Pagdating nila sa sinasabi ng mga bandido na kuta ng mga ito ay tila pansamantala lamang din na ginawang kuts ang lugar na iyon. Dadalawa lamang ang ginawang kubo-kubo doon at yari lamang din sa pinag tagni tagning tuyong dahon ng niyog at ang bubong niyon ay yari lang din sa nipa.
Dalawa ang bale kubo na nakatayo duon, pero mukhang bago pa lamang din dahil medyo sariwa pa nga ang bubong na nipa ng kubo. Naabutan nila doon ang tatlong kalalakihan na nagpresenta ng magluluto. Sobrang pasasalamat na lamang nila dahil matinong pagkain ng inihain ng mga ito sa kanila. Parang inihaw na native na manok ang ulam at may kanin din. Sa sobrang gutom ng mga paslit ay nilantakan agad ng mga ito ang inihaw na manok.
Tanghaling tapat na kasi ng makarating sila sa pinaka ang kuta ng mga ito mabuti na lamang at may makakain ng matino dahil sa totoo lang kahapon pa sila gutom na gutom. Uhaw na uhaw din sila dahil kapag may madaanan lamang sila ng sapa saka sila umiinom doon.
"Ellen mukhang iba ang pakiramdam ko talaga kanina pa sila seryosong nag-uusap. Ang pinuno ng grupo at ilan sa mga tauhan niya, nangangamba ako na baka kung anong gawin niya sa atin." nag-aalalang wika niya kay Ellen.
"Kailangan nating kumalma at makiramdam. Pero kung ito ang talagang kapalaran natin, at may nais silang gawing masama sa atin wala naman na rin tayong magagawa kundi tanggapin na lamang natin dahil wala rin tayong laban sa kanila." tila nawawalan ng pag-asang wika ng lamang ni Ellen.
Kahapon ay ito ang nangunguna na nagsasabing wag silang mawawalan ng pag-asa, ito pa nga ang nagsabi na lakasan niya ang loob niya pero dahil siguro sa nangyari dito kaya tila nawala na ito sa sarili at nais na lamang na magpaubaya.
"Asawa ko, wag kang magsalita ng ganyan may pag-asa pa tayo. Kapag ka nakawala tayo dito magsisimula tayo ng panibagong buhay kaya huwag ka sanang mawalan ng pag-asa isipin mo ang anak natin." wika naman ni Ariel at bahagyang hinagod ang likod ng asawa.
Naluha na lamang siya tsaka bahagya niyang tinapik ito sa balikat.
Sa totoo lang hindi rin niya alam kung ano ang sasapitin nila sa kamay ng mga bandidong ito. Naranasan na nila ang babuyin at ituring na parang hayop ng mga ito, sana lamang ay makaligtas pa sila sa kamay ng mga walang hiyang ito.
Sana lang din ay managot sa batas ang mga bandido dahil sigurado siya nahindi lang sila kundi marahil marami pang nabiktima ang mga ito. At marami pang mabibiktima kung hindi masasakote ng kinauukulan ang grupo.
Sana lang kahit na ang kanilang mga anak na lamang ang makaligtas kahit hindi na sila basta ang mga bata na lamang. Nangangamba siya na baka pati ang mga bata ay hindi makaligtas sa kalupitan ng mga ito lalo na ang kaniyang anak na si Marilag.
"Mama, kain ka na po wag ka na pong umiyak," inosenteng wika nito sa kanya sabay pahid ng kaniyang luha.
Malamlam ang mga matang napatitig na lamang siya sa dito na noon ay masaya ng nilalantakan ang hita nang inihaw na manok, tila hindi nito alintana na nasa panganib sila. At gano'n din ang batang si Arlott na nakangiti pa habang kumakain.
Ang mag-asawang Ellen at Ariel naman ay magkayakap dahil sinusubukan ni Ariel na pakalmahin ang asawang si Ellen dahil umiiyak na naman ito, marahil naiisip na naman nito ang kababuyang ginawa dito ng grupo.
Siya naman ay naglalakas- lakasan lamang ng loob at kunyari ay matibay, pero ang totoo diring-diri siya sa kanyang sarili. Diring-diri siya sa kanyang katawan at kung maaari nga lamang ay nais niyang linisan ang kanyang katawan na binaboy ng hayop na pinuno ng mga bandido. Ngunit wala rin naman siyang damit na pamalit lalo na at punit-punit na nga ang kanyang blouse. Pasalamat na lamang siya ay kahit papaano natatakpan pa rin niyon ang maselang bahagi ng kanyang katawan.
"Tang*na! Anong ibig sabihin na ayaw magbigay?!" nagulat sila ng dumagundong ang boses ng pinuno matapos na pakawalan ang isang kalapating hawak-hawak nito.
Hindi nila alam kung mensahero ang kalapating iyon. Medyo kinabahan siya sa galit na nababanaag niya sa mukha ng pinuno ng mga bandido, mas lalong bumangis ang anyo nito. Mukhang may mensahe ngang hatid ang kalapati, kakaiba nga dahil sa panahon ngayon may gano'n pa pala.
"Boss pano yan, iyong isang pamilya pala eh wala namang kakayahang magbayad sa atin." Wika ng lalaking tinatawag na Bogart.
Kusa namang napatigil sila sa pagkain at nahihintakutan na napatingin sa pinuno na nuon ay tuluyan ng nagwawala.
"Wala naman palang pakinabang ang mga hinayupak na to eh!" Nanlilisik ang mga matang gigil na gigil na lumapit sa kanila. Agad na inilabas nito ang kwarente y cinta na baril at itinutok sa ulo ni Roland.
"Huwag! H-H'wag po, parang awa niyo na wag nyong patayin ang asawa ko! Gagawin ko ang lahat, wag niyo lang siyang patayin. Wala naman po kaming kasalanan sa inyo eh, bakit ba ganyan ang trato n'yo sa amin? Kahapon pa namin sinasabi sa inyo na wala kaming ganoong kalaking pera dahil mahirap lang naman kami. Bakit kasi pinilit mo pa kami isama dito, wala naman kami talagang pera!" umiiyak na pahayag dito ni Nelly saka niyakap niya nang mahigpit ang kanyang asawa na noon ay natututukan ng baril ng pinuno ng grupo sa ulo.
"Tangina kahit 500, 000 pesos hindi ma- afford ng pamilya ninyo! Wala kayong mga pakinabang mga hayop kayo, at kayo naman napaka-mayaman ng pamilya ninyo pero ayaw magbigay ng ransom money ng papa ninyo. Kaya ano pang silbi ninyo kung hindi rin naman namin kayo mapapakinabangan wala na akong makukuha ni isang kusing sa inyo kaya ang mainam patayin na lamang kayong lahat!" Galit na wika pa nito.
Talagang nakakatakot ang itsura nito dahil napakabangis ang anyo, animo hindi sila bubuhayin.
"At sisisihin mo pa talaga akong babae ka?! Pasabugin ko nalang bungo mo gusto mo?! Nagpakahirap pa kami sa inyo iyon pala wala naman pala kayong balak tubusin ng pamilya ninyo dapat lang talaga sa inyo ibaon ng buhay dito sa kabundukan!" Galit na galit na singhal pa nito sa kanila.
"Boss bigyan na na lamang natin sila ng palugit sa maghapong ito hanggang kinabukasan ng alas-sais ng umaga kung hindi pa magbigay ng ransom money iisa-isahin natin silang patayin pugutan ng ulo kung kinakailangan para magtanda ang mga pamilya ng mga ito. Pero syempre hindi ko mapapahintulutang makasama ang aking mahal. Aasawahin ko sya. Bonus mo na siya sa akin di ba Boss?! " suhestyon naman ni Bogart sa pinuno ng bandido at pasimpleng sinabi pa nito na magiging pag-aari nito si Ellen.
"Hayop, akala mo naman papatol ako sayong demonyo ka mas nanaisin ko pang mamatay kaysa sa maging asawa mo!" galit na turan dito ni Ellen.
"Woiii ganyan ang gusto ko sa babae palaban. Ang sweet naman ipagpatuloy mo lang yan mahal, gusto ko yang ganyan kapag magkasama na tayo sa iisang bahay. Gusto ko yung palaban!" nakangiting wika nito. Hindi alintana ang pagtataray dito ni Ellen tila ikinatuwa pa nito ang pagtataray ng babae.
"Taas naman ng pangarap mo, para namang papatol ako sayo napaka pangit mo na nga sama pa ng ugali mo!" singhal ulit dito ni Ellen pero inawat ito ng asawa dahil marahil nangangamba na baka may gawing masama pa dito ang lalaki.
"Sige, sige, pagbigyan na lamang natin sila ng palugit kung wala talagang magbayad ng ransom money pasensyahan tayo. Mamatay kayo kapag hindi nagbigay ng ransom money ang mga kamag anak nyo at kayo binabaan ko na nga ginawa ko ng 200,000 tapos wala pa rin daw mga hayop." dismayadong dismayadong wika naman ng pinuno.
Ang mga bata naman na sina Marilag at Arlott ay takot na takot sa mga ito. Kaya niyakap na lamang niya ang kanyang anak.
"Hayaan mo lang Boss, gagawa at gagawa ng paraan ang pamilya ng mga iyan. Imposibleng hayaan silang mamatay dito kaya wag kayong mag-alala kahit papaano meron at meron tayong mahahawakang pera kaya simplehan mo lang Boss mapapa sa atin din ang milyones," tila nakakaloko namang wika ng lalaking si Bogart sabay ngisi kay Ellen.
Samantala sa kapatagan.
Naghahanda na ang grupo ng mga militar sa pag-akyat sa bundok ng Dulang dulang kung saan pinagkukutaan ng grupo ng mga bandidong bumihag ng mga bakasyonista sa isang sikat na Resort sa Bukidnon. Kinuha muna nila ang information ng mga biktima sa resort at nagreport na rin ang pamilya ng mga ito na humingi ng ransom money ang mga kidnappers. Ang pamilya ng mga Binetiz ay walang kakayahang magbayad ng ransom money pero ang pamilya ng Ortiz ay may kakayahan dahil mayaman ang pamilyang ito sa kamaynilaan ngunit hindi nagbigay ang ama ng mga biktima ng ransom money.
Minabuti nito na ireport sa kinauukulan ang nangyaring pag kidnap kaya ngayon ay magsasagawa sila ng operasyon. Maging ang Resort ay nagreport na rin ngunit inaabot pa ng 24 hours bago inireport na nawawala ang pamilya.
Matapos matiyak ang impormasyon tungkol sa mga biktima na bihag ng mga bandido ay tumulak na patungong sa kabundukan ang grupo ng militar.
Hindi nila kabisado ang daan ngunit meron silang tour guide na kinuha sa resort na iyon para matunton nila ang pinagkukutaan ng grupo.
Masukal, madamo at matarik ang daan. Ilang sapa at matataas sa talahiban ang kanilang dinaanan maging ang mga kagubatan ngunit parang walang katapusan ang kanilang inaakyat. Pero patuloy pa rin para mailigtas ang mga bihag.
Samantala isang tauhan sa resort ang palinga-linga sa paligid sabay kuha sa isa sa mga kalapati sa loob ng isang kulungan na nasa likuran ng resort. May iniipit itong kung ano sa paa ng kalapati tsaka pinalipad nito iyon.
Natitiyak kasi niya na na nasa panganib ang kanyang mga kasamahan at sa pamamagitan ng kalapati na ginawa na nilang mensahero ay mabibigyan niya ng babala ang mga ito. Una na siyang nagpadala ng mensahe sa walang balak magbitaw ng ransom money ang pamilya ng mga nadukot pero nagulantang siya ng dumating ang grupo ng mga militar. Alam na pala ng mga ito ang tungkol sa dalawang pamilyang nawawala.
Ang lalaking ito ay si Ka Lito isa sa kasamahan ng grupo at siya ang tour guide na sumama sa pamilya Ortiz patungo sa campsite ng resort. Pero ang totoo tinimbrehan na niya ang kanyang mga kasamahan na mayaman ang pamilyang iyon hindi lang niya maintindihan kung bakit may nadamay pang isang pamilya at sa tingin niya ay walang kakayahang magbayad.
Siya ang nagdadala ng maaaring kidnapin ng grupo at siya din ang nakikipag transaksyon sa pamilya ng mga ito lalo pa at may access siya sa information ng mga guest. Ngunit ang magulang na lalaki ng pamilya Ortiz ay matigas. Hindi ito nagbigay ng ransom money, akala niya ay nagmamatigas lamang nung una ngunit iyon pala ay nagtimbre na sa mga militar at maging ang may-ari ng Resort ay nagtimbre na rin.
Kaya wala na siyang magawa kundi ang balaan na lamang ang kanyang mga kasamahan dahil natitiyak niya na dehado ang mga ito lalo na at marami ang militar na umakyat sa bundok. Triple sa dami ng kasamahan niya.
ITUTULOY