NAGULAT ako nang makita si Clio na nakasilip sa pinto ng aking kuwarto. Ngumiti siya nang mapatingin ako sa kaniya. “Pwedeng pumasok?”
Tumango ako habang binihisan ko si Zorina.
Umupo siya sa kama at inilahad ang isang mataas na telang asul. “Can you help me put this? It’s my first time wearing this one kaya I don’t know how. I can hold your baby for you.” Dahan-dahang kinuha niya si Zorina at nilalaro ang maliliit na kamay nito. Natutuwa rin naman ang aking anak at pilit na higpitin ang pagkakahawak sa mga daliri ni Clio.
“Simple lang ang gagawin nating style lalo na’t maiksi ang buhok mo,” sabi ko habang gamit ang mga daliring sinuklay ko ang kaniyang napakaitim na buhok.
She tickled Zorina as she spoke, “Gusto kong pahabain ang buhok ko katulad sa ibang Disney princess pero ‘di pumayag sina Mama at Papa.” Naging mababa ang boses niya at marahang hinaplos ang pisngi ng bata. “Sometimes I miss them you know kahit na I felt that they did not love me at all.”
Marahang inilagay ko ang makinis na tela sa ulo niya habang tinitiris-tiris ng ilang libong beses ang aking puso sa mga sinabi niya. She missed her parents even if they did not love her. I missed my family even if I knew that they would never accept me again. Kasalanan ko rin naman kasi kung ba’t napunta ako sa ganitong sitwasyon.
“Virtue, what’s your first impression of me?” biglang tanong niya habang nakatingin kay Zorina.
Konting tali na lang ang ginawa ko sa tela. “Snow White.”
Tumawa siya. “Description din ‘yan ni Tygo sa’kin. Sometimes, he would humor me by buying Snow White costume.”
I smiled. “He must really love you so much.”
Tumingin siya sa akin at malungkot ang pangingislap ng kaniyang mga mata. “Yes he does. The thing is, I don’t know how to reciprocate it back.”
Napaatras ako ng konti pero hindi na umimik. What did I know about the complexity of the word? Isang latang prutas na nahulog mula sa puno ng pag-ibig ang nangyari sa’kin. Kaya hindi ko alam kung ano ang sasasbihin sa babaeng kaharap. Kinuha ko si Zorina at inayos ang belo sa ulo niya.
“Ang ganda talaga ang anak mo.” She tickled the baby’s chin. She frowned. “Kamukha talaga niya si Father. Sure kang hindi niya anak si Zorina?”
Mapakla akong tumawa. “Sure.”
“So hindi kayo nag s*x ni Father? Sabi kasi sa’kin ni Tygo non na recipe ang s*x sa pagawa ng baby.” Her black eyes were so innocent when they landed on me. “Paano nagawa si Zorina?”
Kung pwede pa lang matunaw sa mga sandaling ‘yon ay gagawin ko. Na mention ni Sir sa’kin na isip-bata si Clio simula nung nagka-amnesia ang babae. Hayaan ko na lang daw ang mga salitang hindi sinasadyang binibitawan nito. Pero hindi ko pa rin maiwasang mahiya sa mga prangkang pahayag niya. Conservative kaming mga Vornians at kahit may mga pagkakataong liberated ang feeling ko, wala pa rin pala ako sa kalingkingan ng ibang mga taga-labas pagdating sa usaping s*x. Lalo na at tungkol ito sa aking amo.
Mabuti na lang at may kumatok kaya nasalba ako sa pagsagot. Napalingon ako at nakita si Amandang pumasok dala ang isang berdeng tela.
“I’m earlier than you.” Tumawa si Clio. “Do you like my style?” Umikot ang babae at bumuka ang ternong asul na whole dress nito.
Nagbigay ng thumbs-up si Amanda. Lumingon siya sa’kin at inilihad ang nakasulat sa dala nitong writing board: ‘Can you please help me with this one?’
“I will hold Zorina again for you, Virtue.” Kinuha ni Clio ang aking anak at umupo sila sa kama habang pinanood kaming dalawa ni Amanda.
“Parang galit na apoy ang kulay ng buhok mo,” manghang sabi ko habang hinaplos ko ang haba ng kaniyang buhok. “Wala pa akong nakita sa Ornuv na ganitong uri ng buhok.”
Nagkuwentuhan kaming tatlo habang inaayos ko si Amanda. Hindi kami nagkaroon ng pagkakataong makilala talaga ang isa’t-isa maliban na lang sa isang araw na sumama kami ni Zorina habang pumasyal sila sa Ornuv. Kasama kasi ng dalawang babae ang kani-kanilang mga asawa habang si Sir Hugo naman ang pagaling umaaligid sa’kin. Si Sir Anthony naman…
Umiling ako kasi ayokong isipin ang lalaki maliban na lang sa employer-employee relationship namin.
‘Thank you, Virtue’ Nakasulat na sabi ni Amanda.
This woman. I did not really know her story but I could sense that all of it had something to do with her not being able to speak. Actually, looking at both of them made me observed that there’s some sadness hovering over them. Ngayon ko lang talaga napansin nang makasama sila. No wonder na very protective ang mga asawa nito sa kanila.
Biglang malakas na bumukas ang pinto at pumasok si Sir Anthony. Tumalon-talon at tumili-tili si Zorina pagkakita sa kaniya. Umaliwalas ang mukha ni Sir at kinuha ang bata. Inamoy niya ang ulo ni Zorina. “How’s my darling goddaughter?”
Yumuko ako at nagpanggap na may nahulog dahil ayokong makita niya ang pamumula ng mukha ko.
“Hangin ba ang nahulog, Virtue?” seryosong tanong niya.
“Kakapalan ng mukha ko po ang nahulog, Sir.” Nagpanggap pa rin akong may kinuha bago hinapo ang aking mga umiinit na pisngi. Narinig kong tumawa ang dalawang babae at lalong tumaas ang temperatura ng aking katawan.
Tiningnan ko si Sir at nangingislap ang kaniyang mga matang nakatingin sa’kin. That little smirk of his made my heart grow pitter patter uncontrollably. At hindi ko rin maiwasang hindi isipin ang nangyari sa’min sa loob ng maliit na kuwarto noong mga nagdaang araw.
“Are we beautiful, Father?” Clio announced.
Tumango si Sir. “Pero si Zorina pa rin ang pinakamaganda.” Tiningnan nito ang natutuwang bata. “Hindi ba, darling goddaughter?”
Nagkatinginan sina Clio at Amanda at pagkuwa’y dali-daling nagpaalam na umalis. Naging iba ang ihip ng hangin nang kami nalang dalawa ni Sir sa loob ng silid. Ito ang unang pagkakataong nagkasarilinan kami matapos mangyari ang...
“Virtue.” His voice was cold as ice. “Wala akong ibang pamilyang darating ngayong araw na ‘to.”
“Po?”
“Tayong tatlo lang ni Zorina ang Vornians sa bahay.” He stated the obvious. He raked his eyes over me which made me feel like a marshmallow. “Ikaw ang kaagapay ko sa araw na ‘to.”
Napalunok ako sa sinabi niya. “A-are you sure?”
“Do you think I’m joking, Virtue?” His eyes were fire that penetrated my being.
Tiningnan ko ang buong kabuoan niya. Nakasuot siya ng maroon na robang hanggang talampakan, traditional clothing ng mga Ornuv, at may sablay na gawa sa gintong mga hibla. Bawal sa mga lalaking Vornian ang itago ang ulo o buhok sa loob ng templo o kung may religious events kaya kitang-kita ang nakaayos na buhok ni Sir. Anthony Turgen was really a handsome man regardless of what he wore. He was not only good-looking but passionate as well especially when we…
“Virtue?” He snorted. “Kung saan na naman lumulutang ‘yang utak mo. I’m asking if alam mo ba ang ritwales?”
Tumango ako.
“Good.” Tumalikod siya habang nagkukuwento kay Zorina kung ano ang dapit gawin sa fiesta. He looked back at me and seriously said, “By the way, you really look beautiful.” And then he went out.
Tahimik akong nakatayo ng ilang segundo habang pinanood ang paglabas niya. Anthony Turgen just told me that I was beautiful! And my heart went flying with the simple words he breathed. Mabuti na lang talaga at nakabili ako nung isang araw ng golden yellow dress na may red roses and vines design.
Kagat-labi akong sumunod sa kaniya sa salas. Maganda ang pagkakaayos ng mga bulaklak at iba pang dekorasyon. Umarkila si Sir ng ibang Vornians para ihanda ang bahay at mga pagkain sa pagdating ng araw ng pista. Sinabihan ko siya na kaya ko namang gawin pero inaway niya lang ako.
“Don’t insult the heavens with your mediocre performance in cleaning, Virtue.” He touched the tips of his nose with his forefinger. “Anong ipapakain mo sa mga bisita, aber? Cookies?”
Ewan ko ba kung ba’t hindi na ako masyadong naiinis sa mga binibitawan niyang salita. Noon, gusto kong lagyan ng masking tape ang bibig niyang insultador. Ngayon, gusto kong takpan ang bibig niya gamit ang mga labi ko.
“No s****l thoughts,” bulong ko sa sarili.
Ang Ornuv fiesta ang isa sa pinakamahalagang selebrasyon namin bukod sa Pasko at Kwaresma. Ayon sa kasaysayan ng mga Vornians, ito ang araw ng pagbinyag ng mga disipulo nina San Pablo sa namumuhay sa Namerna. Years later, nakapasok ang Orthodox at Protestantism sa Namerna pero napanatili pa rin ng rehiyong Ornuv ang isang strand ng Christian religion na matatagpuan lang sa lugar namin.
“You look exquisite, Virtue.” Nakangiting lumapit si Hugo at akmang hahawakan ang aking kamay.
“Men and women should be separate these days, Hugo.” Sir Anthony’s voice was cool as he tickled Zorina who was trying to squeeze his chin.
“Pero magkasama kayo,” hirit din ng kaibigan niya.
“She will assist me today,” my employer’s voice was firm.
Napataas ang kilay ni Hugo habang nakatingin sa’kin. “Alright.” He smirked before he went to the other side of the room.
“Reminders lang na sa left side ang mga babae at right side ang mga lalaki,” anunsyo ni Sir Anthony. “Alam ng ministro na hindi kayo Vornians kaya don’t worry about some of the rituals. Virtue and I will assist the minsters with the ceremony.”
Tumango ang mga bisita.
“And oh by the way, Vornians practice abstinence after the feast. Which means, we don’t partake liquors nor have any s****l relations for a week after this day. We don’t go to the malls or even watch TV’s at home.”
“What the –” Napahilamos si Tygo sa mukha at malungkot na napatingin kay Clio na tila aliw na aliw na tumitingala at pinapanood ang mga gintong dekorasyon.
“Seryoso?” Shocked din ang boses ni Daren. “I know you’re conservative but I never thought this…”
May dumating na sasakyan at dali-daling ibinigay ni Sir si Zorina sa akin upang atupagin ang bagong dating. Isang matanda at dalawang binatilyong mga nakasutana ang dumarating. Sa totoo lang, sa templo ang usual na pagdarausan ng importanteng ritwal pero hindi rin naman bawal ang pagrerequest ng mga pamilya ng blessings mula sa mga ministro. Isa rin ang dahilang ‘to kung bakit may extension pa ng one week ang fiesta upang mabigyan ng oras ang bawat pamilya na mapuntahan.
“Si Adan?” tanong ng ministro. Hinahanap niya ang ama o ang pinaka may otoridad na lalaki sa pamamahay.
Lumapit si Sir Anthony at lumuhod sa gilid ng ministro.
“Si Eba?” tanong ulit ng ministro. Hinahanap niya ang pinaka may otoridad sa pamamahay.
Ibinigay ko kay Amanda si Zorina at nanginginig na lumapit ako at lumuhod kaharap ang aking amo. Ito ang kauna-unahang pagkakataong ginawa ko ‘to dahil buhay pa ang aking mga magulang. Ayon sa turo sa’min, magkaagapay sina Adan at Eba sa harding Eden bago paman sila nagkasala. Ganito ang gusto ng mga kanunu-nunuang Vornian na maging matiwasay ang pagsasamahan ng bawat isa sa pamilya bago paman dumating ang kahit anumang bagyo.
Nagsalita ang ministro habang nakaluhod kaming dalawa ni Sir. Muntik na akong mapaatras nang kinuha ng binatilyong assistant ng ministro ang aking kamay at ipinatong sa kamay ni Sir. Nakalimutan ko ang bahaging ‘to ng ritwal – ang magkahawak kamay hanggang sa matapos ang sermon ng ministro.
Tila may kuryenteng dumaloy sa palad ko hanggang umabot sa aking puso nang maramdaman kong inayos ni Sir ang posisyon n gaming mga kamay. Napatingin ako sa kaniya at tahimik na napasinghap nang makita siyang nakatitig din sa’kin.
Alam kong cliché siguro ang sasabihin ko pero sa totoo lang, pakiramdam ko sa mga sandaling ‘yon ang kakaibang enerhiya na dumaloy sa pagitan naming dalawa. Background music namin ang chanting ng ministro at ng dalawang binatilyo at feeling ko tuloy bumiyahe kaming dalawa sa nakaraan. Nakikita ko sa kaniyang mga mata ang harding Eden, nararamdaman ko sa kaniyang balat ang init ng pagmamahal ni Adan at kay Eba.
Ganito rin ba ang nararamdaman nina Papa at Mama sa tuwing gagawin nila ‘to?
“Amen!” Huling bigkas ng chanting ng tatlo.
Natulala ako sa harapan ni Sir at ‘di ako makakatinag kung hindi niya pinisil ang kamay ko. Napalunok ako bago kaming magsabay ng, “Amen.”
Tumayo kami at tahimik na sumunod sa ministro habang binasbasan nito ang bawat palapag ng bahay. Hindi rin naman siya pumasok sa mga kwarto kaya hindi ako nababahala para sa sikreto ni Sir Anthony. Pagktapos ng blessing, binigyan namin ng tatlong malalaking basket na may lamang pagkain ang dalawang binatilyo at isang sobreng may makapal na laman ang ministro. Nahihiya rin ako kasi maliit lang ang ibinigay ko kay Sir Anthony para ilagay sa sobre.
“Don’t worry, it’s the thought that counts,” sagot niya nang kunin ang pera mula sa’kin. “I’ll add one hundred times sa ibinigay mo.”
“Po?”
“It’s from the three of us.”
Three of us!
Ang sarap sa tainga at ang luwag sa dibdib. Hindi na ako nagtataka kung ba’t binibiyayaan ‘tong amo kong eccentric. He was really extravagant with his gifts to me, lalo na kay Zorina. But I never thought that this man would be so lavish in giving gifts for the temple and the Vornians.
Pagkatapos ng mga ritwales, naging maluwag ang ere sa loob ng bahay. Dahil kaibigan ni Sir ang mga bisita kaya naman okay lang dito ang tuksuhin ng mga ito.
“Akala ko ikaw ang papalit sa ministro niyo, Father.” Nakangiti si Hugo habang kumuha ng ubas sa mesa at sumandal ito sa upuan bago isubo ang prutas.
“I remember you did rituals in our dorm before.” Tumatawa si Daren habang nakatingin sa aking amo. “But come to think of it, gawa-gawa mo lang ang mga ‘yon, ‘diba?”
“All this time, naniwala kayo sa mga pinagagawa ko?” Malapad ang pagkakangiti ni Sir Anthony. “I don’t even understand why you called me Father.”
“Isa kang huwad!” Exaggerated na sabi ni Tygo. “Nakasuot ka ng sutana for two years straight. Your girlfriends were complaining to us.”
“Pati nga si Sitara natakot sa’yo.” Hugo flipped his silver hair. “She usually laughed from thinking that you’re an owner of a gaming company.”
Napahinto ako sa dahan-dahang pag-aalo sa naiinitang Zorina nang marinig ang kanilang pag-uusap. Dalawang punto ang nakapukaw sa aking atensyon. Una, marami palang naging nobya si Sir noon. Then how come that he was still a virgin? Pangalawa, ang Sitarang nabanggit at kilala ko ay iisa ba?
Gusto ko pa sanang makinig sa mga sinasabi nila ngunit malakas na ang pag-iyak ni Zorina kaya umalis ako sa sala at dumiretso sa aking silid. Pinalitan ko ang damit niya at nilaro muna siya hanggang sa antukin.
“Kamusta si Zorina?” Pumasok si Sir sa silid at nag-aalalang tiningnan ang humihikab na bata.
“Naiinitan lang po sa damit niya,” sagot ko.
He smiled. “First fiesta pala ‘to ni Zorina.” Lumapit ito sa kama at hinaplos ang ulo ng bata. “Anong gusto mong gift ko sa’yo?”
“Sir, salamat po sa mga tulong niyo pero please don’t spoil my daughter,” bigla kong pahayag.
He straightened up and looked at me. “Huwag mo ring ipagkait sa’kin ang oprtunidad na makapagbigay ng blessings, Virtue.”
“Ayokong masanay siya sa luho, Sir.” My voice was firm. “She is not your daughter. She is not even related to you.”
Napakunot-noo si Sir Anthony.
Tumingin ako sa mga mata niyang tila napakalalim na mga balon. “You’re going to marry someday, Sir and I’m also going to leave. Ayokong masyadong attached si Zorina sa isang bagay na hindi naman permanente. It would break her heart.” Like it broke mine when I was so attached to someone and he left me. Gusto kong idagdag pero hindi ko ginawa.
Napaatras ako nang tila hahawakan ni Sir ang aking pisngi. Ibinaba niya ang kaniyang kamay at napakuyom ito sa gilid niya. “Then I’m going to marry you instead.”
Napanganga ako sa sagot niya. “Why would you do that? Is it because of Zorina?”
He laughed a little. “You really think it’s all about Zorina…” He then walked out from the room, leaving me speechless.
Lumipas pa ang tatlong araw bago umalis ang mga bisita ni Sir at umuwi sa capital. At sa loob ng tatlong araw na ‘yon ay ‘di na kami masyadong nagpapansinan ni Sir. Malungkot akong nakatingin sa papaalis na mga sasakyan at napabuntong-hininga na magiging tahimik na naman ang bahay.
Niyakap ako ni Clio ng mahigpit at bumulong, “Gumawa rin kaya kayo ni Father ng baby para may kapatid si Zorina.”
Hinagkan ako sa pisngi ni Amanda at may ibinigay na liham. Kumaway siya bago pumasok sa sasakyan.
Lumipas ang buong araw na wala akong ginawa kasi umarkila na naman si Sir Anthony ng mga katulong upang linisin ang lahat. Feeling ko tuloy masyado na akong useless these past few days. I was supposed to be the maidservant, ‘diba?
Bored na pumasok ako sa silid at napabuntong-hiningang makita ang tulog na Zorina. Humiga ako sa kama at ki binasa ko ang isinulat ni Amanda: ‘Thank you for being kind to us these past few days. Hindi ko alam kung ano ba talaga kayo ni Father but I sensed that the air was heavy between the two of you after the fiesta. Whatever it is, don’t hesitate to contact me if you need a friend. If there’s going to be a good news in the future, don’t forget to invite us again.’
“Good news?” Napatawa ako kasi hindi ko alam kung anong klase ng magandang balita ang gustong marinig ng mga ito.
Maaga akong nagising kinabukasan at nagluto ng cookies habang tahimik pa ang buong bahay. Lumabas din ako at binigyan ng makakain si Bones. “Are you happy here?” tanong ko sa aso pero mas pinansin niya ang pagkain sa harapan.
Tantiya kong gigising na si Zorina kaya pumasok ulit ako ng bahay. Natagpuan ko si Sir na bumaba ng hagdan.
Huminto siya nag makita ako. “Hi.”
“Hello,” mahinang bati ko.
“Do you want to go to the temple with me?” Halatang bagong gising pa ang kaniyang mababang boses.
Hindi ako makasagot.
“Well, then have a nice day.” Bumaba siya at dumiretso ng kusina.
“Pwedeng sumama?” Natagpuan ko ang sariling magtanong.
Dinig ko ang sorpresa sa kaniyang hininga nang harapin niya ako. “Really?”
I gave him a small smile. “Really.”
Hindi na ako pumasok ng templo simula ng lumayas ako sa’min kaya nanibago ako sa aking desisyon. Ito rin ang kauna-unahang pagkakataong dalhin ko si Zorina sa lugar.
Maaliwalas ang mukha ni Sir habang nakasakay kaming tatlo sa sasakyan niya. “Are you excited, Zorina?”
Tumalon-talon si Zorina sa aking hita habang inaayos ko ang kaniyang whole dress. “Yes, she’s excited,” sagot ko.
Pumarada si Sir sa parking lot ng templo.
“Do I look alright?” conscious na tanong ko habang dinama ang belo sa aking ulo. “Okay lang ba talaga na pumasok ang single mother na tulad ko?”
His eyes hinted some kindness in them as he stared at my profile. “Kailangan ba talagang i-announce ang status bago pumasok, Virtue?”
“I don’t want to lie if ever…”
“Then don’t lie,” he simply stated.
Sabay kaming pumasok sa templo at dumiretso na ako sa side ng mga babae habang sa kabilang dako naman pumunta si Sir. Masikip ang dibdib kong tumayo sa harap ng malaking gintong krus. Napayuko ako at mataimtim na nanalangin na sana maging maayos din ang lahat ng gusot ko sa buhay at nawa’y mahanap ni Sir ang babaeng magmamahal sa kaniya ng buong puso.
Umatras ako sa bandang likuran habang nanood sa seremonyas. Baka kasi magulat si Zorina at umiyak kaya minabuti kong malapit sa pinto lang ako nakatayo sa loob ng halos isang oras.Nakahinga ako ng maluwag nang matapos ang simba at lumabas ako ng templo.
“Ang ganda ng anak mo.” Nakangiting pahayag ng isang matandang babaeng kasama kong lumabas.
“Sana magkaapo rin ako ng sing ganda ng baby mo,” sabi naman ng kasama niya.
“Salamat sa Panginoon,” sagot ko.
“Salamat sa Panginoon.” Tango nilang dalawa.
“Virtue, halika na,” tawag ni Sir.
“Ah, guwapo pala ang asawa niya,” sabi ng isang matanda. “Kuhang-kuha ng mukha ng bata ang hitsura ng anak niyo. Congratulations.”
“Salamat sa Panginoon,” sagot naman ng kasama nito.
Mapaklang nakangiti ako habang sumagot ding kaparehong mga salita. Tiningnan ko si Zorina at napakunot-noo, she did not look like Sir Anthony to me. In fact, matatagpuan ang mga features niya sa mga Diem kaya hindi ko alam kung paano nasabi ng mga nakakarami na kamukha ni Zorina si Anthony Turgen.
O baka naman ako lang ang bulag sa nakikita?
“How was your first time?” Nakangiting tanong niya sa’kin habang hinawakan ang aking likod paakay sa sasakyan.
“It went well, thank you.”
Hinarap ko siya nang makaupo siya sa sasakyan. “Do you think kamukha mo si Zorina?”
Napaatras siya at tila nag-double chin ang kaniyang baba sa ginawa niya. “What makes you say that?”
“Naririnig ko sa iba na kamukha mo si Zorina.”
“Really?” Mas excited pa siya kay Bones kung makakatanggap ito ng pagkain. “Akala ko si Clio lang…” Sumandal siya sa upuan. “Wait, mga taga templo ang nagsabi niyan?”
Tumango ako.
He clapped his hands. “Maybe she’s really my daughter.”
I snorted. “Imposible!”
“Well, baka invisible sperm cells ko ang nakipag-kissing sa egg cell mo nung you know…”He wiggled his eyebrows. “Or baka nauna si Zorina kaysa sa s*x nating dalawa. Advance birthing kumbaga.”
