Tila demonyong nagtatawanan pa ang mga miyembro ng grupo at maging si Bogart ay tila tuwang-tuwa pa dahil sa ginawa nito sa kanilang mga asawa. Pinakawalan si Nelly ng dalawang lalaking humahawak sa kanya at agad niya inaagaw ang pugot na ulo ng kanyang asawa mula sa kamay ng hayop na si Bogart. Halos ikabaliw nya nang mahawakan niya ang ulo ng kanyang mahal, niyakap niya iyon ng sobrang higpit tsaka lumapit sa katawan nitong pugot ang ulo at wala siyang pakialam kahit na maligo din siya ng dugo na sumisirit pa rin doon. Sobra-sobra ang paghihinagpis na kanyang nararamdaman ng mga sandaling iyon. Gano'n din si Ellen wala itong tigil sa kakaiyak na tila nababaliw na din ito habang yakap-yakap ang wala nang buhay na katawan ng asawa. Habang ang ulo naman ngayon ni Ariel ay nakalagay lamang