“HOW do you know my older brother, Is-Isobel?” Mukhang nakalunok ng suka si Andre. Halatang nanginginig ang pang-ibabang labi niya nang mapatingin sa aming dalawa ni Zorina.
Nangungunot ang noo ni Sir Anthony habang palipat-lipat ang kaniyang tingin sa’kin at kay Andre.
“Oh, I never thought na tatapak ka pa sa Ornuv, Andre.” I smirked at him. “Pinakawalan ka pala ni Satanas?”
“D-don’t be like that, Isobel.” He stepped closer and I moved back. “Is that our daughter?”
“May naririnig ka ba, Andre?” Hinigpitan ko ang pagkakahawak ni Zorina.
Tumaas ang kilay niya at saka umiling.
“Tama ka, wala rin akong narinig na lumabas sa bibig mo.” Lumingon ako kay Sir Anthony na halatang naguguluhan sa sitwasyon namin. Kaya siniko ko siya ng konti. “Kapatid mo talaga ‘yan?”
Tila kinuyom ang puso ko nang biglang nag-iba ang expression sa mukha ng aking amo. Wala naman kaming relasyon pero bakit feeling ko guilty ako? Kanina pa siya tahimik at nakikiramdam lang sa sitwasyon at pakiramdam ko bumalik kami sa unang araw ng pagkikita namin.
Anthony Turgen was physically close yet emotionally distant. And it hurt me more than a little bit.
“Isobel, please let me explain…”
Tumalikod ako at pumasok sa loob. “Andito ang ama mo, Zorina,” bulong ko sa nakangiting bata. How could this man fathered this angel? My daughter did not deserve him.
Dumiretso ako sa aming silid at inaliw muna si Zorina hanggang sa makatulog. Ayokong lumabas at baka makita ko pa ulit ang pagmumukha ni Andre kaya dalawang oras akong nagmukmok sa kuwarto. Na-arrange ko na ang lahat ng gamit ni Zorina at ibinase ko sa kulay ang pagkaayos ko sa aking mga damit sa cabinet. Hindi pa rin ako mapakali kaya nilinis ko na rin ang banyo. Pero nagkamali ako ng tantiya kasi katawan ko lang ang napagod pero hindi pa rin nawala ang gulo sa aking isipan. Umupo ako sa kama at napatungo nang biglang bumukas ang pinto at pumasok ang aking amo.
“He’s going to stay here for a couple of days,” seryosong bigkas ni Sir Anthony.
Napatingala ako sa kaniya at ‘di ko maiwasang marinig kurutin ang aking sariling mga kamay nang makita siyang nakasuot na naman ng maskara. At this point, may kung anong nagsabi sa’kin na nagtatago na naman ang amo ko sa koleksyon niyang maskara. Pero bakit?
“Virtue…erm…Isobel?” tanong niya.
Tumango ako. “Isobel po ang totoong pangalan ko.”
“May apelyido ba?”
“Sir…” Lumapit ako sa kaniya pero umatras siya hanggang sa nakasandal siya sa dingding. Hahawakan ko sana ang kaniyang mga kamay ngunit may kinuha mula sa kaniyang bulsa. Isang measuring tape.
“Isang metro, Vir…Isobel.” Malumanay ang kaniyang boses pero tila isang espadang matalim at nahagit ang puso ko.
Hindi ko alam kung ba’t nanlalabo ang aking paningin. “Sir, kahit anong mangyari, please huwag mong alamin kung ano ang apilyedo ko o kung ano ang family background ko.”
He snorted. “Why would I do that? Why would I waste my resources on a maid?”
I choked.
“As I’ve said, Andre is going to stay here for a couple of days. Please do your job properly.” He looked at the sleeping Zorina. “I can’t believe she’s somehow a part of me…” Tumalikod siya at umalis.
Napaupo ulit ako sa kama at itinago ang aking mukha sa aking mga palad. Bakit tila punyal sa aking pagkatao ang ikinikilos ni Sir? Bakit pa kasi naging kapatid pa siya ng lalaking nakabuntis sa’kin?
