Chapter 3

2741 Words
NAGISING ako sa iyak ni Zorina. Hindi ko alam kung paano ako nakaupo at nakasandal sa isang kahoy.  Humihikab akong inayos ang belong ginawa kong baby carrier habang tumakas ako kagabi.   “Gutom ka na, Nak?” Itinaas ko ang blouse at awtomatikong hinanap niya ang aking n****e. “Hindi ka natakot kagabi? Ganiyang nga. Hindi mo dapat ipinapakitang natatakot ka.”   Lumingon ako sa paligid at namataang maraming mga kahoy sa paligid. Hindi ko alam kung nasa loob ba ako ng gubat o sa farm ng iba o kung saang parte ng rehiyong Oknuv ako.   “In short, nawawala tayo.” Hinaplos ko ang ulo ni Zorina bago iniba ang posisyon niya.   Tumingala ako at ini-estima ang oras. Tila nasa alas siete na ng umaga kaya kumakalam na rin ang sikmura ko. Iniisip kong saan kaya ako pwedeng makakakuha ng pagkain nang may narinig akong tahol ng mga aso. Bumukas ang aking pandama at nanayo ang balahibo ko sa batok lalo na nung paparating ang ingay sa aming lokasyon. Hinwakan ko si Zorina ng napakahigpit. Mabuti na lang talaga at ‘di ko nawala ang itak na dala-dala ko.   Biglang nakita ko ang limang asong pinag-aawayan ang isang patay na manok. Tiningnan ko ang mga hitsura nito pero ‘di ko malaman kung wild dogs ba ang mga ‘to o hindi. Pero hindi ako nagpakampante at mas lalong idiniin ko ang sarili sa puno nung tila nabagot ang isang aso at lumingon sa’kin.   “Shoo!” Iwinagayway ko ang itak nung dahan-dahan siyang lumapit sa’kin. “Alis!”   Tumahimik bigla ang tatlo pang aso at napatingin na rin sa kinaroroonan ko. Naramamdaman knog tumulo ang pawis ko sa likod at nanuyo ang aking lalamunan.   Ba’t ang lalaki ng mga asong ‘to?   “W-w-we co-come h-here in p-peace.” Pinilit kong ‘di magpakita ng takot ngunit ‘di mapigilan ag panginginig ng aking boses. Wala na rin akong pakialam kung tila pang-alien movies ang linyahan ng pananalita ko. “Kaya umuwi na kayo sa inyo.”   Lumapit ang isang halos buto’t balat na kulay-abong aso. Dahan-dahan akong tumayo at siniguradong secured si Zorina. Nasa lalamunan ko ang hangin nang lumapit siya at inamoy ang binti ko. “S-s-shoo,” ang tangi kong nasambit. Halos lumuwa ang kaluluwa ko nang marinig ang angil ng mga kasamahan nito.   At walang pasabing hinablot ng payat na aso ang aking shoulder bag na nakalagay sa lupa at itinakbo papalayo. Tumahol ang tatlo at umungol ang kasamahang kagat-kagat pa rin ang manok. Tila naaaliw sila sa ginawa ng magnanakaw ng bag at hinabol ng mga ito ang kulay-abong aso.   Hindi ko kayang sumigaw o habulin ang mga ito kaya namilog nalang ang aking mga mata. Nasa loob ng shoulder bag ang mga importanteng papelse, IDs at konting perang naipon ko. At ngayon? Walang-wala na talagang natira sa’min ni Zorina sa puntong ‘to.   “Alis na tayo dito, Nak,” bulong ko sa kaniya, “at baka babalik pa mga ‘yon.” Sa sitwasyong ‘to, mas uunahin ko ang kapakanan naming dalawa ni Zorina kesa mga gamit na nawala.   Medyo lutiag akong naglalakad sa kakahuyan habang iniisip kung saan kami pupunta. Napaaray ako nang may tumusok sa aking talampakan.  Yumuko ako at napansing walang tsinelas ang aking isang paa.   Tumingala ako sa langit. “Bakit? Hindi ko alam kng saan ako pupunta. Wala kaming masilungan at gutom na ako. Ganiyan ka ba kagalit sa’kin,ha? Ha, Lord?”   Napa-igik ako nang may mahulog sa gilid ko. Lumingon ako at nakitang nabali ang isang sanga ng mga prutas. Siguro nabali ‘to kagabi sa lakas ng ulan at ngayon lang nahulog. Hindi ako nag-atubiling kunin ang mga prutas at dahan-dahang pinapak habang pinagpatuloy ko ang aking paika-ikang lakad.   