SA MANILA. "Diyos ko! Ano nangyari sa anak ko? Napakahalang ang kaluluwa ng gumawa mito sa kanila. Hayop lamang ang gagawa ng ganitong karumal-dumal na krimen. Oh Ariel, anak ko!" Panghoy ni Mister Ortiz ang ang ni Ariel. Halos mabaliw-baliw ito ng malaman ang sinapit ng anak, hindi nito matanggap na wala na ang kaniyang unico hijo. Hindi niya matanggap ang masamang balita na iyon, na ang anak niya ay patay na at ang masaklap pa karumaldumal ang pagpatay dito ng mga bandido. Napag-alaman niya na buhay ang asawa ng kanyang anak pero wala ang kanyang apo, hindi natagpuan ang bangkay nito pero ang bangkay ng kanyang anak ang natagpuan ng mga militar at pugot na daw ang ulo halatang pinahirapan ng husto ang kanyang anak. Sising-sisi siya sa ginawa. Sana hindi na lamang siya nagsumbong s