RITHWELL PRYCE ARANDIA __ "Mom, please get better..." mahinang sambit ko habang marahang hinahaplos ang kamay nito. Hindi ko mapigilan ang pag-iinit ng mga mata ko. "I miss you." Madalas ko pa ring ikuwento sa kaniya ang magagandang bagay na nangyayari sa buhay ko. Madalas ko pa ring dalhin sa kaniya ang mga papel ko kung saan perpekto lahat ng scores ko. Gustong-gusto kong sinasabi sa kaniya kung ilang taon na lang at malapit na akong maging abogado. It was both our dreams. It was my dream for myself and it was her dream for me. Bago siya ma-comatose, kitang-kita ko sa mga mata niya ang kislap at excitement habang nangangako ako na matutupad lahat ng pangarap ko. She had always been so proud. Gusto kong pigilan ang pamamasa ng mga mata ko pero hindi ko na napigilan ang isang buti