Nakarinig ako ng ingay sa ‘di kalayuan. Medyo na excite ako nang matagpuan ang sarili sa gilid ng daan. Baka malapit na ako sa isang nayon. Nakita ko ang isang grupo ng mga binatilyo na maayos ang pananamit. Lumapit ako ng konti. “Excuse me, pwedeng magtanong?”   Nagulat ang mga ito at awtomatikong napaatras ang mga binatilyo.   “Pulubi lang pala,” buntong-hininga ng isang lalaking may pulang buhok.   Kumuha ng pera mula sa pitaka ang isa at itinapon sa paanan ko. Medyo nanginginig ang kaniyang boses. “H-hayan ang pera. Huwag mo lang kaming saktan.” At kumaripas silang apat ng takbo.   Nagtatakang binitawan ko ang itak upang kunin ang limang daan sa lupa. “Nak, may pera na tayo, oh.”   May mga dumaang sasakayan at pinakapalan ko na ang mukha upang pumara ngunit ‘di ako pinapansin ng karamihan. May iba namang nagdahan-dahan ng takbo upang ihagis sa akin ang pera, tinapay o ‘di naman kaya’y bote na may lamang gatas.   Kahit nagtataka na talaga sa histura ko, hindi ako nag-atubiling kunin ang mga itinapon nila at umupo sa lilim ng isang kahoy. Gutom na rin ako matapos ang ilang oras na pagtayo at lakad at may mini-breaks lang kung magpapasuso ako kay Zorina.   “Ang sarap.” Napapikit ako habang kinain ang isang  tinapay na may kesong laman. Yumuko ako at kinausap ang natutulog na Zorina. “Nak, parang galing first class bakeshop.”   Umiling ako habang naalala na ako ang nagbibigay ng pera sa mga pulubing kumakatok sa bintana ng kotse namin. At ngayon? Ako naman ang tila namamalimos sa gilid ng kalsada. Nag-iiba talaga ang takbo ng buhay. Tila prinsesa noon at pulubi ngayon. Maraming kaibigan noon at walang ni isang tumulong sa’kin ngayon. Sinubukan kong kontakin sila pero takot silang makabangga ang mga Diem.   Nanayo ang balahibo ko nang mapansin ang buto’t balat na kulay-abong aso na umupo sa may ‘di kalayuan. Malalaki ang mga matang nakatingin sa kinakain ko. Itinapon ko ang tinapay na kinagat ko. Nag-atubili siyang kunin ‘to.   “Ngayon ka pa mahihiya?” tanong ko habang kumuha ng isa pang tinapay at isinubo. “Saan niyo nilagay ang bag ko?”   Hapon na nang may narinig ulit akong sasakyan. Tumayo ako at iwinagayway ang isang daan sa ere. Huminto ang isang jeepy. Nakabalot ang ulo at mukha ng driver maliban nalang sa mga asul na mga mata nito.   “Magtatanong lang sana ako kung anong lugar ‘to at malayo ba ang bayan.”   “Malayo pa ang bayan dito. Gusto mo bang ihatid kita? Dadaan din ako ron,” isang matamis na tinig ng babae ang sumagot.   Lumingon ako sa paligid at hanggang sa abot ng mga mata ko, wala ni isang gusaling nakatirik. Ilang kilometro na rin ang nilakad ko at maliban sa mga binatang nagsitakbuhan, wala na akong nakitang ibang taong naglalakad. Ayoko rin namang abutan ng gabi rito. Makikipagsapalaran na lang siguro ako sa bayan.   “Salamat,” mahina kong bigkas.   “Ilagay mo lang ang gamit mo sa likod.” Tiningnan niya ang itak na hawak ko.   Nilagay ko ang itak katabi ng mga naglalakihang timbang walang laman pero amoy isda. Muntik na rin akong mapasigaw nang tumalon ang kulay-abong aso sa likod ng jeepy. “Shoo! Alis!” Pero imbes na matakot ay umupo siya at nakatitig lang sa’kin.   “Aso mo?”   Umiling ako.   “Hayaan mo na. At least may kasama ka.”   Umupo ako sa front seat at inayos ang telang nagsisilbing higaan ni Zorina.   Pinaandar niya ang sasakyan. “Anak mo?”   “Oo.” Umayos ako ng pagkakaupo. “Ako nga pala si Isobel.”   Tumikhim siya sandali, tila sasagot ba o hindi. ‘Di kalauna’y sumulyap siya sa ‘kin. “Sitara.”   Napakamot ako ng ulo. “Sorry if medyo nakakatakot siguro hitsura ko. ‘Di ako pulubi.  Tumakas ako mula sa pinagtrabahuan ko dahil muntik akong gahasain ng katiwala. Nawala rin ibang gamit ko kaya – ” Napatingin ako sa madungis kong histura.   Tumango siya. “Mabuti naman at nakatakas kayo ng anak mo. Kayo lang dalawa?”   “Single mother ako,” prangka kong pahayag.   Napaubo ng konti si Sitara sa sinabi ko. “Narinig kong hindi maganda ang mga reputasyon ng mga single mothers re rehiyong Ornuv dahil sa paniniwala niyo.”   Ngumisi lang ako habang pinanood ang mga naglalakad na mga tao papasok sa isang malaking templo. Base sa pananalita ni Sitara, hindi siya isang Vornian.   “Pinalayas ka ng pamilya mo?”   “Ako ang lumayas.” Mapaklang ngiti ang ibinigay ko. “Pumatol ako sa isang taga-labas. Binuntis niya ako pero nagpakasal siya sa iba.”   Napa ‘tsk’ si Sitara pero hindi siya nagsalita. Pinara niya ang isang nakasalubong na mangangalakal ng iba’t-ibang uri ng dry goods. Nakita kong medyo marami-rami ang binili ng babae at inilagay ang mga ito sa likod ng jeepy. Gusto ko rin sanang bumili ngunit inisip ko baka mas makakatipid ako kung sa bayan ako mamimili.   Bumalik ulit siya sa loob at pinaandar ang sasakyan. “Anong plano mo ngayon, Isobel?”   Biglang umiyak si Zorina at inalo ko muna ang bata bago sumagot, “Sa totoo lang, hindi ko alam.”   “May kakilala ka sa bayan?”   “Wala eh. Nawala rin mga papeles at IDs ko. Pati pera nawala rin.” Humugot ako ng malalim na hininga. “May alam ka bang pwedeng kong mapasukan?”   “Wala akong kilala masyado sa bayan maliban sa mga customers ko tuwing magde-deliver ako ng isda.” Tila nag-iisip pa siya bago ulit nagsalita, “Hindi ka rin naman pwedeng magtrabaho sa night club. Masyadong demanding ang trabaho ron tapos kapapanganak mo pa lang siguro.”   “Night club?” Namilog ang mga mata ko sa narinig.   Natawan siya sa reaksyon ko. “Nakatira ako sa Sunbeam County, ang unang bayan pagkatapos ng rehiyong Ornuv. Maraming mga night clubs don. At hulaan mo kung sino ang mga usual guests ng mga night clubs na napuntahan ko?”   “Vornian?” Napalunok ako.   “Business is business.” Kibit-balikat niya. “Tinatago rin naman ng establishments ang identities ng mga customers pero base sa mga kakilala kong nagtatrabaho don, magaling mag tip ang mga Vornian lalo na kung kukuha ng private rooms.”   “Ayokong magtrabho sa night club,” tanging nasambit ko. Iniisip kong baka may kakilala sa pamilyang Diem. O baka nga kapamilya ko pa ang ibang customers. Too risky.   She snorted. “Actually, mahihirapan ka ring makalusot sa Sunbeam dahil wala kang papeles at galing ka sa rehiyong Ornuv.”   “’Yan ang gusto ng mga Vornians – ang ma-trace ang bawat isa sa’min,” sagot ko. “Feeling ko nga mas nauna pa kami sa national ID kesa buong Namerna eh. Hindi strikto ang mga Vornians sa mga dayong pumasok pero strikto kami sa mga Vornians na gustong lumabas sa rehiyon.”   Nakita namin ang isa pang grupo ng mga babaeng Vornian na naka-bestida at halo-halo ang kulay ng mga belo na papasok sa loob ng isang templo.   “Sunday nga pala ngayon,” bigkas niya. “Gusto mong pumasok sa templo?”   Umiling ako. “Diretso na tayo bago gumabi.”   “Dito lang ba kayo concentrated sa Namerna?” tanong niya habang nakatuon pa rin ang mga mata sa daan.   “Sa pagkakaalam ko oo.  Hindi kasi nomadic ang tribo namin at ilang siglo na rin kami rito. Andito naman lahat sa rehiyon mula sa sports, business, magagandang tourists spots at de kalibreng paaralan. Kami rin ang supplier ng mga minerals na pang-exports kaya ‘di uso ang migration.” Hinimas ko ang ulo ni Zorina. “Unless na lang talaga kung tumulad ka sa’king umibig ng taga-labas at pipiliin ang umalis.”   “Napakahirap siguro ng sitwasyon niyo,” sabi niya habang nagpreno.   Napaisip ako mula sa pagkabata ko hanggang sa napunta ako sa ganitong sitwasyon. “Siguro, kahit nakatira ka sa isang paraiso at nasa sa’yo na halos lahat, kung feeling mo may kulang at agrabyado ka, nakakulong pa rin pakiramdam mo.”   “Gusto mo pa ring umalis?”   “Oo, maganda ang Ornuv pero may mga batas na ‘di ko kayang lunukin. Una, ang arranged marriage. Ikalawa, ‘di maikakasal ang nakababatang babaeng kapatid kung hindi kasado ang nakatatanda.” Napakislot ako.  “Ikatlo, dapat virgin pa rin ang babae bago ikasal at kung hindi ibabalik sa magulang. And guess what? Exile para sa babae. Ikaapat, mahihirapan ang mga single mothers dito dahil sa batas na kailangang buo ang pamilya para sa isang healthy society at dahil sa number three na rin. What do you think about that?”   Umiling-iling si Sitara. “Napaka-komplikado.”   “Gusto kong may magbago pero alam kong ilang taon pa ang darating bago magigiba kahit man lang isa sa mga nasabi kong batas,” mahina kong sabi. “Sana man lang umabot kami sa puntong ‘yon.”   Huminto kami sa isang kainan at bumaba si Sitara habang pinapasuso ko si Zorina. Bumalik siya pagkatpos ng ilang minuto at may dalang take-out boxes. Binigyan na rin ang tahimik na pasahero sa likod.   “Magkano ang share ko?” tanong ko habang inabot ang isang libo. “Sorry, ito lang talaga ang kaya ko.”   “Libre ko na,” tanging sagot niya.   “Salamat talaga.”   Inabutan niya ako ng alcohol at disposable plastic glove. “Kumain ka na.”   Hindi na akon nahiyang kumain. Marami akong katanungan tungkol sa kaniya per pinigilan ko ang sarili at minabuting tumahimik na lang.   “By the way, may nasagap akong balita sa loob. Naghahanap ng maid si Anthony Turgen nitong mga nakalitapas na buwan pero hanggang ngayon ay wala pa ring nakakuha sa pwesto.” Tiningnan niya ako ng mabuti. “Gusto mo bang subukan?”   “Turgen?”   Tumango siya.   “Turgen ang apilyedo ng ama ni Zorina,” sagot ko.   “Well, baka kamag-anak niya ang ex mo o baka naman hindi sila magkaano-ano,” sabi niya.   “Nalaman mo ba kung anong klaseng tao ‘tong si Anthony?” tanong ko. “Ayokong maulit ang nangyari sa’kin sa piggery.”   Kumuha si Sitara ng prutas at kinain ito. “May sikreto akong sasabihin sa’yo. Kilala ko si Anthony Turgen dahil sa common friends. Sa pagkakaalam ko, mabait na tao ‘yan. Eccentric nga lang.”   “Eccentric?”   Sumingkit ang mga mata niya. “Father Anthony ang tawag ng mga close friends niya. To be honest, confident akong tatanggapin ka niya lalo na’t may anak ka.”   Napalunok ako at tinimbang ang sitwasyon. Mahihirapan ako sa bayan lalo na’t may anak ako. Mahihirapan din akong lumabas dahil wala akong papeles. At mahihirapan ako mg pumeke ng dokumento lalo na’t wala akong pera. Siguro uunahin ko muna ang pinaka-achievable na goal sa ngayon.   “Sigurado ka bang matatanggap ako?”   Sumandal siya sa upuan at ngumuya. “Gawin mo ang lahat upang matanggap ka. At kung hindi? Gawin mo pa rin ang lahat. Sa totoo lang, mas kampante ako kung nasa poder ka ni Father Anthony.”   