Chapter 4

1572 Words
“ANO?”   Napalunok ako nang marinig ang halatang robotic na boses. Gustong humiwalay ng aking kaluluwa mula sa aking katawan nang tumingala ako at nakita siyang nakasuot ng roba na tila ipinamana ni Dracula at umiilaw ang kaniyang maskarang demonyong payaso.   “Ano?” Tumaas ang tono ng kaniyang pananalita.   Napahawak ako kay Zorina at umungol naman ang aso sa gilid ko na halatang natakot din. Pinilit kong maging matatag kaya tumingala ako at nanginginig na tiningnan ang nag-iibang kulay na ilong ng maskara. “S-sir, mag-aaply s-sana h-ho ako ng m-m-maid…”   Parang demonyong nakakita ng bagong biktima ang binitawan niyang tawa. Hindi rin nakatulong ang kulog at kidlat at tila pag-eecho ng boses niya. “So wala na kayong ibang paraan para guluhin ako, aber? Iba na naman ang estilo niyo sa pagpapadala ng babae sa’kin? Para kayong ‘di mga Vornian!”   Pumasok siya sa loob at isinara ang pinto.   Natameme ako sa nangyari. Lumingon ako sa aso at nagtatakang nakatingin din siya sa’kin. Umiling ako at kinapa na naman ang hugis bungong knocker at hinampas pa ito ng tatlong beses.   “Ano na naman?” Bumukas ang pinto at dumungaw ang ulo niyang nakamaskara pa rin.   “S-sir, mag-aaply s-sana ako ng maid.” Pinilit kong tumayo ng matuwid at maging confident.   “Matandang babae ang gusto ko!” Sigaw ng demonyong payaso bago niya isinara ang pinto.   Kinuha ko ulit ang knocker at hinampas ito ng ilang ulit hanggang sa mabulabog ang sino mang dapat mabulabog sa pamamahay ng lalaki. Sinabayan ko rin ito ng desperasyon. “Sir! Maawa po kayo sa’kin. Bigyan niyo ho ako ng tsansa. Wala po akong ibang malalapitan. Sir! Sir! Sir!”   Halos mahila ako nang bumukas ulit ang pinto at dumungaw ulit ang umiilaw na maskara. “Hindi ka ba tatahimik?”   Umiling ako. “Hanggang sa tanggapin niyo ho ako.”   “Nakita mo ‘yang kamalig?” Turo niya sa isang gusali sa ‘di kalayuan.   “Opo.”   “Pwes diyan ka matulog ngayong gabi.”   “Pero – ”   Hindi na natuloy ang sinabi ko dahil isang malakas na pagsara ang sagot niya.   “At least ‘di niya ako pinalayas,” bulong ko kay Zorina na himalang nakatulog pa rin sa ingay. “It’s a good start, Nak.”   Naglakad ako kasama ang kulay-abong aso papunta sa kamalig. Madilim ang lugar at walang lamang hayop ang nandon kundi mga damong nakatali. Tiempong bumuhos ang napakalakas na ulan at umupo ako sa gilid ng mga d**o. Hinalungkat ko ang supot at nagpasalamat dahil may nakitang maliit na flashlight.   Sinadya kong ilawan ang aso at napaungol siya sa ilaw. “Oh, natakot ka?” Natatawa ako ng umungol ulit siya. Kinuha ko ang isa pang take-out box na inilagay pala ni Sitara sa supot at binuksan ito. Lumapit ng konti ang aso at binigyan ko ng isang tinapay. “Buto’t balat ka na oh. Why won’t I call you Bones? Gusto mo ‘yon?”   Umungol ang asong kumain pa rin ng tinapay habang nakatingin sa’kin.   Sumandal ako sa pader at napatingin sa madilim na kapaligiran. At least may nasilungan kami ngayong gabi. Mas malaki at mas kumportable pa nga ‘tong kamalig kesa barong-barong na tinirhan ko ng isang buwan. Inayos ko ang flashlight upang magamit ko ng husto ang ilaw sa pagbihis ko kay Zorina. Mabuti na lang at may biniling diapers at ibang gamit pang sanggol si Sitara kanina.   “Magiging okay din tayo, Nak,” bulong ko sa kaniya. Nang makontento ako sa kalagayan ng aking anak, inayo ko ang aking belo at nagdesisyong bukas ko na lang susuklayan ang aking buhok. Inaantok na rin ako sa buong araw na biyahe at paglalakad na ginawa ko kaya pumikit na ako. Naramdaman kong lumapit ang aso at humiga sa aking gilid pero napagod ako sa araw na ‘to at ‘di ko na kayang itaboy pa si Bones.   Narinig ko ang mga ibong nag-aawitan sa bubong ng kamalig at naramdaman kong tumayo si Bones. Pero masyadong mabigat ang aking ulo at katawan. Pinilit kong buksan ang isa kong mata at napapikit ulit dahil sa sakit ng ulo. Umiyak si Zorina at pinilit ko ang sariling kumilos at pasusohin siya. Hinintay kong makatapos siya at napasandal ulit ako sa pader.   Dumilat ako ng konti at napaungol sa labo ng aking paningin. Tila hinihila ang katawan ko pababa sa kadiliman. May nakita akong lumapit pero sa labo, ang laylayan lang ng tila roba ang nakita ko. Pinilit kong kumilos at daklutin ang tela.   “Tulong.” Ibinigay ko ang aking natitirang lakas sa paghila ng laylayan bago ako lamunin ng kadiliman.   Hindi ko alam ang eksaktong mga pangyayari basta ang naalala ko lang ay may humila sa’kin at parang idinuyan ako sa alapaap. Hindi ko rin alam kung ano ang nangyari at natagpuan ko ang sariling nakahiga sa kama at may nakadungaw sa’kin.   Napatili ako nang makita ang mukha ng isang matandang lalaking seryosong nakatingin.   “Mabuti naman at gising ka, Iha.” Umatras ang matanda at inilagaya ng stethoscope sa isang bag.   “Nasaan ho ako?”   “Nasa loob ng kwarto sa bahay ni Anthony,” sagot niya. “Tumawag siya sa’kin kanina.”   “Ang anak ko?” paos na tanong ko.   “Mahimbing pang natutulog sa kunan.” Tumango siya sa lokasyon ni Zorina. “Tiningnan ko rin ang bata at wala namang problema sa kaniya.”   “Salamat,” tanging nasagot ko.   “Ina ba talaga ‘yan?” tanong ng isang baritonong boses sa silid. “Tila pinababayaan niya ang anak niya. Nabakunahan na ba ‘yang bata?”   Parang pumutok ang ugat ko sa puso at utak sa sinabi niya. Awtomatikong nakuha ko ang isang mangkok mula sa mesa sa gilid ng aking kama at walang hiyang itinapon sa lalaking nakasuot ng Grim Reaper. Nahihirapan akong huminga dahil sa tindi ng emosyon. “How dare you? Kinukwestyon mo ang pagiging ina ko? Wala kang alam!”   “Anthony!” singhap ng doktor.   “Dahil ba single mother ako kaya ganiyan ang tingin mo sa’kin?” Sa unang pagkakataon matapos lumipas ang ilang taon, natagpuan ko ang sariling umiyak. At sa harap pa mismo ng mga estranghero. Inaamin kong may pagkakasala ako. Napunta ako sa ganitong sitwasyon dahil ininsist ko ang kagustuhan ko. Pero punong-puno na talaga ang pakiramdam ko sa iba’t-ibang uri ng emosyon at pagod.   Alam ko namang dapat hindi nakaranas si Zorina ng mga ganitong klaseng pamumuhay. Masakit din naman sa’king makita siyang mahimbing na natutulog sa mga yakap ko kahit na walang kasiguraduhan at kahit mapanganib ang sinusuong namin. Sa totoo lang, gusto kong kunin ang wasak kong puso at ialay sa kahit kaninong diyos para man lang maranasan niya ang matiwasay na pamumuhay na kinalakihan ko.   Pero ang ipamukha sa’kin ang pagkukulang ko bilang isang ina? ‘Yan ang hindi matatanggap ng aking konsensya.   “Kasalanan ko ‘to!” Humikbi ako, pilit na pinupunasan ang mga luhang tila ilog na nag-uumapaw habang tiningnan ang lalaking nakasuot ng kamatayan. “Pero ‘di ba pwede akong bumangon sa pagkakamali ko, ha? Kailangan ba talagang imudmod mo ang mukha ko sa putik kung nahulog ako sa kanal?”   The man inside the mask snorted. “Why would I do that? Gaano ba ka laki ang kanal? May iba’t-ibang uri ng – ”   “Anthony Turgen!” sita sa kaniya ng doktor. Lumapit ang matanda sa kaniya at tumingala. “Kaya walang babaeng lumalapit sa’yo.”   “Ha?” walang tonong nasambit niya.   “Bitawan mo nga ‘yang scythe. Tinatakot mo lalo si – ” Lumingon ang doktor sa’kin. “Anong pangalan mo, Iha?”   “Is – ” Naputol ang sasabihin ko dahil naalala ko ang sinabi ni Ma’am Aleena na mas mainam na pekeng pagkatao ang gagamitin ko. Medyo nandidiri pa rin ako sa pagbigkas ni Mang Mario sa ‘Isobel’ kaya ayoko ko munang marinig ang pangalan sa bibig ng mga lalaki.   “Iha?” Halos hindi pumikit ang matandang lalaki sa paghihintay.   “V-Virtue po,” halos hindi ko masabi.   “Virtue?” Nabulunan si Anthony. “Anong klase? Faith, Hope, Charity, Fortitude, Justice, Temperance o Prudence?” Gumigewang ang hawak niyang karit sa bawat salitang binigkas.   “Virtue lang po,” mahina kong sagot habang pinunasan ang halos paubos kong luha.   Lumapit ang doktor at binigyan ako ng isang basong tubig. “Saan ang destinasyon mo, Iha?”   “Dito po,” sagot ko matapos lumagok ng tubig. “Nag-aapply po akong katulong sa kaniya.” Turo ko kay Kamatayang nakatayo sa gilid ng aking kama. “Kagabi pa po ako nakarating dito at hindi ko alam tanggap po ba ako.” Napatingin ako sa karit na hawak niya. “Natulog po ako sa kamalig as per your instruction, Sir. Tanggap na po ba ako?”   Napasapo ang matanda sa noo. “Anthony, why the hell would you do that? Sa laki ng bahay mo, pinatulog mo ang mag-ina sa kamalig kagabi?”   Tumikhim si Kamatayan at napatingin sa sahig. “I did not notice the baby, sorry.”   Nakakita ako ng tsansa kaya pinakapalan ko na talaga ang pagmumukha ko. “Kakalimutan ko ang lahat kung tatanggapin niyo lang ho ako sa trabaho.”   Umubo lang siya.   “Anthony, maawa ka sa mag-ina,” sabi ng doktor. Kumuha ito ng papel at tahimik na sumulat. Inabot nito ang papel kay Grim Reaper. “Oh, bilhin mo ‘tong mga supplies sa bayan ngayon din. Hindi pa pwedeng magtrabaho ora mismo si Virtue. Ilalagay ko rin ang contact address ng kakilala kong pediatrician para makapag-schedule kayong dalawa para sa baby.”   “Why me?” he suddenly choked.   “Alangan namang ang aso ang uutusan ko.” Suminghot ang matanda. “At magbihis ka para ‘di matakot mga tao sa’yo. Kaya walang nag-aapply ng maid sa’yo sa mga pinagagawa mo. Sige na.”   Bumuntong-hininga si Kamatayan bago walang-lingong umalis.   Ngumiti ang matanda sa’kin. “Pasensya ka na sa pamangkin ko, Iha. Mabait na binata ‘yang si Anthony kahit medyo weird. Huwag kang papatalo sa kaniya sa susunod lalo na if unreasonable ang mga requests niya. Intindihin mong may anak ka, okay?”   Tumango ako. “Sa-salamat po talaga.”   “At saka, don’t worry about your status.” He smiled gently. “Hindi masyadong strikto ang pamilya namin.”   “Hindi ko po makakalimutan ang tulong niyo po sa’min ng anak ko,” seryoso kong bigkas.   At sa araw na ‘yon, ang dating prinsesa ng pamilyang Diem ay naging muchacha sa bahay ni Anthony Turgen.        
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD