Chapter 2

1716 Words
“ISOBEL, napakain mo na ba ang mga baboy?”   Muntik na akong matumba sa aking kinauupuan nang marinig ang boses ni Mang Mario, ang katiwala sa farm. Kinalong ko ng mabuti si Zorina habang pinapasuso ko siya.   “Opo.” Inayos ko ang mahabang belo upang matakpan ang aking dibdib. Maya’t maya’y nilipat ko ng pwesto si Zorina para makainom siya sa kabilang s**o. Medyo nagulat ako nang makitang nakatayo pa rin si Manong Mario at nakatitig ng mabuti sa’kin.   “May kailangan pa po ba kayo?” Medyo nanayo ang mga balahibo ko sa batok nang makita siyang nakangiting nakatitig kay Zorina.   “Wala.” Kinagat niya ang pang-ibabang labi at dinilaan ito. “Basta huwag kang mag-atubiling lumapit sa’kin kung may kailangan ka, Isobel.”   Tumango lang ako at tinitigan siya ng walang emosyon, hudyat na dapat na siyang umalis. Nakuha niya ang mensahe ko at lumakad papalayo.   Nandidiring nagpakawala ako ng malakas na buntong-hininga. Nahahalata kong iba ang kilos ni Mang Mario nitong mga nakaraang araw. At kahit na pilit kong tatagan ang sarili ay ‘di pa rin maiwasan ang kakaibang takot na unti-unting bumabalot sa puso ko.   “I need to leave this place.” I shivered.   Nang makitang tulog na si Zorina, tumayo ako at inilagay siya sa isang sirang crib na ibinigay ni Manang Constantina, asawa ni Manong Mario. Dahan-dahang binitbit ko ‘to sa isang bakanteng kulungan ng baboy. Inayos ko ang gumigiwang na kuna at nilagyan ng kulambo para ‘di siya lamukin o langawin. Gagawan ko na lang ng paraan upang ‘di masyadong malangsa ang amoy ng mga baboy.   “Pasensya ka na kung ito lang muna ang maibibigay ni Mama,” bulong ko sa natutulog na anak. May kirot na kinuha ko ang hose at walis upang linisin ang pugaran.   Hindi masyadong malaki ang piggery ng pinsan ni Ma’am Aleena kung ikukumpara sa pag-aari ng mga Diem. Aside sa piggery, may konting taniman ng mais at ibang root crops din sa may ‘di kalayuan. Si Mang Mario, Manang Constantina at dalawang batang mga anak ang nagtulungan sa pamamalakad dito. Kaya naman naging masaya si Manang nung dumating ako dahil gusto talaga nitong matutukan ang pagluluto at pagtinda ng mga kakanin sa gilid ng daan.   Tulog pa rin si Zorina nang matapos kong linisin ang lahat ng kulungan at paliguan ang mga alaga. Mabuti at ‘di nagising ang bata sa ingay ng mga baboy. Medyo humapdi ang dibdib ko kasi alam kong ‘di dapat sa ganitong lugar natutulog ang anak ko pero hindi ko alam kung bakit pakiramdam ko naiintindihan ako ni Zorina.   “Gagawa ng paraan si  Mama, anak,” mahina kong sabi habang kinarga ang kunan pabalik sa maliit na barong-barong, ilang hakbang lang sa mga pugaran.   Hindi pumayag si Manang Constantina na makitira ako sa kanila lalo na’t maliit din naman ang kanilang bahay. Naiintindihan ko naman lalo na’t isa akong estranghero at sa iisang kwarto lang sila natutulog lahat. Kaya ginawan ako ng isang maliit na barong-barong ni Mang Mario na gawa sa plywood, tira-tirang kahoy at tela. Mabuti na lang at may banyo sa may di kalayuan kaya don ako naliligo.   “Magdadapit-hapon na pala.” Simula nang mapadpad ako rito, natutunan kong kausapin ang sarili ko. My life was filled with color and loudness back then but now… “No time for looking back, Isobel,” bulong ko.   Binuksan ko ang natakpan na platong nakalagay sa sahig at inamoy ang dalawang lutong mais at isang tinapay. “Kasya pa ‘to sa hapunan.”   