INOSENTE: 6

2002 Words
"Tangina bilisan nyong kumilos!" galit na sigaw ng pinuno ng mga bandido sa mga kasamahan dahil dumating ang babala ng kanilang kasamahan na nagtatrabaho sa resort. Patungo na daw ang mga militar sa kanilang pinagkukutaan at tiyak na malilipol sila dahil sa dami ng mga ito. Halos umusok ang ilong niya sa sobrang galit. Kung minamalas ka nga naman, akala niya ay pera na, iyon pala naging bato pa at mukhang mapapahamak pa ang grupo niya. Kaya naman minabuti niyang mag-anunsyo na lilikas sila kasama ang mga bihag. Isinumplong pala sila ng pamilya ng mga ito kaya nanggagalaiti talaga siya dahil sa ginawa ng pamilya ng mga bihag ay bibigyan niya ng leksyon ang mga ito. Titiyakin niya na habang buhay na pagsisisihan ng pamilya ng kanilang bihag ang mangyayari sa mga ito. Yung tipong sa bawat pagpikit ng kanilang mga mata ay maiisip ng mga ito na kung sana lang ay nagbigay ng ransom money hindi iyon sasapitin ng kapamilya nito. Napangisi siya habang nakatingin sa dalawang mag-anak na noon ay nagmamadali na rin para sa kanilang pagtakas walang kaalam-alam ang mga ito sa trahedyang kanilang sasapitin. Minabuti niyang lapitan si Bogart at sinabi dito ang kanilang plano. Sumang-ayon ito pero iyong tatlo lang daw dahil tinamaan yata talaga doon sa isang babae. Hinayaan na lamang niya ito, total pwede rin naman niyang tikman anytime iyong babae. Samantala. "N-Natandaan mo ba iyong pinag-uusapan natin kanina sa may kweba Arlott?" nanginginig ang boses na tanong ni Nelly sa batang si Arlott. Hindi niya akalain na magkakatotoo ang iniisip niya kanina na magkakaron ng kaguluhan at baka kailanganin nila ang kweba. Mabuti na lamang talaga at lagi siyang handa ngunit hindi niya kayang tanggapin na ngayon ay magkakahiwalay na sila ng kanyang anak hindi niya alam kung magkikita pa silang muli. "Opo Tita Nelly, alam ko na po isasama ko po si Marilag doon ko sa kweba na nakita natin," sagot naman sa kanya ng batang paslit. "Very good, napakatalino talaga ng Kuya Arlott namin. Pagdating nyo doon, magtago kayo ha. Galingan nyong magtago para hindi kayo makita ng mga bad na yan," nakangiting wika niya sa bata tsaka hinaplos ang buhok nito. "Ako po Mama magaling po ako magtago!" Tila tuwang-tuwa pang wika ng paslit na si Marilag. Naluluha tuloy siya kasi dahil sa ka-inosentehan nito hindi nito alam na baka ito na ang huling pagkikita nila. "Sigurado ka ba talaga dito Nelly? Paano natin magagawang mapatakas ang mga bata?" Tanong naman ni Ronald sa kanya? "Ganito ang gagawin natin mamaya kailangang gumawa tayo ng komisyon na apat para magkaroon ng pagkakataon ang ating mga anak makatakas. Bibilang ako ng tatlo at magsisimula tayong atakihin sila. Kung pwede lang na mabihag sana natin ang pinuno maaaring makatakas tayong lahat pero sa dami nila natitiyak ko na hindi natin magagawa iyon. Kailangan lamang natin makagawa ng paraan para makatakas ang mga bata kaya lang sa gagawin natin ito ay lubhang mapanganib. Hindi natin alam kung ano ang gagawin sa atin ng mga bandidong iyan. Pero handa akong ibuhos ang aking buhay makatakas lamang ang mga bata." mahabang pahayag niya sa mga ito. "Tama kung hindi tayo kikilos lahat tayo mamamatay, siguradong damay pati ang mga bata. Kaya hiling ko na lamang makaligtas ang ating mga anak." sang-ayon naman ni Ariel sa suhestiyon niya. "No, hindi ako papayag ayoko. Delikado para sa mga anak natin paano kung hindi sila matagpuan ng mga militar? Mamamatay din sila sa kagubatang ito kung sila lang ang maiiwan paano na sila pag nawala tayo?" umiiyak naman na wika ni Ellen. "Makaka-survive sila, magtiwala lang tayo sa anak mo at tiwala rin ako sa anak ko kahit na bata pa sila alam ko na maaasahan ang anak mo. Ipagdasal na lamang natin sila na matagpuan sila ng mga sundalo dahil mas delikado pag isinama pa natin sila hindi natin alam kung ano mangyayari sa atin