“VIRTUE!” Biglang tumalikod at umupo sa sahig si Sir Anthony habang nakayuko at tinakpan ng mga kamay nito ang ulo.
“Sorry, Sir.” Namumula ang pisngi kong tumayo. “Maliit na aberya lang po.”
Gusto kong sapakin ang sarili dahil nahihiya akong sabihin ang salitang maliit.
“Pinagnanasahan mo ba ako?” prangkang tanong niya.
Napaigik ako. “Sir naman. Alam niyo namang nakatuon ang atensyon ko sa maliit kong anak.” s**t! Andiyan na naman ang salitang maliit.
“Anong nakita mo?” maanghang na tanong niya.
Lumakbay ang aking mga mata sa likod ni Sir Anthony. Light brown pala ang kulay ng buhok niya. Buhok na laging nakatago sa sombrero o sa maskara. Aksidenteng naramdaman ko ang likod niya noon at ‘di ko inakalang matigas ang mga muscles niya don. At ngayon, kitang-kita ko ang magandang hubog ng likod niya. Maganda pala ang korte ng katawan ni Sir kahit nakayuko siya.
“Maliit lang ho ang nakita ko, Sir,” biglang naisagot ko.
He gasped and straightened his back, making the muscles moved smoothly. “Anong maliit?”
Para akong nakalunok ng sili at tila maanghang ang aking lalamunan at dumaloy ito sa aking buong katawan. Maliit talaga ang t**i ni Sir at shocked ako kasi ‘di ko na-imagine na ganoon ka lii tang ari niya kung ikukumpara sa mala-higante niyang pangangatawan.
“Virtue?” His voice seemed desperate.
Tumikhim ako. “M-may maliit po pala kayong nunal sa bandang hita.”
“Ano pa?”
“Wa-wala na po,” pagsisinungaling ko. Naka-krus ang dalawang daliri kong ipinagpatuloy ang sagot, “Kahit single mother ako, isa pa rin po akong Vornian. Pinangangalagaan ko pa rin ang dignidad ko at ng iba. Hindi ko rin ugaling mamboso, Sir.” Lalo na’t wala namang makikita sa liit, pero ‘di ko na idinagdag.
“Well – ” Bumalik ang pagiging suplado ng boses niya. “Mabuti at ‘di mo nakalimutang Vornian ka. Damit ko?” Inilahad niya ang isang kamay.
“Heto po.” Dahan-dahan kong inilagay sa kaniyang palad, tako na baka humarap siya at nakita niya akong nakatingin pa rin sa kaniyang magandang likod.
“Pwede ka ng umalis,” taboy niya.
Hindi na ako umimik nang lumabas at dumiretso sa sariling silid. Hawak ko ang mga umiinit na pisnging humiga sa kama habang inalala ang maliit na ari ni Sir Anthony.
“May ganon palang hitsura,” napabulong ako sa hangin.
Sa tanang buhay ko, dalawang ari lang ng lalaki ang nakita ko sa personal. Kay Andre, na hindi ko lang nakita kundi natikman at nag-acrobatics pa ako don at kay Sir Anthony, na halos wala akong makita. Turgen p*****s!
Konserbatibo ang tribong Vornian kaya regulated ang pinapalabas sa rehiyon sa iba’t-ibang media lalo na sa mga usaping sekswal. Kaya hindi ako nagtataka masyado sa ibinalita ni Sitara na maraming Vornians ang customer sa mga night clubs. Hindi rin kami tinuruang mga babae ukol sa aspetong ito. Kay sa tingin ko, marami ang inosente sa larangang s****l desires at kahit na anong related sa s*x.
Kaya shocked ako nang makita ang ari ni Sir Anthony. I mean, akala ko iisa lang ang hitsura, haba at laki ng mga ito. At ibinase ko ang lahat sa ari ni Andre, ang aking ex.
“How come na maliit ang p***s niya pero malaki siyang tao?” I yawned before I closed my eyes to sleep.
Pero nagkamali ako kasi pati sa panaginip ko, hinahabol ako ng dalawang uri ng ari: isang malaki at isang malit. Sigaw ako ng sigaw hanggang sa mapunta ako sa isang talampas. Natakot ako nang palapit ng palapit ang dalawang ari na tila galit. Umatras ako hanggang sa nahulog ako. Sumigaw ang maliit na t**i, “Kumapit ka sa ‘kin!”
