"Sige subukan ninyong kumilos nang masama at pasasabugin ko ang ulo ng boss ninyo!" galit na sigaw ni Roland.
Agad na kinuha ni Ariel ang baril ng isa sa mga lalaki at gano'n din ang ginawa ni Ellen at ni Nelly, kinuha nila ang baril ng mga ito.
"Hayop ka! Walang hiya ka! B-Binaboy mo ako! D-Demonyo ka papatayin kita!" Galit na galit na sigaw ni Ellen, halos maiyak na ito sa sobrang galit.
Hinayaan na nila kung ano ang nais gawin ni Ellen sa hayop na pinuno ng grupo. Napansin niya na tila pipigilan sana ito ng asawa pero pinigilan ni Nelly ito at sinabing hayaan na lamang ang asawa sa nais nitong gawin. Kaya naman ilang sandali lamang ay ikinasa ni Ellen ang hawak-hawak nitong kwarenta y cinco na baril at itinutok iyon sa pundilyo ng lalaki. Napansin niyang takot ang bumakas sa mukha ng pinuno pero napangiti na lamang siya dahil hahayaan niya si Ellen na ang gumawa ng paraan para maiganti nila ang kahayopang ginawa nito sa kanila.
"Anong binabalak mong gawin, wag mong tangkaing iputok iyan sa akin dahil kung hindi siguradong mauubos kayong lahat kapag ginawa mo iyan!" galit na singhal ng pinuno. Ang kapal talaga ng mukha, malakas pa rin talaga ang loob kahit na nakorner na nila ito.
"Ah gano'n matapang ka pa rin na kahit na hawak na namin ang alas ngayon, balak mo pa talaga na sisindakin mo pa rin kami!" nakangising wika ni Ellen tsaka itinutok nito ang baril sa pundilyo ng lalaki.
"Putang*na mo anong balak kong gawin ha tangina!" nahihintakutang wika ng lalaki.
Ngumisi naman si Ellen at walang babalang binaril ang nasa pagitan ng hita nito halos umarangaw ito sa sobrang sakit na nararamdaman, nagsisigaw ito at napaluhod dahil sa sobrang sakit.
Pero hawak hawak pa rin ito ni Roland at nakatutok pa rin sa bunga nito ang baril.
Wala namang magawa ang mga kasamahan ng dahil nakatutok naman ang baril ni Nelly at ni Ariel sa mga ito.
"Hayop ka napakababoy mo papatayin kita ng demonyo ka!" Galit na galit na sigaw ni Ellen at walang awang pinagbabaril nito ang demonyong pinuno ng mga bandido. Hindi sila mamamatay tao, kahit nga ipis ay naawa pa siyang patayin pero ngayong nakita niya kung paano tadtarin ng bala ni Ellen ang katawan ng demonyong pinuno ng mga bandido parang na satisfied pa siya. Para sa kanya kulang na kulang pa iyon pero at least nakaganti na sila sa kahayupang ginawa nito sa kanila.
Sa sobrang gigil ni Ellen at dahil siguro sa pinagagawa ng hayop na ito sa babae ay paulit-ulit pa nitong binaril sa dibdib ang lalaki hanggang sa tuluyan na itong matumba at nawalan ng buhay. Sumuka pa ito ng dugo na tila manok na hinahabol ang hininga ni hindi siya nakaramdam ng awa para sa lalaki. Parang ang nais pa niya itong duraan at pagtawanan.
Maya maya ay tila natauhan si Ellen parang biglang nawala ang galit nito, tila nahihintakutang napatingin ito sa dalawang kamay nito. Nabitawan nito ang hawak hawak na baril at saka napatingin sa kanya na bahagyang nanlalaki ang mga mata. Takot na takot ito, agad naman itong niyakap ng asawang si Ariel at sinubukang pakalmahin dahil nagsisisigaw na ito na tila nawawala sa sarili. Marahil hindi nito matanggap na nakapatay ito ng tao pero hanga siya sa lakas ng loob nito dahil nagawa nito iyon sa lalaki.
"Kumalma ka lang honey, naipaghiganti mo na rin ang sinapit ninyo ni Nelly kaya okey lang iyon. Nararapat lamang sa kanya iyan huwag ka nang makonsensya tama lang yan sa kanya." masuyong wika dito ng asawa at saka hinalikan ito sa noo at mahigpit na niyakap habang patuloy na umiiyak si Ellen.
Nang bitawan ito ng asawa ay niyakap naman niya ito at umiyak ng umiyak sa balikat niya. Nag-iyakan silang dalawa dahil sa wakas naipaghiganti na rin nila ang sinapit nila dito.
Ang mga kalalakihan naman na natira ay nakatingin lamang sa kanila at tila hindi rin matanggap ang sinapit ng boss ng mga ito mula sa kamay ni Ellen. Pero wala namang magawa dahil nakatutok ang baril niya sa mga ito pati na ang baril ng kanyang mahal na asawa dahil magkamali mali lang sa paggalaw ang mga ito ay titiyakin niyang sasabog ang ulo ng mga ito.