“Ano pa ba ang hindi mo kayang pagdaanan, Isobel? He’s just a man…”” bulong ko sa sarili habang pinahid ang mga luha. “A frustrating yet lovable man. A pity that I never knew him first.” I smiled at the last words.
Huminga ako ng napakalalim, inayos ang aking sarili bago lumabas sa kuwarto. Dumiretso ako sa kusina at narinig kong nagtatalo ang magkapatid. Actually, si Andre lang ang halos hysterical at nakaupo lang sa hapag-kainan si Sir habang umiinom ng naka-tetra pack na gatas.
“Anong ginawa mo kay Isobel?” Pulang-pula na ang mukha ni Andre habang nakatitig kay Sir. “Are you doing this to spite me?”
Tunog lang ng pagsipsip sa straw ang maririnig mula sa aking amo.
“Can you f*****g take off your mask and talk to me directly?” Halata na ang ugat sa leeg ni Andre. “Ganito ba katindi ang galit mo sa’kin at dinamay pati si Isobel at anak ko?”
Napahinto ang pagsipsip ni Sir at inalog ang karton ng gatas. Nagkibit-balikat siya at sumigaw. “Virtue! Isobel! Kunin mo nga ‘yong isa pang karton ng gatas sa ref.”
Dali-dali akong tumakbo at sinunod ang pinag-uutos ni Sir. Lumapit ako sa kaniya at ‘di ko mapigilang mapangiti nang maglapat ang palad namin.
He took the measuring tape on the table and waved it. “Isang metro.”
Aalis sana ako pero tinawag niya ulit ang pangalan ko. Lumingon ako sa kaniya at nakita siyang sumenyas sa upuan.
“Sir?”
“Geez, you’re getting slow after meeting Andre again.” He motioned the chair near him. “Upo ka at kumain na.”
“Anthony,” his younger brother looked at us with exasperation. “Huwag mong ituring na alipin si Isobel. She’s your sister-in-law!”
Since nagugutom na rin ako kaya hindi na ako nagpaligoy-ligoyng umupo at pinapak ang pagkain sa mesa. Alam kong nilalaro ni Anthony ang kapatid kaya hindi na ako makikisali.
“Kasal kayo?” tanong ulit ni Sir sa kapatid.
“We were planning to…”
Huminto ang pagsipsip nito sa gatas. “So ilusyunado ka lang na kasal kayong dalawa ni Isobel. Besides, may asawa ka na, Andre.”
“Pero…” Matigas ang mukha ni Andre na umupo sa upuan kaharap ko. Nanlilisik ang kaniyang mga mata habang patingin-tingin sa aming dalawa ni Sir.
“Napakain ko na si Bones,” balita ni Sir sa’kin. “Simula nung ibang vitamins na ang iniinom niya, mas naging matakaw na siya ngayon. Katulad mo.”
Tumango lang ako at itinuon ang atensyon sa pagkain.
“So, did you already f**k my brother, Isobel?” biglang tanong ni Andre. “Just like what you did with me during our third date?”
Napaubo si Sir Anthony at napalunok naman ako. Tiningnan ko lang siya pero hindi ako sumagot.
My employer snorted. “Ganiyan ba talaga kayong mga taga-labas? So vulgar!”
Tumawa ng mapakla si Andre. “As if hindi ka half-breed, Anthony.”
“I’m lucky that we only shared a father then.” Sir Anthony shrugged and continued to sip the milk. “Pero huwag kang maging bulgar sa pamamahay ko, lalo na’t may mga babaeng Vornian dito. Hindi ‘to Capital.”
Tumingin si Andre sa’kin. “You actually enjoyed riding his tiny d**k?”
Namilog ang mga mata ko at uminit ang aking mga pisngi.
Siguro may nakita siya sa aking reaksyon kasi napaungol siya. “You really f****d him.”
Hindi na ako nakapagtimpi at kinuha ko ang gatas mula sa kamay ni Sir at inihagis sa direksyon ng aking dating katipan. Hindi siya nakailag kaya nasapol ang ilong niya at napaatras siya sa gulat.
“How dare you, Andre…” I seethed. “You’re not worthy of my time.”
“Bakit itinapon mo ang gatas ko?” Maktol ni Sir Anthony.