“Ayoko!” sigaw ko.
“Iha! Iha!”
Napamulat ako nang maramdaman ang mahinang tapik sa aking kamay. Nakita kong nakadungaw si Uncle Cornelio. “Walang problema kung iinom ka ng paracetamol,” mahinang pahayag niya.
I squinted and tried to move but my body ached like I’ve been in hell and back. “Ano pong nangyari?”
“Tumawag si Anthony sa’kin at tingan ka raw kasi mataas ang temperatura mo kanina.” Mahinang bumulong siya ng, “Nataranta siya.”
Gusto kong ngumiti pero tila masakit ang mukha ko kaya tumango na lang ako. Napatingin ako sa crib at nakitang wala si Zorina sa loob.
“Ah, pinalita ni Anthony ng diapers ang anak mo,” aniya. Nakita niyang nagulat ako. “Don’t worry, marunong ‘yang si Anthony. Apat ang anak ng kapatid niyang babae at minsa’y tumutulong siya sa baby sitting.”
“Sa-salamat.” Garalgal ang boses ko.
Tinanong niya ulit ako kung overworked ba or hindi ba nalipasan ng gutom. Tinanong niya ako kung may mga allergies ba ako sa pagkain o sa ibang bagay. Pinayuhan din niya akong bed rest muna ako ng dalawang araw para maka-recover ang aking katawan.
“Nakaka-karma pala ang maliit na t**i ni Sir Anthony,” bulong ko nung mapag-isa na ako sa kwarto. At sa araw din ‘yon, nagdesisyon akong respetuhin ang kaniyang ari at itatago ang sikreto ng aking amo.
Gusto kong tumayo pero mabigat talaga ang aking pakiramdam at hinila ako ng antok. At wala akong nagawa kung hindi yakapin ang nag-iimbitang kadiliman.
“Virtue, kumain ka muna.” Isang baritonong boses ang pumukaw sa’kin.
Binuksan ko ang isang mata at nakita ang isang maskarang kabayo na may hawak na mangkok. Tinulungan niya akong umayos at pinakain ako ng sopas at pinainom ng gamot. Inayos niya rin ang pagkakahiga ko hanggang sa makatulog ako ulit.
Hindi ko alam kung ilang oras akong tulog pero naririnig ko minsang pumasok si Sir at tila may inayos sa aking kwarto. Nagtanong siguro ako kasi sumagot siya ng, “TV screen. Connected ‘yan sa CCTV sa area ng kwarto ko kung saan nilagay ko muna ang crib ni Zorina. Ayokong mahawa siya sa’yo. Mabuti na lang talaga at over supply ka ng gatas sa ref.”
Sasagot sana ako pero lumabas na siya at hinatak na naman ako ng tulog.
Putol-putol ang mga pangyayari at ‘di lahat nakatatak sa’king memorya sa mga sumusunod na oras. ‘Di ko na rin malaman kung parte pa ba ng reyalidad o parte pa ba ng panaginip ko. May pagkakataong ginigising ako ng amo kong kabayo at pinapakain. Minsan naman naririnig ko ang pag-uusap ni Sir Anthony at Zorina na animo’y kumportable talaga sila sa isa’t-isa.
“Ano ‘to? Scythe ang tawag dito, Zorina.” Dinig ko ang boses ni Sir. “Hindi ka pwede nito. Oh, itong rattle na lang muna sa’yo.” Pinaingay nito ang laruan. “Hmmm…gusto mong bilhan kita ng antique rattle na galing medieval times?”
Tumawa ang bata.
“Hello? Bilhan mo nga ako nito – Yes, ‘yang picture na ipinadala ko. Anong sabi mong baka dalawang linggo? No, I need it by the end of this week. Magagalit ang ano? Anak ko? Sinong may sabi sa’yong para sa anak ko? Bakit? Hindi ko ba pwedeng laruin 'to, aber? No, may ibinigay na akong ibang regalo sa mga anak mo.” Tumaas ang boses niya. “Oo sige na, sige na para sa anak ko ‘to. Happy? Basta by the end of the week or else ‘di ko ibibigay sa’yo ang antique clay pot dito sa bahay. Bye, Sis. I don’t love you. Pweh!”
May sinabi si Zorina na siya lang ang nakakaalam. Pero tila naiintindihan naman ni Sir.
“Gusto mo ng braces? Wala ka pa ngang ngipin.”
Humagikgik si Zorina.
“Basta sabihin mo lang kung ano ang plano mo sa buhay, Zorina. I’m your godfather simula nung inututan ako ng ina mo. Ano kamo? Yes, dapat tumulad ka sa’king fast learner. Huwag kang gagaya sa ina mong hindi ko maintindihan kung ano bang tumatakbo sa isipan niya.”
Sumagot na naman si Zorina.
“Apir! Wait, hindi ganiyan. Ganito ang tamang pag-apir.” Tila nakangiti ang boses nito.
May iba pa silang pinag-uusapan pero kinuha na naman ako ng mga alagad ng antok at hinatak ako pababa ng pababa hanggang sa kadiliman na lang ang bumalot sa’kin.
Wala akong matandaan kung ilang oras o araw akong nakaratay sa kama. Nagising akong madilim ang paligid at sumasakit ang dibdib ko. Pinagpapawisang umayos ako ng upo at pinailaw ang lamp sa bedside table. Hinanap ko ang electric breast pump at pinilit na abutin ‘to.
Napaiyak ako nang hindi gumana ito at naalalang sira pala ‘to sa huling paggamit ko. Bibili sana ako pero nagkasakit ako. Dahil na rin sa tulog ako ng ilang oras, ngayon ko lang naramdaman ang bigat at sakit ng ‘di makalabas na gatas.
Kinuha ko ang phone na katabi ng lampshade at napasimangot nangmabasang alas dos pa pala ng umaga. Napasitsit ako sa sakit – feeling ko puputok ang mga s**o ko.
Ito na naman ang panahong magpapakapal na naman ako ng mukha. Napakagat-labi akong idinial ang numero ng aking amo.
“Hello?” Halatang nagising siya sa tawag ko.
“S-sir, tulong po – ” Namimilipit ako sa sakit.
Naghintay ako ng halos walong minuto bago bumukas at umilaw ang buong kwarto pumasok si Sir na naka night shirt, night cap at nakasuot ng ski mask.
“Ano?” Neutral ang tono ng pananalita niya.
“Sir, may mahihiraman po ba kayo ng breast pump? Sira po sa’kin.” Turo ko sa gamit ko.
Tumawag siya sa mga kilala niya at bumuntong-hininga sa bad news. Sinubukan niyang tawagan ang may-ari ng mga shops pero ‘di makontak ang mga ‘to. Hanggang sa narinig kong tinawagan niya ang kaniyang kapatid na babae at napapaubo siya ng malakas sa mga sinasabi nito. Curious ako kung ano ang sagot ng kaniyang kapatid sa sobrang lakas ng kaniyang ubo at tila matatanggal na talaga ang ngalangala niya. At bigla siyang umalis ng kwarto.
Napaiyak ako ng nawala siya. I really hated when I felt so helpless. Nakayanan kong iwan ang pamilya ko, ‘diba? Nakayanan ko rin nung traydurin ako ni Andre. Nakayanan kong halos matulog na katabi ang mga baboy. Nakayanan kong mamalimos. Pero bakit tila piniga ng husto ang pagkatao ko nung makita siyang umalis ng aking kuwarto?
“Sir, promise po, ‘di ko iisipin ang maliit – ” mahina kong sabi.
At mabuti na lang at mababa ang boses ko dahil bigla siyang pumasok sa loob na may dalang maliit na heat pad. Umupo siya sa kama. “Oh, subukan mong i-hot compress.”
Walang paligoy-ligoy na hinubad ko ang aking pang-itaas at narinig kong napatigil-hininga si Sir.
“May vibrator ka?” tanong niya.
Nangunot ang noo ko. “Ano po ‘yan?”
Umalis siya at bumalik ulit na may dalang electric toothbrush. “Oh, subukan mong imasahe gamit ‘yan. Tawagan mo lang ako kapag may kailangan ka.” Lumabas siya sa aking silid.
Inabot ako ng higit isang oras at siguro baldeng luha pero wala pa ring epekto ang ginawa ko. Kinuha ko ulit ang phone at tinawagan si Sir.
“Wala pa rin?” tanong niya nang pumasok siya
Umiling ako.
“Kaya mo pa ba kahit hanggang alas singko o alas sais?”
Malaking luha lang ang sagot ko.
His shoulders slumped. He looked at me, measuring my status and perhaps the tears that I’ve shed. “Are you going to hate me if I’m going to suck it for you?”
I cried harder in response. To be honest? I did not want it and I knew that he did not like his own suggestion too.
He stared so hard at me and then he groaned as he stormed off. Gusto kong tawagin siya at sabihing pumapayag na ako pero narinig kong umandar ang motor na minsan lang niyang ginagamit at pinaharurot ito.
Nabasa kong minsan, tinutulungan ng mga partner o husbands ang mga babae para maibsan ang sakit na nadarama sa pamamagitan ng suhestyon ni Sir Anthony kanina. Pero kung ginawa talaga ni Sir Anthony ang sipsipin ang gatas mula sa s**o ko, magbabago kaya ang relasyon naming bilang amo at muchacha? Para sa’kin kasi, ibang klaseng lebel ng intimacy na ang andiyan kapag dumating sa puntong ‘yan.
Unconsciously, baka kamuhian ko siya at ang aking sarili. Nasa estado pa akong ayaw kong pahawak intimately ng ibang lalaki lalo na’t sa mga naranasan ko in the past few months: iniwan ako ni Andre sa aking kabuwanan at muntik akong gahasain sa previos workplace ko.
“Ba’t nasira ka pa?” Umiyak na talaga ako sa sakit at nalilitong damdamin.
Tumahan ako ng konti nang marinig kong bumalik ang motor at pumasok si Sir na may bitbit na mga eco bags.
“Oh hayan, iba’t-ibang uri ng breast pumps. Manual at electronic, andiyan na,” pahayag niya habang kinuha ang mga ito mula sa lalagyan.
“Mabuti naman at nakabili po kayo,” sabi ko habang dali-daling kinuha ang isa.
Hinablot ni Sir ang pump sa’king mga kamay at dinisinfect ang mga ito bago ibinalik sa’kin. “Pinuntahan ko ang may-ari at sinabihang bibilhin ko lahat ng paninda niya kung magbubukas siya ora mismo.”
Namilog ang mga mata ko. “Sir! Two-story ang tindahan niya.”
“And so?” His brows rose as he looked at me using two breast pumps. “Darating dito bukas ang mga gamit mo at kay Zorina.”
I squinted, snorted, hissed and gritted my teeth as the pumps started to do their work. Mainam talaga ang hot compress at masaheng nagawa ko kanina.
“Thank you, Sir,” halos pabulong na sabi ko.
Even with his mask on, his features seemed to soften. “I know you didn’t like my suggestion. Sorry.”
“Naiintindihan ko rin naman.” Ngayong medyo matiwasay ang pakiramdam ko, napag-isipan kong baka papayag ako kung buhay talaga ni Zorina ang nakataya. Pero mahimbing ang tulog ng aking anak sa kwarto ni Sir Anthony at marami pa ring supply ng gatas ang bata sa fridge.
Tiningnan ko ang mga gamit na ipinamili ni Sir – halos lahat ng uri ng breast pumps. This man used almost all of his resources and strength to help me, his employee. He went out looking like a robber just to help me, an insignificant woman in the standards of Vornian society. Why couldn't Andre be like this guy?
May humila sa mga ugat ko sa puso sa ginawa ni Sir. Hindi ko alam kung ano aking ang hitsura sa mga sandaling ‘yon pero tumingala ako sa kaniya at binigyan siya ng isang malaking taos-pusong ngiti.
I did not know why he seemed to be taken aback by my action. He stiffly stood, nodded and left.
Ah, ang amo kong eccentric! Si Sir Anthony na maliit ang t**i pero masyadong malaki ang puso. At feeling ko, ‘di niya alam ‘yon.