Hindi siya papayag na manganib ang buhay nilang apat lalo na ngayon may pagkakataon na sila na masundan ang kanilang anak sa kweba. Sana lang dumating na lang din ang mga militar para mahuli na ang mga hayop na kasama ng pinuno.
Medyo nakakainis lang dahil bakit late nang dumating ang tulong, tapos nagawa na nilang pumatay dahil hanggang ngayon wala pa rin ang mga ito. Ilang beses nang nanganib ang kanilang buhay pero wala pa ring tulong na dumarating. Hanggang ngayon ba naman na last chance na nila wala pa rin ang mga ito. Narinig niya na paparating na ang mga militar pero bakit hanggang ngayon wala.
Kung tutuusin kayang-kayang manlaban ang mga kalalakihan sa kanila dahil anim ang mga ito pero buti na lang mukhang nasindak sa ginawa ni Ellen na pagpatay sa pinuno ng mga ito, naisip siguro ng mga ito na kaya din pala nilang pumatay.
Nasa kanila naman na ang lahat ng baril ng mga ito kaya safe sila na umalis sa lugar na iyon para sundan ang kanilang mga anak. Kaya naman nagkaroon sila ng pag-asa na makakauwi pa ng buhay sa kanilang mga tahanan kasama ang kanilang anak.
Ngunit paalis na lamang sila ay biglang may umalingawngaw ng putok ng baril mula kung saan kasunod niyon ang pagbagsak ng kanyang asawang si Roland. Gulat na gulat sila dahil duguan sa may parteng dibdib nito.
Agad na nawala siya sa focus dahil dinaluhan niya ang kanyang mahal na asawa pumalit naman ay si Ellen at ang asawa nitong si Ariel pero muling tumimbuwang na lamang si Ariel nang hindi nila alam kung saan nagmumula ang putok ng baril.
Halos mapasigaw si Ellen at pumalahaw ito nang iyak ng makita ang kanyang asawa na nakahandusay sa lupa at tila wala nang buhay.
"Mga hayop kayo! Hayop! Wala kayong awa pati asawa ko!" halos mabaliw-baliw na ito sa kakasigaw, siya naman ay kinakausap niya ang kaniyang asawa nakikiusap siya dito na wag pipikit dahil hindi katulad ni Ariel ay humihinga pa ang kanyang asawa. Si Ariel ay sa ulo tinamaan kaya agad na nawalan ito ng buhay.
At dahil sa nawalan sila ng focus na dalawa, muling sinunggaban sila ng mga kalalakihan na tauhan ng pinuno at kinuha ang kanilang mga baril.
Nanggagalaiti ang mga ito, hindi pa nasiyahan ang isang lalaki sa pinagsisipa pa siya nito at sinapak. Kaya naman napahandusay siya sa katabi ng kanyang asawa. Sobrang sakit pero hindi niya iyon alintana, mas nag-aalala siya sa kaligtasan ng kanyang asawa pero wala siyang magawa kaya naman napapikit na lamang si Nelly. Hinayaan niyang umagos ang masagana niyang luha.
Nagulat na lamang siya ng sapilitang hinila si Ellen mula sa pagkakayakap sa asawang wala nang buhay nagwala ito at nag-iiyak pero wala itong nagawa ng kubabawan ng isang bandido at tila nais pang gawan kahayupan.
Maya-maya ay bigla ring tumimbwang ang lalaking nakakubabaw kay Ellen kasunod niyon ang pag litaw mula sa damuhan ni Bogart at nakangisi itong lumapit sa kanila.
"Tangina uunahan mo nanaman ako demonyo ka! Tama lang yan sayo mamatay ka na!" galit na turan nito sa lalaking kasamahan nito na binaril sa ulo kaya tumimbuwang ito at wala na ring buhay.
Sobra sobra ang kaba niya sa paglapit nito dahil tiyak niyang nanganganib silang dalawa ni Ellen ngunit nagulat siya nang tila ikinatuwa pa nito na makitang patay na ang leader ng grupo.
"Iyan ang napapala nang masyadong gahaman! Pwe! Buti nalang hindi na ako ang gumawa niyan sayo!" tila demonyong wika pa nito. Dinuraan pa ang wala nang buhay na katawan ng pinuno ng grupo.
"Boss Bogart sa wakas, wala na ang mayabang na pinuno natin kaya ngayon ikaw na ang aming pinuno!" maluwang ang pagkakangiting wika ng isang miyembro ng grupo. Halatang sipsip ang lalaki na ngayon ay itinuturing nang bagong pinuno ng grupo.
"Buti na nga lang malakas ang loob nitong aking reyna siya na ang mismong kumitil sa buhay ng hayop na yan!" nakangising wika ni Bogart at hinawakan si Ellen na noon ay nakahandusay pa rin.
Pero nagpumiglas dito at umiwas sa pagkakahawak ng lalaki si Ellen tila diring diri ito. Siya naman ay pilit na kinakausap ang kanyang asawa sinasabi na wag itong matulog dahil malalim ang tama nito sa may dibdib. Tila hirap na hirap itong huminga at umaagos na nga rin ang luha sa mga mata kahit siya ay hindi rin maampat ang mga luha at awang-awa sa mahal na asawa.
"Lumaban ka asawa ko, hahapin pa natin ang anak natin kaya please lumaban ka huwag kang susuko." Umiiyak na pakiusap niya dito.
"Huwag mo akong hawakan hayop ka! Pinatay mo ang asawa ko demonyo ka! Wala kang kwenta, walang hiya ka!Demonyo!" umiiyak sa galit na sigaw ni Ellen sa lalaki. Tumayo si Ellen at pinagsusuntok nito sa dibdib ang walang pusong si Bogart na umasta na bilang leader ng grupo ng ngayon.
"Mahal ko wag ka nang magalit, ayaw mo non wala nang sagabal sa ating dalawa. Wala na ang pinuno namin at wala na rin ang hayop mong asawa. Wala ng kokontra sa atin dalawa kaya naman simula ngayon ikaw na ang reyna ng grupong ito." tila nahihibang na wika pa nito at ikinulong nito sa bisig si Ellen na noon ay wala nang magawa dahil mas malakas ang lalake.
Sinibasib ito ng halik sa labi ng hayop na si Bogart. Siya naman ay iyak na lamang ng iyak, ang mga kalalakihan naman na miyembro ng grupo ay nagkakaingay at tila tuwang-tuwa sa ginagawa ng kahayupan ng kasamahan ng mga ito.
Maya-maya ay napasigaw si Bogart, iyon pala ay mariing kinagat ni Ellen ang labi nito. Dumugo iyon, sa sobrang galit nito at dahil marahil sa nasaktan sinapak nito sa Ellen bumagsak ang babae sa lupa na tila nahilo sa lakas ng pagkakasapak ng lalaki.
"Ah gano'n ha masyado kang pakipot sa akin! Teka may binilin nga pala sa akin ang aming pinuno at mukhang maisasakatuparan ko na ngayon para naman masindak din ang mga demonyong militar na makakakita sa kanila!" tila demonyong wika nito at nakangisi pang tumingin sa kanilang dalawa.
Hinugot nito ang tila isang karit na nasa may bewang nito napakatalas ng talim niyon, kumislap pa ng tumama sa sinag ng araw maya-maya ay walang pakundangang lumapit ito sa walang buhay ng si Ariel at walang awa nitong pinugot ang leeg ng lalaki. Sindak nasindak silang dalawa ni Ellen sa ginawa ng hayop na si Bogart halos magsisigaw si Ellen at halos mabaliw-baliw ito paulit-ulit nitong isinisigaw ang pangalan ng mahal na asawa na noon ay pinugutan ng ulo ng hayop. Sumisirit pa nga ang dugo mula sa naputol nitong ulo at leeg itinaas pa ng hayop na si Bogart ang ulong putol ni Ariel.
At halos ikabaliw niya ng magsimulang lumakad si Bogart papalapit sa kanya iniisip niya na siya ang pupugutan na nito ng ulo pero mas gugustuhin niya iyon kesa makitang gano'n ang gagawin nito sa kanyang asawa. Ngunit marahas lamang siya nitong tinabig mula sa gilid ng kanyang asawa, dahil sa lakas si Nelly ay napahiga sa lupa.
Ang mahal naman niyang asawa at hinawakan nito sa buhok.
Kitang-kita niya ang panlalaki ng mga mata ng kanyang asawa at tila nais nitong sumigaw at gustong magmakaawa ngunit hindi ito makapagsalita dahil sa nanghihina na rin ito. Buhay pa ang kanyang asawa pero ang hayop na Bogart na ito ay mukhang tutuluyan na ito.
Mabilis siyang bumangon mula sa pagkaka handusay sa lupa at sinugod niya si Bogart para mapigilan ito sa gagawin. Wala na siyang pakialam kung mamatay na din siya mas gugustuhin niyang mauna na lang kaysa makita ang kanyang asawa na pupugutan nito ng ulo.
Ngunit agad na sinenyasan nito ang dalawa nitong tauhan at pinahawakan siya para hindi siya makapag wala at kasunod niyon ay ang walang pangingimi nitong ginilitan ang leeg ng kanyang mahal na asawa. Narinig pa niya ang pag- igik ng kanyang asawa dahil sa ginawa nitong paggilit sa leeg nito. Kasunod niyon ang pagsirit ng dugo mula sa leeg nito.
Tila sumabit pa nga sa buto ng leeg nito kaya nahirapan itong tuluyang maputol ang leeg ng kaawa-awa niyang asawa. Dinig na dinig pa niya ang pag lagatok ng buto sa leeg ng kanyang asawa ng tuluyan na nitong maputol ang leeg niyon mula sa katawan. Halos mabaliw siya sa kasisigaw parehas sila ni Ellen na parang masisiraan na ng ulo dahil sa sinapit ng kanilang mga mahal asawa.
"Hayopppp! Hayooppp kaa!" malakas na sigaw niya sa lalaki pero wala siyang magawa dahil hawak hawak siya ng dalawang lalaking inutusan nito na hawakan siya. Tila nakakaloko pa itong iniharap sa kanya ang pugot na ulo ng asawa habang nakangisi.
ITUTULOY