Nakabili ako ng kerosene cooker at ibang gamit pangluto nung may dumaan na mangangalakal dito. At least ‘di ako nahihirapang magluto ng pagkain. Lumaki akong may cook kaya  ‘di ko masyadong pinapansin kung paano gumawa ng iba’t-ibang putahi. Natuto lang akong magluto sa pamamagitan ng pag-internet nung sumama ako kay Andre.   Nilunok ko ang pait nang maalala ang dating katipan.   “Swerte niya at masaya siya ngayon,” bigkas ko habang inantay na kumulo ang tubig sa takure. Pero wala akong dapat na sisihin dahil desisyon ko ang mapunta sa kinalalagyan ko ngayon. “Darating ang araw na mawawala rin ang pait ng nadarama ko ngayon, Andre.”   “Sandali lang, Zorina,” sabi ko nang marinig ang iyak ng aking anak. “llalagay lang ni Mama ang tubig sa thermos.” Dali kong pinuntahan ang bata. “Gusto mong maligo kasama si Mama, ha?”   Inalo ko siya habang kinuha ko ang isang supot ng damit mula sa maleta. Kahit na medyo nahihirapan ay kinarga ko si Zorina sa isang kamay habang hawak ang supot ng damit at isang gasera naman sa kabila. Mabuti nalang talaga at malaki ang banyo at nilagyan ko ‘to ng mesa para may mahigaan si Zorina ng konti. Binihisan ko siya ng diapers at pinunasan ng mabuti. Nang kontento na ako sa kalagayan niya, naligo akong ‘di iwinaglit ang mga mata sa kaniya.   Madilim na ang paligid nang lumabas kami ng banyo. May kidlat na umiilaw sa kalangitan at medyo lumalakas ang ihip ng hangin. Unconsciously hinanap ko ang phone ko upang tingnan ang weather forecast pero napailing nang maalalang isinangla ko rin ang gadget ko para may pambili ng supplies ni Zorina.   “Uulan siguro mamaya,” sabi ko sa anak ko. “Sana hindi malakas kasi tumutulo ‘yong bubong natin.” Inilagay ko si Zorina sa crib bago tiningnan ang tirahan namin kung kakayanin ba nito ang malakas na hangin at ulan kung saka-sakaling may bagyong darating.   Inayos ko ang tatlong maletang gamit namin at ‘di ko alam kung bakit  instinct na nilagay ko ang mga importanteng bagay sa isang shoulder bag at inilagay ko ‘to sa gilid ni Zorina. Kinuha ko ang plato at simulang papakin ang mais at tinapay.   Medyo maingay si Zorina kaya napangiti ako sa kaniya. “Oo, masarap talaga ang fried chicken, Nak. Gusto mong mag drive-through tayo sa isang fast food chain? Ang sarap kaya ng caramel ice cream. Ows? Gusto mo ring subukan?”   Ganito lang talaga ang set up naming dalawa sa araw-araw. Kung noon, nakakabagot ang walang ginagawa, ngayon medyo nahihilo ako sa dami ng gawain. Mabuti nalang at andito ang anak ko upang maibsan din naman ang lungkot kahit papaano.   “Tapos ng kumain si Mama ng steak, Zorina. Ano? Yes, masarap talaga. Yum! Yum!” Nakangiting sabi ko habang iniligpit ang mga pinagkainan.   Tumabi ako sa kaniya at kiniliti siya ng konti bago ko kinuha ang suklay at simulang suklayin ang napakahaba kong buhok. “Oo, Zorina hanggang tuhod ko na. Gusto mo ring magkaroon ng ganito kahaba na buhok? Hmmm…’di kita pipigilan kung ano ang nais mong gawin sa buhok mo.”   Biglang kumulog at bumuhos ang malakas na ulan.   Dali-daling hinila ko ang kunan ni Zorina sa isang parte ng bahay na hindi natutuluan ng tubig. Naupo ako sa may pintuan habang itinirintas ang aking buhok at tahimik na tiningnan ang paligid. Tantiya ko’y wala pang alas otso ng gabi ngunit masyado itong madilim dahil na rin sa panahon. Sinilip ko ang pugaran ng mga baboy at nag-iingay na rin ang ibang hayop pero at least hindi nababahaan ang mga kulungan nito dahil elevated ang gusali kaya ‘di ako masyadong nababahala lalo na’t humihina na ang ulan.   