Uminom ako ng tubig at nagpunas ng kamay bago isinilid sa supot ang pinagkainan ko. “Sige.”   Ngumiti siya at pinaandar ang sasakyan. Mag-aalas siete na ng gabi nang huminto kami sa bakanteng lote. Lumabas si Sitara at may kinuhang supot at inabot sa’kin. “Supplies mo for this week. Pagpasensyahan mo na kung ‘yan lang.”   Sinlaki ng mga platito ang mga mata kong nakatingin sa supot. Tila tinusok ang dibdib ko nang kunin ko ang ayuda.“Nag-abala ka pa.”   “Para na rin kay Zorina. Naalala ko lang ang anak ko sa kaniya,” malungkot niyang pahayag. “Anak na ‘di ko man lang nakita.”   Tango ko sa babaeng nakatakip ang buong mukha. “Isa kang mabuting Samaritana.”   “Dumaan ka diyan at makikita mo ang isang bahay sa ‘di kalayuan.” Itinuro niya sa’kin ang shortcut. “Don’t worry, ‘di electric fence ‘yan.”   Sumuong ako sa isang giwang na barb wire. Napasinghap ako nang makita ko ang asong tumalon mula sa jeep at sumunod sa’kin.   Tumawa ang babae. “May body guard ka na ngayon.”   “Salamat talaga, Sitara,” mahina kong sabi. Sumikip ang lalamunan ko. “Hopefully masusuklian ko ang kabaitan mo sa future.”   Tumikhim siya. “May hiling lang ako. Sana huwag mong banggitin ang pangalan ko o kung may magtatanong tungkol sa’kin.”   Nangako ako sa kaniya. Konting hiling lang naman ang hiningi niya lalo na sa ginawa niyang tulong sa amin ni Zorina.   Biglang kumulog.   “Oh sige na at baka maabutan kayo ng ulan. May payong sa loob.”   “Salamat talaga.” Tumalikod ako at paikang naglakad. Hindi na ako lumingon dahil ayokong magbago ng desisyon.    Narinig ko ang pag-alis ng jeepy at tila bumigat ang aking damdamin.  Kumulog uli at tila sumasayaw ang kidlat sa kalangitan. Umungol ang asong sumunod sa’kin.   “Takot ka?” tanong ko. Kinalong ko ng mabuti si Zorina habang inayos ko rin ang pagkakahawak sa supot na ibinigay ni Sitara.   Paika-ika pa rin akong naglalakad dahil ‘di ko nagawang magsuot ulit ng pares ng tsinelas. Nakaupo lang ako sa jeepy buong biyahe at ‘di ko rin namalayang nakapaa lang ako. ‘Di rin ako sigurado kung may tsinelas bang binili si Sitara.   “s**t!” Napaatras ako nang bumungad ang bahay sa ‘di kalayuan.   Lumaki ako sa malaking bahay pero hindi ganitong klaseng nakakatakot na hitsura. Mga three story siguro ang bahay at halatang pinagdaanan na ng panahon. Hindi pa nakakatulong ang galit na mukha nito kung lumiliwanag ang langit dahil sa kidlat.   Umungol ang kasama kong aso.   “Right? Pang horror movies,” bulong ko. Nangangatog ang tuhod kong lumakad at pinilit na lunukin ang takot.   Pero lalong lumambot ang paa ko nang napatingala ako nang makalapit. Gawa sa bricks ang bahay at tantiya kong more than one hundred years old na ‘to. Halatang ‘di naalagaan ng maraming taon. Baka lately lang binili ‘to or ‘di marunong mag-alaga ng bahay itong si Father Anthony.   Dahan-dahan akong lumapit sa pinto at kinapa ang hugis bungong knocker. Malamig ang metal sa aking mga kamay at tila nanunuot ang ginaw sa aking mga buto. Malakas na ginamit ko ang knocker at tila nag-echo sa buong kabahayan ang katok ko.   May biglang sumigaw at awtomatikong napahawak ako kay Zorina. Inayos ko ang aking belo upang ‘di siya masyadong ginawin. Umatras din ng konti ang aso na nasa tabi ko at halatang nagulat ito sa tinig na nanggaling sa loob.   Bumukas ang pinto at lumabas ang isang lalaking nakamaskara ng demonyong payaso.      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD