"K-Kuya gutom na gutom na po ako tsaka bakit po wala tayong ilaw sobrang dilim po nakakatakot baka kung may multo dito," umiiyak na wika ni Marilag kay Arlott na noon ay nakaupo lang din sa tabi niya. Hindi siya sumagot dito bagkus napabuntong hininga na lamang siya at nag-iisip kung papaano ba siya maghahanap pa ng pagkain kinabukasan. Lalo na at kasama niya si Marilag na ngayon ay umiiyak na nga dahil sa sakit ng tiyan dahil sa gutom. Gusto niya itong pagalitan at sabihin dito na wala nga pero baka naman lalo lang lumakas ang pag-iyak nito dahil wala naman siyang maibigay na pagkain ng maaari pang pantawid-gutom nila. Inabot na sila ng dilim sa loob ng kweba at tanging tanglaw lamang ay ang sinag ng buwan, ito ang nagsisilbing ilaw nila doon. Kanina pa rin ito umiiyak dahil humihin