Mga isang oras din ang dumaan bago humupa ang ulan at tanging ingay na lang ng palaka ang tila nagko-konsyerto. Tila naaaliw naman si Zorina sa tunog at sinabayan pa ang mga palaka. Napapangiti ako habang kinuha siya mula sa kunan at pinasuso. Matapos niyang dumede, karga karga ko siya habang kinantahan ng  natutunan ko mula sa aking ina noon.   “Maganda pala boses mo, Isobel.”   “Shit.“ Hindi ko maiwasang mapamura nang marinig ang garalgal na boses ni Mang Mario. Napatingin ako sa kinaroroonan ng boses at nakita siyang nakatayo sa labas bitbit ang isang sako. “Magandang gabi po, Mang Mario. Ano po ang kailangan natin?”   “Dinalhan kita ng mais,” sagot nito.   “Nag-abala pa po kayo.” Pinipilit ko ang sarili na maging neutral ang boses. Dahan-dahan kong inilagay si Zorina sa kunan. “Bukas na sana niyo hinatid o kaya’y ako nalang ang kumuha sa inyo. Masyadong gabi na po.”   “Wala si Constantina kaya okay lang.” Medyo garalgal pa rin ang boses nito at humihina ang pagbigkas sa ibang kataga.   Unti-unting nanayo ang mga balahibo ko sa katawan sa sinabi niya. Pero pinilit kong lunukin ang kung ano mang pagkabahala. “Po? May nangyari ba kay Manang?”   Umiling ang lalaki. “Mag-aalay siya sa templo dahil malapit na ang pasukan.”   “Ganon po ba. Ang mga bata po?”   “Tulog na.” Ngumisi ang lalaki. “Kaya huwag kang mag-alala, Isobel.”   Tila nalunod ako sa yelo sa sinabi ng lalaki.   “Hindi ba biyuda ka na, Isobel?”   Gumapang ang kamay ko sa itak na nakatago malapit sa pinaglagyan ko ng shoulder bag. “Bakit po?”   “Matagal ka na palang ‘di nakatikim.” Dinilaan niya ang ibabang labi. “At maganda ang hubog ng katawan mo.”   Namilog ang aking mga mata sa sinabi niya.   “Nakikita kitang naliligo minsan.”   Tumikhim ako at pinilit na plantsahin ang tila gumugusot na takbo ng puso. “Manong Mario, may asawa’t mga anak na po kayo. At bawal po ‘tong ginagawa niyo po sa relihiyon nating mga Vornian.”   “Punyetang relihiyon ‘yan.” Tumawa siya. “Sa tingin mo bang naniniwala akong may Diyos?” Medyo sumuray ang kilos niya nang lumapit siya ng konti sa entrada ng barong-barong.   “Bumalik na po kayo sa inyo, Mang Mario.” Pinilit kong maging matigas ang boses. “Nakainom po ata kayo at tinatakot niyo po kami ng anak ko.”   “Ang ganda mo talaga,” marahan niyang sabi. “Halatang presko pa kahit may nakatikim na sa’yo.”   Umatras ako upang protektahan si Zorina nang lumapit ang lalaki at hinawakan ang aking paa. Walang atubiling kinuha ko ang itak at hinataw ang kamay niyang nakakapit sa balat ko.   Sumigaw at napaatras si Mang Mario. “Punyeta ka!”   Dali-dali kong kinuha si Zorina at ang shoulder bag na katabi nito. Hawak ang itak, lumabas ako sa barong-barong at nakitang napaluhod si Mang Mario habang sapo nito ang dumurugong kamay. Tantiya kong hindi naman naputulan ang lalaki pero malalim ang sugat ang ibinigay ko sa kaniya.   Umatras ako nang nanlilisik ang mga matang tumama sa’kin.   “Tatagain kita kung lalapit kayo sa’min ng anak ko,” seryosong sabi ko.   Ngumisi siya at nag-inat pa ng katawan. Kahit na nasa kwarenta ang lalaki ay halata pa ring matipuno at malakas ito. “Bibigay ka rin sa’kin, Isobel.” Tumayo siya at akmang lalapit sa’kin nang matumba ulit dahil napulupot ang isa niyang paa sa tali ng dala-dalang sako.   Hindi ako nag-aksaya ng oras at gamit ang isang kamay, kinuha ko ang gaserag nakasampay sa labas ng barong-barong at hinampas ito sa nakayukong Mang Mario. Napasigaw na naman ulit siya at ‘di malaman-laman kung ano ang uunahin, ang nagdurugong kamay o ang nagsimulang dumurugong ulo.   Walang lingon-lingong tumakbo ako sa kadiliman habang karga-karga si Zorina.              
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD