"Sa tingin ko malapit na tayo sa pinagkukutaan nila. May umuusok pa sa banda roon! Men! Bilisan natin!" wika ng Sergeant na namumuno sa operasyon na iyon. Nagmadali na silang maglakad patungo sa lugar kung saan nila nakikita ang bahagyang usok. Ngunit naging maingat sila sa pagtungo doon, naging mapagmatyag sila at nakikiramdam sa paligid dahil hindi nila alam kung bigla na lamang silang tambangan ng kalaban. Ngunit hanggang sa makalapit sila sa mismong lugar ay wala namang naging problema. Iyon nga lang mukhang nakatunog ang mga bandido dahil halatang kakalikas lamang ng mga ito dahil nga may apoy pa sa pinakang lutuan ng kuta. "Men, search the area!" Maawtoridad na utos niya sa mga tauhan. Ilang sandali pa at nagsibalik na ang mga kumilos na tauhan niya para icheck ang buong kapali