“Sir!” Umiling ako sa mga sinabi niya. “Nasa parking area tayo ng templo. Maghunos-dili ka. Nasa abstinence period pa tayo kaya no s****l topics.”
Tumawa siya at kinuha ang isang kamay ko. “You’re not angry with me anymore?”
Namula ang mga pisngi ko. “Hindi naman po ako galit sa inyo. I think I could never get angry with you after all this time.”
Pinisil niya ang kamay ko bago pinaandar ang sasakyan. Nakatingin ako sa bintana habang kinakausap si Zorina sa scenery. Pinilit kong patahanin ang kakaibang pintig ng aking puso lalo na’t matiwasay ang enerhiya naming dalawa ni Sir.
Napalingon ako sa kaniya nang hawakan niya ang kamay ko nang pumasok kami sa isang drive through. His hand was so warm that it made me feel emotions that brought me back to that certain afternoon inside the small room.
His hands on my hair.
His lips on mine.
My breath on his.
My heart...
Pinisil niya ang kamay ko habang nag-oorder at napapangiti dahil nasa mood talaga siyang makipag-biruan sa mga fastfood crews. We drove around the town for a while, him taking pictures of the three of us while I tried to mentally squeeze my heart from exclaiming what I feared to blurt.
It was around four in the afternoon when we came back and found a sleek top down car in front of the house.
“May inaasahan ka bang bisita?” tanong ko sa kaniya.
“Baka si Drake,” sagot niya. “Nasabi niya sa’kin na dadaan siya rito kapag nakabakante siya.”
Ipinasok ni Sir ang kotse sa garahe at nauna siyang lumabas upang atupagin ang bisita. Pero biglang naging matigas ang boses ni Sir sa kausap. “What are you doing here? Sinabi ko na sa’yo last month na hindi ko ibibenta sa’yo ang kumpanya ko.”
“Why won’t you invite me in for a couple of days so I can convince you to sell it to me?” Nakangiti ang boses ng lalaki.
That voice!
Nanigas ako sa kinatatayuan. After all these months, hindi ko inaasahang maririnig ko ulit ang boses na pilit kong kinalimutan.
“You can go back to the capital, now.” Seryoso pa rin ang boses ni Sir.
“Oh come on!” Nanunukso ang pananalita nito. “May itinatago ka ano? May babae ka sa sasakyan oh. Alam ba ‘to ni Papa?”
“So what kung may babae ako?”
The other man laughed. “The hypocrisy of the Vornians, right? Konserbatibo kuno pero masyadong malibog din pala.”
Hindi ko alam kung ba’t hinila ng mga kataga niya ang natutulog kong puso. Pumintig ito ng mabilis, hindi dahil sa excitement kung hindi sa sobrang galit.
Pumikit ako at nagbilang hanggang bente bago ko kinarga si Zorina. Kung kaya kong magpakita sa dating katipan ng aking sensual side, kaya ko ring ipakita sa kaniya kung gaano katigas ang mga Diem. Kahit na itinakwil ako ng buong angkan, hinding-hindi maipagkakailang nanalaytay sa mga dugo ko ang isa sa may pinakamatandang lahi sa Ornuv. At hindi ako papaya na basta-bastang insultuhin ng taga-labas ang pagkatao ko at ng mga Vornian.
“Your choice is not bad at all.”
“Have some decency,” seryosong sagot ni Sir.
Huminga ako ng malalim at humarap sa kanilang dalawa.
“You?” Para siyang nakainom ng suka habang tiningnan ako at si Sir.
“Long time no see, Andre.” My voice was hard as steel.
“Iso-“ Naputol ang kaniyang pagsasalita nang makita si Zorina. “Is that…”
Nakakunot ang noo ni Sir Anthony na humarap sa’kin. “You know my younger brother?”
******
Sobrand delayed nito, sorry! Busy ako these past few weeks. Nakabalik na ako sa work after 6 months kaya anim na buwan din ang pending na trabaho hehehe. Plus I have school requirements din. So pasensya na talaga sa very delayed update.
Anong mangyayari kay Anthony at Virtue/Isobel ngayong dumating pala ang ex ni girl?