doon. Paano kong maabutan tayo ng mga militar at magkaroon ng putukan. Paano kung hindi tayo mabuhay doon at madamay pa ang mga bata hindi rin natin alam kung ano ang pinaplano ng hayop na pinuno ng bandido na yan kasi kanina pa talaga ako kinakabahan. Hindi ko alam kung ano ang kabang ito pero lalo na akong natakot ng sabihin nitong walang ransom money. Iba ang ikinikilos ng pinuno ng mga bandido panay din ang tingin niya sa atin na tila hindi tayo bubuhayin kaya kung nais mong mabuhay pa ang mga bata sundin mo ang nais ko. Para sa ikabubuti ito nila!" Matatag na pahayag niya dito kahit ang totoo bibigay na rin siya. Nais niyang ipaintindi dito ang kanyang nais dahil iyon lamang ang nakikita niyang paraan para makaligtas ang kanilang mga anak. "Sumama nalang kaya tayo sa kanila, 'di ba sinabi mong iyong kweba ay hindi nila basta-basta makikita kung nasaan iyon. Kaya sumama na lang kaya tayo, h-hindi ko kasi kayang iwan ang aking anak siya ang buhay ko, h-hindi ko hahayaang mag isa siya sa kagubatang ito!" umiiyak na wika ulit ni Ellen. Kung ito ang malakas kahapon sa kanila ngayon down na down na talaga ito dahil sa nangyari dito. Pero kailangang niyang maging matatag para sa kanilang lahat. Hindi maaari ang nais nito na sumama sila dahil natitiyak niya na tutugisin din sila ng mga bandido dahil mahahalata ng mga ito kung aalis silang lahat at batid niya na hindi na sila bubuhayin ng mga ito pati na ang mga bata ay madadamay pa. "Hindi tayo sasama sa kanila Ellen, gagawin natin ang lahat para mailigtas silang dalawa at pag sumama tayo natitiyak ko na pati sila ay madadamay. Mabuti na iyong bago nila mapansin na wala na ang mga bata ay nakalayo na ang mga ito at hindi na nila makikita pa at iyon lang ang magagawa natin bilang mga magulang na hindi mapahamak ang ating mga anak. Kaya pumayag ka na, kung talagang mahal mo ang anak mo gagawa at gagawa ka ng paraan para hindi ito mapahamak." muling wika niya dito. Gusto man niyang umiyak ng umiyak dahil sa sobrang sakit para sa kanya na mawawalay na siya sa kanyang anak. Hindi na niya alam kung makikita pa niya itong muli pero kailangan niyang tatagan ang kanyang loob kung nais nila na mabuhay pa ang nag-iisa niyang baby. Lumapit si Ariel sa anak nitong si Arlott at mahigpit na niyakap ito saka hinubad ang kwintas na ginto at may pendant na square saka isinuot iyon sa leeg ng anak nito. Nakangiting binuksan nito ang pendant na square na nabubuksan pala iyon, makikita sa loob niyon ang picture nito at picture ng mommy ni Arlott habang karga-karga ang baby na natitiyak niya na si Arlott iyon. Hindi tuloy niya maiwasan ang mapahagulhol dahil sa isipin na mabuti pa si Arlott makikita pa nito ang mga magulang at maalala nito ang mukha ng mga magulang nito. Pero paano siya, walang maiiwan sa anak niya. Sana lang talaga matunton ang kanyang pamilya ang anak nila At sana lang ma rescue ng mga militar ang mga ito para naman kahit papaano makikita nito sa kanilang bahay ang mga picture nilang dalawa ng Daddy nito kasama si Marilag. "Anak lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka na Mommy at Daddy. Natatandaan mo ba iyong sinasabi ko sayo na big boy ka na?" madamdaming wika nito ito sa anak, bahagya namang tumango ang batang si Arlott "At dahil big boy ka na ikaw na ang bahalang mag-alaga pansamantala kayo Marilag ha. Gawin mo ang lahat para maprotektahan siya at ikaw din. Mangako ka sa akin na kahit anong mangyari mabubuhay kayong dalawa. At kapag may nakita kayong mga tao na nakasuot ng uniporme ng sundalo di ba katulad ng pinapakita ko palagi sayo. Sa kanila kayo lumapit dahil tutulungan nila kayong maka balik sa Manila. Basta maingat ka sa pagkilos. At lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka namin ng Mommy mo. Ikaw ang lalaki kaya dapat matatag ka para maalagaan mo si Marilag." mahabang pahayag nito sa anak. Mababakas ang pagaralgal ng boses nito at maging ang luha nito ay namamalisbis na sa mga mata nito mahigpit na niyakap ang anak. Patuloy naman sila sa mahinang paghikbi na dalawa ni Ellen maging ang kanyang asawa na si Roland ay umiiyak na rin at hindi nito binibitawan ang pagkakayakap sa kanilang anak. "Mama, Papa, bakit po kayo umiiyak?Tahan na po kasi mag tagu-taguan lang po kami ni kuya eh." Wika ng paslit na hindi alam ang nakaambang panganib. "Anak galingan mong magtago ha. Hindi ba pag nag tatago- tagoan tayo sa bahay hindi kita agad nahahanap kasi napakagaling mong magtago. Ngayon magtatago-taguan kayo ni Kuya Arlott mo ha, magtago kayo ng maayos ha yung hindi namin kayo mahahanap. Basta lagi mong tatandaan na mahal na mahal ka ni mama at papa ha." umiiyak na wika niya sa anak tsaka mahigpit ulit ito ng yakap. Niyakap din sila ng asawang si Roland at gano'n din sina Ellen at Ariel sa kanilang anak na si Arlott. "Ano ba sobrang tagal niyo! Bilisan niyo na diyan Ano pa bang ginagawa niya gusto niya na maabutan pa tayo dito mga sundalo! Hoy kayong mga bihag may balak pa ba kayo o patayin nalang kaya namin kayo dito lahat!" galit na Sigaw ng pinuno sa kanila kaya minabuti ni Nelly na lumapit na sa grupo Pero kasama pa rin nila ang mga bata mamaya sa pag-akyat nila gagawa silang apat ng komosyon para makatakas ang mga bata. "Ano ba?! Sobrang tagal niyo! BIlisan niyo na diyan, ano pa bang ginagawa niya gusto ninyo na maabutan pa tayo dito ng mga sundalo! Hoy kayong mga bihag may balak pa ba kayong sumama o patayin nalang kaya namin kayo dito total wala naman kayong pakinabang!" galit na sigaw ng pinuno sa kanila. Kaya minabuti ni Nelly na lumapit na sa grupo, pero kasama pa rin nila ang mga bata mamaya sa pag-akyat nila gagawa silang apat ng komosyon para makatakas ang mga bata. "Magpaiwan ang tatlo doon dito kayo sa may bandang kanan para maaari niyong tambangan ang mga hayop na militar na iyan para kahit papaano ay maantala sila sa pagtugis sa atin." wika pinuno ng mga bandido. "Ako na ang magpapaiwan boss. Sama ko tong dalawa dahil ako ang bahala sa mga hayop na yan titiyakin ko na hindi tayo matutunton ng mga demonyong yan. Akin na itong granada ninyo, titiyakin ko na mauubos ang mga hinayupak na yan kaya wag ka ng mag-alala boss basta ingatan mo na lang ang baby ko. Alam mo naman kahit sya lang premyo okay na sa akin." nakangising wika ng tinatawag nitong Bogart tsaka kinuha ang isa pang armalite na nakasukbit sa balikat ng pinuno ng mga bandido pati na ang ilang granadang slnasa may bewang nito. Lihim naman silang natuwa dahil mukhang hindi sila mahihirapan na manlaban sa grupo dahil nabawasan ng tatlo. Bahagya pa lamang sila nakakalayo sa lugar na pinag tigilan nila ay suminyas na siya sa kanyang mga kasamahan na isagawa ng kanilang plano. Agad na sinugod ni Roland ang pinuno ng mga bandido. Sumunod naman si Ariel, sinugod nito ang isa pa. Pasalamat na lamang talaga sila at hindi sila itinali kanina. Kaya naman naka panlaban talaga sila, umatake din si Ellen at maging siya sa dalawa pang kalalakihan. Ginawa nila ang lahat para mawala ang atensyon ng mga ito sa kanilang mga anak. Agad naman niyang sinenyasan si Arlott na umalis na kasama ang kanyang anak na si Marilag tumalima naman ang dalawang paslit tumakbo pabalik sa kuta ng mga bandido dahil doon lamang umabot ang mga batong ginawa niya ang palatandaan para matunton ng dalawang bata ang kwebang pagtataguan ng mga ito. Pero sa totoo lang takot na takot silang lahat ngunit laking pasalamat nila nang ma-corner ni Roland ang pinuno ng grupo naagaw niya ang hawak-hawak nitong kwarenta y cinco na baril. Mabilis nitong itinutok iyon sa sentido ng pinuno kaya naman natigilan ang lahat. Kaya naman nakahinga sila ng maluwag dahil may pagkakataon silang makatakas. ITUTULOY
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD