"Mga hayop sila! Hayoop! Pinagpasa-pasahan nila ako. Sa harapan pa mismo ng asawa ko. Diyos ko, ano bang kamalasan ito sa atin, bakit nangyari ito sa atin?" umiiyak na wika ni Ellen.
Mahigpit silang nagkayap, hindi nga lang ito masyadong makakilos dahil nakatali ang katawan nito sa puno, maging ang asawa nitong si Ariel.
Siya naman naiiyak din, awang-awa siya sa sinapit nilang dalawa sa hayop na pinuno ng mga bandido. Pero mas malala pala ang ginawa kay Ellen, pinagpasa- pasahan ito.
"Hindi na yata tayo makakaalis dito eh, paano na ang mga anak natin? Paano kung patayin nila tayo, lalo na't wala naman kaming pambigay na pera sa kanila. Pano kung patayin nila tayo, pati na ang mga anak natin?" umiiyak na rin na wika niya dito. Hindi maalis sa kanyang isipan ang ginawang pambababoy sa kanya ng lalaki.
"Makakaalis pa rin tayo dito at mapapanagot natin ang mga hayop na iyan sa kababuyang ginawa sa atin." humihikbi pa rin wika nito.
"Honey, okay ka lang ba diyan? Sorry dahil sakin binugbog ka nila. Konting tiis nalang makakaaalis na tayo dito, may awa ang Diyos." wika din ito sa asawa.
"Huwag mo akong intindihin asawa ko patawad kung hindi kita naipagtanggol kanina." Umiiyak na wika ng asawa nitong si Ariel.
SAMANTALA
"Boss nakontak na ba ni Ka Lito ang pamilya ng mga bihag?" tanong ni Bogart sa leader nila.
Nais lamang niyang makatiyak kung talagang may mapapala ba sila sa mga bihag lalo na at gigil na gigil na rin siya sa dalawang babaeng kahit na may mga anak na ay napakagaganda pa at ang si-sexy pa. Nakakapikon nga lang ang hayop na pinuno nila at inunahan pa siya pinagpasa-pasahan pa ang isa. Hindi man lamang siya hinintay na siya na lamang sana ang nag segunda dito. Pinabayaan galawin ng kanyang mga kasamahan iyong isang babae na mas trip niya sana ito.
"Si Lito na ang bahala sa lahat kaya maghintay na lamang tayo. Tsaka bakit yata nangingialam ka sa ransom money? Dati naman hindi ka nangingialam?" kunot noong tanong nito sa kanya.
"Boss naman nagtatanong lang naman ako. Wala naman siguro masama magtanong diba? Pero pagkatapos natin makuhang ransom money, anong balak mong gawin sa mga iyan?" tanong ulit niya sa kanyang kanilang pinuno.
"Syempre tigok, wala tayong bubuhayin sa mga yan! Nakita na nila ang ang mukha natin siguradong mapapahamak tayo kapag hindi natin tinuluyan ang mga iyan," wika ng kanilang pinuno.
"Boss pwede bang ano, albor ko na iyong isa.Gusto kong asawahin, alam mo naman na matagal na akong walang babae sa buhay mukhang tinamaan ako diyan sa isa," Pakiusap niya sa kanyang boss.
"Ikaw ang bahala kung yan ang gusto mo basta hindi mapapahamak ang ating grupo." pagsang-ayon naman nito.
"Salamat boss, pangako magiging tapat ako sa inyo palagi." maluwang ang pagkakangiting wika niya sa kanyang boss.
Maya-maya ay minabuti niyang lumapit doon sa babaeng natitipuhan niya. Gusto niyang pigilan ang pananakit dito kanina nang kanyang boss pero ayaw naman niyang madamay. Ilang beses itong pinagsasampal ng kanyang boss hanggang sa dumugo ang bibig nito. Awang-awa tuloy niya sa babae pero wala naman siyang magawa kaya iisa lamang ang nasa kanyang isip. Kapag may pagkakataon siya papatayin niya ang kanilang boss, na akala mo ay boss talaga kung umasta samantalang silang grupo naman ang halos kumikilos ng lahat. Wala talaga itong ambag, puro lang ito mando sa kanila ng gagawin. Tingin nito sa sarili ay napakataas.
