RITHWELL PRYCE ARANDIA
__
Sinadya kong hinatayin siya sa hallway kung saan siya madalas dumaraan pagkatapos ng klase niya.
Hindi ko napigilan ang pagbuo ng bahagyang ngiti sa mga labi ko nang matanawan ko na ito. I liked to see her straight-face. Bagay sa kaniya ang maalon niyang buhok na halos lampas lang ng balikat ang haba. I was also used to seeing her in formal clothes. She was just wearing a white sneakers pero ibang-iba pa rin ang dating niya sa suot na nude trousers, white top and coat.
Hinintay ko itong makalapit sa akin habang sukbit ko ang backpack ko sa kaliwang balikat ko.
Parati itong tila walang pakialam sa paligid niya. Lumagpas siya sa akin pero agad akong nagsalita na siyang ikinahinto niya.
"I heard I'm still under monitoring."
She turned her back and looked me straight in the eyes. Nakaramdam agad ako ng kung anong kislot sa dibdib ko.
I still tried to remain composed.
"I... also heard you're obsessed with people's characteristics and attitude. I was wondering if you are planning to personally investigate me."
Those hazel eyes looked so appealing. Tila ba kaya akong dalhin sa ibang panig ng mundo.
Wala sa loob na nag-abot ako ng papel sa kaniya mula sa bulsa ko. Sinundan niya iyon ng tingin.
"That's my class schedule and my studying schedule. You can join me for lunch, or you can join me during my studies."
Bahagya akong ngumiti sa kaniya nang muli siyang bumaling sa akin.
"See you."
Nagsimula na rin akong humakbang palayo. Somehow I knew she would come to me. Kung ang monitoring ang magiging way para lumapit siya sa akin, I wouldn't mind. Hahayaan ko siya and it would be my pleasure.
"Let's give Mr. Arandia a round of applause for a perfect score," sambit ng professor ko na nakatayo sa harapan.
Agad nagpalakpakan ang mga kaklase ko lalo na si Nigel sa tabi ko.
"Ibang klase talaga. Dumugo ilong ko sa exam tapos sa'yo maning-mani?"
Napangiti ako nang iabot sa akin ng professor ko ang papel ko.
Inagaw agad iyon sa akin ni Nigel. "Let me review it. Baka sakaling makahabol ako sa'yo."
Inagaw ko rin iyon sa kaniya. "I have to show it to dad."
"Mr. Nigel Velasco, maiwan ka after class. May itlog sa papel mo."
Napakamot agad ito sa ulo. Napangiti ako sa reaksyon niya at marahang tinapik ang balikat niya.
"Ayos lang 'yan. There's always tomorrow."
Mag-isa akong dumiretso sa cafeteria dahil siguradong mahaba-haba ang pag-uusapan nila.
Madalas libre ang pagkain ko dahil lagi akong nakakuha ng perfect score sa mga exams. Sa Sanville kapag nakakakuha ka ng A+ nagbibigay sila ng badge trough our university email. That badge would give you privilege to access eveything in the campus, including the play area, bar with free drinks and food, pool area, exclusive library, private rooms, at marami pang iba.
Sa main cafeteria ako nagpunta dahil mas marami silang option ng pagkain, although may sariling cafeteria ang bawat department.
Naghanap ako ng bakanteng upuan at tahimik na kumain.
Hindi pa ako nagtatagal doon nang mapansin kong may nagbaba ng tray sa harapan ko. Nag-angat ako ng tingin at bahagya akong naningas nang makita ko... si Klaire.
I suddenly felt so conscious. Wala sa loob na inayos ko ang pagkain sa tray ko.
"H-hi..." alangang bati ko.
Sandali itong nag-angat ng tingin sa akin pero muli rin nitong binigay ang atensyon sa pagkain niya na inaayos niya sa harapan niya.
Hindi ko na naman mapigilan ang kung anong kabog sa dibdib ko.
"You're a vegetarian?" tanong nito nang hindi nag-angat ng tingin sa akin.
Wala sa loob na tiningnan ko ang tray sa harap ko. It was full of fruits and vegetables.
"Ah... no. Just healthy living."
Nagsimula na niyang kainin ang pasta sa pinggan niya at hindi ko alam kung bakit napatitig na lang sa paggalaw ng panga niya sa pagnguya.
Agad naman akong natarantang bumaling sa pinggan ko nang nag-angat siya ng tingin sa akin.
Hindi pa ako nakakaramdam ng ganoong klase ng kaba.
Hindi ko pa rin maiwasang sulyapan siya. Even the way she put the fork inside her mouth was so astonishing. Noon lang ako nagkaroon ng pagkakataon na tingnan ang buong parte ng mukhang iyon nang malapitan.
Napaka-pino ng balat niya. Para rin iyong papel na walang kahit anong dumi. It looked so soft and gentle.
Napaka-linis ding tingnan ng mukhang iyon. Everything on it was so perfect. Hindi na ako magtataka kung bakit marami ang gustong sumilip sa bintana sa tuwing dadaan siya at maraming kababaihan sa campus ang inggit na inggit sa kaniya.
Para talaga siyang bituin na mahirap abutin. Maganda, matalino, pinaka-mayaman sa bansa... napaka-suwerte ng taong pipiliin niya.
Wala sa loob na napalunok ako nang muli siyang tumingin sa akin. I simply cleared my throat.
"Nabasa mo na ba 'yung librong binigay ko?"
"How much is it?"
"Ms. Sandoval, not everything is for sale."
"I don't just accept anything from a person I barely know."
"Is that so? Ganito na lang... bigyan mo na lang ako ng kapalit. Any books na hindi mo na kailangan o hindi gusto mo nang itapon."
Muli itong sumubo ng pasta at ngumuya iyon na hindi tinatanggal ang tingin sa mga mata ko.
I smiled a little. "May dumi ka sa gilid ng labi."
Muntik na akong hindi makahinga nang bahagyang lumabas ang dila niya para basahin ang ibabang labi niya. She wiped the side of her lips using a napkin at napalunok na lang ako.
"Gusto mo ng vegetable salad?" I offered.
"I'm done."
Halos nakalahati niya lang ang pasta sa pinggan niya pati iyong sandwich.
Sinundan ko na lang siya ng tingin habang may kabog pa rin sa dibdib ko.
Naramdaman ko na lang na muling may umupo sa tapat ko.
"Grabe ka na, Rithwell!" sigaw sa akin ni Nigel na puno ng excitement ang mukha. "Perfect mo naman yata masyado? Naka-score ka na nga sa exam pati kay Klaire umiiskor ka? Ano 'yon, huh?"
Hindi ko mapigilan ang ngiti sa mga labi ko.
"Psh, plato niya 'to, 'di ba?"
"Hey," suway ko sa kaniya nang simulan niyang kainin ang natira nitong pagkain.
I looked at him in disbelief habang paulit-ulit niyang sinubo ang tinidor na ginamit nito at sinadya niya pang dila-dilaan.
He closed his eyes and sighed. "Ang sarap..."
"You asshole," sambit ko.
Napailing na lang ako habang pinapanuod ko ito. Kahit kailan puro talaga siya kalokohan.
Hindi ako makapaghintay na matapos ang klase ko after lunch para abutan ko pa ito sa library.
I again smiled nang makita kong wala itong kasalo sa table.
Tamang dala ko ang isa sa mga law books ko at dumiretso na ako sa table niya.
Simple kong pinagmasdan ang ilang librong nasa harap nito. Psychology book halos lahat ng mga iyon. Binuklat ko ang libro ko at nagkunyaring binabasa iyon kahit ang totoo ay sa kaniya lang ako nakatingin.
I watched her read the book, highlight it, and write on it.
Mahina akong tumikhim. "Is it true that psychologists can read minds?"
She continued to write in the book but still answered my question.
"They are not Professor X."
Mahina akong tumawa. "I didn't expect you were watching marvels. I know you are observant, but don't you think nagkamali ka sa akin?"
"It's not too difficult to spot a liar. Voice, movement, expression, eyes, and how they answer questions."
I again gulped nang tuluyan itong bumaling sa akin.
"I can sense nervousness so well. Next time If you have plans to deny, don't make it too obvious."
"You can't tell if someone is lying by just looking at them, right? You can't say something is a lie unless you have the truth."
"You need an instinct and the details that triggered the guts. After sensing the lie, that's when you seek the truth. Truth doesn't have to come first."
Habang nakatingin ako sa kaniya at habang pinapakinggan ko siya makiramdam ko may kung anong lumalalim sa dibdib ko.
I wanted to trigger her more for a conversation pero naramdaman kong may humawak sa balikat ko.
"Ri, can you help me with our topic earlier? Look..." Dinala nito ang notes niya kasama ng libro sa ibabaw ng mesa. "I can't really understand why ito 'yung answer, e. I've been trying to read the question so many times. Can you help me, please?" malambing na tanong nito.
Wala sa loob na muli akong bumaling kay Klaire na noon ay nakatingin lang sa librong dinala nito sa mesa.
Akmang uupo siya sa silya pero marahan kong kinuha ang braso niya.
"Shin, doon na lang tayo sa kabilang table."
Kinuha ko ang libro ko at ang sa kaniya bago ko siya marahang hinila sa kabila. Ayoko lang maabala si Klaire at maingayan ito sa aming dalawa.
Hinila niya ang silya palapit sa akin at naramdaman ko ang pagsiksik ng mukha niya sa braso ko habang nakatingin sa libro niyang hawak ko. Hindi lang naman siya ang kaklase ko na nagpapatulong. It was fine with me kung may spare time ako.
I tried to explain to her the question and the article related to it. It was a bit tricky kaya naiintindihan ko kung bakit hindi niya agad maintindihan. I thought it was her only question pero marami pa siyang itinanong sa akin habang nakahawak at nakasubsob pa rin sa braso ko.
Wala sa loob na bumaling ako sa direksyon ni Klaire nang marinig kong may bumati sa kaniya.
"Hi, Klaire. You look so pretty today. May gagawin ka ba mamaya?"
"Ri," tawag sa akin ni Shin, "can I have your full attention, please?"
Wala sa loob na binaling ko ang at atensyon sa libro pero pinakinggan ko pa rin ang lalaking iyon.
"We can have dinner if you want to. May bagong tayong restaurant ang parents ko malapit dito. You'd love it."
My jaw automatically clenched. Binitiwan ko ang hawak kong libro at wala sa loob na tumayo.
Pinuntahan ko ang direksyon nila at marahas na kinuha ang damit ng lalaking iyon patayo sa silya.
"Stop disturbing her," malamig na sambit ko.
Marahas naman nitong tinabig ang kamay ko.
"Sino ka ba at anong problema mo, huh?"
Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko para isara ang libro ni Klaire. Kinuha ko ang mga iyon at inabot ko ang kamay niya patayo.
"I know a quiet place," malamig na sambit ko.
Nagsimula kong hilahin siya sapat lang para makasunod siya sa akin nang maayos pero nakakailang hakbang pa lang ako nang tumunog ang cellphone niya.
Napahinto ako. I saw her answered the call nang hindi tinatanggal ang tingin sa akin.
I also didn't realized na totoong kinuha ko ang kamay niya nang bawiin niya iyon. She grabbed her books from my hand.
"I'll be there," sambit nito sa kausap at muli kong nakasalubong ang mga mata nito bago ito tuluyang umalis.
Sinundan ko siya ng tingin hanggang sa mawala siya sa mga mata ko.
Wala sa loob na tiningnan ko ang kamay kong humawak sa kamay na iyon na para bang kutson sa sobrang lambot.
Kusa iyong umikom habang may malakas na kabog sa dibdib ko.
Damn...
Kailan pa ako nagkaroon ng lakas ng loob na kuhanin ang kamay na iyon?