya ako ng phone. Mas mainam na siguro kung ikukumpara sa pagsigaw-sigaw niya ng pangalan ko na halos rinig na ng kabilang dako ng mundo.
Tumakbo ang oras nang walang major na nangyari. Hinintay kong makatulog si Zorina bago ako nag-freshen up bago matulog. Nagsusuklay ako nang buhok nang tumunog ang cellphone. Ano na naman ang kailangan ng aking amo?
“San mo nilagay ang nightshirt at nightcap ko?”
Napatingin ako sa mga kumot na tiniklop ko kanina. “Ah, Sir, andito pa ho.”
“Ihatid mo in five minutes. Hindi ako makatulog pag ‘di yan ang suot ko.” At pinutol niya ang tawag.
Inayos ko muna ang mahaba kong buhok at tinabunan ng isang nightcap habang inestima ang mga minuto. Tumayo ako pagbilang ko ng tatlong minuto at kinuha ang tiniklop na pantulog ng aking amo. Umakyat ako sa second floor at dumiretso sa kwarto niya.
“Sir, andito na po ‘yong gamit niyo.” Kumatok ako pero hindi binuksan ni Sir Anthony.
Himala!
He was really particular with time at naiinis ito kapag late ako minsan o ‘di naman kaya’y masyado akong maaga. “Sir?” Kumatok ako ulit pero walang sumagot.
Nilapit ko ng konti ang aking tenga sa pinto upang marinig kung ano ba ang ginagawa ni Sir ang biglang marahas na bumukas ang pinto. Hindi ako nakapaghanda at wala sa sariling kumapit ako sa kung ano man ang pwedeng makakapagbigay balansa sa’kin. Natagpuan ko ang sariling nakaluhod at nakahawak sa tuwalyang takip sana sa bewang ni Sir Anthony.
‘What a tiny d**k!’ Ito lang ang naisip ko nang makaharap mismo ang ari ni Anthony Turgen.
**************************************************************************************************
A/N:
Hala! Anong nakita ni Pasencia Isobel aka Virtue?