"Kumusta ka na baby, masakit pa rin ba pisngi mo?" masuyong tanong niya sa babae sabay hawak sa pisngi nito pero umiwas ito at dinuraan niya sa mukha.
"Layuan mo ako hayop ka! Nakakadiri ka kaya wag mo akong hawakan!" galit na singhal ko sa kanya.
Agad na pinahid niya ang laway nito na tumalsik sa kanyang mukha at isinubo iyon.
"Uhmmm... malinamnam, manamis-namis pala ang laway mo baby. Mukhang lalo yata akong mababaliw sayo kapag hindi ka naging akin!" Tila nakakalokong wika nito tsaka pinisil niya ang pisngi nito gamit ang malaki niyang kanang palad at saka siniil ito ng halik sa labi.
Nagpapalag ang babae kahit na nakatali ito hindi naman kasama ang kamay kaya pinagsasampal siya nito, pero pinigilan niya ang kamay nito at nagpatuloy lamang sa pagsibasib sa manamis namis nitong labi. Ang asawa naman ito ay galit na galit at kung ano-ano ang sinasabi pero walang magawa dahil nakatali.
Ang isa pa namang babae ay umiiyak na lamang na umalikod dahil tinatakpan nito ang mata ng dalawang bata marahil ayaw nitong makita ang kahalayan niya sa babae. Pero ilang araw nalang naman ay mawawala na rin sa mundo ang mga ito kaya okay lang kahit makakita ito ng kamunduan.
"Bogart wag muna, pagod pa iyong tao. Nakailang rounds kami diyan kanina kaya pahinga mo muna. Bukas ka na lang ng gabi," nakangising wika ng kanyang boss.
"Hayop kayo mga walang hiya! Mga demonyo!" umiiyak na wika ng babae.
Napangisi siya dahil sa tinuran nito at mariin ulit na ginawaran ng halik sa labi.
"Wag ka ng magtampo baby, bukas na lang ha. Bukas ko na lang itutuloy para naman mas ma-enjoy mo kung paano kita kant*tin." Tila nakakalokong wika pa niya dito tsaka humalakhak pa siya.
Alas kwatro ng madaling araw nagpatuloy sa paglalakad ang grupo. Hirap na hirap ang lahat sa pag-akyat lalo na ang mga bihag dahil hindi talaga sila sanay umakyat sa gano'n katarik na bundok. Muli ring hinayaan ng mga bandido na walang tali ang kanilang mga kamay lalo pa't kargang kanyang asawa ang kanilang anak na si Marilag. Hirap na hirap kasi ang batang maglakad lalo na at may dinadaanan din silang talahiban at sapa. Isa pa hindi niya alam kung ano ang bundok na kanilang tinatahak pero natitiyak niya na isa ito sa bundok na pinaka mataas dahil simula kahapon at hanggang ngayon na magtatanghali na naman ay hindi pa rin sila nakakarating sa tuktok.
"Pahinga muna tayo konting oras nalang, konting lakad nalang nandon na tayo sa pinagkukutaan namin," anunsyo ng leader.
"Mas mabuti pa'y mauna na kami ng makapagluto ng makakain para sa pananghalian," wika naman ng isang lalaki.
"Mabuti pa nga at ako ay nagugutom na rin, sige mauna na kayo." wika naman ng pinuno ng mga ito.
Marahil napagod din, kaya nagpahinga muna sila. Kahit na pagod na pagod ay pinilit pa rin ang mag-asawang Benitez na maging alisto kahit na parang nais na lamang nilang humilata sa daan na iyon na kanilang pinagpapahinga dahil sobrang pagod na pagod talaga sila. Lalo na ang mag-asawang Ortiz na halata pa rin ang pambubugbog dito ng mga hayop.
Nagpaalam si Nelly na iihi sa unahang bahagi ng pinag pahingahan nila. Kaninang-kanina pa kasi talaga siya naiihi at natatakot lamang siya na magsabi sa mga ito mabuti na lamang at nagpaalam siya ay pumayag naman ang hayop na pinuno. Tila nakakaloko pa itong ngumiti sa kanya. Kaya medyo natakot siya kaya minabuti niya na isama si Marilag at maging si Arlott sa pagpunta niya sa may banda doon.
Ilang sandali pa at nakarating na sila sa lugar natatanaw niya ang mga ito. Pero batid niya na hindi siya matatanaw ng mga ito kapag umupo na dahil medyo mahaba ang mga talahib doon.
Napansin niya ang tila kweba ng nandoon sa mismong iniihian niya may makipot lamang iyon na daan na tila patungo sa loob. Hindi pa naman siya tinatawag ng mga ito kaya minabuti niya na i-check muna ang kwebang iyon sa isip-isip kasi niya baka magamit nila iyon kung sakali, maaari nilang pagtaguan ito. Isinama niya si Marilag at Arlott sa loob, makipot ang daanan papasok at hindi nga ito basta-basta mapapansin ng kung sino man dahil puro talahib at nakukulapulan ng mga damo ang pinaka bukana ng kweba.
Napaawang ang labi niya dahil maluwang sa pinakang loob ng kweba at ang nakakatuwa pa ay may tila lagoon sa loob niyon.
"Ang ganda naman po dito Tita Nelly dito na lang po kaya tayo tumira kesa naman po kasama natin iyong mga bad na mga lalaki na iyon." Wika ni Arlott sa kanya.
"Pwede anak, pero kung hindi man palarin na kami ay makaligtas. Dapat kahit kayong dalawa lang ni Marilag. Kaya makinig ka sa akin ha kapag nagkaroon ng hindi o kung ano ang mangyari sa amin ng iyong mga magulang mangako ka sa akin na dadalhin mo dito si Marilag. Dito kayo magtagong dalawa kapag makatakas kayo. Dito natitiyak ko na ligtas kayo dahil hindi ito basta-basta malalaman na may tao sa loob. Diba sabi ng Daddy mo, big boy ka na kaya kung ano ang mangyari sa amin ng papa niya Marilag. Mangako ka sa akin na ikaw ang mag-aalaga at poprotektahan sa kanya laban sa masasamang loob?" wika niya sa batang lalaki.
Duda kasi talaga siya kung makaligtas sila ng buhay matapos makuha ng mga bandido ang hinihinging ransom money sa pamilya nina Ellen. Lalo naman sa kanila na wala silang maibibigay siguradong papatayin din sila ng mga ito kaya naman kahit ang mga bata na lang ang makaligtas..
Naipagpasalamat tuloy niya na nagpaalam siyang umihi dahil nakita niya ang kwebang ito na maaaring pag kublihan ng mga bata.
Pero hindi basta iyon matutunton ng mga bata kung hindi siya gumawa ng paraan kaya naman may nakita siyang mga bato na maliliit na kakaiba ang kulay, may mga puti brown at merong grey, minabuti niya na po duty ngayon.
"Arlott, nakikita mo ba ang mga bato na ito? Ito mga bato na simula sa labas ng kweba ay ihuhulog natin hanggang sa makarating tayo doon sa pupuntahan natin na kuta ng masasamang loob na iyon. Basta kapag sinabi ko na umalis kayo at kailangan ninyong magtago dito sa kweba. Wala kayong ibang susundan kundi ang mga batong ito ha, ihuhulog ko ito simula dito sa kweba hanggang sa makarating doon sa tuktok ng bundok na sinasabi ng pinuno ng mga bandido." mahabang wika niya sa bata.
Hindi niya maiwasang hindi maluha sa isiping binibilin niya sa isang paslit ang kanyang anak na si Marilag na paslit din na katulad nito. Pero mainam na iyong handa sila. Naintindihan naman naman ang batang paslit na si Arlott ang nais niyang sabihin dito, pinapaintindi talaga niya dito para sa kaligtasan ng mga ito.
"Opo Tita Nelly, naiintindihan ko po. Promise po poprotektahan ko palagi si Marilag mula sa mga bad person na bumihag po sa atin. Pupunta po kami dito para po magtago." Wika ng batang lalaki, nakahinga naman siya ng maluwag dahil naintindihan nito ang nais niya.
"Salamat anak, halina kayo baka hinahanap na nila tayo." Nakangiting aya niya sa salawa.
Pagkuwa'y bumalik na sila sa kanilang mga kasamahan pero syempre naghuhulog siya ng bato at nakikita naman iyon ng paslit na si Arlott tinatandaan niya gaya ng ng bilin dito ni Nelly. Hanggang sa makarating sila sa kuta ng mga bandido, sakto lang din na naubos na ang bato.
ITUTULOY