ZARIN KLAIRE SANDOVAL
__
"K-Klaire para sa'yo..."
Sinundan ko nang tingin ang inabot nitong maliit na kahon na may maliit na ribbon sa gitna.
"C-cookies 'yan... g-ginawa ko para sa'yo. G-gusto ko lang magpasalamat kasi-- kasi dumating ka sa restroom."
"I don't like cookies."
Nag-angat ito ng tingin sa akin at binawi ang dala niya.
"P-puwede ko bang malaman kung anong g-gusto mo? Gagawin ko para sa'yo."
Tiningnan ko pa siya sandali sa mga mata. She was wearing thick glasses. Parati ring nakatirintas sa dalawa ang hindi kahabaan niyang buhok.
"Have you eaten?"
Hindi agad ito nakasagot na tila hindi makapaniwalang tinatanong ko iyon sa kaniya. Mabilis din siyang umiling.
"Join me for lunch."
Nagsimula akong humakbang papunta sa cafeteria. Naramdaman ko naman agad ang pagsunod nito sa likuran ko. Nag-order ako ng pagkain sa counter.
Almost everyone there were looking at us lalo na nang umupo ito sa tapat ko. I could even hear some of them gossiping.
"Lift your head."
Muli itong nag-angat ng tingin sa akin. "H-hindi lang ako sanay nang... m-maraming nakatingin."
"That's why you're eating in the restroom?"
Hindi ito sumagot. Nakita ko ang panginginig ng kamay niya.
"They are suspended for one week, and starting now, you'll eat with me."
"T-talaga, Klaire?"
"I only have allotted ten minutes time to eat."
Mabilis nitong kinuha ang mga kubyertos mula sa baon niyang lunch box. She offered me her food, but I declined. Mabilis itong ngumuya at pilit na ngumiti sa akin.
Wala pang sampung minuto natapos niya na ang pagkain niya pero punong-puno pa rin ang bibig niya. She needed to drink water for her to be able to swallow all of it.
Bago ako tuluyang lumayo, muli akong bumaling sa kaniya.
"In case someone asks, tell them Klaire is your friend."
Sunod-sunod itong napalunok at nakita ko kung paano namula ang mukha niya.
Dumiretso ako sa clinic to start my internship.
"Ms. Sandoval."
Napalingon ako sa taong tumawag sa akin. It was Dr. Rach Chua, a psychologist. He was two years ahead of me.
Nakangiti itong lumapit at nag-abot sa akin ng folder.
"That's for your review. Baka makatulong sa research mo. Kung gusto mo ng quick discussion about it, you can call me. I can spend time with you."
"I'll see you after a couple of hours near the A-7 field then."
Lalong lumawak ang ngiti sa mga labi nito. "I'll see you there."
Nagpatuloy ako sa paghakbang papunta sa opisina kung saan may kasama akong tatlo pang interns sa loob.
They all greeted me as I came in.
Umupo ako sa swivel chair ko at binasa ang mga papel na dinala ni Dr. Abel sa mesa ko. Most of it ay tungkol lang sa mga task ko and some na for reviews.
I made a schedule for it bago ko kinuha ang notebook at pen ko. Lumabas ako ng opisina to take rounds.
There were still on going assessments. May ilang silid akong pinasukan just to listen and observe. I took down notes sa mga bago lang sa experience ko at sa pandinig ko.
"According to your records, you were diagnosed with severe depression. May I know what keeps you going?"
"I don't know," he answered.
Nanatili akong nakatingin rito mula sa salamin. He was quite familiar to me. Sa tingin ko ay nakita ko na siya somewhere in the campus.
"Maybe the strong desire for happiness?"
RITHWELL PRYCE ARANDIA
__
I didn't see Klaire in the library after my class kaya naman naisip kong sa field na lang mag-review dahil mas sariwa ang hangin doon.
Matagal-tagal na rin ako roon nang maramdaman kong lumapit sa akin si Nigel.
"Kumusta? Napagalitan ka na naman ba?"
He chuckled. "Posibleng hindi na tayo sabay na ga-graduate. Napaka-malas naman kasi. Ang hirap mangopya sa'yo kapag essay ang kailangang sagot."
"It's actually easier lalo na kung alam mo ang standard at ang rules. It's easier to explain than choose the correct answer."
"Psh, ang sabihin mo mas madaling pumili. Kahit nakapikit ako kaya kong pumili kung A, B, C, o D."
I chuckled. "I can teach you. Nigel, gusto ko sabay tayong gumraduate. Dalawang sem na lang. Try to do your best."
Ngumiti ito sa akin at tinapik ang balikat ko. "Walang kaso sa akin kung mauuna ka. Excited na nga akong tawaging kang Atty. Rithwell Pryce Arandia. Kita mo? Ang bangong pakinggan. Pautangin mo na lang ako kapag gipit na gipit na kaysa naman gumiling ako sa club. Nga pala, oh." Nag-abot siya sa akin ng isang cup ng fruit juice pagkatapos at bahagyang bumulong sa tainga ko. "Soft drinks 'yan."
Mahina akong tumawa at agad tinikman iyon. Soft drinks nga. Lalo pa akong napangiti at nakipag-toast sa kaniya.
Alam na alam niya talaga kung anong gusto ko. Alam niya ring bawal akong uminom ng soft drinks o kumain ng kahit anong junk food. Lalong alam niya na may mga tao si dad sa paligid na laging binabantayan ang galaw ko.
Kapag gusto kong kumain ng pagkaing pinagbawal sa akin ni dad, nagtatago lang ako.
"Ri," tawag niya sa akin at mapanuksong naglabas ng tinidor mula sa bag niya.
Hindi ako mapaniwalang tumingin sa kaniya.
"You really keep that?"
"Siyempre naman. Kahit dura ni Klaire o hangin niya itatago ko."
"Do you f*****g like her?"
"Siyempre! Sino bang walang gusto sa kaniya rito? Nakita mo ba 'yung ganda na 'yon? f**k. I can always daydream about her."
"f**k off."
"You f**k off," sagot nito sa akin. "Nauna kaya akong magka-crush sa kaniya."
"Wala akong pakialam."
"Kapag naunahan mo ako, papayag ako na sa'yo na. Pero kapag nauna ako dapat maging masaya ka na lang sa akin. Kaya lang... mukhang may nakauna na sa atin, oh?" Kinuha niya ang pisngi ko at binaling iyon sa isang direksyon.
I saw Klaire and a guy talking to each other habang magkatabing nakaupo sa isang bench.
"Who's that?" wala sa loob na tanong ko.
"Hindi mo ba 'yan kilala? Psychologist 'yan sa clinic. Nakikita ko na rin 'yan dati lumalapit kay Klaire. Maybe he's not familiar to you pero nakikita ko na rin 'yan dito dati. Ka-batch natin."
Hindi ko tinanggal ang tingin ko sa mga ito. Kailangan ba talaga nilang magtabi para lang basahin ang iisang papel. Couldn't they just read that loud?
Naramdaman ko ang paglamutak ni Nigel sa damit ko.
"Sakit naman," anito.
Bumuntong hininga ako at agad kong tinapik ang kamay niya roon.
"Gusto mo palitan ko ng alak 'yung soft drinks?" muli pang sambit nito.
"Are they dating?"
Ngumiti ito. "Nagtanong ako sa clinic noong nakaraan. Good news, single daw. Makakahabol ka pa, este-- makakahabol pa tayo."
Tiniklop ko na ang libro ko at tumayo. "Let's go. May klase pa tayo."
"Huh? Hindi natin sila panunuorin? Baka mag-kiss sila."
Nagpatuloy ako sa paghakbang hanggang sa makarating kami sa classroom. As usual we had an oral recitation. It was one of my favorites dahil nagkakaroon ng debates. Iyon naman ang pinaka-ayaw ni Nigel.
Every time na may tanong ang professor sinusulat ko ang sagot dahil siya sa mga paborito nitong tawagin.
Nang matawag siya, dumikwatro agad ako at simple kong dinikit ang papel sa sapatos ko.
Alam ko matalino si Nigel lalo na kapag nakakapag-focus siya sa studies naming dalawa. Ramdam ko lang na hindi niya gusto ang kurso niya. Nabanggit niya sa akin na gusto niyang maging illustrator or film director.
Tapos na ang klase ko nang maisipan kong dumaan sa clinic.
Sinalubong agad ako ni Dr. Abel na nagkataong nadaan ako.
"Mr. Arandia," nakangiting bati nito.
I guess masyadong sharp ang memory niya. Sa dami nilang in-assess, naalala niya pa rin ako.
"Hello, what can we help you with? May kailangan ka ba?"
"Ah..." Wala sa loob na tumingin ako sa paligid.
"Oh, may hinahanap ka?"
"I was just... wondering kung nasa office pa si Ms. Sandoval. May itatanong lang sana ako."
"Ah, kaaalis lang. May ginagawa kasi siyang research. Baka dumiretso na sa library."
I tried to smile at her. "Thanks, doc."
Ngumiti din naman ito sa akin. "No problem, Mr. Arandia."
Pinuntahan ko siya sa library na madalas niyang puntahan pero wala siya roon. Naisip kong puntahan siya sa exclusive library dahil nandoon na halos lahat ng libro. Masyado iyong malawak na halos hindi na napapansin ang ilang nandoon dahil hindi naman lahat ay may access. Some students could still request books from there. They just needed a proof na kailangan talaga nila ang librong hinahanap nila.
Tiningnan ko ang paligid ko sa bawat paghakbang hanggang sa makita ito sa harap ng isang shelf na tila ba may hinahanap na libro.
Pinagmasdan ko siya sa ilang sandali bago ako simpleng lumapit sa kaniya. I made sure there was a space between us.
Kumuha rin ako ng libro sa shelf at nagkunyari lang na binubuklat iyon.
"What do psychologists suggest to their patients who can't sleep at night?"
Nagpatuloy siya sa pagbuklat ng nakuhang libro at sandali pa kaming kinain ng katahimikan bago ito sumagot.
"They assess them by asking a few questions."
"Like what kind of questions?"
"Your thoughts before trying."
"Ikaw."
Hindi ito sumagot sa ilang sandali bago tuluyang bumaling sa akin. Nakaramdam na naman ako ng labis na kaba sa dibdib ko na para bang kakawala na ang puso ko ano mang oras
"Ikaw 'yung nasa isip ko," I added.
I just thought... walang dahilan para patagalin ko pa.
"I can't sleep last night. Your face kept appearing on my mind until... I just stayed late night doing this." Bahagya kong inangat and dala kong bulaklak na gawa sa papel. "Iginuhit kita. I thought it was a chance dahil malinaw ka sa isip ko."
Alam kong hindi niya iyon kukuhanin kaya iniwan ko iyon sa shelf.
Muli akong simpleng humugot ng malalim na hininga na habang namamawis pa rin ang buong katawan.
"Siguro masyadong mabilis para sa'yo pero hindi para sa akin. I've been watching you from the rooftop. You were always at your favorite spot reading your books. I always have this... strange feeling. It's hard to put into words. Ang alam ko lang..." Muli akong napalunok habang nakatingin nang diretso sa mga matang iyon. Kusang kumuyom sa kamao ang mga palad kong namamasa at nanginginig. "Klaire, I like you."