Napalingon ako sa’king amo. “Sorry, Sir.”
“Itapon mo ‘yang wine glass. Mas mahal ‘yan at don’t worry, carpeted ang sahig kaya hindi magugulat si Zorina sa impact.” May ngiti sa boses niya.
“f**k you, Anthony!” his younger brother gritted his teeth as he wiped the milk from his face.
Biglang narinig namin ang ingay ni Zorina kaya tumayo ako at dali-daling pumasok sa kwarto. Kinarga ko siya at inaliw para tumahan. Babalik sana ako sa hapag-kainan kasama ang aking anak pero napaatras ako nang makita si Sir na sinampal sa magkabilang pisngi ang kapatid.
Papasok na sana ulit ako sa kuwarto nang marinig ko ang mga sinabi ni Sir sa aking dating katipan, “I told you before to respect my mother’s customs. I warned you earlier na huwag kang maging bulgar lalo na’t may mga babaeng Vornian sa pamamahay ko. Ulitin mong bigkasin ang mga sinabi mo kanina at nasa dulo ng karit ko na ‘yang dila mo.”
Tiningnan ko ulit ang magkapatid bago ako pumasok sa silid. Dalawang Turgen na involved sa’kin. Isang naging lived-in partner ko at isang naging amo ko. Among naparausan ko noon.
“Why am I like this?” Tumingala ako at tila hinanap ang sagot sa kisame. “Why is fate so cruel?”
Nakatulog ako at nagising sa isang mahihinang katok. “Sino ‘yan?”
“Isobel, ako ‘to.”
Andre.
Mabuti na lang talaga at naisara ko ng mabuti ang pinto. “Anong kailangan mo?”
“I need to talk to you.” His voice was filled with longing and desperation.
“Wala na tayong dapat pag-usapan,” giit ko. Tiningnan ko si Zorina at himbing na himbing ang aking anak kaya itinuon ko ang aking atensyon sa pinto.
“Please naman, Isobel…”
Kinamot ko dulo ng aking ilong. “Stop it, Andre. If you want to talk then do it tomorrow.”
“Please…”
“Bukas na. Good night.” Ipinikit ko ang aking mga mata at binuksan ang iba pa ang aking ibang diwa. Halos hindi na ako makahinga nang paulit-ulit siyang kumatok at lumuwag ang dibdib ko nang marinig siyang umalis.
“Wala kang mababalikan, Andre,” bulong ko bago ako nilamon ng antok.
Maaga kaming nagising ni Zorina at nagulat ako nang makita si ang nakamaskarang Sir Anthony sa labas ng aking pinto. “G-good morning, Sir.”
“Get ready at aalis tayo.”
Napatingin ako sa wall clock. “Six thirty pa po ng umaga.”
“Bibisita pa tayo sa ibang kabahayan, Virtue.” Umubo siya. “I mean, Isobel. Pupuntahan natin sina Uncle Cornelio.”
Kinuha niya si Zorina habang pumasok siya ulit sa aking silid at umupo sa aking kama. Nagbihis ako ng asul na bestida at sinuklay ang aking napakahabang buhok. Nakikita kong napapatitig si Sir sa aking buhok kaya lihim na lang akong napapangiti.
“Gamitin mo ‘yong light blue na belo,” suhestyon niya. “Mas bagay sa’yo.”
“Really?”
Tumikhim siya at umayos ng pagkakaupo.
Dahan-dahan kong inayos ang belo sa aking ulo at tila sumasayaw ang aking mga daliri nang ilagay ko ang tela. Kahit nakamaskara si Sir, alam kong nabibighani siya sa ginawa ko kaya mas lalo ko pang inayos ang mga aksyon para mas ma-enjoy niya.
I actually did this many times with Andre before but his reaction was just nothing. He did not understand that dressing in front of a man, including putting on a veil, was an intimate gesture of the Vornians.
“Okay na ba?”
Bumuntong-hininga siyang tumayo at inilahad si Zorina sa’kin. “One meter pa rin, Vir…Isobel.”
Kinuha ko ang aking anak. “You can call me Virtue if you want.”
He snorted. “Ba’t ko naman gagawin ‘yon?”
“Well…” Hindi ko na ipinagpatuloy ang sasabihin nang lumabas kamin ng kuwarto. Hindi na rin ako lumingon sa may second floor upang alamin kung andiyan ba ang aking dating katipan. Knowing the time, I knew that Andre was still snoring. Late riser kasi ‘yon at ginigising ko nga minsan kapag malapit na ang tanghalian.
“Kasama pati si Bones?” manghang tanong ko.
“Gusto mong iwan siya kasama si Andre?”
Umiling ako. “He doesn’t like animals.”
Tahimik lang ang biyahe namin hanggang sa nakarating kami sa bahay nina Uncle Cornelio. Plano ni Sir na hanggang tanghali lang kami ngunit mapilit si Aunty kaya nanatili kami ron hanggang dapit hapon. Sa buong araw, napansin ko rin ang ibang katangian ng aking amo na hindi ko masyadong nakita nung kasama niya ang mga barkada niya.
Yes, Anthony Turgen was eccentric but he was very kind and loving towards his nephews and nieces. Sanay na rin ang mga ito sa mga suot niya. Minsan nakita kong inaaliw siya ng batang pamangkin upang kunin ang kaniyang maskara pero tumawa lang siya at inilihis ang atensyon nito. Pasensyoso talaga siya pagdating sa mga bata – si Zorina ang isang halimbawa.
“Are you ready to go home?” tanong niya.
Tumango ako.
“Marunong ka bang mag drive?”
Tumango ulit ako.
Inihagis niya ang susi at muntik ko ng hindi masalo. “Wala po akong lisensya, Sir.”
Kinuha niya si Zorina at tawang-tawa ang dalawa habang pilit na kunin ng bata ang maskara ng aking amo. “Don’t worry, hindi naman tayo dadaan sa national highway.”
May excitement din namang namuo sa’king dugo. It’s been months or perhaps years since I’ve driven a vehicle. May sarili kaming driver kaya hindi masyado ako nagmamaneho. Hinigpitan ko ang pagkakahawak ng susi at ninamnam ang init na lumapit mula sa palad ni Sir.
“Huwag kang makipagkarerahan sa mga tartanilya.” Pahayag niya nang makapasok na kami sa loob ng sasakyan.
My blood seemed to pump excitedly as I gripped the steering wheel. I smiled at him before I started our journey.
“Lahat ng nakikita mo ay ‘di sa’yo,” bigkas niya kay Zorina.
Sumagot naman si Zorina ng lenggwaheng sila lang ang nagkakaintindihan.
“Yes, tama. Magiging sa’yo ‘yan paglaki mo kung para ‘yan sa’yo. Do you like it?”
“Sir, huwag mong biruin ng ganiyan si Zorina, please.” Sumulyap ako sa kanilang dalawa.
“I can give her my riches especially now she’s my favorite niece.”
“Sir…”
“Mag-concentrate ka nga sa pagmamaneho.” Pinilit nitong patahanin ang tumatalon-talon at nag-iingay na Zorina. “Oh, gusto mo ng gold bars? Kung isasauli ‘yong mga gold nuggets sa’kin, ibibigay ko sa’yo. What say you?”
Tila gusto ni Zorina ang mungkahi ni Sir kasi lalo itong nag-iingay sa loob ng sasakyan. At hindi rin nagpipigil si Bones at sumabay rin ng tahol. Naabala na talaga si Sir Anthony sa ingay kaya lumingon ito sa likod at tumahol ng tatlong beses. Biglang tumahimik ang dalawa at muntik na akong mapatawa sa ginawa ng aking amo.
My God! What was happening?
“That’s better.” Lumingon siya kay Bones. “Mamaya ka na tumahol kapag kaharap mo na si Andre.” Itinuon nito ang atensyon kay Zorina. “Okay, ano nga ba ‘yong sinabi mo kanina?”
Napapangiti rin ako kasi kahit na siguro may tension sa’ming dalawa ni Sir ay ‘di talaga magbabago ang pakikitungo niya kay Zorina. Baka nga mas pampered niya ang bata lalo na’t nalaman niyang magkadugo pala sila.
“What do you want for dinner?” seryoso niyang tanong nang makarating kami sa bahay.
Umiling ako habang lumabas ng sasakyan. “Busog pa ako.”
Nagkukuwentuhan kaming dalawa, isang metro ang layo sa isa’t-isa, habang papapasok kami sa bahay nang biglang bumukas ang main door at galit na Andre ang sumalubong sa’min.
“May guts pa kayong iwan ako?”
I rolled my eyes at him. Why didn’t I notice that he was childish and extremely irritating? Was I really blinded by him back then?
“Bones!” sumigaw si Sir. “Nasaan ka?” Pero mabilis na nagtatakbo ang aso papalayo sa’min lalo na nung may makita itong isang manok. “Traydor,” tanging nasabi na lang ni Sir.
“Well?” Andre demanded an explanation as if we were his servants.
“Sir, kakain ka pa ba?” Tumingala ako sa aking nakamaskarang amo.
Umiling siya. “Busog pa ako pero iinitin ko na lang ‘tong mga padala ni Uncle kung gugutomin tayo. How about that?”
Tumango ako. “That would be nice.”
“Hello?” Nakapamaywang na talaga si Andre sa harapan namin. “Isobel, ‘diba sabi mo mag-uusap tayo ngayon? You promised me.”
Alam kong desisyon ko kung papayag ba ako o hindi pero hindi ko maiwasang lumingon kay Sir Anthony.
He stiffened but his voice was so soft. “I think you should talk to him. Ako muna ang magbabantay kay Zorina.”
Tumalikod ako at dahan-dahang naglalakad, hinihintay na sumunod si Andre. Hindi rin naman ako nababahala na maiwan kaming dalawa lalo na’t nasa paligid lang si Bones.
“So, ano ang gusto mong pag-usapan, Andre?”
“What the f**k?” Napamura siya nang makita ang mga lapida at iba pang rebulto. “Sementeryo ‘to?”
I snorted. “So, anong pag-uusapan natin?”
Humarap siya sa’kin. “I’m sorry, Isobel.”
Kahit na medyo madilim ang paligid pero hindi nabawasan ang kaguwapuhan ni Andre. Matangkad siyang lalaki at tinutukso niya ako non kapag yayakap ako sa kaniya na parang koala. Dahil bawal ang mahabang buhok sa mga lalaking Vornian kaya naaaliw akong paikutin sa aking mga daliri ang hanggang baba niyang maitim na buhok. May nunal siya sa gilid ng kaniyang kaliwang mata at nangingislap ang asul na mga mata kapag hinihipo ko ang bandang ‘yon. Matangos ang kaniyang ilong at mapupula ang kaniyang mga labing mahilig tumawa. Matipuno ang kaniyang katawan, halatang mahilig mag-ehersisyo.
Nahipo at natikman ko na ang halos lahat ng sulok at imperfection ng kaniyang pisikal na kaanyuan. May mga gabi at araw na nagtatampisaw kami sa tawag ng laman at nag-eenjoy naman talaga ako. Magaling din siyang magdala sa larangan ng s*x at wala talaga akong reklamo ron.
Aside sa pisikal na kagandahan, na-attract din ako sa kaniyang easy-going na personalidad. Nahatak niya ako sa mga jokes niya at sa kakaibang pananaw niya sa buhay. Kaya hayon, tama siya kasi ibinigay ko ang virginity ko sa kaniya sa third date namin.
Hindi ko masyadong napansin ang mga kaunting pagbabago sa takbo ng relasyon namin. I was still in cloud nine kahit ilang alahas na ang nasangla ko para tustusan ang lifestyle niya. Itinago ko sa sulok ng aking utak ang kahit anumang mga pagdududa. Kasi siya ang pinili ko, ‘diba? Wala akong karapatang magreklamo, ‘diba? Kailangang isan-daang prosyento akong manalig sa’ming dalawa, ‘diba?
Pero “Sorry” lang pala ang maririnig ko sa lahat ng mga nagawa kong sakripisyo para sa relasyon namin.
“Sorry para saan, Andre?” tanong ko.
“Plano talaga kitang balikan pero naipit ako sa sitwasyon,” bulong niya. “Hindi pumayag si Papa sa relasyon natin.”
“So?”
“Tinupad ko lang ang betrothal contract…”
Sa lahat ng nagawa ko para sa kaniya, ganoon lang ang rason na matatanggap ko? Handa pa naman akong makinig sa pang telenobelang kwento niya para patawarin ko siya. Pero ganoon lang? Was this a joke done by fate?
Tumingala ako at nakita ang unti-unting pagkinang ng mga bituin. Dinig ko na rin ang mga insektong lumalabas sa gabi at ang paglapit ni Bones. “You do not deserve us,” bulong ko.
“I can still divorce her.” Biglang naging desperado ang tining niya. “Ikaw ang mahal ko, Isobel.”
“Right…” Binigyan ko siya ng mapang-uyam na ngiti. “Mahal mo talaga ako sa puntong iniwan mo ako sa ere, Andre.”
“Isobel…”
“So ano pa ba ang pag-uusapan natin aside sa paghingi mo ng sorry?”
“I want to be with you.”
“Are you insane?” Hindi maiwasang tumaas ang boses ko. “Una, kasal ka na. Ikalawa, ayokong bumalik sa’yo. Fine, ama ka ni Zorina, at hindi ko naman ipagkakaila ‘yan pero huwag kang umasang mabubuo tayong tatlo. Wala ka na sa picture simula nung iniwan mo ako sa kabuwanan ko. Dalawa kami ni Zorinang humarap sa mga pagsubok lalo na’t andito kami sa Ornuv.”
Bigla siyang lumuhod sa harapan ko na ikinagulat din ni Bones kaya umungol ang aso.
“Bakita ka lumuluhod, Andre Turgen?” Sintigas ng bakal ang boses ko.
“Sincerity.” Hahawakan sana niya ang aking kamay pero umatras ako.
“Hindi ako Diyos para lumuhod ka, Andre.” Gusto ko siyang suntukin sa mga sandaling ‘yon. Gusto kong hampasin siya ng rebulto ng anghel sa malapitan pero hindi ko pa rin pala kaya. Sa mahinahong tinig sinabi kong, “Salamat na lang sa mga sakit na dulot simula ng makilala kita.”
Tatalikod sana ako nang hawakan niya ang dulo ng aking bestida. “Sorry na, Isobel.”
“Andre, ano ba?” Sisipain ko sana siya nang biglang may napakalakas ng tawa ng payaso ang umalingawngaw sa ‘sementeryo’.
“What the f**k?” Napada siya sa gulat.
Umilaw ang paligid at makikita ang creepy effects sa mga lapida at mga rebulto. May lumulutang din na puting bestida at umalulong si Bones pagkakita sa histura ng kapaligiran. Nakita kong parang napako ang mga tuhod ni Andre sa lupa kaya dali-dali akong tumakbo papasok sa bahay.
“So, this is the button para takutin ang mga masasamang elemento.” Sambit ni Sir Anthony kay Zorina. “Huwag kang papayag na takutin ng iba. Unahan mo na sila. Okay ba?”
Tumawa si Zorina habang pinindot-pindot ang maliit na remote.
“Sir, wh-what did you do?” hingal na tanong ko.
Kahit nakamaskara pa rin, alam kong kitang-kita niya ang haggard ko ng hitsura. “You seem doing well, Isobel. I kinda like how your name rolled on my tongue.”
“Sir, tinakot mo ako.”
He just shrugged. “Wala bang ‘Thank you, Sir sa pagsagip sa’kin’?”
I just gave him a thumb’s up. “You’re the best.”
“Thank you.” His voice seemed to smile. “I bet he would pester you later just like last night.”
Napasapo ako sa noo nang maalala na baka kumatok na naman si Andre mamaya sa kuwarto. Feeling ko na feeling niyang hindi pa tapos ang konbersasyon namin. I just did not want him to keep pestering me kaya wala sa loob na hinarap ko si Sir at sinabing, “Sir, pwedeng matulog na kasama ka?”
****************
Grabe na talaga ang utang ko. Hindi talaga magkasya ang oras these days between sa requirements sa trabaho at requirements sa eskwela. Malapit na kasi ang finals kay marami-rami ang projects ngayon.